Share

CHAPTER 6

“I AM FRIENDS with almost everybody inside The Ruins," Tyler said when Hayley asked him why she was thrown to him by those girls in the rest room.

“Pansin ko nga everybody's acquainted.” Nakatanga lang si Hayley sa mga mata ng lalaking nakatanga naman sa kawalan.

Ngumiti ito. “Yeah. I never thought that all the three creat—I never thought that I'll get to know a number of different people.”

Napalabi siya. Bumuka ang kaniyang bibig para sana magreklamo sa pagiging kumportable rito ng mga babaeng iyon kaya lang ay napaisip siya. Sino ba siya? Hindi naman siya ang girlfriend nito. Ni hindi nga sila magkaibigan. Hindi nila kilala nang lubusan ang isa't isa. Dadalawang beses pa lamang silang nagkikita and in both instances, sa kama sila humahantong.

Wala sa oras ay napabangon siya sabay sapo sa mukha. Hindi na talaga nawala ang kapokpokan niya.

‘Lecheng gray eyes kasi ’yan!’ bulyaw niya sa isip, ‘Dukutin ko ’yan, e!’

“Are you OK?” tanong naman ni Tyler na bumangon din at hinagod ang h***d niyang likod.

Gumapang ang kilabot mula sa gulugod niya at kumalat sa kaniyang buong katawan dahil sa ginawa nito. ‘Lord...’

Nilingon niya ito at pasimple siyang umusog para makalayo kahit papaano. Nginitian niya ito. “Wala, wala. Naalala ko lang na...” Naglikot ang mga mata niya sa pag-iisip ng dahilan. Ano bang naalala niya? “Si Monique. Yes, oo. Si Monique. Ano... I think we should—or I should go back to the club, she must be worried—”

“No, no, I mean yes. I mean...” Napangiti ito at napakamot sa kilay nang matawa siya sa pagkataranta nito. “I mean, yeah... We should go back and no, you shouldn't be on your own. Ako ang nagdala sa ’yo rito kaya sabay tayong aalis. But then hindi naman siguro nag-aalala si Monique coz I have this feeling that the girls already mentioned you're with me.”

Siya naman ang napakamot, sa leeg nga lang. He's got a point. The girls sa restroom must have told Monique that she went out with him. And she's pretty sure that if that's the case, Monique will never let her go without her telling the spicy details. Napabuga siya ng hangin at parang gusto na lang niyang mamuhay bilang isang kamote.

HALF AN HOUR later ay pumaparada na ang Ford Ranger ni Tyler sa harapan ng The Ruins. Inis na inis si Hayley dahil hindi pa rin siya nagiging kamote, kitang-kita niya kasi si Misca na nakatayo sa gilid ng sasakyan nito pagkatapos ay sumilip sa bintana noon, sumungaw naman mula sa kabilang bintana ang nakangising mukha ni Monique.

Alam na niya. Kahit pa nga hindi siya binobomba ng texts messages nito ay sigurado siyang magpapakwento ang impakta.

‘Kung bakit kasi hindi yung sex life niya ang pakialaman ng mahaderang ito.’

“Hey...” Tyler said after he put the vehicle to a halt beside Misca’s car.

Tinanguan ito ng lalaki. “Great time?”

Nagimbal siya sa tanong ni Misca na sinagot naman ni Tyler ng, “I wish you can still—” Hindi na niya maintindihan ang kasunod dahil may asungot na nagbukas ng pinto sa tabi niya sabay hila sa kaniyang buhok.

“Aw! You bit—”

“Word! Nakaka-turn off ka, Hayley!” tumatawang sabi ni Monique na braso naman niya ang hinila para sapilitan siyang pababain. “Ang dumi-dumi mo! Pati bibig mo marumi, kung anu-ano na ngang lumalabas diyan, kung anu-ano pa ang pumapasok. Ehe!”

Gusto niyang bigwasan ang kaibigan dahil sa mga pinagsasasabi nito. “Maghunus-dili ka nga, bakla, tsaka ka na magpakuwento kapag tayong dalawa na lang ang nakakarinig, pwede ba ’yon?”

Nanlaki ang mga mata nito at madrama pang inilapat ang palad sa dibdib. “I am so honored na ikaw pa mismo ang nag-offer to tell me the story! I never thought about that! Kukumustahin lang sana kita!”

