Share

Chapter 4

Author: LadyinRed
last update Last Updated: 2025-04-10 06:08:23

Mukhang nakalimutan ni Lyra na i-block si Isabella sa kanyang social media account dahil nakita ni Isabella ang post niya.

Naningkit ang mga mata ni Isabella at napawi ang emosyon sa kanyang mukha.

Ang pares ng diamond earrings na ibinigay ni Adam ay ibinalik na kay Bree ngayong araw.

Para kay Adam, si Bree lamang ang mahalaga. Habang nakapikit si Isabella, gumuhit sa kanyang labi ang isang mapait na ngiti.

Lalakad na sana siya nang…

Biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong tiningnan at binasa ang bagong mensahe.

"Isabella, babalik na ako sa Pilipinas."

Itim ang avatar.

Mga initial lang ang nakalagay: "MES."

Ilang taon nang nasa contact list niya ang numerong iyon.

Anim na taon na rin silang walang komunikasyon.

Nanatiling tahimik si Isabella, kahit na may bigat siyang naramdaman sa paghinga.

Samantala, sa loob ng kumpanya ni Adam...

Alas-4:20 ng hapon nang matapos ang isang mabigat at mahabang meeting. Saka pa lamang nakalabas si Adam mula sa conference room. Saka rin niya naalala si Aaliyah nang paalalahanan siya ni Lyra.

Nagmadali siyang lumabas ng Kingsley Group of Company at agad sumakay sa kanyang sasakyan papuntang kindergarten.

Habang nasa loob ng sasakyan, hinilot ni Adam ang kanyang sentido. Bumigat ang tono ng kanyang boses.

"Bilisan mo," utos niya sa driver.

Napansin ito ng driver kaya maingat na sumagot, "Opo."

Plano ni Adam na puntahan si Bree matapos masundo at maihatid si Aaliyah kay Isabella.

Ngunit nabasag ang katahimikan nang tumunog ang kanyang cellphone. Lumitaw sa screen ang pangalan ni Bree.

Naningkit ang kanyang mga mata bago sagutin ang tawag.

Narinig niya ang nanginginig at humahagulhol na boses ni Bree mula sa kabilang linya.

"Adam… si Shaw-Shaw, bumubula ang kanyang bibig. Mamamatay na yata siya. Malubha na raw ang kanyang sakit, sabi ng doktor. Baka hindi na siya magtagal..." umiiyak na sabi ni Bree.

Si Shaw-Shaw ay alagang aso ni Bree — regalo ni Adam noong kaarawan niya. Ito ang kasa-kasama ni Bree noong sila'y magkahiwalay ni Adam. Ito rin ang naging sandalan niya noong siya'y dumaan sa depresyon.

Tinuring ni Bree na anak nila ni Adam si Shaw-Shaw.

Naningkit muli ang mga mata ni Adam at malamig na tinig ang lumabas sa kanyang bibig, “Papunta na ako. Huwag ka nang matakot.”

“No… pakibilisan, please,” nanginginig ang boses ni Bree. “Baka hindi mo na siya abutan…” dugtong pa nito sabay hikbi.

Dahil sa sobrang lungkot ni Bree ay halos bumagsak ito habang nagsasalita.

Biglang sumagi sa isip ni Adam ang umaasang mga mata ni Aaliyah. Naalala niyang gusto ng bata na siya mismo ang sumundo ngayon. Gusto niya sanang pawiin ang lungkot ng anak.

Ngunit sa huli, mas nanaig ang pag-aalala niya kay Bree kaysa kay Aaliyah.

Alam niyang hindi kayang mabuhay ni Bree nang wala siya.

“Sige, bibilisan ko para makarating agad.”

“Mag-U-turn ka. Sa Animal Hospital tayo pupunta,” utos niya sa driver pagkababa ng tawag.

Bahagyang natigilan ang driver pero agad tumugon, “Opo, Mr. Kingsley.”

