Share

Rex

Rex Pov... 

Nasorpresa ako na malaman na dumating na si Samantha. Matagal na panahon nung huli ko siyang nakita simula pinili niyang mag - aral at manirahan sa ibang bansa. Nagulat talaga ako na bigla nalang siyang umalis. Hindi rin siya nagpaalam sa akin basta nalang siyang umalis. Kaya naman nakipagkita ako sakanila agad nung sinabi niyang kumakain sila ni Sam. She grow up as a refine and beautiful woman. Lalo pa siyang tumangkad!

Hindi ko ipinahalatang natutuwa akong makita siyang muli. Malaki nga lang ang ipinagbago niya dahil noon high school pa lamang siya samantalang ngayon ay dalaga na siya. Kailangan ng boundaries. Dati pa pwede siyang basta yumakap at kumandong sa aking hita pero ngayon ibang usapan kapag nangyari ang bagay na yun! Baka mapatay ako ni Jordan at tito James and I might not control myself this time. Hindi na siya bata kundi isang napakaganda at maalindog na babae.

Those were now memories that I will treasure for the rest of my life. Kumusta na kaya siya, may boyfriend na ba siya doon na naiwanan o wala pa? Huwag ng mag - aksaya ng panahon para alamin Rex baka hindi mo kayanin. Sita ko naman sa aking sarili na biglang na-curious. Sabagay, bilang nakakatandang kapatid lang naman kaya ako nagtatanong eh, pampalubag loob ko sa sarili kong biglang napapraning. Basta masaya akng andito na siyang muli. Yayain ko pala siyang kumain doon sa paborito naming puntahan ni Jordan.

Alam kong nakatingin siya sa akin pagdating ko sa restaurant pero hindi ako nagpahalata na alam ko. I pretended I didn't see her gawking on me. At least kahit matanda na ako ay may napapakilig pa ako. Kapal ng mukha lang noh, Rex. Sita ko nanaman sa sarili kong ambisyoso. I hid that feelings I had for her ten years ago! Walang nakakaalam na may pagtingin ako sa kanya sanggol pa lamang siya. It's creepy for others pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magustuhan siya. That feeling grows deeper when she turned 10 and kissed my lips on my 20th birthday. I did find a solution to overcome that feelings I had towards her pero ngayon na bumalik na siya, nayayanig ang sarado ko ng puso. Nakakatakot ang dalang lindol na parang hindi ko pa yata napaghandaan.

Ngayon isa siyang magandang dilag at may kaakit - akit na katawan na kahit sino ay mahuhumaling, pwede na talaga siyang maligawan pero dadaan muna sa akin ang manliligaw na yan. Ayaw kong basta nalang ang manliligaw niya. Lalo siyang tumangkad at nanatili ang kinis ng kanyang balat. Nagbago lang kanyang buhok na kulay ombre at curly pero bouncy. One of my weakness is the beautiful hair. Kapag kasi maaalaga ka sa iyong bubok ay malinis ka. Iyon ay ang aking panananaw. Hindi ako tumitingin sa mga damit na gamit kundi sa buhok at kuko sa paa.

Anyway, I'm happy she was here. At least a little help from her can make his brother back to his feet. Losing someone you love dearly isn't easy to deal with but I know Jordan will survive this turbulence in his life.

Ang unang pagkakataon na kami ay magkasamang muli ay ang kumain ng pananghalian noong isang araw at hindi ko maiwasan na hindi matawa. Hindi ko alam kung anu ang iniisip niya. Naka isang subo lang siya na matagal na nakatitig sa akin. Patapos na akong kumain ganun pa rin siya. Hindi ko alam kung paano ko siya sisitahin buti nalang nakaisip naman ako kaagad.

Gusto kong matawa lalo na nung sinabi niyang masarap ang pagkaian eh, kanin lang naman ang naisusubo pa lamang niya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti at matawa nang matawa sa aking opisina na nadatnan ni Sam. Natulala siyang nakatingin sa akin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Morning Sam." Bati ko sa kanya na nakangiti. Namula ang kanyang mukha.

"Good morning Rex!" Napakagat labi niyang muling sagot. Ibinaling ko ang aking tingin sa pintuan bago bumuga ng hangin. Kapag patuloy niyang gagawin yan, mahahalikan ko nanaman ang kanyang makipot na labi na wala sa oras.

Naglakad siya papunta sa mesa ni Jordan na kanyang ginagamit ngayon. Muli siyang sumulyap sa akin na nahuli ko sa aking tagiliran.

"Kumusta naman ang pagtatrabaho mo dito? Iba ito sa nakasanayan mong trabaho?" Pagsisimula ko ng aming usapan. Mahirap naman maging masyadong tahimik at walang kibuan nalang kami dito. Napakali pa naman ang opisinang ito. Pwede nga ang lima o anim na mesa.

"Exhausting but fun I guess. Hindi nga ako makapaniwala na nakakaya itong gawin ni kuya Jordan. Waking up early in the morning, reading all of this before signing. It's exhausting!" Kanyang makahulugang sagot. Kung ikumpara sa klase ng kanynag trabaho nakakapagod talaga ito ng katawan at utak.

"Don't worry sa Friday I will bring you somewhere else to relax after the whole week exhausting day." Pahayag ko sa kanya. Hindi ko na tinanong kung gusto ba niyang sumama sa akin o baka may iba siyang lakad. Should I ask that  eh, gusto ko nga siyang makasamang muli.

"I'll check my itiniraries attorney on that day!" Bigla niyang sagot. Iniiwasan ba niya ako o sadyang nahihiya lang na makasama ako. Hindi na ba talaga siya si Samantha na babaeng minsan kung kandong hanggang makatulog sa aking braso?

"Oh! Sure! Nakalimutan ko nga pala hindi na ikaw ang batang Sam na kandong - kandong ko pa para makatulog." Wala sa sarili kong himutok. Iniangat ko ang aking mukha para tignan siya dahil hindi na siya sumagot. Nagulat akong makita siyang gulat na gulat. Lumaki ang kanyang mata at nakabuka pa ang kanyang bibig na nakatingin sa akin. Kumunot ang noo kung tinitigan siya ngunit hindi pa rin siya kumukurap.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanyang mesa. Iwinagayway ko ang aking palad sa kanyang harapan pero ganun pa rin ang kanyang hitsura.

"Samantha!" Untag ko sa kanya. Nagulat siyang tumingin sa aking mukha. Biglang namula ang kanyang mukha na akala mo ay isaag sirang kamatis. Nakailang buka pa ang kanyang labi ngunit walang katagang gustong lumabas sa kanyang bibig.

"Sorry! Did I say something that offended you?" Nag - alala kung tanong. Hindi pa kami nagtatagal na magkasama ay mukhang diswalipikado na ako na maging kuya sa kanyang tabi.

"No! You didn't atorney!" Mabilis niyang turan. Muli akong kumot noo sa kanya.

"Please Sam drop that atorney word. Wala naman tayong ibang kasama rito. Para ka namang iba sa akin, we once like siblings! Jordan just call me with my name. Wala naman sigurong nagbago sa atin. Still the Sam that I used to know, same here!" Saad ko sa kanya dahil parang may agwat na kami. May barikada na kailangang matibag. She just grown up so, why change all of a sudden? Is it becasue she is everyone's favorite now and I am just an old lawyer hanging besides her?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merida Garcia
I am getting more interested to finish the story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status