Hinampas niya ito sa pwet. “Tigilan mo ako. Kilala kita, alam ko ang tumatakbo sa utak mong green.”

“Oh, Hayley. I wish you really knew who I am...” madrama pa rin nitong wika, tumingala pa at inilagay naman ang likod ng palad sa noo.

She rolled her eyes and switch her attention to Misca who's still talking with Tyler. “Mish, lasing na lasing na ’tong asawa mo, she's delusional. Sure ba kayong alak lang ang ininom nito? Baka may lighter fluid din? Iuwi na natin ’to.”

Misca just gave her a small smile and motion for them to get inside the car. Tyler on the other hand is looking at her without any emotion while speaking in a really low voice. Nang mapansin nitong nakatitig na siya rito ay ngumiti ito nang pagkatamis-tamis, he even tipped his head a little.

Bigla ay parang narinig niya ang Marlboro theme sa utak niya at nakita ang mga cowboy na nangangabayo sa maberdeng kapatagan, sa di-kalayuan naman ay ang mangasul-ngasul na kabundukan kung saan may mga lobo na umaalulong—

“Hayley!”

Napapitlag siya nang sumulpot ang mukha ni Monique sa harapan niya. Sa sobrang lapit ay napansin niya kung gaano kakinis ang kutis nito, para nang salamin sa kintab at parang porselana na walang pores.

‘Gagi, why is she so pretty?!’

“Hay nako, this is bad. Natutulala ka na kay Tyler, halika ka na...” Hinila na siya nito papasok sa kotse. “Misca! Let's go!”

Kinawayan na lamang niya si Tyler nang dumaan sila sa gilid nito. Ngumiti ito at sinaluduhan siya gamit ang dalawang daliri.

“Kinikilig!” Monique pinched her sides.

“Will you stop it?! Ano ba?!” she rolled her eyes.

“Asus?! Nag-iinarte ang leche! Nahihiya ka lang sa asawa ko, e!” Tawa ito nang tawa.

Hindi siya kumibo, she's trying so hard not to squeal because truth be told, Monique is right, kinikilig siya. Who wouldn't?! She's been thirsty for Tyler for almost a month now. She can never forget those moments they've shared. That was the greatest sex she ever tasted. And the one they shared hours ago is the slowest, wildest and exciting one to date. Ewan ba niya, hindi siya sigurado dahil dalawang beses pa lamang namang may nangyayari sa kanila. But she'll bet every sex with Tyler is a lot more awesome than the one before it.

’Ika nga sa isang lumang kanta, "Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon na daig ng bawat bukas."

‘I didn't got his number and he didn't have mine. Sana magkita pa kami. Ano ba ’yan...’

“Why the silence, Hayley?” biglang tanong ni Misca.

Napaangat ang kaniyang mga mata sa rearview mirror, nakatingin sa kaniya si Misca mula roon. Hindi niya namalayan na lumipat na pala sa shotgun seat si Monique at abala na sa pagpindot sa cellphone nito.

“I told her to move over here, so I won't look like your driver.”

Natawa naman siya sa sinabi ng lalaki. “Thanks sa pagsama sa ’kin sa The Ruins, guys, a? I enjoyed it a lot.”

Si Monique naman ang tumawa pero tumigil din ito nang tapikin ni Misca sa hita. “Nakuha mo ba ang number ni Ty?” anito. “May number niya ’ko, baka you want.” Ngingisi-ngisi pa ito.

Nag-flip siya ng buhok bago dinukot sa purse ang cellphone. “Ay, sige. Oh my God, you're a savior, gurl...” Hindi niya tatanggihan ’yon. Grasya na ang lumalapit, e.

Matapos maidikta ni Monique ang number ni Tyler ay nagsalita muli si Misca. “Take it slow, Hayley. I know Tyler, he's a good guy but I don't know how's he with girls. You don't know him that much as well. You may be amazed by him and you're struck with his looks, but again... Take it slow.”

Tumango-tango si Monique at sinegundahan ang asawa nito. “Yeah, he's right. Tyler's... Not your average guy. He's quite... extraordinary.”

Napalabi siya. “Ano ba kayo? I'm only after a great time. Misca’s right, I am struck with his looks. Starstruck nga yata, e. You can't deny that he's really good-looking. Hanggang doon lang ’yon. Excitement ba? This is nothing serious.”

