Share

CHAPTER 7

“HEY...” TYLER SAID after he put the vehicle to a halt beside Misca’s car.

Tinanguan siya ni Misca. “Great time?”

Natawa siya sa tanong nito. “I wish you can still do it with your wife.”

“Aw! You bit—”

“Word! Nakaka-turn off ka, Hayley!” tumatawang sabi ni Monique na hinila naman pababa ng sasakyan niya si Hayley.

Saglit lang niyang nilingon ang mga ito bago muling bumaling kay Misca na seryoso pa rin ang mukha.

“So, where did you take her?” anito.

Hindi mabura ang ngisi sa kaniyang mukha. “Chill, bro. I didn't force her to go with me. She's more than willing to cum,” he almost whispered the last word for fear of Hayley hearing it. Katabi lamang ng sasakyan niya ang kotse ni Misca kung saan nagdadaldalan na ang dalawang babae sa loob.

Misca closed his eyes and shook his head. “Please stop playing with her feelings,” he said.

“What?” natatawa pa rin niyang tanong. “It's still too early to think about 'our' feelings.” He stressed the word our. Hindi naman pwedeng feelings lang ni Hayley ang involve. May damdamin din naman siya na masasaktan kung sakali. Pero sabi nga niya, masyado pang maaga para doon. What he and Hayley shared was nothing but sexual compatibility. Unang kita pa lang niya rito ay para na siyang sinisilihan, he can smell her arousal as well the moment they danced kaya sigurado siyang walang pilitan na nagaganap sa kanilang dalawa. Pareho nilang ginusto iyon at pareho silang hindi na mga bata.

It wasn't just a teenager's raging hormones. Sadyang hindi lang sila immune sa appeal ng isa't isa.

‘Teka, parang ganoon din ’yon, a? Oh, well...’

“You don't understand,” Misca continues in a voice only their kind could hear. “Hayley... She's a victim of an abusive relationship and it almost cost her her life. She may be acting promiscuous as of now but it may be her coping mechanism to what had happened. She's vulnerable, Tyler. So if you're not ready for a troubled woman like her, stop this while you still can.”

Habang ipinapaliwanag iyon ni Misca ay lumipad naman ang paningin niya kay Hayley na sige sa pakikipagkwentuhan kay Monique. He can clearly hear their topic. No signs of the trauma—if there were any—at Hayley's manner of speaking or movements. But who's he to judge? Ano bang malay niya sa naabusong babae?

He saw Hayley rolled her eyes and switch her attention to Misca who's still talking with him. “Mish, lasing na lasing na ’tong asawa mo, she's delusional. Sure ba kayong alak lang ang ininom nito? Baka may lighter fluid din? Iuwi na natin ’to.”

Misca just gave her a small smile and motion for them to get inside the car.

“So you're saying that I should avoid her?” Nang mapansin niyang nakatitig na rin si Hayley sa kaniya ay ngumiti siya nang pagkatamis-tamis, he even tipped his head a little.

“If that's how you take it then yes,” walang kagatol-gatol na anito.

Napatawa siya. “You know what? I know what I'm doing. I assure you I can handle her and her traumas if there's any. Trust me on this, Misca. You have my word. A werewolf's promise... A beta.”

Huminga nang malalim si Misca. “I got my eyes on you. She's one my wife's bestfriends. I wasn't there when she needed help but I will be now. Specially she's getting involved with someone not human.”

He shrugged his shoulders. ‘Tila naman tatay kung makaasta ang isang ito,’ aniya sa isip.

“Misca!” ani Monique. “Let's go!”

Tinanguan siya ni Misca at nagpaalam na ito sa kaniya.

Hinintay niyang magkatapat sila ni Hayley nang umandar ang kotse ni Misca. Kinawayan siya nito kaya sinaluduhan naman niya ito gamit ang dalawang daliri.

