Share

CHAPTER 5

IT WAS GREY alright. Lumapit pa sa table nila ang mga lalaki.

“Well if it isn't the feisty Monique Rojas, kumusta? Ang tagal nating hindi nagkita," Antonio Banderas look-alike said.

Ngiting-ngiti naman si Monique while Misca shows signs of irritation. "Heto, maganda pa rin! Kayo?! OMG, Tyler, kumusta?! Naaalala mo pa ba kami?" Itinuro pa ni Monique ang ibang babae sa table.

Tyler smiled his signature smile. Alam na alam ni Hayley ang ngiting 'yon. Kaya nga nalaglag ang panty niya rito, e. "Of course, I can still remember you, ladies, but this lovely vixen here..." Obviously ay siya ang tinutukoy nito.

‘LOVELY VIXEN!’

Itinulak pa siya ni Monique at nagtilian ang mga kasama nila. "Vixen daw, ghorl!"

Gusto niyang lumubog sa kinauupuan, nabanggit kasi niya kay Monique na tinawag siyang 'sly vixen' ng lalaking pinangalanan niyang Grey. Siguradong alam na nito ang nangyayari.

"Ah, if you'll excuse us," ani Misca. "Can we go upstairs? Allen and the others are waiting—”

“Teka lang! Ang KJ mo, hubby! Ipakikilala ko muna si Hayley kay Ty! Hayley, this is our grey-eyed friend here, Tyler and Tyler, this is our lovely vixen, Hayley...” nagtilian na naman sina Monique.

Ngumiti lang si Tyler pagkatapos ay tinanguan siya. "Nice meeting you again... Hayley..."

Pakiramdam ni Hayley ay hinagod nito ang likod niya nang banggitin ang pangalan niya. Nanlalandi ang himig. May gustong ipahiwatig pati mga titig.

‘'Te, ang panty, 'te... Tangina 'yang ganiyang mga titig, e! I'm doomed! Kapokpokan wants to join the conversation na namern!’ tili niya sa isip.

"Tyler, let's go," biglang umentra si Antonio Banderas na hindi man lang ipinakilala sa kaniya sabay layas din.

Hindi na nagsalita si Tyler, sa halip ay sumunod na lamang sa lalaki. Kinunutan sila ng noo ni Misca bago ito ang huling sumunod sa dalawa.

Nang maiwan siya sa mga babae ay halos magkapunit-punit ang katawan ni Hayley, the girls wanted her to spill the tea. They wouldn't believe na walang R-18 na nangyari sa pagitan nila ni Tyler.

"Ako na ang magkukuwento kung ayaw ni—"

"Monique!" saway niya sa babae sabay tampal sa hita nito.

Monique just gave out a bitchy laugh while pointing a finger on her. "Pa-virgin ka, ghorl?!" Then she looked at the other girls. "Lovely vixen roared like a bitch in heat daw when they—"

"Monique, isa!"

“And would you believe na may beads si—”

"Oh my God! Talaga?!" one of the girls shrieked. Odette if she's not mistaken.

Napatakip na lang sa mukha niya si Hayley. Never in her wildest imagination na naisip niyang ilalaglag siya ni Monique in front of these girls na first time niya lang makilala.

‘Monique, I swear uubusin ko ang buhok mo, you tactless bitch!’

THE NIGHT WENT on at hindi naman inasar ng mga babae si Hayley. In fact after magkuwento ni Monique ng blow-by-blow account niya—na pinagsisisihan na niyang ikinuwento niya rito in the same manner!—ay hindi na iyon muling napag-usapan. Parang gusto lang makarinig ng wild sex confession ng mga harot.

Napaisip tuloy siya. Kung ganoon kakaswal magkuwento sa ibang tao si Monique ng tungkol sa sex. Ganoon din kaya ito kapag nakikipagkuwentuhan kay Misca?

Napangisi siya. I mean... Hello? Misca and Monique? Sharing sex stories like what the fuck? The guy's a statue—

But then may mga anak ang dalawa kaya... She shook her head. Bakit ba pati sex talk at sex life ni Monique ay pinagtutuunan niya ng pansin? Was she that tigang?

‘Eeewww, what the fuck?’

Anyway, she met Monique when she was in her teens, nag-OJT siya sa Renner Tower 11 noon at sa pagkaka-alala niya ay napakasuplada ni Monique.

May issue kasi noon na kumakalat na nakikipag-date ito kay Allen Renner pagkatapos ay binasted ng lalaki nang magtapat ng damdamin. Monique's video went viral and she disappeared in the public view for months. Then after some time she suddenly became an employee at Allen Renner's company.

