PAGKATAPOS kong ilabas lahat ng sakit ng kalooban ko kanina, matapos akong umiyak nang umiyak sa loob simbahan dahil sa ginawa ni Walter. Nandito naman ako ngayon sa isang bar. Medyo lasing na 'ko, pero gusto ko pang mas malango pa sa alak. Baka sakaling pag sobrang lasing na ako maging manhid na rin ang wasak at nagdurugo na puso ko.
“Bartender, bigyan mo pa ako ng alak. Iyong kaya akong ipaglaban, ha. Ayoko ng peke. Traydurin lang ako n’yan,” sabi ko, medyo pasigaw at sabog na ang dila ko. Napansin kong napatawa ang bartender. Napatingin ako sa kanya, madilim ang mata sa sobrang inis. Napatahimik siya at tinakpan ang bibig. Pero huli ko na dahil narinig ko rin naman ang paghagikhik niya ng tawa. “Anong nakakatawa? Ha? Mukha ba akong nagpapatawa?” Itinuro ko pa ang mukha ko. “Ito ba?!” Sabay natawa rin ako nang malakas. Tawang nakakasuka at may halong panunuya. “Miss, hindi kita pinagtatawanan,” sagot niya. “Lasing ka na kasi kaya kung ano-ano na sinasabi mo.” Lasing daw ako? Hindi pa ako lasing. Normal pa ang pag-iisip ko. Diretso pa nga ang pagsasalita ko. Nahihilo lang ako na parang umiikot ang paningin, pero naaninag ko pa ang lalaking nasa harapan ko. Nakasuot nga siya ng puting polo at naka-slacks na black. Guwapo siya, ha. Matikas ang pangangatawan, halata naman sa suot niya dahil humahapit sa braso niya ang sleeves ng polo niya. Naningkit ang mga mata ko at pinakatitigan ko siyang maigi. F*ck! Ang ganda ng mga mata niya, parang matang-pusa. Grayish na katulad sa mga foreigner. Bartender ba talaga siya? O baka, may lahi siya? Siguro ang tatay niya ang foreigner. Kung wala siya sa counter ay baka inakala ko na siyang may-ari ng bar na 'to. Napakurap ako at itinuro ulit ang sarili. “Hoy! Ako ba ang sinasabihan mong lasing?” Inirapan ko siya. “Tang*na, hindi ako lasing! Kaunti lang naman ang nainom ko!” sabay bottoms-up sa hawak kong baso. Nilaklak ko iyon na parang tubig lang. Kahit na sobrang pait na gumuguhit sa lalamunan ko. Pinilit ko pa ring ubusin ang laman ng baso. Halos masuka ako pero umakto akong normal sa harapan ng lalaking bartender. Pagtatawanan na naman niya 'ko. Napangisi siya. “As far as I can see, naubos mo na ang isang bote ng tequila. At hindi ko alam kung kaya mong bayaran ang pinakamahal na tequila dito sa bar.” Nanlaki ang mata ko. “Ha?!” Doon ko lang napansin ang bote na nilalabas niya mula sa ilalim ng counter. Nanlamig ako. “Magkano ba ‘yan? At parang… parang kauupo ko lang dito ah! Hindi ako ang umubos niyan,” mariin kong tanggi, muling sabay irap ko sa kanya. Isang bote lang naman ng tequila ang naubos ko. E, ano naman? “Two hundred forty-six thousand pesos ang isang bote,” diretsong sagot niya. Nagulantang ako sa presyo. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Totoo ba 'yon? Ganoon kamahal ang tequila na ininom ko. Napatingin pa ako sa bote ng tequila. Ano 'to ginto? Parang biglang nawala ang kalasingan ko at pinagpawisan ang noo. “What?!” Parang gusto kong malaglag sa upuan ko. Tama ba ang narinig ko? Sa isang bote lang? “J-joke lang ‘yan, ‘di ba?” Napatawa pa ako, umaasang niloloko lang niya ako o nagbibiro lang siya nang sabihin ang presyo ng tequila. Ngunit biglang unti-unting nawala ang ngiti niya. Umiling siya nang sunod-sunod. “No, miss. I'm not joking on you. Kaya kung may pera ka d’yan, bayaran mo na ang nainom mo. Or else, dito ka na titira sa bar hanggang sa mabayaran mo ang two hundred forty-six thousand pesos na ‘yan.” Parang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong ganoon kalaking halaga ng pera ngayon. Ang pera ko ay halos naubos sa kasal namin ni Walter na hindi naman natuloy. Pakiramdam ko tuloy sinabayan pa ng tadhana ang panloloko ni Walter sa akin. Dahan-dahan kong dinukot ang wallet ko sa bulsa ng pantalon ko, hindi 'ko na matignan ng diretso ang lalaki. Matiim ang tingin niya sa akin, wari'y pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Palihim kong binilang ang pera sa loob ng wallet ko. “Sh*t! Wala pang five thousand,” bulong ko sa isip. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at halos tumigil ang paghinga sa sobrang kaba. Paano ko babayaran ang nainom ko? Nanginginig na ang mga kamay ko na ibinalik ang wallet sa loob ng bulsa ko. “Miss, may pambayad ka ba?” tanong ng bartender, halatang naiinip. Mabilis kong isinara ang wallet at ibinalik sa bulsa ng pantalon ko. Matapang akong humarap sa kanya. “Yes! Mamaya babayaran kita. Bigyan mo pa ako ng isa pang bote,” sabay taas ng baba, parang proud na proud. Pero ramdam kong tagaktak na ang pawis ko, parang biglang umuusok ang loob ng bar kahit malamig ang aircon. Napangisi ang bartender, nakatitig sa akin na parang may nababasa sa mukha ko. “Sure,” sabi niya, saka nagsalin ulit ng alak sa baso. Paglapag niya, dinampot ko agad ang baso at ininom nang diretso. Ayokong magpahalata na kinakabahan ako. Sa sulok ng aking mata, napansin ko na mataman niya akong tinititigan. Para bang sinusukat niya ang pagkatao ko. Napaka-intense ng tingin niya na parang nahihipnotize ako. Ano ba problema ng lalaking ‘to? Pero wala na akong pakialam. Sa ngayon, isa lang ang goal ko, ang malasing hanggang sa mawalan ng pakiramdam. Mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon."SH1T! Andito rin siya!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ni Mama at Elisa. "Sino?" tanong ni Mama, seryoso itong napatingin sa akin. Habang si Elisa ay nangingiti. "H-Ho? Wala po, Ma.." nauutal kong sagot, sabay iwas ng tingin. Natigilan si Mama at pinakatitigan ako. Alam ko na mayroong tumatakbo sa isip nito. Kilalang-kilala niya ako kapag may itinatago. Napahinga siya ng malalim. "Sabihin mo n'yo nga sa akin, bakit tayo lumipat ng ibang resorts?" Nagpapalit-palit ng tingin si Mama sa amin ni Elisa. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa tanong ni Mama. Ramdam ko ang pagtama ng tingin niya, matalim pero puno ng paghihintay ng sagot. “Ma…” napatingin ako kay Elisa, umaasang siya na lang ang sasalo sa sitwasyon. Pero imbes na magsalita, mas lalo pa itong ngumiti na parang may alam. “E kasi po, Tita…” nagsimula si Elisa, pero bigla siyang tumigil at humigop ng inumin. “Mas maganda lang po dito. Mas private, mas peaceful. Right, Giselle?” Lihim niya akong siniko sa tagiliran.
NATAHIMIK si Elisa. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. Hinagod ang braso ko para damayan ako. "I'm sorry. Napaka-insensitive ko. Nakalimutan ko na nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Sorry na..." malungkot na hingi niya ng paumanhin. Napailing ako at pilit na ngumiti, kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. "It’s fine, Elisa. Wala ka namang kasalanan," mahina kong sagot, pero alam kong hindi iyon lubos na totoo—hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil ayokong pag-usapan pa. Huminga siya nang malalim at tumango, pero hindi inalis ang kamay niya sa braso ko, parang gusto niyang siguraduhin na hindi ako bibigay sa bigat ng nararamdaman ko. "Promise, hindi na ako magbabanggit tungkol sa kanya o kay Walter. Ang gusto ko lang ay mawala lahat ng sakit na naramdaman mo d'yan sa puso mo," dagdag niya, bago kami sabay na nagsimulang maglakad palayo sa lugar na kanina lang ay parang sumakal sa akin. Ngunit kahit pa sinusubukan kong magpokus sa bawat yapak, nananatili sa isip ko an