Nagtagal pa siya nang ilang sandali sa kaniyang Ford Ranger bago bumaba at pumasok sa loob ng The Ruins. Naabutan pa niyang nakaupo sa pwesto nito sa VIP lounge si Louis. Mukhang hinihintay talaga siya nito.

“Uncle—”

“Bakit ngayon ka lang?” anito. “Inihatid mo pa ba sa kaniyang tirahan ang dalagang inihabilin sa iyo nina Akhea?”

Napahaplos siya sa batok. He knows that Akhea would tell their alpha about what he did. Siya ang beta at pamangkin pa nito kaya technically they should be looking after each other. Maling-mali na basta na siya lumayas nang walang pasabi rito lalo pa at isang pagpupulong ang kanilang ipinunta sa The Ruins.

“I'm sorry.” Is all he can say.

Tumango-tango si Louis at lumagok ng brandy. “I see... Hindi mo naman kailangang parating dumikit sa akin, ngunit sa mga ganitong mahalagang pagtitipon ay kinakailangang hindi ka bigla na lamang nawawala. Hindi magandang halimbawa ang iyong ipinakita ngayong gabi, Tyler.”

Hindi siya makapagsalita. He is embarrassed. How can he prove himself worthy to be the next alpha if he's not showing a good example? “Hindi na mauulit, Uncle.”

“Hindi mo naman katambal ang babaeng sinamahan mo, hindi ba?” Tumayo na ito at naglakad palayo.

“Hindi. She's just a...” Ano? “An acquaintance... I guess...”

Narinig niyang tumawa nang mahina ang lalaki. “Acquaintance, my foot... Maaaring kakilala mo nga lamang siya pero iba ang ipinababatid ng palitan ng inyong mga titig kanina.”

Natigilan siya nang kaunti at natawa, alam pala nitong si Hayley ang kasama niya, bukod siguro kina Akhea ay may iba pang nakakita sa kanila na nakakakilala kay Hayley. Baka sina Monique. “Wala lang ’yon, Uncle—”

“Hindi mo kailangang magpaliwanag, Tyler. Malaya kang gawin ang gusto mo, huwag nga lamang sa mga pagkakataong kagaya nito.”

Tumango siya. “Yes, Alpha. Again, I'm sorry. Hindi na talaga mauulit.”

“Sige na, sige na... Mabuti ring malaman na hindi mo katambal ang isang ’yon. Mahirap makipagtambalan sa mga karaniwang mortal...” Saglit itong natigilan, nang magpatuloy ay nahimigan niya ang hinanakit sa tinig ni Louis. “Hindi kagaya sa mga pelikula at nobela, hindi ideyal para sa mga mortal ang maging katambal ng mga katulad natin. Hindi nila tayo matatanggap...”

Hindi na lamang nagsalita si Tyler. He knows Louis is speaking based on his experience...

THE NEXT DAY was a normal one in Sitio Lupo. The place is ran by Alpha Louis Deucalion who acted as a baranggay captain to hide their true identities as werewolves. Their main source of income comes from farming. The werewolves raise cows, goats, pigs and poultry to sustain their need for fresh meat.

Nagmula ang lahi ng werewolves sa Pilipinas sa ama ni Louis na nagmula pa sa Greece. Si Damon Deucalion.

Hindi malinaw kung paano nagawang magpalit-anyo ng mga tao patungo sa isang lobo, ngunit sa paniniwala ng mga sinaunang taong-lobo ay isa iyong parusa sa kanila ng diyos na si Zeus dahil sa paghahain ni Haring Lycaon ng Arcadia ng karne ng tao sa hari ng mga diyos.

Sa galit ni Zeus sa ginawa ni Lycaon ay pinarusahan nito ang hari ng Arcadia sampu ng kaniyang mga anak upang maging taong-lobo na kumakain ng karne ng tao, bukod pa roon ay nagpadala ito ng baha upang mawasak ang kaharian ng Arcadia. Tanging ang mag-amang sina Prometheus at Deucalion lamang ang nakaligtas sa nasabing pagbaha.