Dali-daling nag-type ng mensahe si Adam at ipinadala sa kanyang sekretarya — siya na lamang ang inutusan niyang magsundo kay Aaliyah dahil may mas mahalaga siyang pupuntahan.

Pagkababa ng cellphone, napatingin siya sa espesyal na strawberry cake — inihanda ito ni Secretary Lyra para kay Aaliyah.

Upang hindi na niya ito makita, ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata.

Samantala, si Aaliyah...

Nakaramdam na siya ng lamig dahil sa malamig na hanging dala ng makulimlim na panahon. Nagsimula na ring umambon. Namumutla na siya. Tanging uniform at manipis na medyas lang ang suot niya.

Halos lahat ng kaklase niya ay nakauwi na.

May isang batang babae na paalis na sana, ngunit hindi napigilang magtanong:

“Aaliyah, sabi mo susunduin ka ng Daddy mo ngayon, di ba?”

Isang batang lalaki ang sumingit, nakangisi ngunit halatang nanunukso:

“Sinungaling 'yan e. Kailan ba siya nagkaroon ng ama? Nagsisinungaling lang 'yan. Huwag kayong maniwala diyan!”

Dahil sa narinig, nawalan ng kumpiyansa si Aaliyah at bumigat ang kanyang dibdib.

Nanatili siyang tahimik. Wala siyang napatunayan. Totoo naman ang sinabi ng batang lalaki — ilang school event na ang lumipas, at ni minsan ay hindi siya sinamahan ng ama. Samantalang ang ibang bata ay laging kasama ang parehong magulang.

Pagkatapos magsalita ng batang lalaki, agad siyang pinalo ng kanyang ama.

“Ano bang sinasabi mo?! Pasensya na po, Teacher. Aalis na kami.”

Hinila niya ang anak palayo habang humihingi ng paumanhin.

Dahil sa kahihiyan, nanatili na lamang si Aaliyah na nakayuko at walang imik.

“Aaliyah, hindi ka na ba susunduin ng Daddy mo?” tanong ng teacher habang yumuko sa kanya.

Gusto sana niyang sabihin na baka natraffic lang ang Daddy niya. Pero dapat, hindi na niya pinilit ito.

Ngumiti siya ng pilit bago nagsalita: “Si Mommy na lang po ang susundo sa akin, Teacher.”

“Okay, sige... tawagan ko ang Mommy mo,” malumanay na sagot ng guro.

Kahit nalungkot siya, pinilit niyang ngumiti. “Maraming salamat po, Teacher. Pasensya na po sa abala.”

Samantala, si Isabella...

Nang makatanggap ng tawag mula sa kindergarten, agad siyang nagmadali papunta roon kahit na malakas ang ulan. Napakalamig ng hangin at halos hindi niya maibuka ang mga mata sa lakas ng buhos.

Hingal na hingal siyang dumating sa school at nakita niyang si Aaliyah ay nakaupo sa isang sulok, yakap ang sarili, nanginginig sa lamig.

Parang sinaksak ang puso ni Isabella. Tila unti-unting dumudugo ito sa sakit.

Nag-flashback sa kanyang pandinig ang masayang tinig ni Aaliyah kaninang umaga — excited siya na susunduin siya ng kanyang ama.

Muling dumaloy ang mainit at mapait na pakiramdam sa kanyang lalamunan.

Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at pinilit ngumiti.

“Aaliyah—”

Itinaas ni Aaliyah ang kanyang munting mukha. Nang makita niya ang kanyang ina, ang lahat ng hinanakit at lungkot ay napalitan ng isang mahina, ngunit malambing na boses:

“Mommy...”

Napakabata pa niya, pero hindi siya nagreklamo. Hindi siya nagsumbong.

Tinawag lang niya ang ina nang buong paggalang.

Sa sandaling iyon, pinagsisihan ni Isabella ang lahat.