Sobrang sungit at suplada noon ni Monique lalo na kay Misca, but looking at her friend now... Is she the same Monique? Parang ang laki ng ipinagbago nito.

"Huwag mong isipin 'yon! Mamaya babalikan ka noon at bibigyan ka ulit ng orgasm nang walang penetration!" humahalakhak na sabi ni Monique.

Hayley rolled her eyes and raised her middle finger. "CR lang ako."

“Ingat, Vixen," Cassy said. "Sa CR oftentimes nangyayari yung mga spur of the moments shit sa novels!”

Nagtawanan ang grupo nila na kapansin-pansing tila mga hindi pa tinatablan ng alak kahit ilang oras nang nag-iinuman ng kung anu-ano. Hindi siya gaano umiinom dahil natatakot siyang baka gumawa na naman ng kagagahan kapag naapektuhan ng alak ang pag-iisip.

‘Mabuti sana kung kay Tyler lang ako gagawa ng kagagahan. Eeeehhhh! Enebe?!’

Wala sa sariling napabungisngis si Hayley habang naglalakad patungo sa ladies room. Nang makapasok ay may narinig siyang nagsusuka sa isa sa mga cubicle na nahahaluan ng tawanan ng tatlong babaeng nakabantay sa labas noon.

Napansin lang niya na parang tunog asong nasusuka ang naririnig niya. Grabe sigurong alak ang ininom ng sinumang nagsusukang iyon.

"Napakatigas kasi ng iyong ulo," anang isa sa tatlong babae. "Sinabi nang umuwi na tayo sapagkat pare-pareho na tayong lango sa nakalalasing na inumin ngunit ayaw mong papigil." Tumawa pa ito.

Habang nagre-retouch ay hindi mapigilan ni Hayley na makinig sa pinagsasasabi ng mga babae. Ang lalalim magtagalog ng mga iyon. Parang mga kasali sa Balagtasan pero mga naka-brallet, see-through, shorts at skirts.

‘Kung yung iba napapa-english kapag lasing, these girls are the opposite...’

Nagsusuklay siya nang biglang may kumalampag sa loob ng cubicle. Napapitlag pa siya dahil sa lakas noon, paglingon niya ay nabakas niya ang kaba sa mukha ng tatlong babae.

They're all looking at her like she isn't suppose to be there.

"Uhm... Is she OK?" Itinuro pa niya ang cubicle.

Isa ang nakangiting lumapit sa kaniya at iginiya siya palabas ng rest room. "A... Girl I think you better go—"

"Oh my God, what the hell—" Nakita niya sa ilalim ng cubicle ang isang mahaba at mabalahibong something that looked like a tail, then a low growl suddenly echoed all across the room.

Bigla siyang ipinagtulakan palabas ng babae. "Girl, we're so sorry but get out na—Tyler, please take her away."

”Wait—what—"

"Hey, let's go," anang lalaking biglang humila sa kaniya.

The guy with the grey eyes that reminded her of the blue ridge mountains and wolves.

‘Tyler! Ehmheygheeeedddddd!!!’

"HEY! WHERE ARE we going ‘be’?" Sa sobrang pagpapabebe ay nagboses pabebe teenager na nga si Hayley. Hinila siya ni Tyler hanggang sa parking lot. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi ni Cassy.

‘I remember some spur of the moment shit too that took place sa parking lot. Huehuehue...’

Piyestang-piyesta ang paningin niya sa likod ng lalaki, sa pwetan nito at sa mahahabang legs. Kinakaladkad siya nito pero hayun at kung anu-anong kagagahan ang naiisip niya.

"Aray, ha!" Nahimas niya ang palapulsuhan nang bigla siya nitong bitiwan. Kunot-noo siyang tumingin dito nang humarap sa kaniya. Sinubukan niyang hindi malunod sa mga mata nito but she can't kaya itinuon niya ang tingin sa braso niyang hawak nito kanina nang mahigpit.

‘Dapat sa leeg ka nantso-choke, ano ba...’

“What are you doing here?" tanong ni Tyler na nakapagpa-angat ng tingin niya rito.

Seryoso ba ito sa tanong na iyon? Malamang she was there to have some fun. "Malamang I was here to have some fun."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Really now? Are you sure you're not following me?"

"I'm sorry?" What is this guy implying?! "And why would I follow you nga?"

Humalukipkip ito kaya saglit na bumaba ang paningin niya sa mga braso nito. Napalunok siya pero kaagad ding lumipad ang tingin sa mukha nito.

"I don't know. You tell me. Bakit mo ako sinusundan?"

