Share

CHAPTER 9

“YEAH, I DID.”

Wala sa sariling naitulak ni Hayley si Tyler. Napanganga siya. “What the—”

“Why?” inosenteng tanong ng lalaki. “It's as if it's a wonder. Hindi ka pa nakakarinig ng nagga-growl na tao?” Animo normal lamang na gawain ang ganoon kung magsalita ito.

“Haven't you heard of this trend on TikTok—”

“Oh my god, sabi ko na nga ba...” Nasapo niya ang noo.

“Why?”

Nilingon niya ito. “Nagti-TikTok ka—”

“Of course not—”

“Tyler, kasasabi mo lang—”

“I said I saw the trend on TikTok. I didn't said I have an account on TikTok. My friends do that growl challenge a lot that's why I know.” He explained as if his reputation is at stake. Para namang nakakabawas ng pagkalalaki ang pagkakaroon ng TikTok.

‘Men...’

“OK na, sige na. You redeemed yourself na—”

“Good—anyway, what do you want to do now? Gusto mo bang mag-report tayo sa pulis or you want me to chase after him, you still have his scent all over you, I—the police dogs can track him down.”

Natawa siya. “Grabe naman sa police dogs.” Although she's considering the idea, kaya lang ay baka nakalayo na si Ezekiah, wala na ring silbi, isa pa ay baka pagtawanan lang sila dahil wala pa naman siyang nabalitaang ganoong insidente. Na nahuli ang isang kriminal dahil sa amoy nito sa katawan ng biktima. E di sana matagal nang nai-suggest iyon sa kaniya ng mga pulis noon pa mang araw na sinaktan siya ng hayup na ’yon. His saliva and sweat are all over her.

Ipinilig niya ang ulo nang maalala ang insidenteng iyon.

“Hayley?” Concern is evident in his voice. Pati mga mata nito ay kababakasan ng pag-aalala.

Pinilit niyang ngumiti. “Let’s just go to the nearest police station.”

“AND WHO'S THIS Tyler?” Dilat na dilat na naman ang mga mata ni Katharina. Alalang-alala na naman.

Naipaliwanag na ni Hayley ang buong pangyayari kay Katharina pero mukhang inaantok pa yata ang step-mother niya dahil ipinapaulit na naman sa kaniya ang mga naganap.

“I told you he's a friend. He happened to be in the same area where I was kaya naagapan niya yung plano ni Ezekiah...” Hayley flopped on the sofa. Kararating lang niya. Nag-text lang siya kay Katharina nang pauwi na siya na na-encounter na naman niya ang kaniyang sira-ulong ex. Ayaw na niya itong papuntahin pa sa police station dahil siguradong maghi-hysterical lang ito roon at baka mag-eskandalo pa sa kabagalan ng aksiyon ng mga pulis.

As if naman siya lang ang kasong sinusubukang lutasin ng sangkapulisan. Wala ring konsiderasyon ang stepmom niya, e. Pero alam naman niyang kalagayan niya ang inaalala nito kaya ganoon ito ka-OA. Ang kaso, yun nga lang. Ang OA na nito.

Huminga nang malalim si Katharina. “Why don't we hire you a bodygu—”

“Kata?!” Ayan na naman ito sa ka-OA-yan nito.

Tumawa lang ang babae pagkatapos ay ginulo ang kaniyang buhok. “I'm thankful to whoever this Tyler is. Invite him for a dinner minsan dito sa bahay. We need to thank him—”

“I already did na, OK na ’yon—”

“No, ako pa. Hindi ko pa siya napapasalamatan sa pagliligtas niya sa ’yo. You know what? I think you should flirt with—biro lang.”

Tinakpan niya ang tainga. Kunwari ay ayaw niya sa idea ni Kata ngunit ang totoo ay matagal na silang nakapaglandian ni Tyler, hindi pa lang siya ready na sabihin dito coz she doesn't know where the roads will lead her and that guy, baka mamaya passing fancy lang ang lahat.

“Hoy, Hayley, don't ever consider flirting with that Tyler unless you introduce us na,” muling hirit ni Kata. “I will judge him first and you will listen to me. Ayoko na ng isa pang Ezekiah, OK?”

“OK na. Oo na. Matulog ka na ro'n, may pasok ka pa mamaya ’di ba?”

“Ow, right. Thank you for reminding me.” Yun lang at tumakbo na ito pabalik sa kwarto.