Sinasabing mayroong isang anak na babae si Lycaon na nakaligtas at ito ay napangasawa ni Deucalion.

Kay Deucalion at sa anak ni Lycaon daw nagmula ang mga ninuno ni Louis, kumalat sa iba't ibang panig ng mundo hanggang sa makarating si Damon Deucalion sa Pilipinas at nakapag-asawa ng isang lokal na siya namang naging ina ni Louis at Thilda—ang ina ni Tyler.

Mapalad si Thilda dahil natagpuan pa rin nito ang katambal na werewolf kahit pa nga nasa Pilipinas ito at ang lalaki ay nasa Germany. Kapag talagang ang Buwan ang kumilos ay magtatagpo at magtatagpo ang mga magkatambal kahit pa nasa magkabilang panig ng mundo, ngunit kung hindi rin naman nito gusto ay papalpak at papalpak ang isang pagtatambal kagaya na lamang ng nangyari kay Louis at sa katambal nito...

SA KASALUKUYANG PANAHON ay walang masasabing panganib na nagbabadya para sa mga taong-lobo. Tapos na ang daang-taong hidwaan ng mga taong-lobo, bampira at mga mangkukulam. Nagwakas iyon sampung taon na ang nakararaan nang ang Diablo Vampiro na si Allen Renner ang tanghaling hari ng mga bampira sa buong mundo.

Sa kung anong hiwaga ay nagawang pagkasundu-sunduin ni Allen ang tatlong uri upang matigil na ang kaguluhan sa kanilang pagitan. Malaki ang respeto ng mga mangkukulam at taong-lobo kay Allen dahil sa inisyatibo nitong iyon. Ngunit kagaya ng lahat ng magagandang bagay ay may naging kapalit ang hakbang na iyon sa parte ni Allen.

Magkagayunman ay hindi na rin siguro nakapanghihinayang kung anuman ang isinakripisyo ng hari ng mga bampira. Ang kapalit naman noon ay kalayaan at kapayapaan para sa tatlong uri.

Kung magkakaroon man siguro ng kaguluhan ay magmumula na iyon sa mga patagong nagrerebelde. Kaya naman kahit na nasa panahon ng kapayapaan at katahimikan ay hindi pa rin nagpapabaya ang mga taong-lobo ng Sitio Lupo. Tatlong beses sa isang linggo ay mayroong pagsasanay ang mga pinakamahuhusay na mandirigma.

Kabilang na roon si Tyler na isa sa namumuno sa pagsasanay.

“Stop fooling around, Aki and Cassy, ano ba? Hindi na kayo mga tuta.” Pinameywangan ni Tyler ang magkasintahang mas mahusay pa yatang maglandian kaysa makipaglaban.

“Dude, you should get laid, you're not this grumpy after a night with—who's she again?” natatawang tanong ni Aki kay Cassy.

Nakalambitin naman sa leeg ng lalaki ang dalaga. “Hayley. Her name's Hayley and I got her number...” pakanta pa nitong sabi.

Hindi nagpahalata si Tyler pero parang nangati ang mga kamay niyang makuha ang number ni Hayley. Bigla niya kasing naalala ang mabibilog nitong mga mata, dibdib at likuran.

‘For fuck’s sake, maghunus-dili ka, Tyler...’ aniya sa sarili.

“I have no time for your shits, mag-ensayo na kayo pareho!” nilakasan niya ang boses at bahagyang pinaapaw ang aura niya para mapasunod ang dalawang kasama.

Natigil naman sa paghaharutan ang mga iyon at napayuko, agad nang bumalik sa pag-eensayo ang mga ito.

Napabuga ng hangin si Tyler. Hindi niya gustong dinadaan sa antas ng katungkulan ang mga kapwa niya taong-lobo. Ngunit paano naman siya susundin ng mga ito kung lalamya-lamya siya? Siya ang susunod na alpha kaya kailangan niyang ipakita sa kanilang nasasakupan na hindi siya dapat binabasta-basta lamang. Kahit pa nga kaibigan niya sina Aki at Cassy ay kailangan pa ring magbigay-respeto ng mga ito sa kaniya.

