Chapter 5
Dahil sa nangyaring pamamahiya ni Venice sa Harmoine Hall, mas tumindi ang galit ni Rhea laban sa kaniya. Bukod sa hindi na gumana ang pagpapaawa, hindi na rin takot si Venice kay Teo. Bilang kalaguyo, nakaramdam siya ng pangamba. Pero imbes na aminin ang pagkatalo, nakaisip kaagad si Rhea ng paraan kung paano mas dudurugin ang karibal. “Miggy, baby!” masiglang bati niya sa bata habang nakaabang sa gate. “I have a little something for you.” Nakilala ni Miguel ang ina-inahan. Ito ang unang beses na bumisita si Rhea sa eskwelahan ng bata. Kadalasan kasi, ang mag-ama ang dumadalaw sa kaniya sa ospital. “Mommy!” tumatakbong tawag ni Miguel. Habang papalapit siya, winagayway ni Rhea ang isang pouch. “Are those marshmallows?” malawak na ngumisi ito at nagpadyak-padyak ng paa. “Of course! My baby deserves a treat for doing so well in class,” sagot niya habang hinahaplos ang pisnge ni Miguel. “Unlike your Mom who only gives you bland food, I'm willing to spoil you.” Kahit hindi pa nakauupo, naiinip na nilantakan ng bata ang dala ni Rhea. Halos mabilaukan pa ito sa sunod-sunod na subo. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas gusto siyang kasama ni Miguel kaysa kay Venice. “Where’s your Dad, by the way?” nagtatakang tanong ni Rhea sa bata. Karaniwan kasing sumusundo ito ng ganitong oras. “He said he'll be out for a meeting,” ngumunguya niyang sagot. “Can you take me home, Mommy?” Mas lalong napangisi ng malapad si Rhea. Hindi niya tinanggihan ang alok ng bata, at magkahawak-kamay silang lumabas ng eskwelahan. Hindi sumagi sa isip niya ang kahihiyan sa harap ng ibang magulang, tutal wala namang magagawa si Venice kung mismong anak na niya ang pumili sa kaniya. Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe, nahagip ng mata ni Miguel ang pigura ng ina. “Look!” agaw-pansin niyang sigaw. “Is that Mom going inside a restaurant?” Napatigil si Rhea sa pagmamaneho. Nilingon niya ang direksyong tinuro ng bata, at tama nga. Papasok si Venice sa isang mamahaling restaurant kasama ang isang lalaki. Napaismid siya, at walang pag-aalinlangan na kinuhanan sila ng litrato. Sa isang iglap, nakarating kaagad sa inbox ni Teo ang balita. Hindi pa nakontento si Rhea, kaya sinend nito ang buong address kung saan matatagpuan ang asawa. “Hey Miggy, do you wanna have a cupcake inside?” sambit niya, habang nag-iisip ng maganda pakulo para kay Venice. “Maybe you can also meet your Mom's new friend.” “As long as it's chocolate,” tugon ni Miguel. Ngayong kompleto na silang tatlo, mas naging motibado si Rhea na gantihan si Venice. Pagkatapos nilang magpark, taas-noo silang pumasok sa restaurant. Maraming tao at karamihan sa kanila mayayaman at maimpluwensiya. Mas lalong napaismid si Rhea, umaayon yata sa kaniya ang panahon. Habang naghahanap ng bakanteng mesa, napadako ang tingin niya sa kasama ni Venice. Sa litrato niya lang nakikita ang lalaki, at hindi siya makapaniwalang dito sila magkakatagpo. Sinadya ni Rhea na umupo sa kalapit nilang table, mas pinatitindi ang tensyon. Kahit wala pang nagsasalita, nagsisimula nang magnakawan ng tingin ang dalawa. Pilit sanang tinutuon ni Venice ang atensyon sa lalaking kaharap, pero biglang napatid ang kaniyang pagtitimpi nang um-order so Rhea para kay Miguel. “I’ll have a Caesar salad,” turan niya sa waiter. “And a chocolate cupcake for Miggy.” Tumitig ng mariin si Venice, tinataas ang kamay sa harap ng lalaking waiter. “The kid will have a fruit bowl instead,” pag-iiba niya ng utos. “But Mom, I wanna eat a cupcake,” reklamo ni Miguel habang nakanguso. Ang pakikialam ni Venice ay pormal na naghudyat kay Rhea na simulan ang kaniyang plano. “But you're lactose intolerant,” pangangatwiran niya sa anak. “You know we can't change your diet too.” “Oh come on, Venice. It's just a cupcake, it won't kill Miggy,” pakikisawsaw ni Rhea sa usapan. “You’re being too strict, loosen up a bit.” “Yeah, Mom. You're being a control freak.” Nag-init ang tainga ni Venice sa ginamit na salita ni Miguel. “Control freak”, hindi ito basta-basta