Pasado alas dos na nang nagising ako dahil sa mabigat na pakiramdam. Nanlalabo ang aking paningin kasabay pa ang pananakit ng aking buong katawan, higit pa ang pagkababae ko. Inilibot ko ang aking paningin sa silid. Unti-unting kinain ng pagkabigo ang damdamin ko nang hindi ko nakita ang taong inaasahan ko. Ano nga bang aasahan ko? Nangyari lang ang lahat ng ito dahil sa libog. Nadala lang kami ng init ng katawan, nothing more nothing less. "Shit!" daing ko nang sinubukan kong umupo at napabagsak akong muli sa pagkakahiga. Gano'n pala iyon kasakit. My face heated. Hindi na ako nagpumilit pa, hinayaan ko na lang ang sarili ko nang nakahiga para makapahinga at makakilos mayamaya. Ngunit malas siguro ako ngayong araw dahil mukhang sasabay pa ang pagkakasakit ko. I felt like I'm having a flu any moment from now.Napangiti ako nang mapait. "Then, 'yong asawa ko wala pa sa tabi ko pagkatapos nang nangyari sa amin," mahinang bulong ko. Gusto kong maiyak pero kasalanan ko rin ito. Nagpad
"Siguro, nasasaktan lang ako kasi medyo nag-expect ako. Dahil kahit ganito nagsimula ang marriage namin kahit papa'no ay gusto ko na maging maayos ito. Alam kong napaka-imposible niyon kasi may ibang involve," I said and forced myself to smile."Yeah right, imposible talaga. Lalo na kung patuloy pa rin silang nagkikita," sabi ng kaibigan ko at iniirap ang kanyang mga mata.I raised an eyebrow. "How did you know?" I asked, confused.She just pointed at my back with her lips. Kaya naman tiningnan ko iyon. Oh yes, paki-remind sa 'kin na hindi na ako babalik sa coffee shop na ito dahil mukhang dito ang dating place nilang dalawa. Masayang nakakawit ang braso ni girl kay Andrei habang siya naman ay mukhang seryosong umo-order sa counter. As usual hindi na naman nila napansin na may nakatingin sa kanila."Bar tayo mamaya game? Magdadala ako ng driver," nakangiting pagyayaya ni Ayesha.I rolled my eyes. "Baka nakakalimutan mo nagtratrabaho na ako, Ayesha.""Then let's go now. Para maagang m
Umiikot ang paningin ko nang isakay ako ni Andrei sa kanyang sasakyan. Naririnig ko pa rin ang mahihina niyang pagmumura, tila ba wala 'yong katapusan hangga't hindi siya kumakalma."Did you kiss him?" "Who?" pikit mata kong tanong."That bastard," he hissed."You mean yourself?" natatawang sambit ko na ikinatigil niya.Binuhay niya ang kanyang kotse pagkatapos ng ilang saglit at mabilis itong pinatakbo. Tahimik at tanging ang harurot ng makina niya lamang ang naririnig ko. Hindi pa nga nagtagal ay naamoy ko na ang pamilyar na amoy ng condo. Inakay niya ako hanggang sa kwarto at inihiga. Sandali kong idinilat ang aking mga mata at nakita siyang naglalakad patungo sa closet, kumuha siya ng damit doon at bumalik ulit sa tabi ko. "Sit. I'll change your clothes." Ginawa ko ang gusto niya. Umupo ako kahit para akong matutumba dahil sa pag-ikot ng paningin ko. He unbuttoned my office top. Pinanuod ko lang siya na seryoso akong hinuhubaran. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang
Pareho kaming nagising mula sa sandaling pagkakaidlip nang tumunog ang doorbell. "Ako na ang titingin. Have a rest," sambit niya at isinuot ang kanyang boxer bago lumabas.Dahil sa antok at pagod ay hinayaan ko na lang siya. Plus the fact that I am really sore down there, I don't think I can walk properly. "Naku! Kagigising mo lang ba, hijo? Pasensya na at napaaga 'ata kami. Gusto lang sana namin kayong bisitahin." Daddy?"Where's Cassandra?" pakinig kong tanong ni Mommy.Oh, no."She's still sleeping, Mom."She's going inside our room!Napaupo ako at mabilis na naghanap ng damit na pupwede kong suotin. Kung mamalasin pa nga naman ay damit pa ni Andrei ang nahagip ko. Mabuti na lang at sinuotan niya ako ng panty bago ako nakatulog kung hindi ay lalong nakakahiya. Tulad nang inaasahan ko ay basta na lang pumasok si Mommy sa k'warto. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa akin at sa paligid. Damn it! Nakakalat pa ang mga damit namin. "Is she awake?" pakinig kong tanong ni Dadd
Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang namatay si Daddy. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Tiningnan ko si Mommy na nasa tabi ng puntod ni Daddy, tahimik lang siya habang hinahaplos ang lapida nito. "I miss you," mahinang sambit niya at nagsimulang humikbi.Masakit sa akin na makitang ganito kahina si Mommy pero wala akong magawa dahil kahit ako ay hindi rin handa sa lahat ng ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong umiyak pero kailangan kong magpakatatag para kay Mommy. Ako na lang ang pupwede niyang kuhanan ng lakas sa sitwasyon na ito."Sabi ko 'wag muna pero bakit, anak? Bakit iniwan niya pa rin ako agad?" humihikbing bulaslas niya.Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "I'm still here, Mom. I love you." Ilang minuto pa kaming nanatili bago napagsyang umuwi. Ayaw man naming pareho na umalis pero alam namin na kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin nang wala si Dad
Tulala lang ako habang nakatingin sa laptop na nasa harapan ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksena namin sa kusina kaninang umaga. Tanghali na at nandito na ako sa opisina, ilang oras na akong nandito pero wala pa rin akong natatapos dahil sa pagiging lutang."You fvcking, b*tch! Sino ka para utusan ang dyosang katulad ko?! Pasalamat ka't hindi kita matiis," pantay na kilay na asik ng kaibigan ko habang mabilis na naglalakad patungo sa akin. Agad nagbago ang mood ko, pakiramdam ko ay para akong bata na nanalo sa palaro sa pagdating niya. "Dala mo?" excited kong tanong.Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya at saka ibinagsak ang sarili sa upuan na nasa harapan ko. "Sana man lang tinanong mo muna kung okay lang ba ako bago mo tanungin 'yong pakay mo," sarkastikong saad ni Ayesha at ibinagsak ang isang plastic na puno ng hilaw na mangga sa lamesa ko.Mabilis kong kinalkal iyon at gano'n na lang ang panlulumo ko dahil hindi niya sinunod ang sinabi ko. Mangiyak-ngiyak akong t
Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa isang mamahaling restaurant. Nagtataka man ako sa mga ginagawa niya ay hinayaan ko na lamang iyon. Ayaw kong mag-isip ng mga negatibong bagay para hindi malungkot ang baby ko. Nakakatawang isipin na kahit linggo pa lang s'ya sa tiyan ko ay gano'n na agad kalayo ang naiisip ko.Sulitin na lang natin anak ang mga panahon na ito. "How's work?" pormal niyang tanong."Ayos naman, nagkakaproblema minsan pero nareresolba naman agad. You?" Binitawan niya ang kanyang kutsara at nagpunas ng bibig. Uminom muna siya bago tumingin sa akin. "Hectic, nakakapagod," malumbay na wika niya."Did something happen?" lakas loob kong tanong."Mayroon kasing isang proyekto sa Cavite ang pumalya kaya iyon ang inaayos ko nitong mga nagdaang araw. Mabuti na lamang maayos na ang lahat. Now, magkakaoras na ako sa 'yo," aniya at ngumiti sa akin.Stilled. Tumawa ako ng peke para maiwala ang ilang ko. Nagpatuloy naman siya sa pagkain. Mayamaya pa ay tumunog ang telepono niya,
"Taray, magtutukaan na lang kayo sa kumpanya pa," sabi ng kaibigan ko habang naglalakad kami papasok sa kainan. Siniringan ko naman siya kahit sa loob-loob ko ay naroon ang namumuo kong hiya. Nagpaparke si Andrei ng sasakyan kaya pinauna na niya kami sa loob."Masarap ba? Masarap?" natatawang kutya sa 'kin ni Ayesha. "Reservation for Mr.Villa Cruz," pormal kong saad sa staff na sumalubong sa amin. Agad niya naman kaming inihatid sa pwesto namin."Tingin ko, may mali," seryosong sambit ni Ayesha pagkaupong-pagkaupo niya.I rolled my eyes. "Ano na naman 'yang iniisip mo?" Hinawakan niya ang kanyang labi at umaktong nag-iisip. "You said, magfa-file siya ng annulment right?" she asked, raising her eyebrows at me.Awtomatikong kumalat ang pait sa dibdib ko. "Yes.""Kung gano'n ang plano niya, bakit ganito siya sa 'yo? Hindi kaya tokis lang 'yong jowa niya?" "Stop imagining things. Alam naman natin na napilitan lang siya sa kasal namin.""How can you say so? Sinabi niya ba na napilitan