Chapter: Chapter 5: Good Wife Gone BadChapter 5Dahil sa nangyaring pamamahiya ni Venice sa Harmoine Hall, mas tumindi ang galit ni Rhea laban sa kaniya. Bukod sa hindi na gumana ang pagpapaawa, hindi na rin takot si Venice kay Teo. Bilang kalaguyo, nakaramdam siya ng pangamba. Pero imbes na aminin ang pagkatalo, nakaisip kaagad si Rhea ng paraan kung paano mas dudurugin ang karibal. “Miggy, baby!” masiglang bati niya sa bata habang nakaabang sa gate. “I have a little something for you.” Nakilala ni Miguel ang ina-inahan. Ito ang unang beses na bumisita si Rhea sa eskwelahan ng bata. Kadalasan kasi, ang mag-ama ang dumadalaw sa kaniya sa ospital. “Mommy!” tumatakbong tawag ni Miguel. Habang papalapit siya, winagayway ni Rhea ang isang pouch. “Are those marshmallows?” malawak na ngumisi ito at nagpadyak-padyak ng paa. “Of course! My baby deserves a treat for doing so well in class,” sagot niya habang hinahaplos ang pisnge ni Miguel. “Unlike your Mom who only gives you bland food, I'm willing to spoil you.”Kahit hindi
Huling Na-update: 2025-09-17
Chapter: Chapter 4: Aurelia's LegacyChapter 4“It's not your loss, but theirs. The moment you leave, napakaraming lalaki pa rin ang magkakandarapa sayo,” paalala ni Helen habang sumasandal sa door frame. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaibigan. Talagang kinalimutan nito ang magarbong buhay maalagaan lang ang kaniyang mag-ama. Kung dati, parating naka-deisgner clothes si Venice, ngayon halos mapagkamalan na siyang katulong ni Miguel dahil sa sobrang kabaduyan.“Girl, you've gotta loosen up. Iwan mo na ‘yang mga damit mong parang pinaglumaan ni Maria Clara,” nanunudyong biro niya kay Venice. “We’re going shopping!” Kahit hindi agarang sumang-ayon sa kaniya ang kaibigan, puwersahan pa ring hinila ni Helen si Venice palabas ng mansyon. Sa garahe, nag-aantay ang isang itim na limousine. “Get in, we'll make Teo regret everything.” Pagkapasok nila pareho, sinenyasan ni Helen ang driver. Agad nitong pinaharurot ang kotse papunta sa pinakamalapit na mall. Kasabay ng malakas na tugtog, masayang binuksan ng magkaibig
Huling Na-update: 2025-09-17
Chapter: Chapter 3: Lady VenicileChapter 3Tinanggap ni Venice ang kaniyang kapalaran. Hindi talaga siya ang priyoridad ng asawa. Kahit madaling-araw, walang pag-aalinlangan si Teo na pumunta sa ospital, ni hindi man lang nila natapos ang usapan tungkol sa diborsyo. Sa kalagitnaan ng gabi, sinamantala ni Venice ang pagkakataon para makapag-empake ng gamit. Lumuluha siya habang paisa-isang sinisilid sa maleta ang mga gamit. Ramdam niya ang hapdi ng labi at pisnge. Sa sobrang lakas ng sampal ni Teo, tumilapon siya. Tahimik ang buong mansyon, pero bigla itong nabasag nang sumigaw si Miguel sa kalagitnaan ng isang masamang panaginip. Natatarantang tumakbo si Venice sa kwarto ng anak, pero imbes na siya ang hanapin nito, si Rhea ang naging bukambibig ng bata. “Mommy Rhea… where are you?” nakapikit nitong turan. “Please Mommy, I need you.”Halos basagin nito ang tainga ni Venice. Parehong asawa at anak niya ang dumudurog sa kaniyang puso. Ang mga taong dapat niyang masandalan, ang siyang umuubos ng kaniyang lakas at sig
Huling Na-update: 2025-09-16
Chapter: Chapter 2: Emergency! Chapter 2“You want a divorce? Gan'yan ka na ba talaga kababaw, Venice?!”Halos magsilabasan ang ugat sa leeg ni Teo. Mukhang natapakan ni Venice ang pride ng asawa, pero wala siyang balak magpatinag. “It wasn't a question, and I wasn't asking. Nakapirma na rin ako.”Sa tindi ng tensyon, napilitang luwagan ni Teo ang kaniyang kurbata. “Wag mong sasabihing makikipaghiwalay ka dahil lang sa nakalimutan namin ang birthday mo?” umiisid na saad niya. “Today wasn't only my birthday,” seryosong tugon ni Venice. “It’s also our fifth anniversary.” Inakala niyang matatauhan si Teo at hihingi ito ng tawad, pero kabaliktaran ang kaniyang naging sagot. Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalala ang pangloloko sa kaniya ng asawa. “How can you be so selfish? Today might be Rhea’s last birthday.”Hindi na nagulat si Venice sa pangangatwiran ng asawa. Sa kahit anong sitwasyon, parati talaga siyang dehado kapag si Rhea ang kalaban. Kasal nga sila sa papel, pero walang duda na ang puso ni Teo ay p
Huling Na-update: 2025-09-16
Chapter: Chapter 1: Neglected WifeChapter 1“Happy birthday to me… happy birth—” napalitan ng hikbi ang mahinang boses ni Venice. Pilit niyang kinantahan ang sarili sa harap ng maliit na chocolate cupcake. Tanging pagtangis lang ang maririnig sa loob ng kusina. Nang malapit nang matunaw ang kandila, saka lang nakahanap ng lakas si Venice na ihipan ang apoy. Habang pinagluluksa ni Venice ang sariling kaarawan, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumabas sa screen ang post ng asawa, isang litrato kasama ang pamilyar na babae. Bagama't alam na niya kung ano ang makikita, lakas-loob pa ring pinindot ni Venice ang post.Bumungad sa kaniya si Teo kasama ang kanilang anak. Hawak-hawak ng mag-ama ang isang cake, malaki at punong-puno ng kandila. Nakasulat roon ang mga salitang, “Happy Birthday Mom”. Napakuyom ang kamao niya sa harap-harapang pagsisinungaling ng asawa. Inaasahan niyang nasa importanteng meeting ito kasama ang ilang investor, pero mukhang ibang klaseng negosyo pala ang inaatupag nito. Parang sinukluban
Huling Na-update: 2025-09-16