Kung hindi niya ipinilit makasama si Adam noon, marahil ay lumaki si Aaliyah sa isang pamilyang punô ng pagmamahal — isang ama na nagmamahal at isang inang nag-aalaga.

Nang makalapit sa anak, mahigpit niya itong niyakap.

“Mommy is here, baby. Uuwi na tayo, anak. Huwag ka nang umiyak.”

Tumango si Aaliyah, tahimik na bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.

Pagkarating sa mansion...

Biglang nanghina si Aaliyah at nilagnat agad.

Nang makapa ni Isabella ang mainit na noo ng anak, parang tinusok ang kanyang puso sa sakit.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone — si Secretary Lyra ang tumatawag.

Binalot ni Isabella ng kumot si Aaliyah bago lumabas ng silid upang sagutin ito.

“Pasensya na po, Miss Russo,” agad na sabi ni Lyra. “May emergency si Mr. Kingsley. Sa akin niya inutusan ang pagsundo kay Aaliyah, pero naging abala ako sa mga dokumento at hindi ko agad nabasa ang mensahe. Pagdating ko sa kindergarten, nalaman kong nasundo niyo na po siya...”

Ayaw nang marinig ni Isabella ang paliwanag.

“Saan siya pumunta?” malamig at matatag na tanong niya.

Nagulat si Lyra, natigilan.

“Secretary Lyra, bilang asawa ng Kingsley Group... may karapatan akong malaman kung nasaan ang asawa ko.”

Nag-aalangang sagot ni Lyra, “Kay Miss Morgan po... may sakit ang aso niya. Umiiyak siya at humingi ng tulong kay Mr. Kingsley, kaya...”

Walang emosyon ang mga mata ni Isabella.

Mas mahalaga pa ang aso ni Bree kaysa sa anak niya?

Nakakatawa.

Muling dumaloy ang mapait na init sa kanyang lalamunan.

“Mommy...”

Lumingon si Isabella at nakita si Aaliyah, namumutla ngunit may pilit na ngiti.

“Mommy, huwag ka nang magalit kay Daddy, okay?”

“Alam kong hindi niya sinasadya...”

“Marami siyang ginagawa. Naiintindihan ko...”

Sa sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ni Isabella.

Malakas na umubo si Aaliyah, ngunit lumapit siya at niyakap ang ina nang mahigpit.

“Mommy, gusto ko lang na maging masaya ka.”

At doon na bumagsak ang luha sa mga mata ni Isabella.

Napakasakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 5

    Si Aaliyah ay inuubo nang inuubo.Halos hindi na siya makatayo dahil sa malakas niyang pag-ubo.Paluhod siyang bumagsak sa sahig at sa isang ‘puff’ lang, isang bungkos ng dugo ang lumabas sa kanyang bibig.“Aaliyah!” Dagling lumapit si Isabella sa anak habang nanginginig ang boses.Namumutla ang labi ni Aaliyah kahit na namumula ang kanyang mga pisngi.“Ayos lang po ako, Mommy…” pilit niyang pinapakalma ang ina upang hindi ito mag-alala nang husto.“Pupunta tayo sa ospital, anak.”Agad binuhat ni Isabella ang anak.Mahigpit na kumapit si Aaliyah sa kanyang ina, habang mapupula ang kanyang mga mata.Agad na dinala ni Isabella ang anak sa pinakamalapit na ospital.Sinuri agad ng doktor si Aaliyah pagkapasok nila sa klinika.Pagkatapos ng pagsusuri, naghintay muna sila sa labas para sa resulta.“Mommy, galit ba sa akin si Daddy?”Sa wakas, nailabas din ni Aaliyah ang kanyang tunay na nararamdaman tungkol sa ama.Hindi agad nakasagot si Isabella.Sinarili na lamang niya ang mga gustong sa

    Last Updated : 2025-04-11
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 6