“OH, hi. We meet again, Miss," mahina pero malinaw niyang binigkas, kasabay ng isang tingin na alam kong hindi ko kakalimutan. At bago pa ako makasagot, isang aninong tumapat sa kanya mula sa likuran at biglang may tumawag sa pangalan niya. "Babes, let's go," tawag ng babae sa kanya na nakapakaganda. Kumumyapit pa ito sa braso niya. Naka-bikini ito na itim at ang seksi. Walang-wala ako sa kalingkingan ng babaeng 'yon. Nilingon niya ang babae. "Mauna ka na, Carla. I have something to do..." Natahimik ang babae. "Ano namang gagawin mo? Kasama mo na ako... come on, let's have some fun." Pangungulit ng malanding babae sa kanya. Nakataas ang kilay nito na napatingin sa akin. Binalingan ko ng tingin si Elisa. Napangisi ito at taas-baba ang kilay nito, na parang nanunukso. Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatutok sa akin. "Go ahead, Carla," seryoso niyang ulit, pero mas mababa na ang tono. Kita ko ang pagkairita sa mata niya kah
"GUSTO ko lang makita ang itsura niya. Guwapo ba siya? Matangkad ba siya? Kasi parang may pakiramdam ako na mas guwapo siya kay Walter," satsat ni Elisa. Mariin ko lang ipinikit ang mga mata ko. Humiga ako sa deck at pilit na itinutuon ang tingin sa dagat. Ayoko nang guluhin pa ng isipin ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Pilit ko na ngang inaalis sa sistema ko. Pero, bakit para talaga akong minumulto niyon? "Pinagkukumpara mo sila? Iba si Walter, at iba rin ang lalaking 'yon. S-Saka, gabi 'yon. Hindi ko nakita ang buong mukha n'ya." Maang-maangan ko pa. Paniwalaan sana ni Elisa ang mga palusot ko. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Alam ko na uungkatin pa rin niya ang bartender na 'yon. "Hindi ko sila pinagkukumpara. Ang sa akin lang ay gusto ko siyang makilala. Malay mo, kayo pala ang itinadhana. Biruin mo, nagtagpo kayo noong brokenhearted ka. So, siya na ang sagot sa puso mong sugatan." Napailing-iling ako. Hindi kailanman magiging sagot ang isang pagkakamali ng isa pang pa
NASA tabi kami ng dagat nina Elisa, nagpaiwan si Mama sa loob ng kuwarto dahil sa magpapahinga muna raw siya. Mukhang napagod sa aming biniyahe. Tatlong oras lang naman ang ginugol ng biyahe namin papunta sa resort. "Gusto mo bang magsnack?" Aya ko kay Elisa. Nakaupo kami pareho sa wooden deck chair. "Ikaw na lang. Parang mas gusto kong mahiga dito tapos magpogi hunting," kinikilig na sagot ng kaibigan. Natawa ako sa huling tinuran ni Elisa. "Sige. Ikukuha na lang kita ng juice. Baka mauhaw ka katitingin sa mga pogi." Nilingon ako saglit ni Elisa at saka ngumiti. "Salamat." Lumakad na ako papunta sa coffee shop na nasa gilid lang ng beach. Iniwan ko muna si Elisa na abala sa paghahanap ng pogi. Tahimik sa paligid—tanging hampas ng alon at tunog ng wind chimes sa pinto ang maririnig. Pagsara ng pinto sa likod ko, sinalubong ako ng aroma ng bagong giling na kape at malamig na simoy mula sa aircon. Kaunti lang ang tao sa loob, kaya dumiretso ako sa counter para umorder ng juice pa
INAAYOS ko ang mga pagkain na dadalhin namin nina Mama sa pagpunta sa beach. Hindi mawawala si Mama, siyempre kasama ko pa rin siya. One week left sa vacation leave ko. Dapat ay honeymoon trip namin ni Walter. Nagplano kami na sa Japan ang aming honeymoon. Gusto ko sanang makakita ng snow. First time kong pupunta ng Japan at makakasama ko pa si Walter, na first boyfriend ko pa., ex-fiance na pala. Pero ipinagpalit niya ako sa sekretarya n'ya. "Bilisan mo na d'yan at baka naghihintay na si Elisa sa atin..." narinig kong sabi ni Mama na nagbalik sa diwa ko. "Ma, ayos na po ang lahat. Kagabi ko pa inayos ang mga gamit ko." "Oh, kung ayos na lahat. Halika na..." aya na ni Mama sa akin. Bitbit ko ang bag na may lamang mga damit namin ni Mama at isang bag rin na may lamang baon namin. Habang si Mama, dala-dala ang mga utensils at kung ano-ano pa. Sa paglabas namin ng bahay naghihintay na si Elisa sa loob ng kanyang sasakyan. Lumang sedan ang kotse ni Elisa. At least siya may kot