Share

Chapter 1.1

last update Last Updated: 2025-02-19 22:37:04

Continuation....

PAGKATAPOS isauli ni Athana ang mga gamit na kanyang nakuha ay dumiretso na kaagad siya pabalik sa kanilang bahay. Muntikan pa siyang matumba pagkalundag niya sa may balkonahe nang makita niya si Gun na nakaupo sa may sahig sa gilid ng kama habang mahimbing pa rin na natutulog ang kanyang mga anak.

Mukhang hinihintay siya nitong dumating. Ilang beses na niya itong ginagawa ngunit ngayon lamang siya nahuli ng isa sa mga miyembro niya.

Nagkunwari siya na parang walang nangyari, saka niya sinenyasan si Gun na sumama sa kanya sa baba. Nag-usap sila sa may hagdanan.

"Anong ginagawa mo rito, Gun?" Siya na ang unang nagtanong dito.

"Tuwing alas tres ng madaling araw ka ba talaga umuuwi rito sa inyo, Miss Eight?" Tanong niya kay Athana habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang kanyang itim na mask.

Sinulyapan siya nito saglit bago sumagot.

"Hindi. May inasikaso lang ako." Matipid na sagot ni Athana kay Gun.

"Bakit may sariling kompanya ka ba na kailangan mong asikasuhin ng ganitong oras, Miss Eight?" Seryoso ang tono ng boses na tanong ni Gun.

Napakunot naman ang kanyang noo.

Bakit ganito si Gun sa kanya? Gusto niyang ituring ito na parang isang tunay niyang kapatid dahil mas matanda siya rito, ngunit parang ayaw pa ng binata kahit maging magkaibigan man lang silang dalawa.

"Huwag mong pakialaman ang buhay ko, Gun. Ako ang pinuno ninyo, kaya sumunod ka sa akin." Maawtoridad na sabi niya.

"Fine. Just be safe and vigilant, Miss Eight. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa 'yo." Huling saad ni Gun bago siya iniwan nito na nakaupo sa may hagdanan.

Mas lalo naman na napakunot ang kanyang noo.

Totoo kaya ang mga sinasabi ng kanyang mga kasamahan na may gusto raw sa kanya si Gun? O baka naman concern lang talaga sa kanya si Gun dahil siya ang pinuno ng grupo nila?

Napailing na lamang siya at pumasok na sa loob.

Naghilamos muna siya bago nagbihis ng pantulog na damit. Saktong paglabas niya ng banyo ay nagising naman ang kanyang bunsong anak na si Thana kaya agad niya itong tinabihan sa kama.

Kinaumagahan, nagising si Athana dahil sa paghalik ng kanyang mga anak sa kanyang mukha. Hindi nila tinigilan ang paghalik sa mukha ng kanilang ina hangga't hindi ito nagdidilat ng kanyang mga mata.

Nagkunwari naman siyang tulog pa rin.

"Momma!" Reklamo ng kanyang anak na si Thana nang hindi pa rin siya nagigising, saka ito sumakay sa kanyang tiyan.

Kiniliti naman siya ng kanyang anak na si Ather sa may leeg niya kaya napahagikgik ito. Maya-maya ay silang dalawa na ni Thana ang kumiliti sa kanya dahilan upang maidilat niya ang kanyang mga mata.

Dali-dali siyang umupo sa kama, saka siya naman ang kumiliti sa kanyang mga anak.

Nagluto na rin pagkatapos si Athana ng breakfast nila. Naglagay na rin siya ng mga plato at kutsara pagkatapos niyang magluto ng fried egg at saka fried rice na paborito ng kanyang kambal na anak.

"Momma, aalis ka na naman po ba?" Tanong ng kanyang panganay na anak na si Ather pagkatapos nitong kumain.

Napatigil naman saglit si Athana nang marinig niya ang sinabi ng kanyang anak. Nginitian niya muna ito bago siya nagpaliwanag.

Pagkatapos nilang kumain ay dali-dali na siyang naghugas ng kanilang mga pinagkainan dahil ilang oras na lang at susunduin na siya ng kanyang mga kasamahan. May ipapagawa na naman kasi si Boss Cheng sa kanila ngayong araw kaya kailangan niyang iwan ulit sa kapitbahay ang kanyang mga anak. Wala rin kasing anak ang kapitbahay niyang babae dahil mas pinili nitong maging matandang dalaga, kaya pinakiusapan niya ito na bantayan ang kanyang mga anak sa tuwing may lakad siya at binibigyan niya rin naman ito ng pera tuwing katapusan ng buwan.

Lagi niya rin sinasabihan ang kanyang mga anak na huwag maging pasaway para hindi ma-stress si Ate Mabel sa kanila, dahil ayaw na niyang humanap pa ng ibang taong magbabantay sa mga anak niya dahil sobrang bait ni Ate Mabel sa kanilang mag-ina.

