Chapter 2
“You want a divorce? Gan'yan ka na ba talaga kababaw, Venice?!” Halos magsilabasan ang ugat sa leeg ni Teo. Mukhang natapakan ni Venice ang pride ng asawa, pero wala siyang balak magpatinag. “It wasn't a question, and I wasn't asking. Nakapirma na rin ako.” Sa tindi ng tensyon, napilitang luwagan ni Teo ang kaniyang kurbata. “Wag mong sasabihing makikipaghiwalay ka dahil lang sa nakalimutan namin ang birthday mo?” umiisid na saad niya. “Today wasn't only my birthday,” seryosong tugon ni Venice. “It’s also our fifth anniversary.” Inakala niyang matatauhan si Teo at hihingi ito ng tawad, pero kabaliktaran ang kaniyang naging sagot. Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalala ang pangloloko sa kaniya ng asawa. “How can you be so selfish? Today might be Rhea’s last birthday.” Hindi na nagulat si Venice sa pangangatwiran ng asawa. Sa kahit anong sitwasyon, parati talaga siyang dehado kapag si Rhea ang kalaban. Kasal nga sila sa papel, pero walang duda na ang puso ni Teo ay pagmamay-ari ng ibang babae. “Just the sign papers,” manhid niyang sambit. “Think of this as an act of charity, at least before Rhea dies she gets to be Mrs. Fuentes.” “You are out of your mind! We have a son, Venice!” “Son? Do you really think he still treats me as his mother?! Nakikita mo ba kung paanong mas hinahanap niya ang aruga ni Rhea?!” umiismid na bulyaw ni Venice. “You know, I’m actually beginning to think that maybe he isn’t my son.” Napalunok ng malalim si Teo sa huli niyang sinabi, halos pagpawisan din siya ng malamig sa kaba. Dahil sa kaniyang naging reaksyon, mas lalong tumindi ang suspetsa ni Venice. “What? Anong ibig mong sabihin, Venice?” tanong ni Teo, halos pabulong na sa takot. “Stop being ridiculous.” “Ridiculous?” isang mapaklang tawa ang kumawala sa bibig ni Venice. “Five years, Teo. Five years akong nagpaka-tanga sa iyo. Tapos, ngayon sasabihin mo na ako ang ridiculous?” Nanginginig ang kaniyang kamay habang itinuturo ang sarili. “Bakit, Teo? Hindi mo ba matanggap na hindi ko na kaya ang laro niyo? Maybe it’s about time you find yourself a brand new playmate.” “All of this, just because you think I forgot your birthday? I actually have a present for you. I found it…” “You finally have my mother’s necklace?” umaasang tugon ni Venice. “I gave it to Rhea, she said it was the exact replica of the necklace she lost. Believe me, it was supposed to be your gift.” Kulang na lang isampal ni Teo na hinanap niya talaga ang kwintas para kay Rhea. Kahit anong pangangatwiran nito, alam ni Venice na hindi talaga para sa kaniya ang regalong ‘yon. “Don’t worry, Rhea promised she'll give it back. Pinahiram ko lang ‘yon sa kaniya,” nangungumbinsi pang dagdag niya. “Kailan niya ibabalik?” taas-kilay na tanong ni Venice. “Kapag patay na siya?” “Stop it, Venice! Enough with your attitude, hindi ka na ba talaga marunong mahiya?” “Cut the act, Teo. That was a family heirloom, it's impossible that she has the exact replica,” nagpipigil niyang tugon. “I thought you were different, but you were more selfish than I thought,” madiing sagot sa kaniya ng asawa, dismayado ang tono. “That was part of Rhea’s final wish. Have a little dignity, Venice.” Dignidad… simula nang magpakasal siya kay Teo, tanggap na ni Venice na nawalan siya nito. Tinakwil ng pamilya, iniwan ang yaman at kasikatan, sa pag-aakalang mamahalin siya ng tunay ng asawa. Naging masahol pa sa bulag ang pagtrato sa kaniya ni Teo. “Just admit it. Huling-huli na kayo, Teo! Kabit mo si Rhea, hindi ba?!” “Wala akong alam sa sinasabi mo. Magkaibigan lang kami, at kayang-kaya