‘Mahusay...’ boses ni Louis ang kaniyang narinig sa kaniyang isipan.

‘Salamat,’ tugon niya. Isa iyon sa mga espesyal na regalo ng Buwan sa mga taong-lobo. Ang kakayahang makipag-usap sa kanilang kapangkat gamit ang kani-kanilang isipan.

‘Natutuwa akong ginagamit mo ang malakas mong aura. Dama ko na ang iyong pagiging alpha,’ sabi pa nito.

Napangiti siya. ‘Hindi kita ipapahiya, Uncle...’

‘Alam ko. Kaya nga tiwala akong ikaw ang magmamana ng aking titulo oras na mahanap mo na ang iyong Luna.’

Doon nawalan ng kibo si Tyler. Trenta y anyos na siya ngunit hindi pa niya nahahanap ang kaniyang katambal. Ang kaniyang mga kasing-edad ay may katambal na pagtungtong pa lang ng edad na disi-otso. Pero siya, hayun... Nangangapa pa rin sa kawalan. Minsan nga ay gusto na niyang mangibang-bansa dahil baka kagaya ng kaniyang ama ay wala pala sa Pilipinas ang kaniyang Luna. Pero kagaya nga ng paniniwala nila, kapag talagang ang Buwan ang kumilos ay magtatagpo at magtatagpo ang mga magkatambal kahit pa nasa magkabilang panig ng mundo ang mga ito...

“MR. SUNGIT, OH!”

Napalingon si Tyler nang may kung anong inihagis sa dibdib niya si Cassy, mabuti na lamang at maagap niya iyong nasalo. Naglalakad na sila noon pabalik sa kani-kanilang bahay. Tapos na ang pag-eensayo.

“Ano namang gagawin ko sa cellphone mo?” kunot-noo niyang tanong.

Nginisihan siya nito. “Kunwari ka pa, copy Hayley's number na.”

Natawa siya. “No thanks—”

“Oh, OK—”

“Wait!”

“Pffft...”

Hindi na lang niya pinansin ang pagpipigil ng tawa ng babae. Kailangan din naman niya ng mapaglilibangan habang wala pa ang kaniyang Luna. Isa pa ay naalala niya ang sinabi ni Misca, abused daw si Hayley. Naisip kasi niya na kung may masama nga itong karanasan sa isang lalaki ay baka kung ano pa ang gawin nito kung bigla na lamang niya itong igo-ghost.

‘Not that I care but... I don't want to be in Misca's bad side. Baka makasama pa sa pagkakasundo ng mga bampira at taong-lobo kung hindi ko matutupad ang pangako ko sa right-hand man ni Allen Renner...’

Inihagis din niya pabalik kay Cassy ang cellphone. “Thanks.”

“It's nothing!” Tumakbo na ito papunta kay Aki.

Mula sa paglalakad hanggang sa pagkapasok sa kaniyang bahay, hanggang sa paliligo, pagpapalit ng damit at pagluluto ng makakain ay iniisip ni Tyler kung tatawagan o ite-text man lang ba si Hayley.

Ano naman kasi ang sasabihin niya rito? Na kailangan niya ng libangan habang wala pa ang kaniyang katambal? Parang ang presko naman ng dating niya noon. Kung bakit kasi kinuha pa niya ang number nito...

“Ah! Whatever!” Pinindot niya ang berdeng buton sa tabi ng pangalan nito at itinapat sa kaniyang tainga ang cellphone.

‘C'mon... Pick it up...’ As if kaya niya itong i-mind link.

Nakaka-ilang ring na pero hindi ito sumasagot. Ie-end na sana niya ang tawag nang sumagot ito.

“Hey! Napatawag ka?!” her sweet voice from the other line said.

Napamaang siya. Ganoon ba ang normal response ng taong tinawagan ng unknown number?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status