magagamit ng isang limang taong gulang na bata kung walang nagturo. Kahit punong-puno ng tao ang restaurant, tumayo si Venice. “Don’t…” marahang paalala ng kaniyang kasama, malambing na hinahaplos ang nakakuyom na kamao ni Venice. “It’s not the perfect time.” Natauhan siya sa sinabi nito, kaya’t imbes na sumugod, nagpakawala na lang ng malalim na hininga si Venice. Ang pagiging kalmado niya’y nakairita kay Rhea, kaya mas lalo niyang ginatungan ang sitwasyon. “Please, don't get mad. I only took Miggy because you're clearly busy mingling with someone,” saad ni Rhea, nang-aasar ang tono. “Besides, it's wrong that he starves, while you're eating an A5 wagyu steak with your lover.” Simula nang maipanganak si Miguel, walang araw na hindi nagluto si Venice. Marami silang katulong, pero mas pinili niyang pagsilbihan ang mag-ama. Ngayong gabi lang—ngayon lang siya naging malaya mula sa kusina. Mataray na tumayo si Rhea, sinasadyang lapitan siya. Nang magkaharap na ang dalawa, bumulong si Rhea kay Venice. “You should have known your place. At least, I might have taken pity on you…” Umakyat lahat ng dugo ni Venice sa galit. Dinampot niya ang pulsuhan ni Rhea, pero bago niya pa ito mapilipit, isang malakas na iyak ang bumulabog sa buong restaurant. “Ouch! She broke my wrist!” umaarteng hiyaw ni Rhea, akmang matutumba dahil sa sakit. Sa tagpong mawawalan siya ng balanse, biglang sumaklolo si Teo. Sinalo siya nito at maingat na tinayo. Isang bulyaw kaagad ang binato niya kay Venice kahit pa hindi niya gano'ng nasaksihan ang buong pangyayari. “What’s wrong with you?!” sabi ni Teo, nagngingitngit ang panga. “Have you really lost your mind?!” “Wala akong ginawa sa kaniya. Can't you see, Teo? She's lying!” pagtatanggol ni Venice sa sarili. Mas lalong ginalingan ni Rhea ang pag-arte, pinilit siyang umiyak para mas maging makatotohanan. “I’m not a liar! I only took Miggy out for dinner because you were being irresponsible, and you'll give me this?!” Napakunot ang noo ni Venice sa bintang niya. “Irresponsible? Not for a single day did I leave Miguel unattended. You know nothing, Rhea…” baling niya, madiin ang bawat salita. “Besides, how can you tell if you're too busy cheating with my husband?” Napaigtad ang mga taong nakikinig sa binunyag ni Venice. Ang ilan sa kanila nagsimula nang kumuha ng litrato at recording, dahilan para mas mamula sa galit si Teo. Dalawang beses siyang napahiya ng asawa sa loob lang ng isang araw. “Enough! Watch your words, Venice!” pagpapatahimik niya rito. “I never cheated on you, stop being delusional.” Imbes na sumigaw pabalik, isang mapanlibak na tawa ang isinagot niya. Dito tuluyang nandilim ang paningin ni Teo. Tinaas niya ang kaliwang kamay, handang saktan sa pangalawang pagkakataon ang asawa. Walang kumurap sa mga nanonood, hinihintay ang malutong na sampal mula sa pisnge ni Venice. Pero imbes, isang tinig ng baritonong lalaki ang umusal. “No one lays a finger on Lady Venicile,” banta niya habang hawak-hawak ang kamay ni Teo sa ere. “Hurt her, and Sebastien Vieri will be your worst nightmare…”Chapter 5Dahil sa nangyaring pamamahiya ni Venice sa Harmoine Hall, mas tumindi ang galit ni Rhea laban sa kaniya. Bukod sa hindi na gumana ang pagpapaawa, hindi na rin takot si Venice kay Teo. Bilang kalaguyo, nakaramdam siya ng pangamba. Pero imbes na aminin ang pagkatalo, nakaisip kaagad si Rhea ng paraan kung paano mas dudurugin ang karibal. “Miggy, baby!” masiglang bati niya sa bata habang nakaabang sa gate. “I have a little something for you.” Nakilala ni Miguel ang ina-inahan. Ito ang unang beses na bumisita si Rhea sa eskwelahan ng bata. Kadalasan kasi, ang mag-ama ang dumadalaw sa kaniya sa ospital. “Mommy!” tumatakbong tawag ni Miguel. Habang papalapit siya, winagayway ni Rhea ang isang pouch. “Are those marshmallows?” malawak na ngumisi ito at nagpadyak-padyak ng paa. “Of course! My baby deserves a treat for doing so well in class,” sagot niya habang hinahaplos ang pisnge ni Miguel. “Unlike your Mom who only gives you bland food, I'm willing to spoil you.”Kahit hindi
