HALOS himas-himas ni Minnie ang sariling tiyan matapos nilang makakain.
"Mukhang busog na busog ka,"pansin ni Lauren na nagpupunas na ng table napkin sa bibig."Ah oo, salamat sa libre mo huh Lala sa susunod ako naman manlilibre sa iyo para hindi nakakahiya,"usal niya matapos niyang dumighay."E-excuse me,"napapahiya niyang sabi. Napalingon-lingon pa si Minnie, dahil ang ilan sa mga katabi nilang kumakain ay napasulyap pa sa kanya saka nagbulungan na tila malaking kasalanan ang nagawa niyang pagdighay.Sabagay nasa isang mamahalin at class na class siyang restaurant kakatwang nakapasok at nakakain siya roon."It's alright Minnie, human nature ang mag-burp."Saka ito mahinhin na nagtatawa. Ngumiti na lang ng tipid ang dalaga. Mabuti na lang ang kasama niya ay hindi mapanghusga, nagpapasalamat siya dahil magmula ng tumapak siya sa Maynila ay wala pa naman siyang nae-encounter na taong mayaman na humamak sa pagkato niya animoNANG makalabas nga si Minnie at Lauren ay tuluyan sinundan naman ng binata ang mag-amang Don Hidalgo at Ayessha sa parking lot ng mismong restaurant na kakainan sana nila. Halatado ang mabigat na argumento ng dalawa ng makalapit siya."Lagi na lang ba ija, sa tuwing makikita mo si Minnie ay pinag-iinitan mo. Ano bang problema mo sa kanya napakabait na bata nito,"pangangaral ng Don sa anak na nakaiwas ang tingin at masasalamin sa mukha ang labis na pagkainis."Sige na kasalanan ko na naman! I hate you Daddy palagi niyo na lang kinakampihan ang katulong na iyon! Iniisip ko tuloy na may gusto kayo sa kanya!"galit na akusa nito."Tumigil ka Ayessha, matakot ka sa mga pinagsasabi mo. P-para ko na rin a-anak si Minnie kaya ganoon ang concern ko sa kanya,"explain ni Don Hidalgo na hinawakan pa sa magkabilang bisig ang anak na hindi pa rin humuhupa ang hinanakit para sa pagtatanggol ng ama kay Minnie."Sinun
TULUYAN iminulat ni Minnie ang mata, hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya kanina. Iinot-inot na siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.Tuluyan siyang tumayo ng makaulinig siya ng mumunting ingay sa labas ng silid niya. Inaakala niya na si Sandy na iyon ay lumabas na siya."A-Aevo, bakit ka narito?"nabiglang usal ni Minnie. Katulad niya ay tila hahawakan ng binata ang seradura ng pinto na parang bubuksan iyon."I'm staying here, wala ka kasing kasama,"simpleng sabi lang nito."Okay na ako, pwedi ka ng umuwi. Saka sanay na akong mag-isa sa tuwing gabi rito,"pagtataboy ni Minnie rito. Kailangan niyang gawin iyon, dahil hindi na siya natutuwa sa nararamdaman niya sa tuwing malapit ito sa kanya at binibigyan pa siya ng importansya."No, I stay with you here,"pinal na sagot ni Aevo na sinundan lamang ang babae hanggang s
KASALUKUYAN tumatapos si Minnie ng trabaho na ipinagawa sa kanya ni Aevo ng hapon na iyon. Wala ito sa opisina dahil may dinaluhan itong conference meeting sa Baguio. Ngunit ipinangako nito sa babae na bago magalas-singko ay nakabalik na ito para sabay na silang makauwi.Ngunit dumating ang oras ng uwian, walang Aevo na nagpakita."Ano pa bang aasahan mo Minnie sa isang iyon. Sino ka ba sa buhay niya, hindi ka naman niya kaano-ano para maging importante. Wake up girl!"pangangaral niya sa sarili.Mabilis niyang pinunasan ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya.Naiinis at natatawa siya sa sarili. Sobra na kasing nag-o-over reacting siya. Hindi na niya maintindihan ang sarili kapag kasama niya si Aevo inis na inis siya sa pagmumukha nito. Pero kapag wala naman ito panay ang paghahanap niya.Naghintay pa ng limang minuto si Minnie bago niya lisanin ang opisina. Nilinis
MALAKAS niyang isinarado ang pinto ng kotse niya. Diretso lang siyang pumasok sa mansyon, kahit nakita na niya si Aizo at ang asawa nitong si Lauren kausap ang Lolo Ghad niya."Kambal! halika muna rito!"pagtawag sa kanya ni Aizo, ngunit hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy sa pag-akyat sa matarik na hagdan si Aevo."Hindi pa rin pala kayo nagkakaayos apo,"puna ni Ghad na naiiling."Siya nga Lo dadalawa na nga lang silang magkapatid pero panay ang away,"wika naman ni Lauren."Ano ba naman Love, nakikipag-ayos na ako sa kanya. Pero siya itong may ayaw may magagawa ba ako. Dumidikit kasi siya sa babaeng iyon kaya ganyan na inaasta,"pikon na saad ni Aizo."At sinong babae naman iyon?"ang biglang tanong ng Lola nila na kakaupo lang din."Huwag niyo ng masiyadong pinapansin itong apo niyo La,"sabi naman ni Lauren na siniko pa si Aizo."Totoo na