    “Ah, Adam… pag-usapan n'yo nang maayos 'yan ni Miss Isabella. Huwag kang gumawa ng eksena. Gusto ka lang namang kausapin ni Miss Russo,” saad nito habang hinihila ang sulok ng damit ni Adam.Nakapaloob sa mga mata ni Bree ang bahagyang hinanakit, ngunit pinilit niyang ipakita na siya'y mahinahon at makatwiran.Tila nabasa ni Adam ang tunay na damdamin ni Bree sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng pagkainis, ngunit tumango pa rin siya at lumayo nang bahagya.Habang si Isabella naman ay hindi alam kung paano sisimulan ang usapan. Hindi na niya maalala kung kailan ang huli nilang pribadong pag-uusap ni Adam.Samantala, halatang nawawalan na ng pasensya si Adam kay Isabella.“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Dinadala mo ang anak mo sa ganitong lugar para manggulo? Isa ka pa bang ina?” bulyaw niya kay Isabella.Matinding pagkasuklam ang naramdaman niya. Inisip niyang ginagamit ni Isabella ang kanilang anak upang muling makuha ang kanyang atensyon.“Nangako ka sa akin, Adam, na sasam

    Last Updated : 2025-04-11
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 7

    Nagkakagulo na ang buong ospital dahil kay Aaliyah, ngunit blanko ang isipan ni Isabella. Maliban sa mga sigaw at yapak ng mga paa, wala siyang naririnig na kahit ano."Ayos ka lang ba, Miss Russo?"Iwinagayway ng doktor ang kanyang kamay sa harapan ni Isabella.Tumingin si Isabella sa doktor nang siya'y makabalik sa ulirat. Biglang nagbalik ang kanyang katinuan.“Kumusta ang anak ko?”“Sa ngayon ay ligtas na siya, pero bigla ang paglala ng kanyang kondisyon. Kailangan niyang manatili sa ICU. Seryoso na ang kanyang lagay. Saka lang natin malalaman kung posible ang operasyon kapag naging maayos ang kanyang vital signs.”“Ms. Russo, ang kailangan sa kondisyon ng bata ngayon ay operasyon…”Hindi na natuloy ng doktor ang sasabihin pa—alam na ni Isabella ang ibig niyang ipahiwatig. Wala rin itong saysay. Lalo lamang itong magiging pahirap para kay Aaliyah.Hindi niya matatanggap na ganoon na lang ang katapusan. Kahit na pinakamaliit na pag-asa, hindi niya ito susukuan. Hindi niya kayang ma

    Last Updated : 2025-04-13
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 8

    “Bakit ganito?!”Sigaw ni Isabella kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Tila may bumara sa kanyang puso na siyang nagpahirap sa kanyang paghinga.Alam niyang bumalik na sa langit si Aaliyah.Dumating si Aaliyah sa mundong ito, nakita niya ito, ngunit hindi niya nagustuhan at nadismaya siya sa kanila. Kaya bumalik na siya, at hinding-hindi na muling babalik.“Aaliyah, patawarin mo ako. Patawarin mo ako!”Nanginginig ang boses ni Isabella habang mahigpit na yakap ang anak. Hinalikan niya ito nang paulit-ulit habang hawak ang malamig na mukha ni Aaliyah gamit ang nanginginig niyang kamay.Masyado siyang naging matigas ang ulo, ipinilit ang sarili kay Adam. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Aaliyah. Hinding-hindi na babalik ang kanyang anak!Kalmado na si Isabella. Siya mismo ang naghugas at nagbihis kay Aaliyah ng paboritong rosas na damit nitong pang-prinsesa. Nais niyang lumisan ang anak sa mundong ito na maganda ang anyo. Ibibigay niya ang

    Last Updated : 2025-04-14
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 9