“I hope you're right. I don't want you to get in trouble... Once again... All because of a guy,” putol-putol na ani Misca na parang kasusulpot lang sa utak nito ng mga sinabi.

“Aw, thank you Mish... I appreciate your concern.” She can't help smiling.

“But of course we're concerned about you,” sabad pa ni Monique. “We saw what you went through.”

Hinawakan niya sa braso si Monique and mouthed thanks. Nginitian siya nito at ipinatong ang kamay sa kamay niya.

Hayley felt loved and safe. She's got the best friends in the world...

MASAYANG-MASAYA si Katharina nang ikinuwento ni Hayley ang mga ganap sa paglabas niya kasama sina Misca at Monique. Pero syempre ay marami siyang iniwanang detalye. She'll go ballistics if she found out about her steamy night with Tyler. Si Katharina pa ba? E numero unong kontrabida ito pagdating sa pakikipagrelasyon niya.

‘Wow, relasyon, Tyler and I are merely fuck buddies, ni hindi pa nga confirmed ’yon.’

She rolled to her tummy while still holding her phone. Kanina pa niya iyon hawak dahil iniisip kung iti-text man lang ba o tatawagan si Tyler, since nasa kaniya na ang number nito. Mahihiya pa ba siyang maunang makipag-communicate rito sa kabila ng mga pinagsaluhan nila? Kaya lang ay naaalala niya ang sinabi nito tungkol sa pagkikita nila.

‘I have my ways to find you if I want to...’

Pero he didn't look for her coz... he doesn't want to?

Ibinagsak niya ang mukha sa kama at impit na tumili. Was she like this when she first met her exes? Nangati ba ang talampakan niyang hanapin ang mga ’yon? Nangati ba ang mga kamay niya na maunang i-text ang mga ’yon? Nauna ba siyang kumuha ng number ng mga ’yon?

Hindi na niya maalala. Napabuga siya ng hangin at bumaba ang energy level dahil na-realize niyang nagpapakagaga na naman siya nang dahil sa isang lalaki. Bakit ba wala siyang kadalaan? She's starting fresh, right? Nagbabagong-buhay na siya dapat dahil it is her second chance in life, like literally. Katharina herself told her na hindi na siya humihinga nang ma-rescue. She was dead because of her stupid choice with guys. Tapos heto na naman siya ngayon... Sabi nga ni Misca ay hindi niya lubusang kilala si Tyler. Dapat ay maging maingat na siya. Hindi dahil kaibigan ng mga kaibigan niya si Tyler ay safe na siya. Ezekiah was also friends with some of her acquaintances but look what happened...

“Should I forget Tyler? Should I let this pass? Baka kasi lust lang talaga itong nararamdaman ko sa kaniya...”

That is one more thing. Never. Like never in her whole existence na nakipag-sex siya sa isang lalaking kakakilala pa lang niya like what she did with Tyler. Napakatinding lust naman ng naramdaman niya para dito kung ganoon. She have met a lot of guys in parties and clubs. Some of them tried to get into her pants pero si Tyler lang ang nagtagumpay. Was that because of what happened between her and Ezekiah? May psychological explanation ba ang pagiging sudden promiscuous niya nang slight?

She almost jumped when her Messenger notification dinged. Nasapo niya ang noo.

She read the message from a certain Angel Angeles and immediately regretted that she did.

Missed me, babe? Don't think dat i forget about u. I'm still here, w8ing 4 d ryt moment 2 get u...

“Shit.” She dropped her phone. Bigla ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. The lunatic is still on the loose. The reason why she cannot go out by herself. Bakit ba nakakalimutan niyang hindi pa ito naaaresto? Inuuna pa niyang isipin ang tungkol sa ibang lalaki when there's this another male who caused her irreparable damage. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya. Paano ba siya makababalik sa normal niyang pamumuhay?

Napapitlag na naman siya when her phone rang. May tumatawag. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, halos hindi na siya makahinga, nasapo niya ang dibdib at akmang sisipain na palayo ang cellphone nang masilip niya ang pangalan at number na nag-register sa screen.

Tyler Grey calling...

“What the fu—Hey, napatawag ka?” And suddenly, her panic attack left her to her pokpokers self...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status