Share

CHAPTER 8

DAIG PA NI Hayley ang baboy na nakawala sa kural nang magkita na naman sila ni Tyler. Pumunta siya sa shop niya para mag-check kunwari ng mga ganap doon bago nag-proceed sa paglandi.

Sa isang coffee shop sila nagkita ni Tyler, nauna ito sa kaniya kaya thankful siya na hindi niya kailangang maghintay nang nag-iisa. Kahit naman nagsisimula na uli siyang bumalik sa sirkulasyon ay wary pa rin siya, mahirap na. Lalo pa nga at nang nakaraang araw lang ay nakatanggap na naman siya ng mga mensahe mula kay Ezekiah. B-in-lock na uli niya ang panibagong account na ginagamit nito, ilang account na ba ni Ezekiah ang b-in-lock niya? Wala rin naman kasing saysay na i-stalk niya ito para malaman kung saan ito naglalagi. Ginawa na nila iyon noon ngunit napag-alaman nila na palipat-lipat pala ng lugar ang lalaki.

Kung bakit kasi hindi na lang ito tuluyang mawala sa buhay niya.

“Kailangan ba talaga ako rito?” Tyler asked, adjusting his shades to block the morning sun.

Alanganin ang ngiti niya. “Sorry na, ahm... Bakit ba narito tayo sa labas? Sayang ang rejuv set ko, ang init-init.”

“Para makita kita kaagad. Ano, shall we order or shall we find a nicer place?”

Nawalan siya ng kibo. Parang iba ang ipinahihiwatig ng mga sinabi nito. ‘Am I just a booty call, huh?’ Gusto sana niyang itanong kaya lang parang ang assuming naman.

“I know a resto,” tugon na lang niya. “They serve the best bulalo in town.”

Amused na amused naman si Tyler. “Really? Bulalo at...” Sinipat nito ang relo. “Ten in the morning?”

“Bakit? Hindi pa ako nagbe-breakfast, halika na!”

Wala na itong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Good thing the place she's talking about is just a stone's throw away from the coffee shop. Naglakad na lang sila papunta roon, hassle pa kung magkokotse sila, he brought his Ford Ranger and she brought her ten year Vios.

‘Well, at least may car...’

Nang makarating sila ay binati kaagad ng staff si Hayley, kilala na siya ng mga iyon dahil regular customer siya, nang mabaling ang tingin ng mga iyon kay Tyler ay saglit na tila natigilan ang babaeng staff. She can fully understand her though, ganoon na ganoon ang reaksiyon niya the first time she saw Tyler, kaya lang there is something in the girl's expression that made her think na hindi lang simpleng paghanga ang naramdaman nito sa kasama niya and her assumptions were proven right when she heard the waitress chat with a fellow waitress.

“Mas gwapo itong kasama ni Ma'am kaysa sa boyfriend niya, sila kaya?”

“Malay. Matagal din siyang hindi napadpad dito—mamaya na nga, baka mahuli pa tayo, e.”

She can't help but smirk and raise an eyebrow. Nakaka-proud na mapagkamalan silang mag-boyfriend ni Tyler.

“This place reeks of karinderya.” Bumuntong-hininga pa na tila disappointed na disappointed.

Napakurap siya sa sinabi ni Tyler pagkaupong-pagkaupo pa lang nila. Napatitig siya rito, he looks uncomfortable, palinga-linga ito at panay ang kibot ng ilong.

“O, what's the problem with karinderyas? Don't tell me hindi ka kumakain sa ganoon?” Na-offend siya nang slight. Ang arte naman yata nito.

He flashed her his mouthwatering smile and she forget his offensive sounding remarks and offensive looking reactions. “Of course I do, kaya lang you said resto, parang karinderya lang ito, e.”

Tumirik ang mga mata niya. “Ever heard of a homey feel? Yun ’yon. Sa palagay mo ba may papayag na magtayo ng karinderya sa part na 'to ng city? People here are kind of elitist—”

“What is your definition of an elitist?” He put his elbows on the table and laced his fingers then rested his chin on them.

“Well, kagaya mo, masyadong nag-iinarte sa mga bagay that you thought is mas mababa kaysa sa nakasanayan ng mga rich. You know? Mababa ang tingin sa poor?”

He chuckled and didn't comment kaya siya naman ang nagtanong, “Ikaw, what is your definition of an elitist?”