ko ‘yon patunayan,” lakas-loob niyang sabi. Magaling umarte ni Teo at makakaya niyang paikutin ang kahit sino, pero natuto na si Venice. Kompleto ang lahat ng pruwebang magpapatunay na higit pa sa pagkakaibigan ang meron sa kanila ni Rhea. “Just sign it, so we're done for,” pag-anyaya ni Venice sa asawa. Mas lalong pinainit nito ang ulo ni Teo. Hindi niya matanggap na ang babaeng patay na patay noon sa kaniya, ay nag-aaya na ngayong makipaghiwalay. “If there is anyone who has the right to initiate a divorce, ako ‘yon!” nagimbal ang buong mansyon sa sigaw niya. “I married you out of pity, and you have no right to dump me!” Kahit ang mga katulong biglang nagising sa lakas ng boses ni Teo. Ito ang unang pagkakataon na nakita nilang nanlaban si Venice. Sa parati, tanging oo at tangho lang ang sagot nito sa asawa. Mismong ang mayordoma na nagpalaki sa kaniya noon, naawa na rin sa pagiging mahigpit at malamig ni Teo. “I’m doing you a favor,” sambit ni Venice habang tumatayo. Inabot niyang muli ang papeles sa asawa. “Divorce me so you can be free. Marry Rhea, because I can't endure your cheating any longer.” Ang pagiging makulit niya ay mas lalong nakapagpakulo ng dugo ni Teo. Malakas niyang sinampal si Venice, dahilan para matumba ito at makasubsob sa sahig. “You are only my wife!” Ang mainit nilang sagutan ay biglang nahinto nang mag-ring ang cellphone ni Teo. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, halos mapipi ang kaniyang lalamunan sa kaba. Mula sa kabilang linya, tinuran ng nurse ang matagal na niyang kinatatakutan. “Sir, nawalan po ng malay si Ma’am Rhea!” natataranta nitong balita. “Papunta na po kami sa ospital.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Teo. Nag-iba ang kaniyang ekspresyon, matamlay at namumutla. Ni isang beses sa buhay ni Venice, hindi niya nakitang mag-alala ng ganito sa kaniya ang asawa. Kahit mamatay pa siya sa harap nito, napakalabong umiyak at magluksa si Teo. “I have to go. Rhea’s in a critical condition,” nagmamadaling paalam niya sa asawa. Halos mabutas ang sahig sa bigat ng mga yapak ni Teo papunta sa garahe. Sa ikalawang pagkakataon, naiwan na namang mag-isa at durog si Venice.Chapter 5Dahil sa nangyaring pamamahiya ni Venice sa Harmoine Hall, mas tumindi ang galit ni Rhea laban sa kaniya. Bukod sa hindi na gumana ang pagpapaawa, hindi na rin takot si Venice kay Teo. Bilang kalaguyo, nakaramdam siya ng pangamba. Pero imbes na aminin ang pagkatalo, nakaisip kaagad si Rhea ng paraan kung paano mas dudurugin ang karibal. “Miggy, baby!” masiglang bati niya sa bata habang nakaabang sa gate. “I have a little something for you.” Nakilala ni Miguel ang ina-inahan. Ito ang unang beses na bumisita si Rhea sa eskwelahan ng bata. Kadalasan kasi, ang mag-ama ang dumadalaw sa kaniya sa ospital. “Mommy!” tumatakbong tawag ni Miguel. Habang papalapit siya, winagayway ni Rhea ang isang pouch. “Are those marshmallows?” malawak na ngumisi ito at nagpadyak-padyak ng paa. “Of course! My baby deserves a treat for doing so well in class,” sagot niya habang hinahaplos ang pisnge ni Miguel. “Unlike your Mom who only gives you bland food, I'm willing to spoil you.”Kahit hindi