Matiyaga siyang naghintay sa labas ng building. Mahigit isang oras na rin ang nakakalipas at wala pa rin ang kanyang sundo.

"Nasaan na ba ang mga 'yon? Bakit ang tagal nila ngayon?" She murmured.

Maya-maya ay dumating na rin ang kanyang sundo.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong niya sa kanyang mga kasamahan, bago siya pumasok sa loob ng passenger seat.

"Pasensya na, Miss Eight. Hinanap pa kasi namin ang gonggong na 'to!" Saad ni Bel, saka nito binatukan si Jugs.

"Saan ka nanggaling, Jugs? Alam mong hindi ka puwedeng sumama sa ibang grupo kapag wala tayong misyon." Saad ni Athana kay Jugs.

"Alam ko naman 'yon, Miss Eight. Saka, takot ko lang sa 'yo... May pinuntahan lang naman ako saglit at hindi ko namalayan na medyo napahaba na pala ang usapan namin." Pagpapaliwanag naman ni Jugs habang ngumingiwi naman si Bel.

Nakikita kasi ni Athana ang reaksyon ni Bel mula sa rearview mirror ng sasakyan.

"Sus! H'wag kang maniwala d'yan, Miss Eight. Nakipag-date lang ang lalaking ito sa babaeng p****k!" Singit naman ni Bel.

"Sus, aminin mo na kasi Bel kay Jugs na nagseselos ka lang." Tukso naman sa kanya ni Patrick short for Pat, kasamahan din siya ni Athana.

Hindi kasi nila puwedeng gamitin ang buong mga pangalan nila dahil mabilis silang matitimbog.

Napailing na lamang si Athana habang pinapakinggan sila sa likuran.

"Yucks! Kadiri! Hinding-hindi ko papatulan si Jugs. N.E.V.E.R—never! As in never ever in my life." Nandidiring saad ni Bel.

Sa ilang years na nakasama ko sila ay mukhang ngayon lang na may namumuong love team sa grupo namin. I can really say na Jugs really likes Bel. Ngunit, hindi niya lang kayang aminin ito dahil torpe si Jugs. But I can't blame him though, kasi it takes a lot of courage naman talaga to confess to someone you like.

Hinayaan na lamang sila ni Athana na mag-ingay, dahil siguradong tatahimik din ang mga iyan kapag nakaharap na nila si Boss Cheng. Ayaw kasi ni Boss Cheng sa mga maiingay. Medyo may edad na rin kasi ito kaya gusto nang tahimik na paligid habang siya'y nagsasalita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 19.1

    Lumabas muna si Athana pagkatapos niyang magligpit ng pinagkainan nila dahil si Hunter na ang nagboluntaryo na maghugas. Pinapasok na rin niya silang lahat sa loob dahil masyado pang mainit sa labas.Pinalitan niya muna ng damit ang kanyang mga anak dahil pawis na pawis na ang mga ito kakatakbo. Lumabas kaagad ang mga bata pagkatapos niya itong bihisan.“Sandali,” mahinang sigaw niya nang hindi pa siya tapos na lagyan ng panyo ang likod ng kanyang mga anak.Dali-dali naman na lumabas si Athana at naabutan niyang nakakandong na ang mga bata sa kanilang ama. Busy na rin yung iba dahil tumutulong sila kina Yvonne at Tyler na gumawa ng palamig at ice cream.“Hay naku. Ang kulit talaga.” Nanggigigil naman na pinisil ni Athana ang ilong ng kanyang mga anak habang nakangisi ang mga ito.Napatingin naman si Athana kay Hunter. “Lalagyan ko muna sila nito. Ang lilikot kasi.” aniya.Ngumiti lang si Hunter sa kanya. Nakakandong pa rin ang mga bata kay Hunter habang nilalagyan niya ng panyo ang li

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 19

    KINABUKASAN, bumisita sina Jugs maliban lang kay Gun.“Bakit wala si Gun? Hindi ba niya kami namimiss?” pabirong tanong ni Bel. Natawa naman si Shine.Nagkibit-balikat naman sina Prince at Drew. Napatingin naman sina Athana, Shine, at Bel kay Jugs na busy sa pakikipaglaro sa dalawang bata. At nang mapansin ni Jugs na may nakatitig sa kanya ay saka pa siya nagsalita.“Ang sabi niya lang sa’kin kanina ay may importante siyang gagawin kaya hindi siya sumama sa amin ngayon,” aniya.“Ano naman ang gagawin niya? Hindi ko naman siya inutusan dahil alam kong delikado pa na bumalik doon,” saad naman ni Athana.“Ewan ko ba ro’n, Ms. Eight. Hayaan mo, sa susunod isasama na namin ‘yon.” aniya.“Oo nga pala, kumain na ba kayong tatlo?” tanong naman ni Athana.“Hindi pa, Ms. Eight. Niyaya kasi namin kanina si Gun na kumain malapit dito para pagkatapos ay didiretso na agad kami rito kaso biglang nagmamadaling umalis, kaya dumiretso nalang kami rito.” tugon naman ni Drew habang inaayos nito ngayon an

