Teilen

Chapter 276

last update Veröffentlichungsdatum: 11.08.2026 23:59:12

-Ada-

Dahil sa ingay mula sa labas ng kuwarto, napabalikwas ako ng bangon. Pero dahil inaantok pa ako, pinilit kong matulog ulit. Nahiga ako at ipinikit ang mga mata ko, umaasang matatakpan ng antok ang mga ingay sa labas.

Sinubukan kong huwag pansinin ang mga yabag at kalabog sa labas ng kuwarto, pero habang tumatagal, lalo lamang akong naiirita. Para bang nananadya ang mga tao sa labas na istorbohin ako sa pagtulog.

Sa huli, napabuntong-hininga ako nang malalim. Naiinis na bumangon ako para a
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 280

    -Ava-Maya-maya lang ay hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Isa-isang tumulo ang mga ito sa aking pisngi, at bigla na lamang naupo si Daniel sa tabi ko at kinabig ako nang mahigpit na niyakap.“It’s okay, baby,” bulong niya sa tenga ko. “Makakabuo pa ulit tayo ng anak natin. Maraming-maraming anak.”Ngunit sa halip na mapagaan ang loob ko, lalo lamang bumigat ang dibdib ko kaya napahagulgol ako nang malakas. “I’m sorry. Hindi ko alam,” pahikbi-hikbi kong sabi. “Kung alam ko na buntis ako, eh di sana…”“Ssshhh…” Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok ko. “Don’t blame yourself and stop crying, please. Nasasaktan din ako kapag nakikita kong nasasaktan ka. Walang nabubuhay na bata sa isang ectopic pregnancy, so wala kang kasalanan, okay?”Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin, pero ingat na ingat siya na para bang natatakot siyang masaktan ako.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang pagkawala ng anak na hindi ko man lang alam na mayroon ako, o ang

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 279

    -Ava-Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa kamay ko, at noon ko lamang napansin ang transparent na tubong nakakabit sa likod nito na konektado sa suwero na nakasabit sa tabi ng kama.Nanlaking bigla ang mga mata ko. “A-Anong nangyari sa akin? Ano ‘to?”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “You were pregnant, Ava.”Para bang may mabigat na bagay na ibinagsak sa harapan ko pagkarinig ko sa sinabi niya. Pregnant? Ako?Hindi. Hindi maaari.Ang ultrasound image na ipinakita ko sa lahat ay peke. Pinaprint ko lamang iyon sa isang computer shop sa probinsiya bago ako bumalik dito sa Maynila. “Daniel, mukhang nagkakamali ka.” Pilit kong pinanatiling kalmado ang boses ko. “Hindi ba sinabi ko na sa’yo na peke lang ’yung ultrasound picture na pinakita ko? Hindi talaga ako buntis.”Tumayo si Daniel mula sa gilid ng kama at humarap sa akin. “Si James mismo ang tumingin sa’yo at nag-opera. Wala na ang anak natin, Ava.”Pero hindi rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Ang iniisi

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 278

    -Ava-Bahagya kong ikinurap-kurap ang aking mga mata, at nang tuluyan ko itong imulat, ilang segundo muna akong nakatitig sa kisame bago ko napagtantong nasa loob ako ng isang kuwarto sa ospital dahil halos lahat ng nakikita ko sa paligid ay pulos puti. Huminga ako nang malalim at pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.Unti-unting bumalik sa alaala ko ang takot na takot na ekspresyon ni Daniel nang makita niya ang dugo sa suot kong pantulog. Pababa na kami noon sa hagdan habang buhat-buhat niya ako nang bigla akong mawalan ng malay. Hindi siya nakinig sa sinabi ko at dinala pa rin talaga niya ako dito sa ospital.Hindi ko napigilang umiling. Sinubukan ko naman siyang kumbinsihin na wala siyang dapat ipag-alala. Normal na buwanang dalaw lang ito at wala akong nararamdamang kakaiba kung hindi sakit lamang ng puson. Pero sa sobrang pag-aalala niya, hindi lamang niya ako dinala dito. Parang buong ospital yata ang inabala niya, na para bang nasa bingit ako ng kama