Napanganga siya. Ang kapal naman pala ng mukha nito. Ni hindi nga niya maalala ang pangalan nito, paano pa niya masusundan? Wow, ha. The audacity! "Excuse you, hindi kita sinusundan. I don't know your name and I can't even remember where we last saw each other kaya please, huwag ka namang mag-assume!"

"Oh, of course. Silly of me to ask. Syempre you wouldn't admit to your crime, I can file a case against you if you don't stop following me," nakangisi pa nitong sabi.

Sukdulan nga pala sa kapal ang pagmumukha nito. Palibhasa siguro ay gwapong-gwapo sa sarili. Bigla siyang naumay rito. Kung noon ay atat na atat siyang makita ito, ngayon ay gusto na niya itong burahin sa alaala niya.

Jerk magnet yata talaga siya. Bakit asshole na naman ang lalaking nasumpungan niya?

She raised her hands in surrender. "You know what? I should go back inside instead of wasting—"

Bigla siya nitong hinawakan sa braso. "No you can't—"

“Ow? Bakit? You owned this place—" Naalala niyang sinabi ni Monique na kaibigan ni Misca ang may-ari ng lugar. "Oh... Sorry, sige aalis na lang ako—"

"No, I mean, you can't leave—"

“Ano ba?" kalmado niyang tanong. "Ano bang problema natin? I think this is considered harassment. Pwede rin kitang kasuhan." Nayayamot na siya rito. Para siyang pinagti-trip-an.

Huminga ito nang malalim. "OK, I'm sorry, I was just joking when I accused you of stalking me. I know you're not coz I can smell—I mean... yeah, uhm... But you can't get inside coz it's kinda dangerous—"

“Oh my God! Sina Monique—"

"No, they'll be fine. They're used to it—"

"Sa danger?" gulat niyang tanong. "They're used to danger? What the hell—"

"Ang hirap namang ipaliwanag—" Marahas itong napakamot sa batok. "Why don't we get a coffee or something? I have a lot of questions to ask you and I bet you do too."

Sasama ba siya rito? Hayley suddenly thought of Ezekiah. Not that she's still thinking na sugo ni Ezekiah si Tyler. It's impossible now that she found out that the guy's friends with Monique and Misca. Pero something's telling her that she's not supposed to get close with him.

Basta... May kung ano sa lalaking ito na dapat niyang iwasan...

"ARE YOU A witch?"

Napadilat si Hayley. Sumalubong sa kaniyang paningin ang kulay abong mga mata ni Tyler. Napangiti siya at hinaplos ang pisngi nito.

"Pick-up line ba 'yan?" aniya.

Tyler smiled and pulled her closer for a hug. She snuggled in his bare chest. "Nah... But you can say that."

Lalo siyang nagsumiksik dito. Hayun. Sabi pa siya nang sabi kanina na dapat niya itong iwasan pero magkabuhol na naman ang mga katawan nila sa ibabaw ng kama. Hindi niya maalala kung paano sila humantong sa hotel gayung ang usapan lamang nila ay magkakape sila.

Gaga kasi siya. Naniwala siya kay Tyler, pero noon namang napansin niyang hindi kapihan ang gusaling tinutumbok ng kotse nito ay hindi naman siya umangal. Hindi siya nagsalita ni gaputok kahit noong kausap na nito ang receptionist. Sumunod lamang siya pagkatapos ay nakipaghalikan dito nang

mai-lock na ang pinto ng inookupa nilang silid.

And now, she's only on her thongs, wala pa siyang bra kaya lapat na lapat ang dibdib niya sa dibdib nito. E, pake ba niya? Marupok siya, e. Tsaka hindi ba't ilang linggo na niyang hinahangad na makita ang lalaking kasama niya? Aarte pa ba siya?

‘Hell naw...’

"Akala ko hindi na kita makikita," she said.

He kissed the top of her head. "I have my ways to find you if I want too."

Nag-angat siya ng tingin. "Hinanap mo ako?" Kinilig agad siya.

"Hindi, a. Ang sabi ko, if I want too," nakangisi nitong sabi.

Kinurot niya ito sa nipple na ikinatawa nito.

"Honey, this city is so small magkikita at magkikita tayo," he said.

Sumubsob uli siya sa dibdib nito. "Para sa 'yo, maliit..." Maliit naman talaga, lalo na para sa aming dalawa ni Ezekiah, that's why I need to stay inside to protect myself. Kahit ten square meters lang ang Maynila ay hindi pa rin tayo magkikita kung ganoon ang drama ko.

"Why do I sense a hidden meaning behind what you just said?" seryoso nitong tanong.

He sensed it? "Wala 'no," tanggi niya.

Humigpit ang yakap nito sa kaniya. "It's OK, everybody has a secret to keep..."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status