LOGINSHUN'S POVNagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Mabigat ang pakiramdam ng katawan ko, at kumikirot pa rin ang ulo ko.“Fuck!” mahina akong napamura nang maalala ang mga nangyari kanina sa basement.Ilang sandali akong nagmasid sa paligid hanggang sa mapansin ko ang isang babaeng nakahalukipkip sa may pintuan. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa akin.“Do—Doctor Freya?” nautal kong sambit dahil sa pagkagulat.“Oh, buhay ka pa pala. Mabuti naman,” sarkastikong sagot nito.Napahawak ako sa ulo habang pilit na inaangat ang sarili upang makaupo.“Wait. Ikaw ba ang pumalo sa ulo ko?” diretso kong tanong.Napairap siya at napailing na para bang hindi makapaniwala sa narinig.“Excuse me? Iniligtas na nga kita, ako pa ang pagbibintangan mo? Aba, ayos ka rin, ano?!” inis niyang bulyaw sa akin.“Then explain why I'm here,” mapanuri kong sabi.“Pagmulat ko, ikaw agad ang nakita ko. What else am I supposed to think?” dagdag ko.“Come on, Shun! For God's sake, reall
**FREYA'S POV**Kahit nakaramdam ako ng takot, pinilit kong magpakita ng tapang habang, hinaharap ang dalawang armadong lalaki.Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas sa sitwasyong iyon, pero hindi ko maaaring hayaang basta na lamang nilang saktan si Shun.Nagulat pa ang dalawa nang mapansin ang presensya ko. Ngunit nang tuluyan nilang mapagtantong babae ako, sabay silang nagkatinginan at napangisi ng nakakaloka."Well, well, well. Look what we have here. May bonus pa ata tayong magandang babae eh!" nakangising komento ng isa.Tinaasan ko lamang siya ng kilay."Really? I didn't know you could still appreciate beauty with those ugly faces," sarkastiko kong sagot.Bahagya silang natawa, tila hindi seryosong tinanggap ang sinabi ko.Hinayaan ko silang lumapit habang maingat kong inoobserbahan ang bawat kilos nila.Samantala, dinampot ng isa ang baseball bat na ginamit niya kanina sa pagpalo sa ulo ni Shun. Inikot-ikot pa niya iyon sa kamay bago basta na lamang ibinato sa sahig."Y
**FREYA'S POV**Pagkatapos naming kumain ni Dylan at magpalitan ng kaunting lambingan, nagpaalam na rin siya sa akin. Ayaw niya raw akong istorbohin dahil alam niyang marami pa akong kailangang asikasuhin sa trabaho.Iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya. He's understanding, thoughtful, and mature enough to know when to give me space.Bago tuluyang umalis, lumapit muna siya sa akin at hinalikan ako sa noo."Take care, sweetheart. Don't forget to rest, okay? Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo," paalala niya habang nakangiti."I will. Ikaw rin. Ingat sa biyahe."malambing kong sabi."Of course. I'll see you later."Muli niya akong hinalikan bago tuluyang lumabas ng opisina.Napangiti ako habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang pigura. I felt lucky to have someone like him in my life. Someone who never made me question my worth and never gave me a reason to doubt his feelings.Pero ilang sandali lamang ang lumipas, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.Dahil bi
FREYA'S POVHindi ko talaga inaasahang uuwi siya ngayon, at dumiretso pa talaga siya rito just to see me.Si Dylan.My fiancé.Yes, fiancé ko siya. Kaya wala na akong dahilan para patuloy na isipin si Shun. Pareho na kaming may kanya-kanyang buhay. He's free to be with someone else, and I'm about to marry another man.Pero hindi ko alam kung bakit, sa kabila ng lahat ng nangyari, iba pa rin ang nararamdaman ko kapag naiisip ko si Shun. Isang bagay na pilit kong itinatago, kahit sa sarili ko.I shook my head slightly, trying to get rid of those thoughts.*Not now, Freya.*Hindi ko dapat hinahayaang guluhin ako ng nakaraan, lalo na ngayong kaharap ko ang lalaking pinili kong makasama sa hinaharap."Hey, sweetheart."Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Dylan. Nakangiti siyang nakatayo sa harap ng desk ko habang may hawak na paper bag at bouquet of flowers.Napakurap ako bago bahagyang ngumiti."Hi. What are you doing here? I thought you were busy today?"He chuckled as he
FREYA'S POVMabilis akong napalingon nang bumukas ang pinto ng ER at sunod-sunod na pumasok ang mga nurses, kasama ang isang babaeng pasyente na agad nilang inilagay sa stretcher.“Doctor! We need your assistance!” tawag ng isa sa mga nurse.Agad akong lumapit at sinuri ang kalagayan ng babae. Mahina ang pulso nito, hirap huminga, at halos hindi na magkamalay.Napakunot ang noo ko nang mapansin ang mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. May mga marka rin sa leeg nito na halatang dulot ng pananakal.*My God! What happened to her?*“Prepare the emergency medications. Check her oxygen saturation and monitor her pulse. We need to stabilize her immediately,” mabilis kong utos habang sinisimulan ang pagsusuri.Hindi ko maiwasang maawa sa sinapit ng babae. Sa itsura pa lang ng mga sugat nito, halatang matinding pananakit ang pinagdaanan niya. Mas lalo akong nabahala nang malaman kong buntis siya.“Doctor, her pulse is getting weaker!”“Keep monitoring her. Don't let her lose conscio