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 277

    -Daniel-“Manang Huling, pakikatok si James sa kuwarto niya. Pakisabi na sumunod agad siya sa hospital at sabihin mo sa kanya kung anong nangyari kay Ava.” sabi ko sa kanya habang inihahatid kami sa sasakyan kung saan naghihintay na si Carlito sa driver’s seat na pupungas-pungas pa.“Sige po, sir. Pasusunurin ko po kaagad sa inyo.” sagot naman nito at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.Sumakay na ako sa loob ng kotse, at agad pinasibad ni Carlito ang sasakyan patungo sa ospital. “Hurry up, please!” mariin kong utos sa kanya.“Yes, sir!” sagot niya na halatang kinakabahan din habang patingin-tingin sa akin sa rearview mirror. “Ano po bang nangyari?”“I don’t know. Bigla na lang siyang dinugo. Sagot ko nang hindi inaalis ang mga mata ko kay Ava. Tahimik siyang nakahiga sa mga bisig ko, walang malay at maputlang-maputla ang mukha. Bahagyang nakapikit ang kanyang mga mata at halos hindi ko na maramdaman ang normal na paghinga niya.“Baby…” mahinang tawag ko sa kanya at mahigpit kong

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 276

    -Ada-Dahil sa ingay mula sa labas ng kuwarto, napabalikwas ako ng bangon. Pero dahil inaantok pa ako, pinilit kong matulog ulit. Nahiga ako at ipinikit ang mga mata ko, umaasang matatakpan ng antok ang mga ingay sa labas.Sinubukan kong huwag pansinin ang mga yabag at kalabog sa labas ng kuwarto, pero habang tumatagal, lalo lamang akong naiirita. Para bang nananadya ang mga tao sa labas na istorbohin ako sa pagtulog.Sa huli, napabuntong-hininga ako nang malalim. Naiinis na bumangon ako para alamin kung ano ang kaguluhan sa labas. Maingat kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at bahagyang inilabas ang ulo ko upang tingnan kung ano ang nangyayari.Magkakatabi lamang ang mga kuwarto namin, at ang kuwarto ni Chantal ang nagsisilbing pagitan ng kuwarto namin nina Daniel at Ava. Kaya naman malinaw kong narinig ang nagmamadaling mga yabag mula sa hagdan.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang suot ang manipis kong pantulog at lumapit ako sa railing at sumilip sa ibaba. At doon ko naki

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 275

    -Daniel-Pagkatapos kong pakainin si Ava, muli na namang kumatok si Manang Huling, and this time, sinabi niyang ipinapatawag daw ako ni Mommy sa study room dahil gusto daw niya akong kausapin.“Okay, Manang. Susunod na ako,” sagot ko. Hindi ko na binuksan pa ang pinto dahil alam kong maririnig pa rin niya ako kahit nasa loob ako ng kuwarto. Nang marinig kong papalayo na ang kanyang mga yabag, muli kong hinarap ang asawa ko. “Dito ka lang muna, ha. Kakausapin ko lang si Mommy.”“Okay,” sagot niya bago bumaba mula sa kama. “Maliligo lang muna ako.”Napangiti ako sa sinabi niya. “Wait for me. Huwag mo akong tutulugan, ha? May gagawin pa tayo mamaya.”Namula ang mukha niya bago ako marahang hinampas sa braso at mabilis na tumakbo papasok sa banyo.Kahit sarado na ang pinto sa banyo, nakatitig pa rin ako dito at parang tangang nakangiti. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin siya sa akin. Kahit mag-asawa na kami, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkainosente.Nagmamadali akong lumabas ng kuw

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 052

    -Ada-“Huwag nang maraming tanong, Ada.” tinapik ni mommy ang mga paa ko kaya nalaglag ang mga ito sa sahig. I couldn’t help but roll my eyes at her. Ang sakit ha!“Kung ako sa’yo, asikasuhin mo na lang ang asawa mo. Gawin mo ang lahat para magsiping na kayo. At siguraduhin mong mabubuntis ka sa u

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 39

    -Ava-“Hoy, Ava! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?” tanong ni Ingrid habang sinusubuan ko ng pagkain ang inay. Hindi na kami nakapag-usap kanina ni Ingrid pagkatapos naming iwanan sina Daniel sa labas ng ward dahil inasikaso ko na ang nanay ko. Tapos ipinatawag pa ako ng doktor at sinabi sa aki

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 35

    -Daniel-Nang matapos kaming kuhanan ng picture ng babaeng kamukha ni Ada, agad siyang tumalikod at umalis na lang ng basta-basta. I stood there, rooted to the spot, my brows slowly knitting together in confusion. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. She looked exactly like Ada. The s

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 34

    -Daniel-Habang papunta kami ni Carlito sa ward, tinatawagan ko ang number ni Marcus pero hindi siya sumasagot. So, I decided to shoot her a message.“Marcus, where’s the private investigator’s number? Kagabi pa ako naghihintay na isend mo ito sa akin, bakit hanggang ngayon wala pa? I need it right

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status