Nang mapag-isa ay wala sa sariling nginatngat ni Hayley ang gel ng hinlalaki niya. Kamuntikan na siyang mapahamak kung hindi dahil kay Tyler. Nakampante siya dahil saglit siyang nakalimot sa sitwasyong kinalalagyan niya. Hindi niya naisip na hindi nga pala siya safe kapag nag-iisa lang dahil nasa paligid lang si Ezekiah.

Nakasama lang niya nang ilang sandali si Tyler ay feeling malaya na kaagad siya. Ngunit ito rin naman ang nagtanggol sa kaniya laban sa ex niya.

Thinking about what happened, Tyler was one hell of a fast guy. Parang kakikita pa lamang niya rito na bumaba sa sasakyan ay nasa harapan na kaagad nila ito. Ni hindi nakaporma si Ezekiah dahil nakapagpakawala kaagad si Tyler ng suntok sa panga nito. Naramdaman pa niya ang hangin na humampas sa kaniyang mukha mula sa pwersa ng suntok na iyon. Bago pa siya mabitiwan ni Ezekiah ay nahablot na siya ni Tyler. Imbes kasi na bitiwan siya ng ex niya ay lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya upang marahil ay masuportahan ang sarili nito mula sa suntok na natanggap.

And then there was Tyler's growl which made Ezekiah scram. Bakas na bakas sa mukha ng ex niya ang labis na sindak. Ano kaya ang itsura ni Tyler nang gawin nito iyon?

And it made her wonder... Ilang tao ba ang aangil in the face of danger? Hindi ba't mga hayop lang ang gumagawa ng ganoon? Tyler can throw solid punches like what he did to Ezekiah, kaya bakit imbes na pulbusin nito ang ex niya ay umangil na lang ito?

Napakamot siya sa ulo at natatawang tumingala sa kisame. “What the fuck was that?”

Nakita lang daw nito sa TikTok ang ganoong growl pero di-hamak na mas malakas ang ginawa nito at mas tunog-hayop. In fact she felt his chest vibrate when he did that. Sana lang ay tiningnan niya ang mukha nito upang nakita niya kung anong klaseng emosyon ba ang inilabas nito na kinatakutan nang husto ni Ezekiah.

Nag-iisip na ba siya nang sobra? Baka nga. Ano namang iba pang dahilan ni Tyler para gawin ang ganoon maliban sa pananakot ang Ezekiah? It's as if may kakaibang sikreto sa pagkatao si Tyler na dapat niyang katakutan.

“Lol... I've been in a relationship with a bunch of psychotic assholes, para namang may mas ilala pa si Tyler sa kanila...”

IT WAS ANOTHER day of work for Hayley. Though a little nervous yet she have to check on her business. Hindi naman porke't nanganganib ang buhay niya ay kailangan na ring manganib ng negosyo niya. Gutom ang aabutin niya kung pababayaan niya ang shop.

Mabuti nga at hindi siya nagrerenta ng tirahan dahil bawas gastusin din iyon, but she's not proud of her status. Ilang panahon na lang ay trenta na siya pero wala siyang sariling bahay. If only her savings are enough for her to have her own house, kaya lang ay duda siya kung kakayanin niyang mag-isa sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

“Haayyy... Iba-iba lang siguro talaga ang time ng pag-asenso ng mga tao,” she said to herself while parking.

After checking the status of her internet café— which is doing great, thanks to her efficient team of attendants and assistants—she immediately went home. Hindi niya gusto ang vibes sa labas. May pakiramdam siya na parang minamatyagan. Praning na kung praning pero better safe than sorry.

Habang nagda-drive ay panay ang tunog ng message alert ng kaniyang cellphone. Nakagat ni Hayley ang ibabang labi. She knew who the sender is kahit hindi pa niya tingnan ang cellphone. Sino pa ba namang magti-text sa kaniya nang sunud-sunod? Marahil ay nasa paligid nga lamang ito at pinanonood siya at nang sumakay siya ng kotse ay nawalan ng pagkakataon na pagmasdan pa siya.

‘God, why is he so creepy?’

“Ano bang nakita ko sa h*******k na ’yon before?! Why did I even consider having a relationship with him?! Nakakabwisit!” Napahampas siya sa manibela ngunit bago pa siya tuluyang mag-breakdown ay pinilit niyang ikalma ang sarili. She was driving, baka maaksidente pa siya kung patuloy siyang magwawala.

“Bwisit ka talaga, Ezekiah...”

Nang makarating sa bahay ay tsaka lang ch-in-eck ni Hayley ang mga text messages na natanggap and she's unfortunately right about the sender.

From: 09*********

Alis k na agd? I jus got hir.

From: 09*********

Tel ur new guy 2 sked a mit up w/ me. How dare he touch u? Ur myn hayley

From: 09*********

Speakng of dat guy, wer did u met him? He's not ur type. U don't go aftr rugged males.