    "Bree, anong nangyayari sa'yo? Nasaan ka?"“Adam, hindi ko hahayaan na malusutan mo ang pananakit mo sa pamangkin ko. Hindi mo malulusutan ang kasalanan mo nang gano'n na lang. Kung hindi na mahalaga sa'yo ang babaeng ito, eh 'di maghintay ka na lang para kunin ang bangkay niya rito!”Umaalingawngaw ang boses ni Ismael sa kabilang linya—galit na galit.“Wag kang magpadalos-dalos!” sabi ni Adam.Halatang natatakot si Adam dahil sa panginginig ng kanyang boses.Kahit arogante siya, kapag tungkol na kay Bree, saka lang siya kinakabahan at natataranta.“Pumunta ka rito kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito!”Matigas na wika ni Ismael Russo bago ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa, nakatanggap na ng address si Adam.Habang si Ismael ay galit na tumingin kay Bree, matalim ang mga mata nito nang magsalita.“Dahil sa'yo, nasira ang isang pamilya. Isa kang walang hiya at makapal ang mukha—kabit!”“Hindi 'yan totoo! Una kong nakasama si Adam!” napailing si Bree at mariing itinanggi ang pagigin

    Last Updated : 2025-04-16
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 10

    Ang ngiti ni Isabella ay nagdulot ng kaba kay Adam—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Para bang may mahalagang bagay na unti-unting nawawala mula sa kanyang mga kamay.“Adam… pumayag na siya sa inyong divorce. Nakapirma na siya.”Hawak ni Bree ang divorce paper. Nagsalita siya na may pagtataka, ngunit may nakatagong ngiti—isang ngiting bumalikwas sa ulirat ni Adam.Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na pipirmahan iyon ni Isabella. Akala niya’y isa lamang itong panlilinlang.Agad niyang kinuha ang dokumento, ngunit ang matapang at buo ang loob na lagda ni Isabella ay tila kirot sa kanyang damdamin.Talaga bang handa na siyang bumitaw nang gano’n kadali?“Adam, ikaw ang pinakamalupit na taong nakilala ko,” ani Ismael, habang nakatitig sa kanya ng matalim.“Sampung milyon. Tawagan mo ako agad,” dagdag pa nito.Nakaramdam ng pagkasuklam si Ismael nang makita ang dalawang magkayakap. Umalis siyang malamig ang ekspresyon, bahagyang umiiling.Pakiramdam ni Adam ay may galit at kaku

    Last Updated : 2025-04-20
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 11

    Agad na ibinaba ni Adam ang telepono, walang pag-aalinlangan nang marinig ang sinabi mula sa kabilang linya. Mapangahas na talaga ang mga scam call—nagpanggap pang galing sa punerarya, wala na silang limitasyon!Maayos naman ang kalagayan ng kanyang anak, kaya’t bakit kailangang tumawag ang punerarya dahil kay Aaliyah?Maya-maya’y muling tumunog ang kanyang telepono.“Kami po ay mula sa punerarya. Nais naming ipaalam sa mga magulang ni Aaliyah na maaari na kayong pumunta upang kunin ang death certificate ng bata at ayusin ang proseso ng cremation.”Iyon lang ang sinabi, at agad ding ibinaba ang tawag bago pa tuluyang makasagot si Adam.Sinusubok talaga ang pasensya ni Adam sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng nasa kabilang linya. Sobra na!Talagang kaya ni Isabella gawin ang kahit ano makuha lang ang kanyang atensyon. Baliw na talaga siya… kaya niyang sabihin na patay na ang kanilang anak?! Anong klaseng ina ang kayang gawin ito?"Ah... Adam,"Isang pamilyar na tinig ang narinig ni

    Last Updated : 2025-04-21
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 12

