Masuk-Ava-Nanlaki ang mga mata ni Ada sa sinabi ko.Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ko at saka ko ikiniling ang aking ulo. “Mukhang nakalimutan mo yata akong padalhan ng imbitasyon,” mahinahon kong saad, ngunit sapat ang talim ng bawat salitang binitiwan ko upang marinig ng lahat. “Kaya pasensya ka na kung napilitan akong mag-gate-crash sa... espesyal mong araw. Gusto ko lang namang masaksihan ang pangalawang kasal mo, dahil noong una, hindi mo man lang ako pinapunta. Pinaghintay mo ako sa…”“Ava!” may pagbabanta sa tinig niya nang pigilan akong ituloy ang susunod kong sasabihin. “Ahmm… yes, kasal ko ito. So pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit ka nandito at nanggugulo? At higit sa lahat, bakit mo hinahawakan ang kamay ng asawa ko?”Natawa ako. Hindi ito malakas at hindi rin pilit. Isa itong maikling tawa na puno ng panunuya. “Asawa mo? Hindi ba't matagal nang annulled ang una ninyong kasal? At kung hindi pa natatapos ang seremonya, ibig sabihin lang nito ay hindi pa rin ka
-Ava-At doon muling nagtagpo ang mga mata namin ni Daniel. Biglang akong nanigas hindi dahil sa takot kung hindi dahil wala akong nakitang gulat sa mga mata niya.Wala ring galit at wala ring pagtataka. Na para bang matagal na niya akong hinihintay at parang alam na niyang darating ako. Parang sigurado siyang hindi ko hahayaang matapos ang kasal na ito nang hindi ako gumagawa ng eksena.Bahagya akong napakurap-kurap, pero bahagya akong napatalon nang marinig ang malakas na boses ni Tanya. "Ava!"Halos matisod pa siya habang nagmamadaling lumapit sa akin, hawak ang laylayan ng kanyang suot na mahabang dress, at sinalubong ako ng kanyang galit na galit na mukha at nagbabagang mga mata."What the hell are you doing here?" gigil niyang bulong sabay haklit ng braso ko. "Dalawang buwan kang nawala! Tapos babalik ka sa araw mismo ng kasal ng kapatid mo para pigilan ito? Are you fvcking out of your mind? Ipianpahiya mo lang ang pamilya natin sa ginagawa mong ito, Ava!"Pamilya natin? Hindi a
-Ava-Agad akong umiwas ng tingin kay Daniel at muling yumuko para itago ang mukha ko sa sumbrerong suot ko. Nakita kong nagtext ulit sa akin si Alfie at sinabi niyang nakahanda na ang lahat. Signal ko na lang ang hinihintay niya.Nang makarating si Ada sa harap, agad kinuha ni Daniel ang kanyang kamay at inalalayan siya nito sa paglapit sa altar. At saka lang nagsimulang magsalita ang pari nang makapwesto na ang dalawa sa harap nito."Bago natin ipagpatuloy ang seremonyang ito, nais kong itanong kung mayroon bang sinuman sa mga naririto na may legal o makatarungang dahilan kung bakit hindi dapat ikasal ang dalawang ito? Kung mayroon, magsalita na ngayon."Malinaw at matatag na umalingawngaw ang tinig ng pari sa buong hardin, at kasabay non ay parang huminto ang pag-ikot ng oras. Ang mahinang tugtog ng string quartet ay unti-unting humina hanggang sa tuluyan itong tumigil.Maging ang hangin na kanina'y marahang humahaplos sa mga bulaklak ay tila napako sa ere. Lahat ay naghihintay kun
-AvaMabilis akong bumaba ng hagdan at pagdating sa unang palapag ay inayos ko muna ang itim kong sumbrero at ibinaba iyon nang bahagya upang matakpan ang kalahati ng mukha ko.Ayokong may makakilala agad sa akin. Hindi pa ito ang tamang oras.Tahimik akong naglakad patungo sa malawak na hardin. Isa-isang dumadating ang mga bisitang pawang nakasuot ng mamahaling gown at tuxedo. Ang iba ay may hawak na champagne habang masayang nag-uusap. Ang iba nama'y abala sa pagpapakuha ng litrato sa mga mamahaling dekorasyong inangkat pa mula sa iba't ibang bansa.Napakaperpekto ng lahat. Wedding of the year. Mukhang iyon ang gusto ni Mrs. Harrison. At mukhang walang tinipid para maisakatuparan iyon.Ngunit habang ang lahat ay abala sa paghanga sa engrandeng selebrasyon, tahimik akong dumaan sa likod ng mansyon at nagtungo sa likuran ng malaking grotto.Huminto ako nang makita ang lalaking naghihintay na sa akin. Naka-long sleeve siya, may suot na press ID sa leeg at makapal na salamin.Pagkakita
