Share

CHAPTER 6-AUGUSTUS

Hindi alam ni Karen kung paano siya naka-alis sa bahay ng kanyang mga magulang. Ang tanging nasa isip niya lang ay makalayo sa pamamahay na iyon. Feeling niya ay mas makakahinga siya ng maluwag kapag tuluyan na siyang napalayo sa lugar na iyon.

The scene of the past event flashed in her mind…

******

Nakayuko lang si Karen habang nakasunod sa likuran ng ina. Nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng kanyang ama ay tahimik siyang sumunod. Hindi siya nagtangkang iangat ang paningin upang tingnan kung sino-sino ang mga taong nasa loob. Wala siyang imik na pumwesto sa tabi ng ina nang huminto ito sa isang side ng opisina. 

“Ah, here they are. The two lovely women of my life,” narinig ni Karen na sambit ng kanyang ama. “Maupo ka, dear,” malambing na saad ng kanyang ama sa kanyang Mama Emilia.

“Good afternoon,” bati ng kanyang ina sa mga taong nandoon, dinig ni Karen ang pagpipilit nitong pasiglahin ang tinig. Pero hindi man lang ito sumunod sa sinabi nang kanyang Papa Elmer na maupo sa sofa na nasa harapan ng lamesa nito. Nanatiling nakatayo ang kanyang ina sa isang sulok ng opisina, kaya naman hindi rin tuminag si Karen sa kinatatyuan.

The scent of the tobacco and masculine perfume was permeating her nose. Halos masuka siya sa amoy na sumalubong sa kanya sa loob ng opisina ng kanyang ama. Hindi nakatulong ang aircon sa loob upang mawala ang halo-halong amoy ng masangsang na pabango, tabako at mga natural na singaw ng katawan ng mga lalaking nandoon. Bagama't halos masuka na siya sa amoy ay ni minsan hindi tinangka ni Karen na tingnan ang mga pagmumukha ng mga taong nandoon sa loob. Nanatili lang siyang nakayuko.

“I admit, you have a lovely daughter, Delgado,” saad ng isang magaspang na tinig na nagmumula sa isang panig ng kwarto. “Hindi na ako talo kung sakaling siya nga ang ibibigay mo sa akin,” dagdag saad pa ng lalaki. May halong pang-uuyam ang pagkaka-sambit nito niyon. 

Nang dahil sa sinabi nito ay biglang napa-angat ang mga mata niya sa taong nagsalita. Agad niyang pinagsisihan ang pag-tingin sa gawi ng taong iyon. Sinalubong ang kanyang paningin ng mga matang punong-puno ng malisya. Kung titigan siya ng lalaking naka-upo sa harapan ng lamesa ng kanyang ama ay animo hinuhubaran siya nito. Pakiramdam ni Karen ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa pandidiri sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Nakangisi pa ito na animo aso, habang may subo-subong tabako sa bibig. 

Sinipat ni Karen ang itsura ng lalaki. Hindi ito kagwapuhan pero hindi naman masama ang hilatsa ng pagmumukha nito. Matalim at puno ng malisya kung makatingin ang mga mata nito  s kanya.Hindi nakaalpas sa obserbasyon niya ang peklat na pahaba sa isang kilay nito. Balbas-sarado din ito. Halata sa itsura nito na hindi na ito bata. Tingin nga niya ay nasa edad kwarenta-pataas na ito. Malaking tao ito at nagpuputukan ang mga muscle sa katawan. Kita niya ang nakagapang na tattoo nito na nagmumula sa kamao patungo sa braso nito kahit na natatakpan ito ng manggas ng suot nitong polo shirt. 

“I told you, Agustus. Hindi ko ipiprisinta ang anak ko kung alam kong sa tingin mo ay malulugi ka pa sa kanya. She is my precious daughter, at walang makakatumbas sa kanyang halaga,” saad naman ng ama niya sa lalaki. Animo isa itong ulirang ama sa harapan ng mga lalaking naroon.

Pakiramdam ni Karen ay masusuka siya habang pinakikinggan ang sinasabi ng ama. Hindi niya mapigilan ang unti-unting pag-akyat muli ng galit sa kanyang puso. Naramdaman niya ang pag-hawak sa kamay niya ng ina. Napa-tingin siya sa gawi nito, marahan itong umiling-iling sa kanya at punong-puno ng pakikiusap ang mga mata. Naikuyom ni Karen ang mga palad ng mariin, pero hindi siya umimik. Muli lang siyang yumuko at nakinig sa usapan ng ama at ng lalaking pinagkaka-utangan nito.