    Kinaumagahan, nagising si Isabella na basa na naman ang kanyang unan dahil sa pag-iyak. Bumangon siya sa kama at agad niyang naramdaman ang pamamaga ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ito.Dahil sa matinding lungkot, ilang araw niyang binalewala ang kanyang cellphone. Ayaw niyang malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas. Pagkabukas pa lang niya nito, agad itong tumunog—may pumasok na mensahe.Galing sa punerarya ang mensahe. Kailangan niyang pumunta roon upang ayusin ang mga papeles ni Aaliyah. Napagtanto niyang kahit nailibing na si Aaliyah, marami pa rin palang kailangang ayusin. Kailangan tapusin ang mga dokumento at proseso.“Okay lang. Makakaalis din ako rito kapag natapos ko na ito,” aniya.“Aaliyah, miss na miss na kita, anak,” saad niya, habang muling naalala ang yumaong anak.Hinawakan niyang muli ang pendant sa kanyang dibdib, at muling bumuhos ang kanyang mga luha.Bago pumanaw ang kanyang mahal na anak, palagi itong nag-aalala para sa kanya. Kay

    Last Updated : 2025-04-24

Latest chapter

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 15

    Halos maubusan na ng lakas si Isabella dahil sa nangyari kanina. Wala na siyang lakas kahit na puno siya ng hinanakit—nawalan na rin siya ng kakayahang lumaban. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Zandro at binuhat siya mula sa lupa saka isinakay sa kotse. Hindi na siya nagpumiglas, kahit kaunti. Hindi siya lumaban, at lalong hindi siya sumigaw. Ang tanging nagawa niya ay ang mahigpit na hawakan ang lukot na larawan ng kanyang anak. Ang kanyang anak—nakakaawa—ni hindi man lang nakatanggap ng kahit kaunting pagmamahal mula sa kanyang ama noong nabubuhay pa siya. Kahit isang yakap mula sa ama ay hindi niya naranasan. Ngayon na wala na si Aaliyah, patuloy pa rin siyang hinahamak ng mga taong ito. Sino nga ba ang karapat-dapat tawaging tunay na tao? Samantala, sa loob ng ospital... “Ahm, Adam, ayos lang talaga ako. Kaunting sugat lang naman ito. Umuwi ka na. Pero sa tingin ko, hindi maayos ang pag-iisip ni Isabella ngayon. Kaya medyo nag-aalala ako sa bata,” wika ni Bree. “Dapat hindi na

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 14

    Mabilis na lumapit si Bree upang pigilan si Adam. “Adam, anong ginagawa mo?” agad niyang tanong sa lalaki. Tiningnan siya ni Adam nang may bahagyang paninisi. “Bakit mo ginawa 'yon? Babae pa rin si Isabella sa kabila ng lahat. Paano mo nagawa 'yon sa kanya?” Tiningnan ni Bree si Isabella at yumuko. Sinubukan niyang tulungan si Isabella na makatayo mula sa lupa. Bago mamatay si Aaliyah, ang tanging hiling nito ay makasama ang kanyang ama kahit sa ilang araw lamang. Ngunit laging kasama ni Adam ang babaeng ito na nasa tabi niya. Dinala pa niya ito sa isang engrandeng bulwagan upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo noong gabing naospital si Aaliyah. Tuwing nakikita ni Isabella ang babaeng ito, naaalala niya ang lungkot at sama ng loob ni Aaliyah—at ang gabing iyon nang siya ay pumanaw. Ang gabing gumastos ng limang milyong piso si Adam para sa paputok—para lang kay Bree. Agad na nagdilim ang kanyang paningin. “Huwag mo akong hawakan!” matigas niyang sabi. Pwersahan niyang

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 13

    Ramdam niyang mahihilo na siya sa inis kung patuloy pa niyang titingnan ang lalaking ito. Isa rin itong kawalang-galang kay Aaliyah—ang matagal na pagtitig kay Adam.Sinamantala ni Isabella ang katahimikan ni Adam. Pagbukas niya ng pinto at pagpasok, malakas niya itong isinara upang maramdaman ni Adam ang kanyang pagkainis.Nang maisara na niya ang pinto, lumingon siya sa lamesa at napansin ang isang larawan—itim at puti.Larawan ito ni Aaliyah na nakakurba ang katawan, kita ang maamong kilay at masiglang ngiti. Kuha ito noong bata pa siya, noong araw na nag-perform siya sa kindergarten at nakakuha ng mataas na parangal. Tuwang-tuwa siya noon.Ito ang larawang pinili ni Isabella upang paalalahanan si Aaliyah na lagi siyang maging masaya at masigla.“Bahala na!” sigaw mula sa labas ng pinto.Tila nanghina ang katawan ni Isabella. Dahan-dahan siyang dumausdos pababa sa pinto habang mahigpit na tinatakpan ng kamay ang kanyang bibig. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha.“Isabella,