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 18.2

    “MOMMA, ang pogi niya,” kinikilig na bulong ni Thana habang nakakandong siya sa kanyang ina.Natawa naman si Athana at saka niya pinisil ang tungki ng ilong ng kanyang anak, habang si Ather naman ay nakikipaglaro kina Yvonne at Tyler. Lumabas din muna si Hunter upang magpahangin.“Ikaw ah, sinong nagturo sa’yo n’yan?” tanong niya rito.“Sina Ate Bel at Ate Shine,” proud pa nitong sagot sa kanyang ina.Napatingin naman si Athana sa bitbit ngayon ni Hunter na maraming mga laruan.“Wow! Look, momma.” Tinuro pa ni Thana ang nakita niyang barbie doll na hawak ngayon ni Hunter.Ngumiti naman si Hunter sa dalawang bata. “Do you want these toys? Come, and hug me first.”Dali-dali naman na bumaba si Thana at lumapit agad ito kay Hunter.“Hug,” saad ni Hunter at malawak na nakaawang ang kanyang mga braso upang hintayin ang yakap ng kanyang anak na si Thana.Sumulyap pa si Thana sa kanyang ina bago nito niyakap ang kanyang ama. Matagal din na pinakawalan ni Hunter ang kanyang anak bago niya ibin

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 18.1

    PAGKAGISING ni Athana bumungad kaagad sa kanya sina Yvonne, Tyler, at Hunter na nakaupo sa sala. Agad niya ring nilapitan ang mga ito.“Nandito pala kayo. Sana ginising niyo ako.” Aniya at umupo siya sa tabi ni Yvonne.Kaharap nila ngayon si Tyler at si Hunter na seryoso ang tingin sa kanya.“Galit ba siya dahil hindi pa kami naglinis dito sa bahay niya?” tanong ni Athana sa kanyang sarili nang makita niyang seryosong nakatitig lang sa kanya si Hunter.“Uhm… p-pasensya ka na. Hindi pa kami nakapaglinis dito dahil pagod pa kaming lahat at ilang oras lang din kasi yung tulog namin kanina.” kinakabahan na paliwanag niya.Umiling naman si Hunter. “It's okay. It's just…. something is bothering me.”Napakunot naman ang noo ni Athana. “Ano ‘yon? Tungkol ba sa akin o sa mga kasamahan ko?” tanong niya rito.Napatingin naman ako sa kamay kong hinawakan ni Yvonne.“Athana, tumingin ka sa’kin.” Saad niya na agad ko rin naman na ginawa.Nagtataka naman na tiningnan ni Athana si Yvonne. Mukhang may

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 18

    ISA-ISA silang tiningnan ni Hunter. Nahihiya naman na tumingin si Athana kay Hunter pagkatapos niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban lang kay Gun at sa kambal na anak niya dahil nasa loob lang ito ng sasakyan nila. Nandito rin sila ngayon sa labas ng Luxcious Hospital. Nakasuot rin ng formal attire si Hunter ngayon dahil kagagaling lang daw nito sa isang important meeting with their clients.“Uhm… pasensya ka na. Kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon.” Nahihiyang sabi niya.“No, no, it’s okay… I just didn’t expect na marami ka palang kasama,” saad nito.Napahawak naman si Shine sa braso ni Athana at bumulong ito sa kanya. “Ms. Eight, nakakakilig ‘pag nagtatagalog siya.” At pagkatapos umayos ito ng tayo.Napansin naman ni Hunter na napangiti si Athana kaya nag-iwas ito ng tingin.“Uhm… let’s go? Sundan n’yo nalang ako.” Saad ni Hunter at tumalikod na ito.Pabiro naman na kinurot ni Athana ang tagiliran ni Shine dahilan upang mapangiti ito, at bumalik na

  • CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF   Chapter 17.3

    Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Athana nang binawian na ng buhay si Ms. Six. Napayuko siya at hinaplos ang talukap ng mga mata ni Ms. Six upang ipikit ang ito.“Mamimiss kita... Salamat, dahil naging mabuti ka sa’kin.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Naalarma naman silang apat sa loob nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na mula sa labas. Napatakbo kaagad silang apat palabas ng hideout nila Ms. Six. Nakita nila ang dalawang lalaking nakahilata na sa may daan malapit sa kanilang sasakyan. Mabuti nalang din at bulletproof ang kanilang van kaya hindi tumagos ang mga bala sa loob.Dali-dali na silang pumasok sa loob ng van at agad naman itong pinaandar ni Gun.Umiiyak na rin ngayon ang dalawang bata dahil sa takot.“Shhh… andito na si momma. Hindi hahayaan ni momma na may mangyaring masama sa inyo.” aniya habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang anak.Tumulong na rin sina Bel at Shine sa pagpapatahan sa dalawang bata hanggang sa muling makatulog si Th

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status