Huminga ito nang malalim, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. “You know what, I can tell you're hungry, medyo debate mode ka na, order for us, you know what's best in this karinderya.”

“Ugh!” Kulang na lang ay magdabog siya, pero sinunod din naman niya ang sinabi nito. “Waiter!”

TALIWAS SA INAASAHAN ni Hayley, Tyler devour the bulalo that was served on him. Kung titingnan nga ay medyo barbaric itong kumain. He went to the restroom to wash his hands, he didn't bother using a spoon and fork. Nagkamay ito at walang habas na humihigop ng sabaw sa bowl. Hayley had to tell him he's drawing attention.

“Hindi ba uso sa ’yo ang finesse?” aniya.

Tyler looked at her with that innocent look on his face. “What?” Then he proceed on eating like he's not been eating for days. Anong sinabi ng mga mukbanger sa lalaki ng subo nito.

“Pinagtitinginan ka na ng mga tao, dahan-dahan ka namang kumain. Pangatlong order mo na ’yan, a.”

Nginitian lang siya nito bago nagpunas ng kamay sa napkin. “I can't help it, the place gives out a homey feel, this is how I eat at my house.”

Naging isang linya ang mga kilay niya, naningkit ang mga mata at napanganga. Nananadya pala talaga ang hudyo. Masyadong dinamdam ang sinabi niyang homey feel. Sarkastiko na lang siyang napatawa.

“You know what?” aniya. “This is so much for our first—” Mabuti at napigilan kaagad niya ang sarili! Sasabihin sana niyang first date nila iyon! Oh my God, the embarrassment!

“First what?” But of course he's not the guy who'll let it past.

“Finish your food and let's go.” Tumayo na siya at naunang lumabas. Tyler's at his final bites and she's pretty sure he's done. Bahala itong magbayad doon.

Naghintay siya sa labas para na rin makapagpahangin at mag-isip. Saan ba hahantong itong landian nila? Naglalandian nga ba sila o siya lang ang assuming?

Clueless siya sa kahulugan ng mga ginagawa nila ni Tyler. Nauna kasi ang intimacy bago ang getting to know each other. Hayan tuloy. Ngayon lang niya nalaman na may pagkapilosopo, balahura at sira-ulo pala ang lalaking iyon. Lalo tuloy siyang nalilito.

May meaning nga ba ang bagay na hinahanapan niya ng meaning? Naalala niyang nabanggit ng lalaki na kung gugustuhin nitong hanapin siya ay mahahanap siya nito. He didn't look for her though. So...

Napabuga siya ng hangin at napatingala. The sky is blue and oh so clear, taliwas sa isipan niya na magulong-magulo.

“Whews, it's kinda hot!”

Napalingon siya sa nagsalita. Lumabas na pala si Tyler, suot nang muli ang shades sa mga mata dahil sa sikat ng araw, he's pinching the front of his shirt and slowly shaking it to release some heat. Nang tumingin ito sa kaniya ay nagpalinga-linga pa bago lumapit.

“Get back inside, I'm getting my car. Masyado nang mainit for you to walk. Sige na, I'll be quick.” Hinawakan pa siya nito sa siko at inakay.

“No, no, it's OK. Maglakad na lang—”

“Sayang ang rejuv set mo—whatever that is—ang init-init.”

Alanganing matatawa at maaasar si Hayley rito. Pabirong hinampas niya ito sa braso. “OK, fine. Pero dito na lang ako, I'll wait for you there.” Itinuro niya ang benches na nasa lilim ng mga punong hindi niya alam.

Tumango si Tyler. “OK. Wait for me then.”

“Oo na.”

Then he ran.

Ang luwang ng ngiti niya while walking towards the benches. Alas-onse ng tanghali kaya walang katau-tao roon, probably eating inside. Naupo siya at inalala ang mga sinabi ni Tyler. Naalala pa talaga nito ang rejuv set niya na pahapyaw lang naman niyang sinabi. Hindi nito alam kung ano iyon pero naunawaan na hindi siya dapat maarawan.

Natatawang napailing siya when she suddenly felt a presence behind her. Bago pa niya ma-check kung ano o sino iyon ay may naupo na sa tabi niya at inakbayan siya.

“Hi, Babe...”

‘Oh God...’

