Chapter 3
Tinanggap ni Venice ang kaniyang kapalaran. Hindi talaga siya ang priyoridad ng asawa. Kahit madaling-araw, walang pag-aalinlangan si Teo na pumunta sa ospital, ni hindi man lang nila natapos ang usapan tungkol sa diborsyo. Sa kalagitnaan ng gabi, sinamantala ni Venice ang pagkakataon para makapag-empake ng gamit. Lumuluha siya habang paisa-isang sinisilid sa maleta ang mga gamit. Ramdam niya ang hapdi ng labi at pisnge. Sa sobrang lakas ng sampal ni Teo, tumilapon siya. Tahimik ang buong mansyon, pero bigla itong nabasag nang sumigaw si Miguel sa kalagitnaan ng isang masamang panaginip. Natatarantang tumakbo si Venice sa kwarto ng anak, pero imbes na siya ang hanapin nito, si Rhea ang naging bukambibig ng bata. “Mommy Rhea… where are you?” nakapikit nitong turan. “Please Mommy, I need you.” Halos basagin nito ang tainga ni Venice. Parehong asawa at anak niya ang dumudurog sa kaniyang puso. Ang mga taong dapat niyang masandalan, ang siyang umuubos ng kaniyang lakas at sigla. “You’re having a bad dream,” pumipiyok na gising niya kay Miguel. Naalimpungatan ang bata. Sa kaniyang pagdilat, mukha ni Venice ang kaniyang unang nasulyapan, hindi maitatanggi ang pagkadismaya sa ekspresyon. Kulang na lang imudmod nito sa sariling ina na sana magpalit sila ni Rhea ng puwesto. Kahit masakit, pinilit pa ring asikasuhin ni Venice ang anak. “What did you dream about, Miguel?” tanong niya habang hinahaplos ang noo ng bata. “I’m scared, Mom…” napuno ng luha ang mata ni Miguel. “I dreamed of Mommy Rhea dying.” Mahigpit siyang yumakap kay Venice, nanginginig at halos atakihin ng hika habang umiiyak. “Shh… it’s okay, anak. I’m here,” pilit niyang bulong, ngunit sa loob-loob niya, alam niyang hindi sapat ang presensiya niya para sa bata. Sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ni Rhea, mas lalo lang niyang nararamdaman kung gaano siya kaliit. “Don’t let Mommy Rhea die, please…” halos magmakaawa ang tinig ni Miguel habang kumakapit ng mahigpit sa bisig ni Venice. “I won't, I promise…” Dahil sa kaniyang pangako, unti-unting kumalma ang bata. Ilang sandali pa’t nakatulog nang muli si Miguel. Dahil sa naging reaksyon ng anak, may importanteng bagay na napagtanto si Venice. Hindi niya pwedeng isama ang bata. Nanlulumo siyang bumangon mula sa higaan at umalis nang matamlay. Pirma na lang ni Teo ang kailangan nang sa gano'n tuluyan na siyang makalaya. Habang pabalik si Venice sa kwarto, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Malalim pa rin ang gabi, at imposibleng text ‘yon galing sa opisina. Puno ng kuryosidad niyang binuksan ang screen. Sa kaniyang gulat, napaigtad si Venice—hindi dahil sa takot kundi tuwa. Kumurba ang maliit na ngiti sa kaniyang labi, sinasantabi ang nangyari buong maghapon. “Guess the world doesn't hate me,” umaasang turan niya sa sarili. “We meet again…” Narinig ng Mayordoma ng mansyon ang mga sinabi ni Venice. Imbes na magalit, mas lalo pa itong kinatuwa ni Manang France. Sa loob ng ilang taon, ngayon niya lang ulit nakita ang matamis na ngiti ng alaga. Siguro dahil puros problema ang binibigay ni Teo bilang asawa. “Kailan kayo magkikita?” nakiki-usyosong banat ni Manang mula sa likuran. “Kahit hindi mo banggitin ang pangalan, alam ko kung sino ang nagparamdam.” “It’s nice to have him back,” malumanay niyang sagot sa katulong. Tinapik lang ni Manang France ang baliktad ni Venice. “Matulog ka na, hindi pupwedeng magkita kayo nang namumugto ang mata mo.” Tumango sa kaniya ang alaga at yumakap. Niyapos ni Manang si Venice ng mahigpit, miski ang matanda hindi napigilang umiyak. Marahil ito na rin ang huling yakap nilang dalawa bago tuluyang maghiwalay ang