DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING: This story contains mature scenes and language that is not suitable for minors. Read at your own risk. ***** PROLOGUE Napangiwi sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok mula sa kalaban, direkta sa kanyang tagiliran. Paulit-ulit siyang umatras sa tuwing susugod ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Ang itsura pa lang ay parang kahit papanain ay hindi tatamaan. Maraming manonood ang sabik na naghihintay kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ang siyang idedeklarang panalo. Nasa audience din ang kanyang kuya na si Brandon, tahimik na nanonood habang pinagmamasdan ang alanganing galaw niya. Mukhang dehado siya sa laban. Malaki ang pustang inilagay ni Brandon sa kanya, at kung mananalo siya, triple ang balik ng pera nila. Napangisi ang amasonang kalaban ni Caramel at muling sumugod, handang itumba siya. Mabilis niyang naiwasan ang malakas na suntok na pinakawalan nito, ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umatake. Patuloy ang agresibong pagsugod ng kalaban, kaya napaatras siya sa bawat bigwas na nakakalusot sa kanyang depensa. Kailangan niya ng tamang tiyempo para maitumba ito. Mas malaki ang katawan ng kalaban kumpara sa kanya, kaya kailangan niyang makahugot ng sapat na puwersa upang direktang tumama sa panga nito. "Come on, bitch! Huwag kang duwag!" mayabang na hamon ng kalaban, nakangisi habang pinalalapit siya. Hindi niya ito pinansin. Konsentrasyon ang kailangan niya. Nang muling gumalaw ang kalaban, mabilis niya itong naiwasan. Kasabay ng suntok na paparating ay ang sarili niyang pag-atake, isang uppercut ang tumama, dahilan upang mapaatras ang kalaban. Napabuntong-hininga si Brandon, halatang nanghihinayang. Mukhang hindi napuruhan ang kalaban sa halip na madala, natawa pa ito kay Caramel. Subalit, ang ginawa niya ay hindi lamang isang atake kundi isang pagsubok para masukat kung gaano kalakas ang puwersang kakailanganin niya upang pabagsakin ito. Samantala, sa isang pribadong lugar sa itaas ng arena, seryosong nanonood si Primero, isang business tycoon, kasama ang kanyang mga alipores at ang may-ari ng arena. Habang humihithit ng sigarilyo, at bumaling siya sa kasama. "Gusto ko ang galaw ng babaeng 'yan. Gusto ko siyang kunin," pabulong niyang sabi sa may-ari ng arena. "Sino sa kanila? Yung malaki ang katawan?" tanong ng may-ari. "Hindi. Hindi ako mahilig sa babaeng mala-Mister Muscle ang hubog ng katawan, Kael," sagot ni Primero, dahilan upang matawa ang kausap. "Hindi ko siya pagmamay-ari, pero puwede mo siyang hiramin," sagot ni Kael, inilapit ang bibig kay Primero. “Hiramin mo siya sa Supreme Intelligence Agency," bulong nito. Napangiti ang negosyante. Sa ring, patuloy ang laban. Maliksing kumilos si Caramel, paulit-ulit na iniiwasan ang mga suntok ng kalaban. Isang mabilis na suntok ang ibinigay niya sa tiyan nito, dahilan upang mapaatras ito nang bahagya. Agad siyang sumugod upang sundan ito ng isa pang suntok sa mukha, ngunit mabilis itong naka-ilag. Hindi niya inaksaya ang pagkakataon ay isang flying kick ang pinakawalan niya, tumama sa panga ng kalaban. Hindi nito inaasahan iyon, kaya hindi na nito napigilan ang sumunod-sunod na suntok na pinakawalan niya. Nagawang itulak siya ng kalaban upang makalayo. Humawak ito sa lubid ng ring at napangisi. “'Yun lang ba ang kaya mo?” pang-aasar nito sa kanya. Hindi siya sumagot, nanatili lamang sa depensa. “Sugod!” sigaw ng kalaban, nakangisi habang muling umaatake. Mabilis na nagpakawala si Caramel ng sipa, pero nasangga ito ng kalaban. Hinawakan nito ang kanyang hita at walang kahirap-hirap na binuhat siya, saka ibinalibag sa sahig. Biglang napatayo si Brandon, dismayado, kasabay ng ibang pustero na mukhang natatalo na. Napabuka ang bibig ni Caramel sa matinding sakit ng pagbagsak. Sumigaw ang kalaban, ipinagmamalaki ang nagawang pagpapatumba sa kanya. Naririnig niya ang sigaw ng kanyang kapatid mula sa audience. Pilit niyang iginagalaw ang katawan upang makaupo. Nang makita ng kalaban na bumabangon siya, agad itong sumugod upang tapusin ang laban. Balak nitong daganan siya at bagsakan ng siko ang kanyang tiyan. Pero mabilis siyang gumulong upang makaiwas. Agad niyang hinawakan ang lubid at pilit na tumayo. Nang makabangon siya, nagpagpag lamang ng kamay ang kanyang amasonang kalaban, tila hindi iniinda ang laban. Pero muling nabuhayan ang mga pustero ni Caramel, hindi pa siya tapos! Hindi siya