IILING-ILING na nilapitan ni Aizo si Aevo sa bar na pinuntahan ng gabing iyon. Pangatlong araw na magmula ng makaalis si Minnie sa condominium unit ni Sandy."Hey! lasing ka na tara iuuwi na kita,"yakag ni Aizo na tinapik pa ang balikat ni Aevo."H-hindi p-pa a-ako lashinng! better just l-leave me here! Hey! waiter another bottle of beer for me!"lasing ng pagtatawag ni Aevo sa lalaking dumaan na may dala-dalang order mula sa kabilang table. Ipiniksi nito ang kamay ni Aizo na humahawak sa balikat niya.Nang akmang lalapit ang waiter ay sumenyas si Aizo na huwag na silang lapitan. Na-gets naman iyon ng manggagawa at tuluyan nagpunta sa ibang costumer ng bar na iyon na nagtawag dito."W-where are you g-going, don't you you hear what I said I need more bottle of beer. Bingi ka ba!"nanggagalaiting sigaw ni Aevo na tumayo na ngunit nabuway ito. Mabuti na lang maagap si Aizo at agad na nahawakan nito
NASA itaas ng bundok si Minnie ng mga sandaling iyon. Napagpasiyahan niyang akyatin ang bantay bato ng mag-isa, lalo ngayon gusto niyang mapag-isa at makapagmuni-muni.Sa tatlong araw na lumipas magmula ng umuwi siya roon ay walang sandali na hindi niya naalala ang ama ng dinadala niya— si Aevo.Kung kumusta na ba ito, naging okay kaya ito ng mawala siya. Masaya ba ito na umalis na siya at hindi tiyak kung magkikita pa silang dalawa.Maraming katanungan ang gustong bigyan ng kasagutan ni Minnie sa isip. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala siyang maapuhap."Sabi ko nga ba narito ka lang eh,"pagsasalita ni Carol na kadarating lamang."Best friend dumating ka na pala, akala ko sa katapusan ka pa makakabalik dito sa atin sabi ng Mama mo,"galak na sabi naman ni Minnie na yumakap sa matalik niyang kaibigan."Iyon nga eh, nabalitaan ko kasi na umuwi ka raw at totoo ba na... kwan bff... na buntis ka?"tan
UNTI-UNTING nagmulat si Minnie,unang-una na nakita niya si Sandy na nakatunghay sa kanya at labis ang pag-aalala sa mukha.Sa pagkakita niya rito ay muling napabalik sa isipan niya ang nangyari bago siya tuluyan mahimatay."O-okay ka lang Minnie... a-anak?"Puno ng pag-aalala ang tinig ni Sandy at masuyong dinampian ng palad nito ang braso niya.Ang nanay Alicia naman niya ay tinulungan siyang mapa-upo. Mabilis din lumapit ang kapatid niyang si Mandy na may hawak na isang tasa."Heto ate uminom ka muna ng tubig,"wika nito at inalalayan papunta sa bibig niya ang tasa.Lumagok naman si Minnie roon, halos naubos niya ang laman niyon. Nang tapunan niya si Sandy ay nanatiling nakahawak pa rin ito sa kanya, dahil sa nakaramdam siya ng weird feelings ay pasimple niyang inalayo ang kamay na hawak-hawak ng totoo niyang ina.Lumatay sa mukha ni Sandy ang lungkot sa ginawa ni Minnie."Gusto ko po sanang mapag-isa,"pakiusap ni
DAHIL sa malalim ang iniisip ni Minnie ay hindi na niya namalayan na pumasok na pala ang ina niyang si Alicia."Anak, maari ba kitang kausapin ngayon?""Sige po nay,"tugon naman ni Minnie at tuluyan silang naupo sa papag."Alam kong nabigla ka at hindi mo halos mapaniwalaan ang lahat ng mga nalaman mo ngayon. Pero hiling ko lang ay sana bigyan mo ng pagkakataon ang mama at ang papa mo na bumawi sa iyo,"hiling ng ginang na hinawakan pa ang palad ni Minnie.Hindi naman nakapagsalita ito at mataman nag-iisip. Hanggang sa tuluyan nitong masabi sa kinalakhan na ina ang totoong nasa puso niya."Nay, bakit niyo ho ba inilihim sa akin ang lahat... n-na hindi niyo ako totoong anak?"naluluhang tanong ni Minnie.Napakasakit sa kanya na ang pamilyang nakasama niya sa paglaki ay hindi pala niya totoong pamilya."Patawarin mo sana kami ng Tatay mo, ayaw lang namin na umiba ang tingin mo sa amin bilang