“Z-Zeke?” His name is so fitting, she felt sick to her stomach. Gusto niyang ilabas muli ang mga kinain.

“Pangiti-ngiti ka pa, ha...” He sounds maniacal. “Sumama ka sa ’kin.” Hinila siya nito patayo.

“No—”

He was quick to cover her mouth with his filthy hands. Parang hindi na ito naliligo. He smelt vile.

Hindi siya makapanlaban dahil iniipit siya nito ng braso at katawan nito. There is no one around to notice the situation. Kinakaladkad na siya nito palayo. Sari-saring senaryo na ang naglalaro sa isipan niya nang biglang—

“Hey!” Tyler just got out of his vehicle parked a few meters away and then suddenly, he was in front of Ezekiah who was too stunned to speak when Tyler hit him in the jaw.

Nakawala siya nang hablutin siya ni Tyler ay itago sa likuran nito, natumba sa damuhan si Ezekiah ngunit bumunot ito ng kutsilyo at magtatangka pa sanang lumaban, but then Tyler let out an inhuman growl that made Ezekiah ran like hell.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi pa siya nakaka-recover ay hinila naman siya ni Tyler para sumakay na sa sasakyan nito, people from the resto went out to check what had taken place. Malamang ay narinig ng mga iyon ang angil na pinakawalan ni Tyler and maybe that is also the reason why he is so eager for them to get to the Ranger.

“What the fuck was that?” tanong niya pagkakabit ng seatbelt.

“No, who's that guy? Bakit siya nakayakap sa ’yo?” Obviously he's angry.

Napanganga siya. Akala pa naman niya ay tatanungin siya nito kung OK lang ba siya o kung nasaktan siya. Pero hindi, mukhang may nasaling yata siyang ego.

“Ano? Who's he? Akala ko ba wala kang boyfriend?” His eyes are wide and if she's not mistaken, they are shifting colors from grey to gold. “God, he stank!” May na-produce itong hand sanitizer out of nowhere and he apply a generous amount on both of his hands.

Abot-abot pa rin ang paghinga niya. Ang daming katanungan na naglalaro sa kaniyang isipan. Bakit ba ganito umarte si Tyler? At... totoo ba ang narinig niya kanina? He growled.

“Hayley? Tang*na naman, kinakausap—”

“He's my ex,” she said para matapos na lang at siya naman ang magtatanong. “He tried to kill me and is still trying. I'm in danger. The authorities are still looking for him coz he still have an outstanding warrant of arrest.”

Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Tyler but he said, “Bakit hindi mo kaagad sinabi? Sana pala hindi ko hinayaang makatakas yung pantot na ’yon—”

“Paano ko sasabihin, I was shocked?! Oh my God, can you please put in mind that I was just assaulted and was close to being kidnapped?! Ang insensitive mo!”

“OK, OK, I'm sorry. Calm down...” He hugged her and caressed her back. “Geez, your heartbeat's fast. You sure is scared—”

“Malamang! I thought...” Biglang may namuong tubig sa paningin niya. “I thought he can finally end me...”

Lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito nang maramdaman o marinig marahil na umiiyak na siya. He just let her cry on his chest. No words were spoken and he didn't care how long it takes for her to cry. Basta nakayakap lang ito sa kaniya, almost cuddling her.

She must admit, Tyler's familiar scent helped in calming her, para siyang naturukan ng tranquilizer coz she suddenly felt sleepy. She felt safe. Buti na lang talaga at napakabilis nitong nakarating.

Nawala ang antok niya sa naalala. Yeah. He run so fast when he saw Ezekiah almost strangling her. Kumurap lang yata siya ay nasapak na kaagad nito ang h*******k niyang ex, pagkatapos ay ang takot sa mga mata ni Ezekiah nang umangil si Tyler.

“Tyler?” she asked while still holding onto him.

“Yeah?” He didn't made a move to release her.

“Did you just... Growl to scare Ezekiah, away?” She never heard any person growl like what he did. Marami siyang napapanood na thirst traps sa TikTok ng mga lalaking nagga-growl, meron ding mga metal singers na tila sinasaniban ng masamang espiritu kung mag-growl. But what Tyler did earlier was not comparable to anything like those.

He sounded like an angry animal. He sounded like a wolf running in the blue ridge mountains...

“Yeah, I did.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Magnolia Gutierrez Sabas
miss Jaye , next please...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status