Share

ONE: DISAVOW

LIA

“Labing-lima” Ibinagsak kong muli sa sahig ang katawan na unti-unting nasusunog, hindi ko maiwasang mapangiti.

Muli akong sinugod ng sampung mga hangal, sabay ang kanilang pag-atake, pero wala paring nakalusot mula sa aking paningin. Isa-isang nagtumbahan at naglaglagan ang ibat ibang parte ng katawan ng mga immortal na nakakalaban ko at nagsisimula na silang maging abo. Tinitigan ko ng mabuti ang papaakyat na araw, “ang ganda... Ang ganda ng simula ng araw ko.”

Binunot ko ang mga kutsilyong nasa ilalim ng aking mga buhok na nagsisilbing pangligpit sa kahabaan nito. Kumikinang ang dulo ng bawat patalim na nasa palad ko. Inilagay ko ang isa sa mga ito sa ilalim ng aking suot na itim na pantalon at ginamit ang isang natitira upang gawing pansugat sa kanan kong hintuturo. Mabilis ang pagragasa ng dugo mula rito, ang kaninang pulang kulay nito ay unti-unting naging itim. Hinayaan ko itong pumatak sa sahig, ang kaninang maliit na tila bilog na likido ay unti-unting lumawak hanggang sa kumalat ito sa buong sahig ng rooftop na kinatatayuan ko sa mga sandaling ito.

Pasasabugin ko na sana ang buong gusali ng may narinig akong mga yabag na papalapit nang papalapit sa aking puwesto. Hindi lamang isa,dalawa,tatlo o apat-marami, napakarami nilang paparating sa kinaroroonan ko. Mas lumawak ang ngiti mula sa aking mga labi, muli kong sinuot sa aking ulo ang hood ng jacket at inihanda ang aking sarili sa malaking bilang nila. Malapit na nilang marating ang kinaroroonan ko ng may umagaw sa atensyon ko. Nagmumula ang amoy sa baba ng gusaling ito, nalalanghap ko ang matatamis nilang dugo. Sa isang iglap ay nasa dulo na ako ng rooftop at abot tenga ang ngiti ko dahil sa tamang hula ko. Ang mga Quicklnt. 'Ang ganda ng pagkakataon. '

Iminuwestra ko ang aking katawan upang lumundag pababa ng gusaling ito,

“Not too fast.”

Hindi ko naituloy ang naging plano ko dahil hindi ko na maigalaw ang aking buong katawan at kahit ang aking paghinga ay hindi ko na masyadong makontrol. Nakatuon parin ang aking mga mata sa papalayong pigura ng mga pinuno ng Quicklnt, papalayo nang papalayo, hanggang ni anino nila ay hindi ko na makita. Nag-uumapaw na sa galit ang kaloob-looban ko, at mas nagtindi pa ito nang marinig ko ang boses ng isa sa mga nilalang na nasa likuran ko lamang,

"Kanina mo pa sana nagawa ang pinaplano mo kung noon pa ay pumayag ka ng maging isa sa amin.”

Pahayag niya. Hindi ko na napigilan ang galit na kanina pa nagwawala sa kaloob-looban ko, nagkukumahog na lumabas sa akin. Muling nagsalita ang nilalang na nasa aking likuran.

"Aminin mo na lamang sa sarili mo na hindi mo kaya ng mag-isa...aminin mo na lamang sa sarili mo na mahina ka....napakahina mo at kahit kailan hindi ka ng mabubuhay ng walang natatanggap na tulo-- "

Mabilis na natanggal ang kanyang ulo mula sa kanyang katawan at mabilis na nagsi-atrasan ang kaninang nagtatapang-tapangang mga hangal na bampira. Mabilis kong pinitik ang aking mga daliri at mabilis na gumapang paitaas ang itim na likido na nasa sahig at gumawa ng bilog na harang sa aming lahat na nakapaloob dito sa itaas ng rooftop, ang kaninang maliwanag na paligid ay naging makulimlim at napaawang ang kani-kanilang mga bibig.

“Tingnan natin kung sino ang pinakamahina sa ating lahat.”

Binaling ko ang aking paningin sa kanila at dahil dito ay mas bumilis ang pintig ng kanilang mga puso.

"May sasabihin ako sa inyo. Sa totoo lang talagang may mahina rito...”

Pinatunog ko ang mga buto sa aking leeg at nagpatuloy sa pagsasalita,

"Alam niyo naman kung anong dapat gawin sa mga mahihina dib-- "

Umalingawngaw ang tunog ng sipa at kasunod nito ang tunog ng nabaling buto. Napangisi ako dahil sa nangyari,

'Sa wakas'  hinimas ko ang kaliwa kong panga at inikot ang aking leeg upang maibalik ang eksaktong pagkakalagay ng mga buto dito. Tatayo na sana ako nang makatanggap ako ng dalawang malalakas na sipa mula ulit sa lalaking umatake sa akin kanina,

"Ang mga mahihina ay karapat-dapat na patayin.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inikot niya ang kanan kong braso,

"Aahhh!!! T- tama na,aaahhhh!!!!! "

Tunog ng mga nababaling buto at palahaw sa sakit ang pumupuno sa aking tenga, binigyan ko siya nang nakakalokong ngiti at mabilis na tinanggalan ng ulo.

“Daming satsat.”

Inangat ko ang ulo na nasa aking kanang kamay at inihagis ang ulo sa kung saan. Pagkatapos ko iyong mahagis ay agad na nagsiatakihan ang kanyang mga kasamahan, 'Mga hangal.'

Sabay silang sumipa at sumuntok na sinasalo at ibinabalik ko sa kanila, mas umingay ang buong paligid dahil sa tunog ng mga nababaling buto, tunog ng suntok, sipa at palahaw dahil sa sakit na kanilang natatangap. Muli akong sumuntok pero natigilan ako ng may pumigil sa aking dalawang braso. Binaling ko sa kanila ang aking mga tingin at mas humigpit ang kanilang pagkakahawak dito. Tumalon ako patalikod at mabilis na nakawala sa kanilang mahigpit na pagkakahawak sa akin. Hindi ako nagsayang nang oras upang umatake sa kanila, pero bago ko pa man marating ang aking mga pakay ay may nagsalita na mula sa aking likuran na nagpatigil sa akin.

“Tama na Lia. Hindi kami nagpunta dito upang kalabanin ka.”

Pinatunog kong muli ang buto sa aking leeg ng marinig ko ang boses niya.

“Gusto ka lang naming kunin, gusto ko lang na mapangalaga-- "

Tinanggal ko ang kanyang kaliwang braso pero hindi siya umimik, hindi siya makikitaan ng pagdurusa at hinawakan niya lamang ang dumurugong braso.

"Lia.... kailangan mong malaman na buhay siya. Buhay na buhay siya Li-- "

Malakas ko siyang sinipa, pero mabilis siyang inagapan ng dalawa niyang natitirang mga kasapi,

"Matagal na siyang patay Heimdal, matagal na at sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na ang mga nangyari. "

Ngumiti siya ng mapait sa akin,

"Hindi Lia. Pero tama ka Lia, matagal na ang mga nangyari at sa tagal ng mga nangyari sa nakaraan, nakalimutan mo nang tumira sa kasalukuyan. Pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan Lia... na buhay siya. Buhay na buhay at gusto ka niyang makita at makasama....."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinanggalan ko na siya ng mga mata at piniga ko ang kanyang ulo at ang dalawa niya pang kasamahan.

"Patay na matagal na.”

*******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status