“Tama ka, Delgado. She was more than worth of the money that you owe me, and because of  that I will add more to your account to compensate at the price of your daughter. Just tell me how much,” saad naman ng lalaking nag-ngangalang Agustus sa kanyang ama. Kariringgan pa ng pang-uuyam ang tono ng pananalita nito.

Hindi makapaniwala si Karen sa kanyang mga naririnig. They were talking about her na animo isa siyang property na binebenta ng ama. Padisimulado niyang iniikot ang paningin at tiningnan isa-isa ang mga taong naroon. May tatlo pang malalaking lalaki na nakatayo sa loob ng opisina ng kanyang ama. Naka-pwesto ang isa sa mga ito sa malapit sa pinto, habang ang dalawa naman ay nasa bandang likuran ni Augustus.

“As long as you promise me that you will take good care of my daughter, hindi ko na kailangan ang anu pa mang halaga,” saad ng kanyang ama sa kausap. Nang dahil sa sinabi nito ay muling nabaling ang atensyon ni Karen sa kina-uupuan ng ama. 

‘Tama ba ang dinig niya sa sinabi nito?’ saad niya sa isipan. ‘He didn’t want an additional money?’ tanong niya sa sarili.

“Ang tanging hangad ko lang ay paligayahin mo ang aking anak, at aalagan mo siyang mabuti katulad ng pag-aalaga ko sa kanya. She maybe a handful sometimes, but I love her dearly. Hindi kita mapapatawad kapag nalaman kong pina-iyak mo ang anak ko at pinabayaan,” dagdag saad pa ng kanyang Papa Elmer sa lalaking kausap nito.

Karen just stared at her father in awe. Mariin niya itong tinititigan. Pilit niyang binabasa ang tumatakbo sa isipan nito. Katulad kung paano siya nito kausapin ay hindi ito kakikitaan ng kahit na anumang ekspresyon sa mukha. But when he threw a slight glance on her way, ay biglang parang piniga ang puso niya. Sa sandaling pagsulyap nito sa gawi niya ay nakita niya sa mata ng ama ang matagal niya nang inaasam na makita mula dito. Bagamat napakabilis lang ng pag-sulyap nito sa kanya ay sapat na iyon para makita ni Karen ang tinatagong pagmamahal ng ama sa kanya.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata, ikinurap-kurap niya iyon upang pigilan ang nagbabantang pag-patak ng luha. ‘This isn’t the time to cry and be emotional, Karen,’ saway niya sa sarili sa isipan. 

“Are you sure about it, Delgado? Just name your price at ibibigay ko iyon kahit na magkano,” may himig na oang-iinsultong saad ni Augustus sa kanyang ama. Nagpanting ang tenga ni Karen ng dahil sa narinig. Lalong kumulo ang kanyang dugo sa lalaki ng makita niyang naka-tingin ito sa kanya na akala mo ay pag-aari na siya nito. Naka-ngising aso pa ito. Nang makita nito na naka-tingin siya ay dinilaan pa nito ang mga labi. Lalong nag-init ang kanyang ulo dahil sa ginawa nito.

‘Who the hell does he think he is?’ galit na saad niya sa isipan. Hindi rin tinago ni Augustus ang puno ng malisyang pag-tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa, kahit na naroon ang kanyang mga magulang.

Nang dahil sa ginawa nito ay hindi na nakapag-timpi pa si Karen. Naka-kuyom ang kamao na padabog na lumapit siya sa kinaroroonan ng lalaki.

“K-Karen!” gulilat na saad ng kanyang ina. Nabigla ito sa biglaang pag-alis niya sa tabi nito. Hindi na nito nagawang pigilan ang paglapit niya sa lalaki.

“Karen,” malamig ang tonong may bahid ng pagbabanta sa tono ng ama ng tawagin ang pangalan niya, pero kahit ito ay hindi niya pinansin. 

“Mr. Augustus, right?” madiing tanong niya sa lalaki.

“Yes, that’s my name sweetcake. Too eager to come with me? Don’t worry after we signed everything, you will come with me today,” nakakaloko ang ngiti ng lalaki ng sambitin nito iyon sa kanya.

“I have a proposal for you,” mariin na saad niya sa lalaki. Pilit na pinipigilan ang sarili na sumabog sa galit dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya at sa kanyang mga magulang. 

“I am listening.”

“Give me three days. Three days to find a way to pay the money that my father owed you in full plus the interest. Kapag hindi kita nabayaran sa loob ng tatlong araw na iyon. I will agree to your agreement with my father. I will agree to marry you and spend the rest of my life with you. But not until then,” may diin na saad ni Karen sa lalaki.