susuko. Hindi siya magpapatalo sa babaeng ito. Muling sumugod ang kalaban, pero ginamit niya ang kanyang paa upang patamaan ng malakas na sipa ang panga nito. Napayuko ito, kaya agad niyang sinundan ng siko sa likuran at isang malakas na tuhod sa tagiliran. Napaluhod ito sa sahig. Susundan pa sana niya ng isa pang suntok, ngunit pumagitna na ang referee at sumenyas sa mga hurado. Panalo na siya. Tuluyang bumagsak sa sahig ang kalaban. Napasigaw si Brandon sa tuwa at agad na umakyat sa ring. Niyakap niya si Caramel at itinaas ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala at nanalo siya! Habang nakahiga siya kanina sa sahig, marami siyang naisip. Mabuti na lang at sumilay ang mukha ni Carmen sa isip niya, nagbigay ng panibagong lakas. Agad niyang sinuot ang t-shirt na inabot sa kanya ni Bran. Boxer bra lang ang kanyang suot sa pang-itaas, at nakasuot siya ng maskara upang walang makakilala sa kanya kagaya ng iba pang kalahok sa laban. Iniwan niya si Brandon sa arena upang kunin ang napanalunang pera at naunang nagpunta sa locker room. Hinubad niya ang t-shirt at hindi namalayang may taong pumasok at pinagmasdan ang kanyang magandang hubog. Hinubad niya rin ang maskara at ipinasok sa bag. Pero napahinto siya sa paghahalungkat ng gamit nang maramdaman ang presensya ng iba. Pagkaharap niya ay tama nga ang hinala niya. Isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa kanya. Ang business tycoon na si Primero Misuaris, kasama ang kanyang mga naka-armang alipores. Lumapit ito sa kanya. "Congratulations! It's a tough fight, but you won with power and determination," puri ng matanda. Kilala niya ito, ito ang ama nina Third at Fourth. "May kailangan ka ba sa akin, Sir?" tanong niya. Napangiti ito. "I didn’t come here just to waste my precious time. Kilala mo naman siguro ako?" Tumango siya. "Sinabi sa akin ni Kael na nagtatrabaho ka sa Supreme Intelligence Agency." "Matagal na akong nag-resign," sagot niya habang kinakalas ang bendahe sa kamay. "Gusto ko na rin kasi ng panibagong trabaho. Nakakabagot na maging isang agent—monitoring agent," paglilinaw niya. Medyo natawa si Primero. "Kung gano’n, puwede kang magtrabaho sa akin. Malaki ang sahod." Mataman siyang tumitig sa matanda. Seryoso ba ito? Kung pera lang ang usapan ay game siya. "Anong klaseng trabaho?" tanong niya. "Bodyguard. Bodyguard ng pasaway kong anak." Medyo nag-alangan siya... ngunit ok na rin lalo na't mayaman naman ang magiging amo niya. At ang dating secret agent ay mukhang magiging bodyguard na naman ng anak ng isang bilyonaryo.Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam
“Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo
Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.
Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL
Sa aking minamahal na mga mambabasa, Sorry, kung late na akong nag-author's note. Salamat nga pala sa pagsubaybay ng istoryang ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, sa mga nagbasa, naghintay, nagbigay ng komento, at nagpakita ng pagmamahal sa kwentong ito. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng buhay. Sa bawat emosyon na ating pinagsaluhan, sa saya, sakit, galit, at pagmamahal... sana ay may iniwan akong bakas sa inyong mga puso, gaya ng iniwan ninyo sa akin. Hindi ito paalam, kundi isang bagong simula. Sana’y samahan niyo pa rin ako sa mga susunod ko pang kwento. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat po. God bless you all. —Anne
May biglang tumilamsik na kung ano sa mukha ni Fourth, kaya agad niyang iminulat muli ang kanyang mga mata. Pagkadilat niya, bumungad ang nakakagulat na tagpo—si Dos ay bigla na lamang natumba sa sahig. Kasabay nito, dumanak ang dugo nito sa malamig na semento, tuloy-tuloy ang agos na parang ilog ng kamatayan na sumasayad sa kanyang mga paa. Patay na si Dos. Sa mismong lugar, binawian ito ng buhay. Nagulat ang mga kalalakihang nasa paligid. Agad silang naalarma, bawat isa’y kusang humugot ng baril. Ngunit huli na ang lahat, hindi na nila nagawang lumaban. Isa-isa silang bumagsak sa sahig. Tahimik ngunit mabilis ang naging pag-atake. Walang ingay, walang anumang babala. Saglit na natulala si Fourth sa kinauupuan. Napalunok siya ng laway habang unti-unting binabalot ng gulo ang kanyang diwa. Nang makabawi ng ulirat, itinaas niya ang kanyang paningin patungo sa itaas na bahagi ng bodega. Nandoon si Caramel—matatag ang tindig sa mataas na platform. Maayos ang kanyang posisyon, hawak an