LOGINHindi siya sumagot. Tumitig lang, at sa klase ng tingin na iyon, parang bumaba ang guard niya.
At ewan ko ba, para akong hinihila papalapit. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanya.Gumanti siya. Saglit lang, but damn… parang may sumabog na fireworks sa dibdib.
Hinapit ko ang baywang niya.
“Jyrone…” Umatras siya, namula, saka tumikhim.“Let’s go. I’m hungry.”Narinig ko ang sinabi niya, pero para akong nabingi. Hinawakan ko ang labi ko na parang nahalikan ako ng diwata.
“Darling…” Lumapit ako sa kanya, hindi mapigilan ang ngiti. “You kissed me back, right?”
Hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat lang.
“Halika na,” bulong niya, tapos hinila niya ang braso ko.At nagpaubaya ako. Siyempre. Mahal ko, eh. Kahit saan niya ako dalhin, automatic na susunod ako.
Habang naglalakad kami palabas, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.
Siya naman, pasimpleng susulyap sa akin, tapos iiwas bigla kapag nahuli ko. Parang nakatikim ng bawal na masarap.Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayang nasa kotse na kami.
Pinagbuksan ko siya ng pinto. Tumingin siya saglit bago sumakay.
“Ano na naman?”“Nothing,” sagot ko, pinisil ang labi ko at ngumiti ng matamis. “Just… recovering from something traumatic.”
Umikot ang mga mata niya. Pero nakita kong napakagat-labi siya bago sinara ang pinto.
Lalo tuloy akong napangiti habang umiikot sa driver’s side.
Tahimik kami sa biyahe. Pero pareho kaming panay sulyap.
“We’re here…” sabi ko nang huminto kami sa Italian restaurant.
Agad akong bumaba para pagbuksan siya.
“Hindi mo naman ’to kailangan gawin…”Tumango ako at inilahad ang kamay ko.
“Yes, hindi kailangan, pero tungkulin ko ’to bilang boyfriend mo…”Napailing siya pero hinawakan ang kamay ko. Doon pa lang, panalo na ang gabi ko.
Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng waitress at inihatid sa mesa sa may bintana.
Nag-order ako ng steak for me, truffle pasta para kay Ferly, at isang bote ng mamahaling red wine.
Tapos na lang akong mag-order, sa labas pa rin siya nakatingin. Ako naman… sa kanya.
Nang ma-serve ang pagkain, saka lang siya tumingin sa akin. Ngumiti ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“For us, darling…” sabi ko. Itinaas ko ang wine glass. Glasses clinking habang nakatitig kami sa isa’t isa.“Let’s eat…” sabi ko, ngiti lang ang sagot niya.
Tahimik na naman siya. Sa pagkain lang naka-focus.
“Ferly,” sabi ko, nilapag ang kubyertos at tumitig nang seryoso. “Why did you disappear back then? Why didn’t you say goodbye?”
Huminto siya sa pagsubo. Napabuntong-hininga at umiwas ng tingin.
Sandali kong naipikit ang mga mata. Parang nagsisi akong nagtanong pa ako.
Pero mali ba na tanungin ko? Kung hindi ko kasi gagawin ’to, hindi ako matatahimik. Kaya lang, parang ayaw niyang pag-usapan.“It’s okay… ’di mo kailangan sagutin…”
Ibinalik niya ang tingin sa akin, may lungkot sa mga mata.
“My father died,” sabi niya. “Pinauwi kami sa probinsya. Tradition ng pamilya, kung saan ka isinilang, doon ka ililibing.”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“I’m sorry…”Ngumiti siya, pero may bigat pa rin sa mga mata niya.
“Ayos lang. Matagal na ’yon. Tanggap ko na. And Mama already moved on. May stepfather na nga ako. And he’s kind.”“Then why didn’t you come back? Why didn’t you contact me?”
Huminga ako nang malalim.
“Do you have any idea how miserable I was when you left?”Napahagikhik siya, parang hindi makapaniwala. Binawi pa ang kamay niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Jyrone… you? Miserable? Please. Ang bilis mong magpalit ng babae, parang nagbibihis ka lang. And besides, we were together for such a short time. We weren’t even attached.”Napakunot-noo ako.
“You weren’t attached,” sagot ko. “But me? I was very attached.”Napatingin siya sa akin, umangat ang mga kilay. Hindi na natuloy ang pagsubo at napakurap-kurap pa.
“Did you know my heart went with you when you walked away?”Tumawa siya nang malakas at nilapag ang kubyertos.
“Neknek mo. Sumama raw… para namang hindi ka nagmahal ng iba.”Napasimangot ako. Pinahaba ang nguso, parang batang nagtatampo.
“I won’t deny that…”Hinawakan ko ulit ang kamay niya.
“I thought I’d never see you again. Walong taon kang nawala. No updates. No trace. Nothing.”Tumingin siya sa kamay namin, saka muling tumingin sa akin.
“So your heart moved on?”Tumango ako, ilang beses.