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 12

    Kinaumagahan, nagising si Isabella na basa na naman ang kanyang unan dahil sa pag-iyak. Bumangon siya sa kama at agad niyang naramdaman ang pamamaga ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ito.Dahil sa matinding lungkot, ilang araw niyang binalewala ang kanyang cellphone. Ayaw niyang malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas. Pagkabukas pa lang niya nito, agad itong tumunog—may pumasok na mensahe.Galing sa punerarya ang mensahe. Kailangan niyang pumunta roon upang ayusin ang mga papeles ni Aaliyah. Napagtanto niyang kahit nailibing na si Aaliyah, marami pa rin palang kailangang ayusin. Kailangan tapusin ang mga dokumento at proseso.“Okay lang. Makakaalis din ako rito kapag natapos ko na ito,” aniya.“Aaliyah, miss na miss na kita, anak,” saad niya, habang muling naalala ang yumaong anak.Hinawakan niyang muli ang pendant sa kanyang dibdib, at muling bumuhos ang kanyang mga luha.Bago pumanaw ang kanyang mahal na anak, palagi itong nag-aalala para sa kanya. Kay

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 11

    Agad na ibinaba ni Adam ang telepono, walang pag-aalinlangan nang marinig ang sinabi mula sa kabilang linya. Mapangahas na talaga ang mga scam call—nagpanggap pang galing sa punerarya, wala na silang limitasyon!Maayos naman ang kalagayan ng kanyang anak, kaya’t bakit kailangang tumawag ang punerarya dahil kay Aaliyah?Maya-maya’y muling tumunog ang kanyang telepono.“Kami po ay mula sa punerarya. Nais naming ipaalam sa mga magulang ni Aaliyah na maaari na kayong pumunta upang kunin ang death certificate ng bata at ayusin ang proseso ng cremation.”Iyon lang ang sinabi, at agad ding ibinaba ang tawag bago pa tuluyang makasagot si Adam.Sinusubok talaga ang pasensya ni Adam sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng nasa kabilang linya. Sobra na!Talagang kaya ni Isabella gawin ang kahit ano makuha lang ang kanyang atensyon. Baliw na talaga siya… kaya niyang sabihin na patay na ang kanilang anak?! Anong klaseng ina ang kayang gawin ito?"Ah... Adam,"Isang pamilyar na tinig ang narinig ni

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 10

    Ang ngiti ni Isabella ay nagdulot ng kaba kay Adam—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Para bang may mahalagang bagay na unti-unting nawawala mula sa kanyang mga kamay.“Adam… pumayag na siya sa inyong divorce. Nakapirma na siya.”Hawak ni Bree ang divorce paper. Nagsalita siya na may pagtataka, ngunit may nakatagong ngiti—isang ngiting bumalikwas sa ulirat ni Adam.Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na pipirmahan iyon ni Isabella. Akala niya’y isa lamang itong panlilinlang.Agad niyang kinuha ang dokumento, ngunit ang matapang at buo ang loob na lagda ni Isabella ay tila kirot sa kanyang damdamin.Talaga bang handa na siyang bumitaw nang gano’n kadali?“Adam, ikaw ang pinakamalupit na taong nakilala ko,” ani Ismael, habang nakatitig sa kanya ng matalim.“Sampung milyon. Tawagan mo ako agad,” dagdag pa nito.Nakaramdam ng pagkasuklam si Ismael nang makita ang dalawang magkayakap. Umalis siyang malamig ang ekspresyon, bahagyang umiiling.Pakiramdam ni Adam ay may galit at kaku