From: 09*********

2 tel u honstly he luks dangrous. U shud c d face he made wen he growld, f my memrys not shittng me, he's got pointd teeth lyk a vmpire. 🧛

From: 09*********

U cn hyd behnd his ass but trust me babe. I'll cum 4 u wen u least xpectng it.

From: 09*********

& rmmbr 2 kip d doors & d wndows lockd.

From: 09*********

& tel ur guy i prchasd a gun. 💖

Nahilot ni Hayley ang sentido. She once again get out and went to the police station to report Ezekiah's threatening texts and the fact that he's near her internet café. Baka nakuhanan ito ng cctv cameras sa paligid at matunton kung saan nanggaling o papunta.

Napapagod na siya, sa totoo lang...

“HEY, NAPATAWAG KA?” Tyler's voice filled Hayley's senses dahil naka-headphones siya nang tawagan ito. Pakiramdam agad niya ay kumalma ang sistema niya.

“A—uhm... I-I was just... Ano...” What to say? Tinawagan niya ito dahil gusto niyang marinig ang boses nito. Ilang araw na ba mula nang huli silang magkita at magkausap? The guy wasn't making any efforts to communicate with her kaya siya na ang nauna. Bahala na kung ano ang iisipin nito, wala naman sigurong masama kung pagbigyan niya ang sarili after days of Ezekiah's pestering.

“Wanna hangout?” anang lalaki. Malamang ay naiinip sa tagal niyang sumagot.

Bigla namang na-guilty si Hayley. Parang napilitan lang si Tyler para hindi siya mapahiya. Pero— “Sige...”

And hanging out with Tyler meant entwining in each others body in a heated lovemaking—wait... Lovemaking nga ba—

‘Oh, whatever!’

S*x, fvck¡ng, lovemaking, kung anuman ang tawag sa ginagawa nila. Ang mahalaga they both enjoyed it.

After two rounds of... whatever, Hayley found herself staring at the ceiling while Tyler's busy fidgeting on his cellphone. Para silang mga tanga na wala nang pakialam sa isa't isa pagkatapos magpalitan ng bodily fluids.

“What's wrong?” mayamaya'y tanong ni Tyler.

Napalingon siya rito. Salubong ang kilay ng lalaki habang nag-i-scroll sa YouTube.

“Huh?” wala sa sariling tanong niya.

“You suddenly called and you sounded disturb. What's eating you?”

Tumunganga uli siya sa kisame. “I... I just... I felt like I needed to see you...” Anong sinasabi niya?

“Why?”

Why indeed?

Nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita. Bumalik ang guilt. Ginagamit lang ba niya si Tyler para makawala sa stress niya kay Ezekiah? Attracted ba siya rito dahil sa kakaibang karisma nito o distraction lang na maituturing ang nararamdaman niya?

“Why?” ulit ni Tyler.

Wala namang urgency sa boses nito pero bigla siyang na-pressure na sagutin ang tanong nito. Bumigat ang kaniyang paghinga.

“Hey, Hayley, what's wrong? Why are you crying?” Inalalayan kaagad siya nito na bumangon.

Noon lamang niya na-realize na umiiyak na nga siya. Napahawak siya sa basang pisngi. “I don't know...” Her voice cracked. Lalo siyang napa-iyak. “I don't know...”

“Fvck...” Tyler whispered and enclosed her in a tight embrace. “Ano bang nangyayari sa ’yo? Tell me.”

More crying. Hindi na nga niya alam kung bakit siya umiiyak. Humahagulgol na siya at nanginginig ang katawan.

Takot at stress kay Ezekiah. Kalituhan sa nararamdaman niya. Guilt dahil parang ginagamit lang niya si Tyler para makaramdam ng pagkalma. Gulong-gulo siya sa nangyayari.

What happened to the carefree Hayley she knew? OK na siya ’di ba? Nakakapag-party na nga sila ni Monique, e. Naaasikaso na niya nang matiwasay ang negosyo niya. Ano na naman bang problema niya?

“I don't know what to feel,” she said while sobbing. “I'm scared, I'm confused... Hell I'm guilty!”

Tyler hugged her even more. “You can tell me everything. I know we're a bit of a stranger to each other but I'm willing to listen to your thoughts if you're embarrassed to speak with your therapist.”

That's it. She needed a therapist. She have to admit it. The hardest of her battles are inside her.

Lalo siyang napaiyak. But this time she was sure it's because of anger towards Ezekiah.

‘Bwisit na Ezekiah...’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status