mag-asawa. “Goodnight, Manang France…” turan ni Venice pagkatapos kumalas sa bisig ng Mayordoma. Naghiwalay na sila ng direksyon at kaniya-kaniyang pinagpatuloy ang tulog. Sa sobrang pagod ni Venice, hindi na niya ininda ang nagkalat na damit sa paligid ng kama. Naging mahimbing ang tulog niya, umaasang paggising niya kinabukasan tapos na ang masamang bangungot na ito. Beep. Beep. Beep. Ang malakas na busina sa labas ng garahe ang gumising kay Venice. Kilala niya kung kaninong kotse ang nag-iingay sa labas. Dali-dali siyang nag-ayos bago pa mambulabog ang kaniyang bisita. Mukhang nakarating kaagad sa matalik niyang kaibigan ang balita. Ilang sandali pa, naiinip na umakyat si Helen sa kwarto ni Venice. Dala-dala niya rin ang ilang papeles na magsisilbing ebidensya sa paglilitis kung sakaling mas magmamatigas si Teo. “So, my best friend finally listened…” nagbibirong bungad niya. “Buti naman at natauhan ka na, Venice.” Umirap sa kaniya ang kaibigan at nagpatuloy lang sa paghahakot ng ilang importanteng gamit. “If you're here to lecture me about my stupidity, let's do it some other time.” “As much as I want to, but my voice is too precious to talk about Teo’s infidelity,” umiiling na tugon niya. “The truck is already outside, just like what we planned.” “I’m almost done. After I pack my instruments, pwede na tayong umalis.” Habang nagmamasid si Helen sa loob ng kuwarto, napansin niyang ang mga maleta at gamit ay para lang kay Venice. Nagtaka siya kung bakit walang nakaempake para kay Miguel. “You didn't pack Miguel's suitcase?” Napabuntong-hininga si Venice. Binalingan niya ang kaibigan at umiling. “He isn't coming with me, and I'm not fighting for custody.” Isang bulyaw kaagad ang isinagot ni Helen sa kaniya. “Have you lost your mind? You can't leave Miguel with that whore!” “Let’s just face it, Helen. I'm not the mother he wanted. Kinailangan lang nila ako mag-ama, pero hindi ako ang gusto nilang makasama.” “So you're just gonna let them be a happy family? Hindi ka dapat pumayag na gamitin nila ang anak mo! Don't let them dump you like a loser,” pangungumbinsi ni Helen. Bahagyang binaba ni Venice ang kaniyang pinagkakaabalahan. Mapakla siyang ngumiti at tumuran. “I already lost since day one of our marriage, and I think it's about time to accept that I can't win over my family's heart.”Chapter 5Dahil sa nangyaring pamamahiya ni Venice sa Harmoine Hall, mas tumindi ang galit ni Rhea laban sa kaniya. Bukod sa hindi na gumana ang pagpapaawa, hindi na rin takot si Venice kay Teo. Bilang kalaguyo, nakaramdam siya ng pangamba. Pero imbes na aminin ang pagkatalo, nakaisip kaagad si Rhea ng paraan kung paano mas dudurugin ang karibal. “Miggy, baby!” masiglang bati niya sa bata habang nakaabang sa gate. “I have a little something for you.” Nakilala ni Miguel ang ina-inahan. Ito ang unang beses na bumisita si Rhea sa eskwelahan ng bata. Kadalasan kasi, ang mag-ama ang dumadalaw sa kaniya sa ospital. “Mommy!” tumatakbong tawag ni Miguel. Habang papalapit siya, winagayway ni Rhea ang isang pouch. “Are those marshmallows?” malawak na ngumisi ito at nagpadyak-padyak ng paa. “Of course! My baby deserves a treat for doing so well in class,” sagot niya habang hinahaplos ang pisnge ni Miguel. “Unlike your Mom who only gives you bland food, I'm willing to spoil you.”Kahit hindi
