Share

CHAPTER 4

PABAGSAK NA NAUPO sa sofa si Hayley.

Kagagaling lamang nila noon ni Katharina sa police station. Ipina-blotter nila ang threatening text at F******k messages na natatanggap niya. Unknown number ang nagti-text sa kaniya samantalang isang dummy account na mukha at pangalan niya ang gamit ang nagpi-pm sa kaniya.

From: 09*********

Mukang nli2mutn m0 n aq babe???

From: 09*********

I saw u @ d nternet cafe knina, i tryd s0 hard n0t 2 t0uch u kc andming ta0. S0 i just cum 0n my hand. ✋

From: 09*********

Ang gnda m0 p ren prang ndi k nsaktn...

From: 09*********

I am luking @ 0ur 0ld pics 2gthr. I mis u s0 much babe 😢 pls cum bk 2 me. 0 shit did i jus typ in cum? Im hving a hard 0n jus thnking abt u. 👅

Hayley Jane Donato

Y wudnt u answr my txt & dms! Ur mking me mad babe. U kn0 wat i d0 wen im mad! D0nt test my ptience!

Hayley Jane Donato

I mis u. I min i misd d chans 0f tking ur lyf. Sayang, i didn't hit u gud, sna ur ded.

Hayley Jane Donato

Hayley, wil u b my guardian angel aftr i kil u?

Hayley Jane Donato

Can't w8 2 c ur hed r0l. 💖 bet dat wud b fun.

Hayley Jane Donato

Hayley! Answr my dms! Damnit! I swear im guna kil u! 😈

Sino pa ba ang gagawa ng mga iyan kung 'di si Ezekiah. Ito lang naman ang naghahangad ng kamatayan niya kagaya ng banta nito.

"He totally flipped," ani Kata habang ikinakandado nang mabuti ang front door. "Nariyan lang siya sa paligid and he really wants you dead." Huminga ito nang malalim. Halatang problemado.

"I don't know him anymore, parang ang layo na niya sa Zeke na minahal ko noon." Pinunasan niya ang luhang bigla na lamang tumulo sa mga mata. "I mean... We were so happy. Anong nangyari?"

Naaalala pa niya na kapag pagod siya noon sa trabaho sa internet café niya ay minamasahe pa siya ni Ezekiah kahit maging ito ay pagod sa trabaho sa call center. He learned how to cook kare-kare kahit na hindi ito kumakain noon, pero dahil paborito niya ay pinag-aralan talaga nito. Napakasipag sa gawaing-bahay ni Ezekiah that she didn't have to worry about their clothes and the cleanliness of their place. Kahit na anong pagod nito sa trabaho, kapag may nakita itong kalat ay maglilinis ito. He was always there for her, kahit na nag-aaway sila at nagkakasakitan, he will always be the one to ask for her forgiveness kahit siya ang mali. Ezekiah was her bestfriend, ang sumbungan niya ng mga hinanakit, her crying shoulder, her lover, her boyfriend, her ex-boyfriend.

She broke down in tears and sobbed like a baby. Katharina's by her side at once, hugging her and rubbing her back.

"Shhh... Don't cry, honey..."

"How can I not? I loved him and I know that he loved me. Bakit kami nagkaganito, Kata?" Hindi niya mapigilan ang agos ng luha. It was so hard to think about the person that you once love is now threatening to kill you. It was backstabbing.

"I don't wanna blame you but I already told you na he's not what you think he is," Katharina says, "Unang kita ko pa lang sa kaniya, hindi ko na siya bet for you. How many times do I have to prove that mother's knows best?"

Napasinghot na lang siya. Mali nga siya sa parteng hindi siya nakinig kay Kata, pero nagmahal lang naman siya. She was blinded by love.

Pinahid ni Kata ang mga luha niya. "Tama na ang iyak, OK? You ought to hate him. It's been... Six? Seven months? Move on na, think about him as the darkest chapter on your book. Mahuhuli rin siya, don't worry."

Tumango siya. "Tomoh... Ayoko na ngang umiyak. Hindi naman ako umiiyak because of him, e. I was crying kasi nanghihinayang ako sa samahan namin." Napahikbi na naman siya.

"Ano ba 'yan! Kasasabi lang, e! Do you want me to call your friends? Dito kayo sa bahay, party with your friends, forget all your sorrows, ano, you like?"

Hindi siya sumagot. Wala siyang ganang mag-party. Her life is in danger. She was about to be killed any time.

"Hay, nako!" Katharina stood up and called someone. "Hello?! Yes, Monique, it's Katharina... Well, I'm great but Hayley here isn't, can you bring your trusted friends here? Yes? Uhuh? Great! Oh, I repeat, trusted friends only, ha? Baka mamaya-of course! Basta nga trusted 'di ba?! OK! You're the prettiest, love. We'll wait for you, thank you!"

After finishing the call Katharina looked at her from head to foot.

"What?!" singhal niya.

"What-what-in ko 'yang mukha mo! Move! Maghanda ka na! Call for food delivery! Magluto ka-the works! You're hosting a party!"

