Share

Chapter 225

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-07-22 00:04:18

-Ava-

Hindi agad nakasagot si Ada. Sa halip, lalo lamang lumakas ang kanyang pag-iyak.

“I-I'm so sorry, Mommy Helen...” humahagulgol niyang sambit. “Sinabi ko lang iyon dahil natatakot akong iwan ako ni Daniel. Alam kong gusto na niya akong hiwalayan, kaya naisip kong... baka kung sabihin kong buntis ako, hindi niya ako iiwan.”

Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila lalong nagpapabigat sa loob ni Mrs. Harrison.

Unti-unti siyang napapailing. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang laha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update waiting for more updates
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 225

    -Ava-Hindi agad nakasagot si Ada. Sa halip, lalo lamang lumakas ang kanyang pag-iyak.“I-I'm so sorry, Mommy Helen...” humahagulgol niyang sambit. “Sinabi ko lang iyon dahil natatakot akong iwan ako ni Daniel. Alam kong gusto na niya akong hiwalayan, kaya naisip kong... baka kung sabihin kong buntis ako, hindi niya ako iiwan.” Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila lalong nagpapabigat sa loob ni Mrs. Harrison.Unti-unti siyang napapailing. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng lakas niya. Nanghihinang muli siyang napaupo sa sofa bago ipinikit ang kanyang mga mata. Pagmulat niya, tila sampung taon ang nadagdag sa kanyang edad.“Joaquin...” mahina niyang tawag sa asawa. Agad namang lumapit si Mr. Harrison at hinawakan ang kanyang kamay. “Please... take me to our room.”Agad naman siyang inalalayan ni Mr. Harrison.“I’m sorry, everyone. Gusto ko munang magpahinga.” iyon ang huling sinabi ni Mrs. Harrison bago sila humakbang palayo.“Helen, wait!” mabilis namang pigi

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 224

    -Ava-Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng aking mga mata. Sobrang drama.Nang mahuli kong nakatingin sa akin si Tanya, nginisihan ko siya at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad. Kung wala lang siguro kaming kasama dito ay kanina pa niya ako nasugod at nasampal sa mukha.Si Kardo naman ay umigting ang mga panga sa sobrang galit niya sa akin dahil nahuli din niya ang pagngisi ko na para bang natutuwa ako sa mga nangyayari sa paligid ko.Well, totoo namang natutuwa ako. Pero kulang pa ito. Gusto ko pa ng drama. Yung nakikita kong naghihirap silang lahat. Muling bumaling sa akin ang lahat ng tingin nang ituro ako ni Ada, kaya naman mabilis akong nagpalit ng ekspresyon. Kunwari ay napayuko ako, pero itinago ko lang ang pagkislap ng aking mga mata.Ramdam kong para akong nililitis sa harap ng lahat, pero hindi ako natinag.Nang muli akong mag-angat ng tingin, nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Daniel habang nakatingin kay Ada. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang mga gawa-gawa

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 223

    -Ava-Tahimik lamang si Daniel. Mariin niyang hinawakan ang manibela habang nakatutok ang tingin sa kalsada. Hindi muna siya sumagot. Mukhang iniisip pa kung ano ang pinakamagandang mga salita ang isasagot niya sa kanyang ina.“Daniel!” Muling sigaw ng mommy niya. “Bakit wala kang maisagot? What did you do to Ada? Sinaktan mo ba siya? Umuwi ka na! We're going to talk.”Humugot ng malalim na hininga si Daniel. “Okay, Mom.” sagot niya sa kalmadong boses bago niya pinasibad ang sasakyan pauwi.Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay ng mga magulang niya, inalalayan niya akong bumaba. Ngunit agad kong binawi ang kamay ko nang mapansin ko ang sasakyan ni Kardo na nakaparada sa harap ng kotse ni Daniel.Nahigit ko ang aking hininga. Nandito na sila.Pagpasok namin sa loob, bumungad sa amin ang mabigat na katahimikan.Nakaupo si Tanya sa sofa sa tabi ni Mrs. Harrison habang mahigpit na yakap si Ada, na walang tigil sa pag-iyak. Sa kabilang sofa naman ay seryosong nakikipag-usap si Mr. Harrison k