“It moved. And thank God it did, because the woman I loved… ended up leading me back to you.”Nagkatinginan kami. Wala ni isang kumurap sa amin. Iyong tipong kami lang ang tao sa restaurant na ’to. Nawala ang boses ng mga tao, pati music, nawala.
Siya lang ang sentro ng mundo ko.“Kumain na nga tayo… lumamig na ’yong pagkain,” bulong niya, pulang-pula ang mukha.
“Would you like to take a walk before we go home?” tanong ko, umaasang oo ang sagot niya.
“Hindi na, gabi na… at saka may work pa bukas…”
Tumango na lang ako. Totoo naman ang sinasabi niya. Pero para kasing ayaw kong matapos ang gabing ’to. Kaya lang wala akong choice. Ayaw ko namang pilitin siya.
Pagdating namin sa apartment niya, sumandal ako sa pader habang binubuksan niya ang pinto.
“Good night, Jyrone,” sabi niya. “Ingat ka ha…”Hindi agad ako nakasagot. Pinapaalis na niya ako? Ayaw man lang ba niya akong imbitahin sa loob?
“Thanks for tonight…” dagdag pa niya.
Nakagat ko ang labi ko. Ayaw ko pa ngang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama. Pero ramdam kong natatakot siyang papasukin ako, na para bang may gagawin ako sa kanya.
Nakamot ko ang kilay ko. Ayaw ko ng ganitong setup. Ang gusto ko, maging komportable siyang kasama ako kahit kami lang dalawa.
“Ferly…” bulong ko.
Imbes na magpaalam ako, lumuhod ako sa harap niya.
“J-Jyrone?” Nabitawan niya ang hawak niyang bulaklak. “What are you doing?” Napalinga-linga siya. “Tumayo ka…”
Tumingala ako at hinawakan ang kamay niya.
“Ferly… marry me.”Nalaglag ang panga niya. Nanlaki ang mga mata.
“Are you serious?” tanong niya. “We just became a couple…”“I don’t care how long it’s been,” sagot ko. “We already lost years. I’m not wasting another second… Marry me, Ferly.”
Huminga siya nang malalim. Hindi mapirmi ang mga mata niya.
“Are you sure? Hindi kaya nabigla ka lang? What if you change your mind? What if you realize you’re not ready?”Umiling ako.
“I won’t. Never.”Pinisil ko pa ang kamay niya at inilapat sa labi ko.
“I’m sure. Wala na akong ibang gusto. Ikaw lang. Maski pa tumutol ang buong universe, ikaw lang ang pakakasalan ko.”Kumislap ang mga mata niya.
Tapos hinila niya ako patayo at ngumiti.“Yes,” bulong niya. “Pumapayag ako…”
“Talaga?” Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo.
Akin na siya. Sa wakas…“But…” dagdag niya, dahilan para matigil ang ngiti ko. Napabitiw rin ako sa kanya.
“Kaya mo kayang hingin ang kamay ko sa mga magulang ko…”Tumango-tango ako, muling ngumiti.
“Kayang-kaya… even if I have to face your entire clan, I’ll do it as long as they let me have you…”Dumeritso kami sa outpatient department. Maraming tao sa paligid, at amoy antiseptic ang hangin. Hindi ko alam kung bakit parang na-te-tense ako, gayong kanina ay ang yabang kong sabihing okay lang ako.Pero ngayong nandito na kami, napapadasal naman ako na sana nga wala akong malubhang pinsala sa katawan.Hawak ko ang kamay ni Ferly nang pumasok kami. Agad siyang binati ng nurse na kilala niya at tinanong kung ano ang nangyari sa amin.“Naaksidente po,” sagot ni Ferly.Habang si Calvin, tahimik lang na pinagmamasdan kami.Pinaupo kami sa magkahiwalay na exam beds na may manipis na kurtinang nagsilbing harang. Habang inaabot ng nurse ang mga form, ramdam ko ang sakit sa balikat ko sa bawat galaw. Pero pinilit kong huwag ipahalata ang discomfort. Matalas ang mga mata ni Ferly. Lahat napapansin.Ilang sandali pa, pumasok ang doctor. Kalbo, may suot na salamin, at may bitbit na chart. Isinabit niya ang stethoscope sa leeg at inilapag ang reflex hammer sa maliit na tray.“Neck pain?” tan
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Ferly.Masakit pa rin, ang sikip ng dibdib ko dahil sa titig niya kay Calvin. Tapos bigla siyang kumilos. Lumapit siya sa akin. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Ang lamig ng mga kamay niyang kumapit sa braso ko, pero wala pa rin sa akin ang tingin niya.“Calvin…” paos, nanginginig ang boses niya. “Nasaan sina Mama at Papa? Anong nangyari sa kanila?”Sunod-sunod ang patak ng luha niya, kasabay ng tanong niya.Napakurap-kurap si Calvin. Umawang ang labi, akmang magsasalita, pero hindi na natuloy dahil sa boses ni Ferly na parang sinisisi siya.Maging ako ay nagulat, at napatitig sa kanya.“Sinundo mo sila,” dugtong ni Ferly, basag na ang boses. “Ikaw ang nagpresenta na sunduin sila sa apartment. Sabi mo dadalhin mo sila sa hospital. Ligtas ba sila? Please sabihin mo sa akin na ligtas sila.”Doon ko na-realize.Hindi siya kay Calvin nag-aalala. Ang concern na titig na ginawa niya kanina aypara sa mga magulang niya.Kasabay ng p
