Share

CASSIS: Intoxicated, In love, Endangered
CASSIS: Intoxicated, In love, Endangered
Author: Sixth Hokage

PROLOGUE

DILAT na dilat ang mga mata ni Hayley pero wala siyang lakas ng loob na bumangon o gumalaw man lang.

Natatakot kasi siya na magising ang lalaking katabi sa kama.

“Sino 'to?! Ano'ng ginagawa ko rito? Ano'ng ginagawa niya rito? Ano'ng ginawa namin?!” sigaw ng kaniyang isipan

Inilibot niya sa buong silid ang paningin. Bukod sa hinihigaan nilang kama, ay personal ref, side table, TV at maliit na dining table for two lamang ang nasa kwartong iyon. May dalawang pinto na hula niya ay banyo ang isa at yung exit ang isa pa.

Nasa hotel or motel sila, sigurado. Pero sino itong lalaking katabi niya?! Hindi niya ito boyfriend o kaibigan. Estranghero talaga ito sa kanyang paningin. Nakilala niya ba ito sa bar kagabi noong naglasing siya?

Hindi niya maalala, pero sa palagay niya ay ganoon na nga. She just made love with a total stranger-no, scratch that, they just had sex. Not lovemaking. It's plain sex.

She was calm and poised, but she's shouting internally.

Bakit siya nagpabaya?! Ano'ng pumasok sa ulo niya para magpakabaliw at sumama sa taong ito?! Baka mamaya mas masahol pa ito kay Ezekiah.

Pagkaalala sa ex niya ay nanikip agad ang kaniyang lalamunan. Hindi pa nahuhuli ang lalaki at nanganganib ang kaniyang buhay, maaaring minamatyagan lang siya nito at anumang sandali ay muli siyang pagtangkaan.

Lumingon siya sa lalaking katabi. Hindi kaya... sugo ito ni Ezekiah?

“Shit!” gigil muling sigaw ng utak niya.

Dahan-dahan siyang bumangon at bumaba sa kama, careful not to make even the slightest of sounds, pagkatapos ay pinagdadampot ang mga damit niya at isinuot. Napansin pa niyang parang lumuwag yung G-string niya.

Impit siyang napahiyaw.

OK na sana, pero may pasaway na bagay siyang nasagi na lumikha ng malakas na kalabog.

Yung bag niya na natapon pa ang mga laman! Bwisit!

Nang mag-angat siya ng tingin sa lalaki ay gising na ito at nakatingin sa kaniya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa pinaghalong takot at amazement.

Takot, dahil baka tama ang hinala niya na padala ito ni Ezekiah. At amazement, dahil sa mga mata nito na kulay grey.

Ubod din ito ng gwapo, she's not into rugged looking guys, but this one's an exception. Hindi niya alam kung bakit, pero ang unang pumasok sa isip niya nang matitigan itong mabuti ay kabundukan at gubat. Dahil siguro sa faint na linya ng balbas na nasa mga pisngi at baba nito. Mukha itong cowboy or hunter.

“Are you going home?” anito sa mababang boses, lalaking-lalaki, bagay rito.

Noon siya natauhan sa pagkatulala rito, buti hindi nito napansin iyon, o kung napansin man, hindi na pinansin, hindi gaya ng ibang lalaki na isasampal pa sa mukha ng babae kung tapos na ba siyang pagpiyestahan ito.

“H-ha? A-ahmmm...”

Tinalikuran na siya nito at itinaas ang kumot hanggang sa balikat. “OK, ingat ka, I can't give you a ride home or even walk you through the door, coz I'm still sleepy. Thank you nga pala kagabi, you were great.”

Namula ang mukha niya sa kahihiyan. Pinupuri nito ang performance niya.

“My God! Ano kayang pinaggagawa ko?” She shook her head. Then remembered something.

“Ahm, can I have your name?” Baka ito na ang huli nilang pagkikita, kahit pangalan man lang sana nito ay malaman niya.

“Nasabi ko na sa 'yo kagabi,” he said in a sleepy yet sultry voice.

SULTRY?!

“Ah, yeah. But nakalimutan ko na kasi, I think I'm too drunk to remem—”

“Then let's leave it that way. Mas OK nga kung wala tayong alam sa isa't isa.”

Disappointed siya. Pero may point ito. Ano pa nga namang sense noon? They didn't bother knowing each other better when they both decided to have sex after only hours or minutes of meeting. Ibig sabihin, fun lang ang habol nila. Wala nang halong kung anupaman.

She shrugged her shoulders. OK. Mas OK nga siguro 'yon. Baka maging close pa sila, pagkatapos ay maging mag-on at mauwi na naman sa isa pang Ezekiah ang relasyon nila.

Ano ba 'yan, advance na siya. Nang pumasok sa isip niya si Ezekiah ay nakumpirma niyang mali ang kaniyang iniisip kanina. Hindi ito tuta ng ex niya. O kung magkakilala man ang mga ito, malamang ay pinasusubaybayan lang siya rito.

Huminga siya nang malalim at pinulot na ang mga laman ng pasaway niyang bag. Praning siya masyado. Puro Ezekiah, Ezekiah, Ezekiah. Baka mapanaginipan niya pa iyon.

Nang matapos ay tumingin siyang muli sa lalaki na nakatalikod pa rin sa kanya at mukhang tulog na tulog na.

“B-bye... Aalis na 'ko.” Hindi ito sumagot. Tulog na nga.

Tumalikod na siya at lumabas.

Magkikita pa kaya uli sila? She like his grey eyes. Parang yun lang ang part ng mukha nito na maamo.

Every inch of his handsome face, defines manliness, dahil siguro mukha talaga itong hunter, the guy's oozing with animalistic sex appeal, hanggang abs lang nito ang nakita niya dahil natatakpan na ng kumot ang ibabang parte nito, but that's enough to make her jaws drop to the floor, iba talaga ang dating nito. Yun bang tipong bagay gumanap na werewolf sa pelikula.

Werewolf na may maamong grey na mga mata...

Pumara siya ng taxi, gusto niya ulit makita ang lalaking 'yon. Isa pa... Hindi naman talaga siya ang tipo na makikipag-one night stand. Ito ang unang beses na ginawa niya iyon. And she's so not comfortable. She really wish na mag-krus muli ang landas nila.

She decided to name the hot guy, Grey.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Magnolia Gutierrez Sabas
I'm here to support miss Jaye....️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status