Chapter 4“It's not your loss, but theirs. The moment you leave, napakaraming lalaki pa rin ang magkakandarapa sayo,” paalala ni Helen habang sumasandal sa door frame. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. Talagang kinalimutan nito ang magarbong buhay maalagaan lang ang kaniyang mag-ama. Kung dati, parating naka-deisgner clothes si Venice, ngayon halos mapagkamalan na siyang katulong ni Miguel dahil sa sobrang kabaduyan.“Girl, you've gotta loosen up. Iwan mo na ‘yang mga damit mong parang pinaglumaan ni Maria Clara,” nanunudyong biro niya kay Venice. “We’re going shopping!” Kahit hindi agarang sumang-ayon sa kaniya ang kaibigan, puwersahan pa ring hinila ni Helen si Venice palabas ng mansyon. Sa garahe, nag-aantay ang isang itim na limousine. “Get in, we'll make Teo regret everything.” Pagkapasok nila pareho, sinenyasan ni Helen ang driver. Agad nitong pinaharurot ang kotse papunta sa pinakamalapit na mall. Kasabay ng malakas na tugtog, masayang binuksan ng magkaibig
Chapter 3Tinanggap ni Venice ang kaniyang kapalaran. Hindi talaga siya ang priyoridad ng asawa. Kahit madaling-araw, walang pag-aalinlangan si Teo na pumunta sa ospital, ni hindi man lang nila natapos ang usapan tungkol sa diborsyo. Sa kalagitnaan ng gabi, sinamantala ni Venice ang pagkakataon para makapag-empake ng gamit. Lumuluha siya habang paisa-isang sinisilid sa maleta ang mga gamit. Ramdam niya ang hapdi ng labi at pisnge. Sa sobrang lakas ng sampal ni Teo, tumilapon siya. Tahimik ang buong mansyon, pero bigla itong nabasag nang sumigaw si Miguel sa kalagitnaan ng isang masamang panaginip. Natatarantang tumakbo si Venice sa kwarto ng anak, pero imbes na siya ang hanapin nito, si Rhea ang naging bukambibig ng bata. “Mommy Rhea… where are you?” nakapikit nitong turan. “Please Mommy, I need you.”Halos basagin nito ang tainga ni Venice. Parehong asawa at anak niya ang dumudurog sa kaniyang puso. Ang mga taong dapat niyang masandalan, ang siyang umuubos ng kaniyang lakas at sig
Chapter 2“You want a divorce? Gan'yan ka na ba talaga kababaw, Venice?!”Halos magsilabasan ang ugat sa leeg ni Teo. Mukhang natapakan ni Venice ang pride ng asawa, pero wala siyang balak magpatinag. “It wasn't a question, and I wasn't asking. Nakapirma na rin ako.”Sa tindi ng tensyon, napilitang luwagan ni Teo ang kaniyang kurbata. “Wag mong sasabihing makikipaghiwalay ka dahil lang sa nakalimutan namin ang birthday mo?” umiisid na saad niya. “Today wasn't only my birthday,” seryosong tugon ni Venice. “It’s also our fifth anniversary.” Inakala niyang matatauhan si Teo at hihingi ito ng tawad, pero kabaliktaran ang kaniyang naging sagot. Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalala ang pangloloko sa kaniya ng asawa. “How can you be so selfish? Today might be Rhea’s last birthday.”Hindi na nagulat si Venice sa pangangatwiran ng asawa. Sa kahit anong sitwasyon, parati talaga siyang dehado kapag si Rhea ang kalaban. Kasal nga sila sa papel, pero walang duda na ang puso ni Teo ay p
Chapter 1“Happy birthday to me… happy birth—” napalitan ng hikbi ang mahinang boses ni Venice. Pilit niyang kinantahan ang sarili sa harap ng maliit na chocolate cupcake. Tanging pagtangis lang ang maririnig sa loob ng kusina. Nang malapit nang matunaw ang kandila, saka lang nakahanap ng lakas si Venice na ihipan ang apoy. Habang pinagluluksa ni Venice ang sariling kaarawan, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumabas sa screen ang post ng asawa, isang litrato kasama ang pamilyar na babae. Bagama't alam na niya kung ano ang makikita, lakas-loob pa ring pinindot ni Venice ang post.Bumungad sa kaniya si Teo kasama ang kanilang anak. Hawak-hawak ng mag-ama ang isang cake, malaki at punong-puno ng kandila. Nakasulat roon ang mga salitang, “Happy Birthday Mom”. Napakuyom ang kamao niya sa harap-harapang pagsisinungaling ng asawa. Inaasahan niyang nasa importanteng meeting ito kasama ang ilang investor, pero mukhang ibang klaseng negosyo pala ang inaatupag nito. Parang sinukluban