Chapter 4“It's not your loss, but theirs. The moment you leave, napakaraming lalaki pa rin ang magkakandarapa sayo,” paalala ni Helen habang sumasandal sa door frame. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. Talagang kinalimutan nito ang magarbong buhay maalagaan lang ang kaniyang mag-ama. Kung dati, parating naka-deisgner clothes si Venice, ngayon halos mapagkamalan na siyang katulong ni Miguel dahil sa sobrang kabaduyan.“Girl, you've gotta loosen up. Iwan mo na ‘yang mga damit mong parang pinaglumaan ni Maria Clara,” nanunudyong biro niya kay Venice. “We’re going shopping!” Kahit hindi agarang sumang-ayon sa kaniya ang kaibigan, puwersahan pa ring hinila ni Helen si Venice palabas ng mansyon. Sa garahe, nag-aantay ang isang itim na limousine. “Get in, we'll make Teo regret everything.” Pagkapasok nila pareho, sinenyasan ni Helen ang driver. Agad nitong pinaharurot ang kotse papunta sa pinakamalapit na mall. Kasabay ng malakas na tugtog, masayang binuksan ng magkaibig
Chapter 3Tinanggap ni Venice ang kaniyang kapalaran. Hindi talaga siya ang priyoridad ng asawa. Kahit madaling-araw, walang pag-aalinlangan si Teo na pumunta sa ospital, ni hindi man lang nila natapos ang usapan tungkol sa diborsyo. Sa kalagitnaan ng gabi, sinamantala ni Venice ang pagkakataon para makapag-empake ng gamit. Lumuluha siya habang paisa-isang sinisilid sa maleta ang mga gamit. Ramdam niya ang hapdi ng labi at pisnge. Sa sobrang lakas ng sampal ni Teo, tumilapon siya. Tahimik ang buong mansyon, pero bigla itong nabasag nang sumigaw si Miguel sa kalagitnaan ng isang masamang panaginip. Natatarantang tumakbo si Venice sa kwarto ng anak, pero imbes na siya ang hanapin nito, si Rhea ang naging bukambibig ng bata. “Mommy Rhea… where are you?” nakapikit nitong turan. “Please Mommy, I need you.”Halos basagin nito ang tainga ni Venice. Parehong asawa at anak niya ang dumudurog sa kaniyang puso. Ang mga taong dapat niyang masandalan, ang siyang umuubos ng kaniyang lakas at sig
Chapter 2“You want a divorce? Gan'yan ka na ba talaga kababaw, Venice?!”Halos magsilabasan ang ugat sa leeg ni Teo. Mukhang natapakan ni Venice ang pride ng asawa, pero wala siyang balak magpatinag. “It wasn't a question, and I wasn't asking. Nakapirma na rin ako.”Sa tindi ng tensyon, napilitang luwagan ni Teo ang kaniyang kurbata. “Wag mong sasabihing makikipaghiwalay ka dahil lang sa nakalimutan namin ang birthday mo?” umiisid na saad niya. “Today wasn't only my birthday,” seryosong tugon ni Venice. “It’s also our fifth anniversary.” Inakala niyang matatauhan si Teo at hihingi ito ng tawad, pero kabaliktaran ang kaniyang naging sagot. Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalala ang pangloloko sa kaniya ng asawa. “How can you be so selfish? Today might be Rhea’s last birthday.”Hindi na nagulat si Venice sa pangangatwiran ng asawa. Sa kahit anong sitwasyon, parati talaga siyang dehado kapag si Rhea ang kalaban. Kasal nga sila sa papel, pero walang duda na ang puso ni Teo ay p
Chapter 1“Happy birthday to me… happy birth—” napalitan ng hikbi ang mahinang boses ni Venice. Pilit niyang kinantahan ang sarili sa harap ng maliit na chocolate cupcake. Tanging pagtangis lang ang maririnig sa loob ng kusina. Nang malapit nang matunaw ang kandila, saka lang nakahanap ng lakas si Venice na ihipan ang apoy. Habang pinagluluksa ni Venice ang sariling kaarawan, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumabas sa screen ang post ng asawa, isang litrato kasama ang pamilyar na babae. Bagama't alam na niya kung ano ang makikita, lakas-loob pa ring pinindot ni Venice ang post.Bumungad sa kaniya si Teo kasama ang kanilang anak. Hawak-hawak ng mag-ama ang isang cake, malaki at punong-puno ng kandila. Nakasulat roon ang mga salitang, “Happy Birthday Mom”. Napakuyom ang kamao niya sa harap-harapang pagsisinungaling ng asawa. Inaasahan niyang nasa importanteng meeting ito kasama ang ilang investor, pero mukhang ibang klaseng negosyo pala ang inaatupag nito. Parang sinukluban