She groaned and dropped herself on the sofa. "You are such a bitch, Katharina. Ikaw itong gustong mag-party 'tapos ako ang pag-aasikasuhin mo-"

"E di h'wag! Bahala kang mapahiya mamaya when they come and wala kang nai-prepare. Pati si Monique mapapahiya sa friends ninyo-"

"Oo na! P*****a, ang gulo mo!"

Tinawanan lang siya nito at umakyat na sa kwarto nito. "Enjoy, stepdaughter, matutulog muna ako."

Hayley shook her head. In fairness kay Kata, nawala sa isip niya si Ezekiah at ang pumalit ay ang mga preparations para sa biglaang party na iyon.

PALIBHASA AY MGA galing pa ng opisina kaya gabi na nga nakarating sina Monique sa bahay nina Hayley. Katharina left for work before all of her friends arrive, Katharina works as a manager for a five-star hotel in the Metro.

"Ilang taon na nga yung stepmom mo?" tanong ni Monique habang umiinom ng juice. Napansin niya na may kung ano muna itong inihalo sa inumin bago iyon simsimin.

"Forty-nine, she's your age—"

Tinampal siya nito sa braso na ikinatawa niya. "I'm only thirty-seven! Mas matanda ka lang sa akin nang three—"

"Bitch, you are waaaaayyyy older than I, binabaliktad mo ang kwento."

Tinawanan siya nito. "Look into my face, love. Sino ang mas mukhang thirty-seven at ang twenty-nine?"

Napalabi siya. True enough, Monique looked younger than thirty-seven, she could pass as a fresh graduate with her youthful looks, parang nag-freeze ang oras sa babaeng ito when she married that German guy, Misca.

"Mag-aasawa rin ako ng German para hindi rin ako tumanda. May mga kapatid ba yung si Misca mo?"

"None, sorry ka, sis. Hubby's an orphan."

Nangalumbaba siya habang pinapanood ang iba nilang kaibigan na magkantiyawan habang nanonood ng mga naglalaro ng mobile games, may isang maliit na camera pa na naka-set up sa isang side. "Bakit kasi iyang mga 'yan ang isinama mo rito, look at them, busy with their stupid game, tayo lang dalawa ang nag-uusap dito. What kind of party is this, my god!"

Tumawa si Monique. "Nalaman ko kasi ang nangyari the last time that you went to a house party kaya I brought the ones na alam kong hindi party animals." Nakakaloko ang ngisi nito.

Nagsalubong ang kilay niya nang maalala ang tinutukoy nito. That was like a week ago. Naalala na naman niya si Gray. Wala naman siyang pinagsabihan na may naka-one night stand siya. She only said that she woke up in some hotel and that she was alone. Of course, nobody bought her crap but her girlfriends and even Katharina didn't press her to spill the beans. Mabuti naman.

Pero duda siya kung uubra ang bullshit niya kay Monique.

She exhaled deeply, puffing her cheeks in the process.

"C'mon, tell me. With whom do you spread your legs that night?" nakangising bulong ni Monique, tinutusok-tusok pa nito ng daliri ang tagiliran niya.

Sinamaan niya ito ng tingin bago inirapan. "Chismosa."

"Ano ka ba?! As if naman naniniwala kami sa 'yo! Jade and the rest just didn't asked you kasi they thought you're not yet ready to tell dahil sa demonyo mong ex, pero I don't care so... Ano? Is he good? Gwapo ba? Ano?!" Monique giggled.

Nahawa na rin siya sa bungisngis nito nang maalala kung paano siya paungulin ni Grey.

"Luh... Kinikilig?! So, magaling nga? Share mo naman!"

Pabiro niya itong sinabunutan. "Malandi ka! You're married for Christ's sake!"

Itinulak siya nito. "Magkwento na kasi!"

Natatawa siyang nagkuwento kung paano sila nagkakilala ni Grey at kung ano ang naganap sa kanila. Wala siyang iniwanang detalye. Lahat ng mahahahalay na eksena ay ikinuwento niya kay Monique like she got some premiere night ticket for an x-rated film. They're giggling like teenagers when some of their friends noticed.

"Hoy! Share n'yo naman 'yan!"

"Pasali naman kami sa mga plano ninyo."

"Shut up and go on with your ML, ino-OP ninyo kami kanina, e. Bah'la kayo riyan," she said with her brows raised.

"Attitude si ate!"

"Tse!"

Nagpatuloy sa paglalaro ang mga kaibigan nila kaya nagpatuloy rin sila ni Monique sa pagkukwentuhan.

"Stupid of you to forgot his name!" Monique said.

Napapadyak siya at tumalbog pa sa sofa. "I don't know! Too much alcohol, I guess—"

"Gaga! Naaalala mo yung beads niya sa jetits pero yung pangalan niya hinde?"

Oh, those beads... But her shoulders fell. "If I can only see him once again..." Naalala na naman niya ang kabundukan at mga lobo nang makita sa memorya niya ang mukha ng lalaki.

"Hmmm... Gray eyes, huh..." Monique said as if remembering something or someone. "Tyler has gray eyes but I don't think he's the type na magba-bar. Mukhang maamong tupa yun, e."