Biglang humagalpak ng tawa si Augustus ng dahil sa sinabi niya. “Sweetcake, you don’t seem to understand. Wala ka sa posisyon upang makipag-negosasyon sa akin. Naipangako ka na ng iyong ama, wala ka ng magagawa doon,” saad ni Augustus sa kanya. Ini-angat nito ang kamay at nagtangkang hawakan ang pisngi niya, pero mabilis niyang iniiwas ang mukha dito. She stares at him with a disgrace in her eyes.

Hindi nito itinuloy ang tangka sana nitong gawin sa halip ay ikinuyom nito ang kamay at bahagyang nag-igting ang panga nito. 

“Karen! Anong mga pinagsasabi mo?” bahagyang mataas ang tonong saad sa kanya ng ama. “Forgive my daughter, Augustus. Hindi niya alam ang…”

“Please Augustus, give my daughter a chance.” hindi naituloy ng kanyang ama ang dapat na sasabihin nito dahil bigla na lang sumingit sa usapan nila ang kanyang ina. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito sa kanilang dalawa ni Augustus at agad nitong hinawakan ang kamay ng lalaki. “Ako na bilang ina niya ang nagmamaka-awa para sa kanya. Give her a chance to prove na kaya niyang ibigay ang halagang hiniram sa iyo ng aking asawa sa loob ng tatlong araw. Kapag hindi niya nagawa iyon ay ako na mismo ang kusang loob na maghahatid sa kanya sa’yo,” pagmamaka-awang saad ng kanyang Mama Emilia sa lalaki. 

“Ma…” saway niya sa ina ng makitang akma pa itong luluhod sa harapan ni Augustus. Agad niya itong hinawakan sa kamay at pinigilan sa pag-luhod. 

“Okay!Okay! Just three days! No more, no less. Kapag hindi mo ako nabayaran sa araw na iyon. Alam mo na ang dapat mong gawin,” saad ni Augustus sa kanila sa pagitan ng pangangalit ng panga nito. Halata sa mukha nito ang pagpipigil ng galit. Hindi yata ito sanay na tinatanggihan at kinakalaban ng mga taong nakakausap nito. “Anyways, what more is three days. I know naman na wala na kayong ibang malalapitan. Pagbibigyan ko ang kapritso mo ngayon, but this will be the last time that I will be nice to you. Sabihin na nating, this will be your last breath of freedom. Alam naman nating sa bandang huli, sa akin pa rin ang bagsak mo,” dagdag saad pa ng lalaki sa kanya. Naka-ngisi na ito na animo isang aso, this time ay hindi niya nagawang iiwas ang mukha sa kamay nito. Hinawakan siya nito sa baba at hinaplos ng hinlalaki nito ang pang-ilalim niyang labi. ‘I can still wait for you,’ pabulong na saad nito sa kanya, bago nito sinenyasan ang mga tauhan upang lumabas na at umalis sa bahay nila.

******

Malakas na busina ng sasakyan ang nakapag-pabalik sa kasalukuyan ng isip ni Karen.

“Miss kung wala kang planong lumarga, tumabi ka muna!” sigaw sa kanya ng may-ari ng sasakyan na nasa likuran niya.

“Sorry!” sigaw niya dito. Saka pinaandar ng muli ang motor. HIndi niya namalayan na kanina pa pala naka-green ang signal ng traffic light sa intersection ng kahabaan ng Edsa. Agad na niyang pinaharurot ang motor upang makauwi na sa kanyang sariling apartment. 

Gusto na lang niyang magkulong sa kwarto at magpahinga. Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas upang mag-isip pa sa ngayon. Pagal na ang kanyang katawan at isipan. Bagamat nangako siya kay Augustus na babayaran ito sa loob ng tatlong araw ay hindi naman niya alam kung saang kamay ng Diyos niya huhugutin ang halaga ng pagkaka-utang ng kanyang ama. Hindi na niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya o mas pinahaba niya lang ang kanyang paghihirap. ‘Kung bakit ba naman kasi masyado kang nagmamatigas, Karen!’ sita niya sa sarili sa isipan. ‘Pero hindi ko magawang tumahimik at sumunod lang,’ pangangatwiran naman ng kabilang side ng isipan niya. ‘Tanging milagro na lang ang siyang makakatulong sa atin ngayon.’ Bagsak ang balikat at napahigit siya ng malalim na buntung-hininga habang pilit na pino-focus ang isipan sa kanyang pagmamaneho at sa daan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status