Chapter 4“It's not your loss, but theirs. The moment you leave, napakaraming lalaki pa rin ang magkakandarapa sayo,” paalala ni Helen habang sumasandal sa door frame. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. Talagang kinalimutan nito ang magarbong buhay maalagaan lang ang kaniyang mag-ama. Kung dati, parating naka-deisgner clothes si Venice, ngayon halos mapagkamalan na siyang katulong ni Miguel dahil sa sobrang kabaduyan.“Girl, you've gotta loosen up. Iwan mo na ‘yang mga damit mong parang pinaglumaan ni Maria Clara,” nanunudyong biro niya kay Venice. “We’re going shopping!” Kahit hindi agarang sumang-ayon sa kaniya ang kaibigan, puwersahan pa ring hinila ni Helen si Venice palabas ng mansyon. Sa garahe, nag-aantay ang isang itim na limousine. “Get in, we'll make Teo regret everything.” Pagkapasok nila pareho, sinenyasan ni Helen ang driver. Agad nitong pinaharurot ang kotse papunta sa pinakamalapit na mall. Kasabay ng malakas na tugtog, masayang binuksan ng magkaibig
Chapter 3Tinanggap ni Venice ang kaniyang kapalaran. Hindi talaga siya ang priyoridad ng asawa. Kahit madaling-araw, walang pag-aalinlangan si Teo na pumunta sa ospital, ni hindi man lang nila natapos ang usapan tungkol sa diborsyo. Sa kalagitnaan ng gabi, sinamantala ni Venice ang pagkakataon para makapag-empake ng gamit. Lumuluha siya habang paisa-isang sinisilid sa maleta ang mga gamit. Ramdam niya ang hapdi ng labi at pisnge. Sa sobrang lakas ng sampal ni Teo, tumilapon siya. Tahimik ang buong mansyon, pero bigla itong nabasag nang sumigaw si Miguel sa kalagitnaan ng isang masamang panaginip. Natatarantang tumakbo si Venice sa kwarto ng anak, pero imbes na siya ang hanapin nito, si Rhea ang naging bukambibig ng bata. “Mommy Rhea… where are you?” nakapikit nitong turan. “Please Mommy, I need you.”Halos basagin nito ang tainga ni Venice. Parehong asawa at anak niya ang dumudurog sa kaniyang puso. Ang mga taong dapat niyang masandalan, ang siyang umuubos ng kaniyang lakas at sig
Chapter 2“You want a divorce? Gan'yan ka na ba talaga kababaw, Venice?!”Halos magsilabasan ang ugat sa leeg ni Teo. Mukhang natapakan ni Venice ang pride ng asawa, pero wala siyang balak magpatinag. “It wasn't a question, and I wasn't asking. Nakapirma na rin ako.”Sa tindi ng tensyon, napilitang luwagan ni Teo ang kaniyang kurbata. “Wag mong sasabihing makikipaghiwalay ka dahil lang sa nakalimutan namin ang birthday mo?” umiisid na saad niya. “Today wasn't only my birthday,” seryosong tugon ni Venice. “It’s also our fifth anniversary.” Inakala niyang matatauhan si Teo at hihingi ito ng tawad, pero kabaliktaran ang kaniyang naging sagot. Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalala ang pangloloko sa kaniya ng asawa. “How can you be so selfish? Today might be Rhea’s last birthday.”Hindi na nagulat si Venice sa pangangatwiran ng asawa. Sa kahit anong sitwasyon, parati talaga siyang dehado kapag si Rhea ang kalaban. Kasal nga sila sa papel, pero walang duda na ang puso ni Teo ay p
Chapter 1“Happy birthday to me… happy birth—” napalitan ng hikbi ang mahinang boses ni Venice. Pilit niyang kinantahan ang sarili sa harap ng maliit na chocolate cupcake. Tanging pagtangis lang ang maririnig sa loob ng kusina. Nang malapit nang matunaw ang kandila, saka lang nakahanap ng lakas si Venice na ihipan ang apoy. Habang pinagluluksa ni Venice ang sariling kaarawan, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumabas sa screen ang post ng asawa, isang litrato kasama ang pamilyar na babae. Bagama't alam na niya kung ano ang makikita, lakas-loob pa ring pinindot ni Venice ang post.Bumungad sa kaniya si Teo kasama ang kanilang anak. Hawak-hawak ng mag-ama ang isang cake, malaki at punong-puno ng kandila. Nakasulat roon ang mga salitang, “Happy Birthday Mom”. Napakuyom ang kamao niya sa harap-harapang pagsisinungaling ng asawa. Inaasahan niyang nasa importanteng meeting ito kasama ang ilang investor, pero mukhang ibang klaseng negosyo pala ang inaatupag nito. Parang sinukluban