-Ava-“Alam mo Ava, hindi ko talaga alam kung anong pinaplano mo.” Nakairap na sabi ni Chantal sa akin habang mahigpit na nakakapit sa braso ko, na para bang natatakot siyang kapag binitawan niya ako ay bigla na naman akong mawawala. “But seriously, bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?”Napangiti ako at sinulyapan siya. “So, namiss mo ako?” tanong ko sa kanya ng may halong pang-aasar.Agad siyang napabuga ng hangin at mariing umiling. “Never! Huwag kang assuming ha!” pagdedeny niya, pero kitang-kita ko naman ang pagkinang ng kanyang mga mata. Kahit anong denial pa ang gawin niya, hindi maitatago ng ekspresyon niya ang saya nang makita niya akong muli matapos ang dalawang buwang pagkawala ko.Natawa na lang ako. “Sinungaling ka pa rin hanggang ngayon, Chantal.”“Hey! Kailan ako nagsinungaling sayo, ha?” namumula ang mukhang tanong niya.Napailing na lang ako. “Pero ako...” Unti-unting lumambot ang boses ko habang tinititigan ko siya. “Namiss kita, Chantal. Sobra-so
-Daniel-I had no idea that Buknoy and Ava had known each other for years, or that they had even been neighbors back in their hometown. Nalaman ko lang ito noong nag-utos ako ng tao para bantayan ang bawat galaw ni Ava.Pinabantayan ko siya, hindi para kontrolin siya. But to make sure she was safe at all times. And every single day, I received reports about her.Tuwing madaling-araw, magkasama silang gumagawa ni Buknoy ng pandesal sa bakery na malapit sa kanyang bahay. Pagkatapos ay iikot sila sa buong baryo upang magbenta. After that, they would head to the beach, where they would spend some time swimming in the sea. Pag-uwi nila, may dala na silang sariwang isda.Sa hapon naman, nakikita ko siya sa video na siniswnd sa akin. Tahimik na nakaupo sa bakuran at kinakausap ang mga tanim niyang gulay.Dinidiligan din niya ang mga bulaklak ng kanyang ina, at minsan ay nakatulala lang siya sa mga ito. Minsan naman ay tahimik na nakaupo sa dalampasigan at nakatingin sa kalayuan at tila ba ma
-Daniel-Nang matapos kaming kuhanan ng picture ng babaeng kamukha ni Ada, agad siyang tumalikod at umalis na lang ng basta-basta. I stood there, rooted to the spot, my brows slowly knitting together in confusion. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. She looked exactly like Ada. The s
-Daniel-Habang papunta kami ni Carlito sa ward, tinatawagan ko ang number ni Marcus pero hindi siya sumasagot. So, I decided to shoot her a message.“Marcus, where’s the private investigator’s number? Kagabi pa ako naghihintay na isend mo ito sa akin, bakit hanggang ngayon wala pa? I need it right
-Ava-Kumislap ang mga mata ko nang makita ang resulta ng magic na mga kamay ni mamang Rosa sa harap ng salamin. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.“Ava! Ang ganda-danda mo! Pwede ka na talagang mag-artista!” tuwang-tuwang bulalas ni Ingrid habang pinagmamasdan ang new look ko. “Baka hindi
-Ava-Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “So fvcking beautiful, baby.” at halos mapatili ako nang dampian niya ito ng halik.“Daniel!” galit na pagsita ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako.“You’re hot when you get angry.” komento niya at saka sinimulang kuskusin ng loofa ang parteng iyon