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 222

    -Ava-Hindi naman agad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla, pero hindi ko namalayang kusang tumaas ang mga braso ko at pumulupot ang mga ito sa leeg ni Daniel. Ayoko mang aminin pero parang bigla ko siyang namiss. Parang bigla ulit nabuhay ang nararamdaman ko sa kanya ngayong ipinaalam na niya kay Ada na annulled na sila, at sa harap ko pa mismo ha.Ano kayang gustong patunayan ng lalaking ito?Tanging marahas na singhap lang ang nagawa ko sa hindi inaasahang paghalik niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka siya tinugon nang palalimin pa nito ang halik, hanggang sa naramdaman ko na lamang na ipinapasok na niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko, at hindi na ako nag-alinlangan pa at binigyan siya ng access.Ipinasok ko na rin ang aking dila at agad na sinipsip iyon ni Daniel habang ang kamay nito ay nagsimulang humulma sa isa kong dibdib. Napasinghap muli ako nang umikot ang kanyang hinlalaki sa ibabaw ng dungg0t ko na natatakpan lamang ng manipis na tela.“Daniel…” pinigi

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 221

    -Ava-“Let’s go home, Ada.” Mabigat ang boses ni Daniel habang nakatingin sa dating asawa. “You should explain to Mom and Dad that you lied about your pregnancy.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “At ako na rin ang magsasabi sa kanila na annulled na ang kasal natin.”Nakita kong nanigas si Ada mula sa kanyang kinatatayuan. Unti-unti siyang napailing habang walang tigil pa rin ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.“No…” Mahina niyang bulong, at lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak. “No, Daniel! Wala akong sasabihin sa kanila. Wala!”Pagkatapos isigaw ang huling mga salita ay bigla siyang tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng parking lot.“Ada!” Tinawag siya ni Daniel, pero parang hindi niya ito narinig at nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo hanggang sa tuluyan ma itong mawala sa aming mga paningin.Biglang tumahimik ang paligid. Ilang segundo ring nanatiling nakatingin si Daniel sa direksiyong tinakbuhan ni Ada bago siya napabuntong-hininga ng malalim.Dahan-d

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 220

    -Ava-“Nagawa kong sabihing buntis ako, dahil sa kanya!” nagulat ako nang maging histerikal na naman si Ada. Maging si Daniel ay bahagya ding napakislot sa inasta niya. Kung hindi ba naman baliw ang babaeng ito. “Siya ang dahilan kung bakit hindi mo ako kayang mahalin, di ba Daniel!”Tahimik lamang akong nakatayo, at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.“Hindi ba, Daniel?” pag-uulit niya. “Sumagot ka!”Umaasa siyang aamin si Daniel, ngunit kabaligtaran ang nangyari. “Walang kinalaman si Ava rito, Ada.” Malamig ngunit matatag ang tinig ni Daniel. “Hindi siya ang dahilan kung bakit hindi kita magawang mahalin, dahil kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maramdaman sa’yo.”Biglang tumahimik ang paligid, at tanging paghikbi lamang ni Ada ang maririnig.“Bago pa tayo ikasal…” Mahinahon niyang ipinagpatuloy. “Alam na nating pareho na arranged marriage lang ito. Pareho nating alam na hindi tayo ang pumili sa isa't isa.”Napaatras si Ada na para bang sinampal siya ng ka

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 35

    -Daniel-Nang matapos kaming kuhanan ng picture ng babaeng kamukha ni Ada, agad siyang tumalikod at umalis na lang ng basta-basta. I stood there, rooted to the spot, my brows slowly knitting together in confusion. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. She looked exactly like Ada. The s

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 34

    -Daniel-Habang papunta kami ni Carlito sa ward, tinatawagan ko ang number ni Marcus pero hindi siya sumasagot. So, I decided to shoot her a message.“Marcus, where’s the private investigator’s number? Kagabi pa ako naghihintay na isend mo ito sa akin, bakit hanggang ngayon wala pa? I need it right

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 31

    -Ava-Kumislap ang mga mata ko nang makita ang resulta ng magic na mga kamay ni mamang Rosa sa harap ng salamin. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.“Ava! Ang ganda-danda mo! Pwede ka na talagang mag-artista!” tuwang-tuwang bulalas ni Ingrid habang pinagmamasdan ang new look ko. “Baka hindi

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 39

    -Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status