Share

CHAPTER TWENTY

Neutral lang ang mukha ni Grayson nang sumilip si Rebecca sa bintana ng kotse ni Bryle. Nakapamulsa ito at tila naghihintay na dumating silang dalawa. Naghihintay na rin sa labas ang mga magulang niya na may makikinang nang ngiti. Sa unang pagkakataon na nawalay ng ilang araw sa kanila si Rebecca ay ngayon lang nila ito nakitang muli kaya naman ganon na lang ang saya sa mga mata nila. Nandyan din si Alexis kahit na medyo masama ang loob nito. Ganon pa man, isa rin naman siya sa excited sa pag-uwi ni Rebecca. Miss na miss na kasi niya ang dalaga.

"Rebecca, anak!" tuwang-tuwang sigaw agad ng nanay niya pagkababang-pagkababa pa lang nito ng sasakyan.

"Nay! Tay!" mangiyak-ngiyak pa niyang sagot habang nagtatatakbo para mayakap ang mga magulang niya.

Naging mahirap ang nagdaang mga araw para sa kanya pero kinaya niya iyon dahil sa mga magulang niyang nagsilbing inspirasyon sa kanya. At ngayon na nagbagong buhay na siya ay sisikapin niyang huwag na muling bumalik sa dati niyang trabaho.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status