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 9

    "Bree, anong nangyayari sa'yo? Nasaan ka?"“Adam, hindi ko hahayaan na malusutan mo ang pananakit mo sa pamangkin ko. Hindi mo malulusutan ang kasalanan mo nang gano'n na lang. Kung hindi na mahalaga sa'yo ang babaeng ito, eh 'di maghintay ka na lang para kunin ang bangkay niya rito!”Umaalingawngaw ang boses ni Ismael sa kabilang linya—galit na galit.“Wag kang magpadalos-dalos!” sabi ni Adam.Halatang natatakot si Adam dahil sa panginginig ng kanyang boses.Kahit arogante siya, kapag tungkol na kay Bree, saka lang siya kinakabahan at natataranta.“Pumunta ka rito kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito!”Matigas na wika ni Ismael Russo bago ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa, nakatanggap na ng address si Adam.Habang si Ismael ay galit na tumingin kay Bree, matalim ang mga mata nito nang magsalita.“Dahil sa'yo, nasira ang isang pamilya. Isa kang walang hiya at makapal ang mukha—kabit!”“Hindi 'yan totoo! Una kong nakasama si Adam!” napailing si Bree at mariing itinanggi ang pagigin

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 8

    “Bakit ganito?!”Sigaw ni Isabella kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Tila may bumara sa kanyang puso na siyang nagpahirap sa kanyang paghinga.Alam niyang bumalik na sa langit si Aaliyah.Dumating si Aaliyah sa mundong ito, nakita niya ito, ngunit hindi niya nagustuhan at nadismaya siya sa kanila. Kaya bumalik na siya, at hinding-hindi na muling babalik.“Aaliyah, patawarin mo ako. Patawarin mo ako!”Nanginginig ang boses ni Isabella habang mahigpit na yakap ang anak. Hinalikan niya ito nang paulit-ulit habang hawak ang malamig na mukha ni Aaliyah gamit ang nanginginig niyang kamay.Masyado siyang naging matigas ang ulo, ipinilit ang sarili kay Adam. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Aaliyah. Hinding-hindi na babalik ang kanyang anak!Kalmado na si Isabella. Siya mismo ang naghugas at nagbihis kay Aaliyah ng paboritong rosas na damit nitong pang-prinsesa. Nais niyang lumisan ang anak sa mundong ito na maganda ang anyo. Ibibigay niya ang

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 7

    Nagkakagulo na ang buong ospital dahil kay Aaliyah, ngunit blanko ang isipan ni Isabella. Maliban sa mga sigaw at yapak ng mga paa, wala siyang naririnig na kahit ano."Ayos ka lang ba, Miss Russo?"Iwinagayway ng doktor ang kanyang kamay sa harapan ni Isabella.Tumingin si Isabella sa doktor nang siya'y makabalik sa ulirat. Biglang nagbalik ang kanyang katinuan.“Kumusta ang anak ko?”“Sa ngayon ay ligtas na siya, pero bigla ang paglala ng kanyang kondisyon. Kailangan niyang manatili sa ICU. Seryoso na ang kanyang lagay. Saka lang natin malalaman kung posible ang operasyon kapag naging maayos ang kanyang vital signs.”“Ms. Russo, ang kailangan sa kondisyon ng bata ngayon ay operasyon…”Hindi na natuloy ng doktor ang sasabihin pa—alam na ni Isabella ang ibig niyang ipahiwatig. Wala rin itong saysay. Lalo lamang itong magiging pahirap para kay Aaliyah.Hindi niya matatanggap na ganoon na lang ang katapusan. Kahit na pinakamaliit na pag-asa, hindi niya ito susukuan. Hindi niya kayang ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status