"Maamong tupa, my ass." She rolled her eyes. "The guy I'm talking about could pass as a werewolf in the movies. He's got that vibe in him. Rawr..."

Natawa si Monique. "Werewolf pala. Hay, nako, Hayley. Maki-ML na lang tayo!" Hinila na siya nito palapit sa iba nilang kaibigan.

"Hoy, pasale, ML ba 'yan? Paano?" tanong niya.

"ML mo mukha mo, wala na kayong alam na laro kung 'di ML."

"Tanginang house party, naging live streaming-say hi, guys! Live kame!"

AFTER THAT HOUSE party turned live game streaming, naging regular na ang pag-uusap nila ni Monique. Parati niyang ikinukwento rito ang ukol kay Grey. Until one night, Monique got tired of her kapokpokan.

"You know what? Let's just go out and meet new guys, naririndi na ako sa Gray na 'yan, baka mabunggo pa natin sa clubs na pupuntahan natin."

"Hala ka, ayoko na nga lumabas, e! May threats si Zeke, remember—"

"Whatever?! I can take any man single-handedly! Ano? Tara na?!"

Natawa siya. "Gaga ka, magalit pa mister mo—"

"No, he's coming with us."

Kaya naman pala ang lakas ng loob magyaya ng impakta. "OK, what time?"

"What time are you good?"

Naks... Hawak ang oras? "Hawak n'yo oras n'yo, gurl?"

Monique gave out a bored sigh.

"Arte, pick me up at nine, maliligo pa ako—"

"Nine it is." At tinapos na nito ang tawag.

Eight-thirty pa lang ay wala nang tigil sa kakabusina sina Monique sa tapat ng bahay nila. Nagmamadali siyang lumabas habang sumisigaw.

"Ang aga! Potah! Excited?!" Sumakay na siya sa backseat ng Expedition ni Misca. "Hi, Mish!"

Tinanguan siya ng lalaki. "You look great. What's up?" That German accent.

"Eto, sabi mo nga, looking great. Sasama ka ba talaga?" Napansin kasi niya na naka-suit pa rin si Misca, parang galing pa ito sa trabaho at hinila lamang ni Monique para magpahatid.

"Mga katropaprends kasi niya yung may-ari ng bar, may pag-uusapan silang sikreto sa kulto nila kaya dapat formal," sabad ni Monique.

"Oh, OK. Kami lang pala ang manlalalake, hindi mambababae si Misca," aniya.

"Haha. Ang funny mo sa part na 'yon," Monique said with a sour smile. Samantalang focus lang sa pagmamaneho ang asawa nito.

Inabala na lang ni Hayley ang sarili niya sa pagre-retouch, ang ganda kasi ng mag-asawang kasama niya. Baka magmukha siyang alalay.

Siguro dala ng pagiging foreigner ang gandang lalaki ni Misca, mukha itong prinsipe na napakapino at gentleman, kapag nga naglalakad ito ay parang lumulutang lang. Nagka-crush siya rito nang una niyang makilala noong OJT pa lang siya sa RT11 kung saan assistant ito ng founder at CEO na si Allen Renner.

Isa pa ang lalaking 'yon. Nasa fifties na raw pero binata at pwede pang pumasa as a thirty something. Hindi niya alam kung anong meron sa mga foreigner at ang gaganda ng lahi ng mga ito. Sa pagkakaalam niya ay Romanian si Allen Renner.

Napatingin siya kay Monique, pure Pinay ito pero isa pang napakaganda rin. Nahawaan yata ng genes ni Misca. Mula kasi nang makilala niya ito ay parang hindi na nagka-edad.

"Siguro magaling mag-alaga si Papa Misca," aniya sa sarili.

PAGDATING SA THE Ruins Club ay parang na-OP pa si Hayley. Everybody knew Misca and Monique. Mukhang regular patrons doon ang mag-asawa o mga kakilala talaga ang mga nagsisipunta roon.

Matapos silang ihatid ni Misca sa isang mesa na puro babae ang nag-o-occupy ay nagpaalam na ito.

"Tyler and Louis said they're at the entrance, imi-meet ko muna then we'll go upstairs. You're both good here, 'no?" Misca said.

Monique dismissed her husband by waving her hands. "Sige-sige na, ingat and don't bite each other, ha."

Natawa na lang si Hayley. "Grabe naman your hubby, work pa rin kahit gabi?"

"Oh, don't fall for that crap, I'm sure bullshitry lang ang topic nila, you know... Men..."

"At OK lang sa 'yo?" Napalingon siya sa bandang kaliwa nang may tatlong matangkad na lalaki ang dumaan, one of them was Misca, the one in the middle is an Antonio Banderas look alike and the last of the three guys reminds her of the blue mountains and wolves.

"Grey..."

"Oh, there goes my husband and his frienemies, Hi Antonio Banderas—I mean Louis! Hi Tyler!"

Lumingon sa direksiyon nila ang dalawang tinawag ni Monique and she was sure as hell that Grey saw her...

Or better yet, Tyler saw her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status