Biglang pumutok ang airbags, malakas ang hampas noon sa mukha at katawan ko.Napasinghap ako, parang naubos ang hangin sa dibdib ko habang nalalanghap ang alikabok at ang amoy ng goma at kemikal mula sa airbag.“Sh*t,” narinig kong mura ni Leandro.Agad akong napalingon sa kanya. Hawak niya ang leeg niya, nakapikit, bahagyang nanginginig ang mga daliri. Mabagal ang galaw niya, pero rinig ko ang mabigat niyang paghinga na parang pilit niyang tinitiis ang sakit.“Are you okay?” tanong ko, paos ang boses.Tumango siya pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa leeg. “My neck… damn.”Masakit din ang batok ko. May kirot na gumagapang mula balikat pababa sa likod ko. Pero hindi ko maalis ang tingin sa kapatid ko. Kalalabas lang niya ng ospital, tapos heto at na-aksidente naman.Mabuti na lang at mabagal na ang takbo ko. Paliko na kasi kami, at ilang metro na lang ang layo sa Policarpio Corp. Kung nagkataong mabilis, hindi lang ganito ang inabot namin.Maya maya ay nagawa ko ring gumalaw. Binuks
Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang, parang natutuwa sa gulong kinasangkutan ko.“Bro…”Agad akong napalingon sa kapatid ko.Ang lungkot ng boses niya, bagsak ang balikat, halatang nanghihina, parang sisiw na basa.Pinisil ko ang balikat niya at nginitian siya ng tipid. Gumanti siya ng ngiti. “Salamat,” pero ang tamlay ng boses niya. “Kung hindi ka sumama, siguro nasa dilim pa rin ako. Siguro naloko na ako. Walang ka-alam-alam na pinaglalaruan lang pala ako.”Kumuyom ang kamao niya, pero wala na sa akin ang tingin. Nasa mga paa niya, mabagal ang kada hakbang.Kitang-kita ko ring tumiim ang panga niya, sabay mabilis na pahid ng luha sa gilid ng mata.Umakbay ako sa kanya. Hinila ko siya palapit sa akin, parang niyayakap niya ako pabalik, may kasamang gigil.“Wala ’yon. Masaya ako. Sa wakas, nabuksan na ang isip mo.” Tinapik-tapik ko ang likod niya. “Alam kong masakit, pero magiging okay ka rin.”Huminga siya nang malalim. “Oo. Masakit… wala e. Kasalanan ko. Nagbulag-bulagan ako.”Sa
Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napakamot ako sa ulo. Naalala ko ang pangako kong ako mismo ang susundo sa kanya sa araw ng discharge niya, pero nawala sa isip ko dahil sa kasal namin ni Ferly.Umupo ako sa tabi, pero seryosong titig ang sagot niya.“Sorry, bro… nawala sa isip ko…” Mahina ko siyang binangga sa braso. “‘Wag ka na magtampo, oh…”Tingin pa rin ang sagot niya, pero sa leeg ko nakatutok ang mata niya, at bigla niyang hinawi ang kuwelyo ko.Agad kong tinakpan. Sumenyas pa akong tumahimik siya sabay lingon sa likuran ko.“Kaya nakalimutan mo ako dahil—” Tinakpan ko ang bibig niya.“Sinabing tumahimik ka…”Inalis niya ang kamay ko at tumayo. “Why? Alam naman nila Mama at Papa ang tungkol sa inyo ni Ferly.”Naduro ko s
JyroneSabay kaming nagising sa tunog ng cellphone. Sabay gumalaw ang mga kamay namin. Nag-unat siya, pikit-mata, at inabot ang phone sa bedside table.Halatang antok at napipilitan pang gumalaw.Umupo ako at sinandal ang likod sa headboard. Siya rin, umupo at isinandal ang ulo sa balikat ko.Hinalikan ko ang noo niya. Ngiti ang sagot niya, kasabay ng senyas na tumahimik ako. Ipinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag.“Mama?” paos niyang sabi.Inalis ko sa tainga niya ang phone at pinindot ang loudspeaker.Gusto kong marinig ang usapan nila. Baka gagawa na naman sila ng paraan para mailayo sa akin si Ferly.“Napatawag ka po?” tanong ni Ferly.Hinawakan ko ang isang kamay niya, pinisil, saka hinalikan ang likod ng palad niya.“Gusto ko lang ipaalam sa’yo na nandito kami sa hospital.”“Huh? Bakit po?” tumaas ang boses ni Ferly. “Ano po ang nangyari?” Napaupo siya nang maayos. Hindi na mapakali. Halatang nag-aalala.Hinaplos ko ang kamay niya, sinubukang pakalmahin siya.“Walang nang







