LOGINHINDI ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Sa sobrang frustration ko ba ito o dahil sa nararamdaman kong sakit sa puso ko? Nasa VIP lounge ako ng bar, exclusive ito sa mayayaman. Dahil parang hotel room ang loob, isang may kuwarto, sala at kusina. Para ka ngang nasa isang condominium.
Pumayag ako sa isang kasunduan... isang kasunduan na gusto ko ring gawin at hindi ako pinilit ng lalaking kasama ko ngayon. Pahamak talaga ang alak. Iyong akala ko na makakalimot ako. Perwisyo ang nangyari sa akin. Ang t*nga kasi. Iinom-inom, wala naman palang pambayad. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Nahigit ko ang aking paghinga. Nang lumabas ang bartender. He offered me quits, kung ibibigay ko ang sarili ko sa kanya ng isang gabi. Babayaran niya ang nainom kong mamahaling tequila. And then, I can go home. Pero paano kung malaman ni Mama ang kabaliwan ko ngayong gabi? Siguradong magwawala siya. Baka lalo na akong ikahiya ng Mama ko. "Are you sure you want to continue this? May oras ka pa para umatras..." tanong ng lalaki na nakatayo sa harapan ko. Basa pa ang buhok niya at ang tanging saplot pang-ibaba ay isang puting tuwalya na nakatapis sa bewang. Napalunok ako. 'Di ko sinasadya na mapatingin sa lalaking mala-Adonis ang katawan. Oh my God! Kusang gumapang ang tingin ko pababa mula sa kanyang paa, paakyat sa kanyang hita at tumigil sa kanyang tiyan. Pandesal! Grabe, parang gusto kong mapamura. Paano naging ganito ang katawan ng isang bartender? Parang binuo siya para lang sa mga pantasya. Parang mga male lead sa Hollywood movies. Pero ito mas totoo, mas nakakaakit at nakaktakam. Ang sarap! Palaman na lang ang kulang, puwedeng-puwede na siyang kainin. Ano ba itong pinag-iisip ko? Puro kahalayan ang nasa utak ko. Akala mo naman ay may experience na. Ni hindi pa nga ako nakakita ng live na ari ng lalaki. Virgin pa ako. Sa maniwala kayo o hindi, totoo 'yon. Kahit na five years na kami ni Walter, wala pang nangyayari sa amin. Kaya siguro naghanap ng iba ang g*gong 'yon. Hindi nakatiis hanggang matapos ang kasal namin. "Miss, natulala ka na," wika niya na may bahid na pang-aasar. "Do you like what you saw? Or maybe you want to see my friend inside the towel?" dagdag pa niya sabay smirk, habang bahagyang hinahapit ang tuwalya na parang nanunukso. Mabilis akong napalayo ng tingin. What the hell? Bakit parang umiinit ang pisngi ko d'on? At bakit, kahit alam kong delikado 'to, may parte ng utak ko na gustong tanggapin ang alok niya? Mabilis akong lumingon sa gilid para hindi makita ng mata ko ang friend na tinutukoy niya. “I-I’m not looking at you,” tanggi ko, kahit na alam kong obvious na nagsisinungaling ako. “Oh? Then why are your cheeks turning red?” balik niyang tanong. Habang nakasandal pa sa pader na parang nagpo-pose para sa isang magazine cover. “Mainit lang dito,” palusot ko habang nagkunwaring abala sa pagtingin sa paligid. Humakbang siya ng isang hakbang palapit at napansin kong may patak pa ng tubig na gumulong mula sa buhok niya pababa sa leeg, hanggang sa… Oh no. Hindi ko na tinuloy ang tingin ko. Stop it! Bawal tumingin kang sa baba, Giselle! Pigilan mo ang sarili mo... “So… are you staying? Or are you going to run away?” tanong niya na parang sinusukat ang tapang ko. Nakagat ko ang labi. Ano ba ‘tong pinasok ko? Parang gusto ko nang pagsisihan ang ginawa ko. “Wala ka na bang ibang pwedeng gawin? I mean… maybe I can just wash the dishes? Or clean the bar?” desperado kong tanong. Baka sakali na pumayag siya. At least 'yon 'di ko kailangang ibigay sa kanya ang pinakamahalagang kayaman ko sa buhay. Napangiti siya at lalo lang siyang naging mas gwapo sa mga mata ko. Nalulunod ang puso ko. G*gi! Kanina lang ay halos maubos na ang luha ko sa kaiiyak. Pero ngayon ang kiffy ko ay kilig na kilig. “Hmm. Tempting. Pero… I prefer my original offer.” Nadismaya ako. Laglag ang balikat ko na tumingin sa lalaki. Muli siyang lumapit, isang hakbang na lang at halos magdidikit na naman ang mga katawan namin. Ramdam ko ang init ng balat niya kahit nakatapis lang siya. “You still have time to say no,” bulong niya. “Pero kung oo ang sagot mo… I promise, hindi ka magsisisi.” Bakit parang gusto ko tuloy subukan? Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko habang unti-unti siyang lumalapit. “Relax, Miss,” nakangisi siyang bulong habang tumigil sa tapat ko. “Parang ang tigas ng balikat mo, natatako ka ba sa’kin?” “I’m not scared,” mabilis kong depensa. “I just… I just don’t usually do this.” “Do what?” nag-angat siya ng kilay, sabay hila nang bahagya ng tuwalya para ayusin ito. Napatingin ako roon. Big mistake. “'Yong a-ano...” hindi ko na alam ang isasagot. Pero ang mata ko ay nasa nakaumbok sa harapan nito. Ngumisi siya nang parang nanalo sa laro. “You were looking again.” “Ano ka ba, hindi!” mabilis kong tanggi. Bigla akong napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Mas luumapit pa siya at sa sobrang lapit namin nararamdaman ko na ang init ng hininga niya sa pisngi ko. “If you want, I can take this off para hindi ka mahirapan sa kakatingin,” tukso niya habang tinutukod ang kamay sa dingding, trapping me. “Don’t you dare,” bulong ko na halos mawalan ako ng boses sa sobrang hina. “Or… you can take it off yourself,” dagdag niya na may malisyosong ngisi. “Hoy! Hindi ako gano’n!” napataas ang boses ko. Pero imbes na matakot siya mas lalo siyang tumawa ng mahina. Iyong tipong nakakaasar pero nakaka-turn on din. Ang sarap sa tenga ng nakakakiliting tawa niya. “I like that you’re feisty,” sabi niya sabay abot ng isang tuwalya sa akin. “Here. Para may pangharang ka, baka maubos ang tingin mo sa’kin.” G*go! Bakit parang ang hirap talagang tumanggi sa’yo?Giselle’s POV NAKATALIKOD si Adrian sa akin habang walang t-shirt na nakaharap sa kalan. Nagprisinta siya na magluto. Busog na nga ako. Hindi ko alam kung para saan pa ‘tong ginagawa niya. Pero ang tahimik ng kusina, at ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko, saka umupo sa maliit na upuan sa tabi ng mesa. “Adrian, okay lang ako. Kumain na nga ako, ’di ba? Nakapagluto na si Mama ng omelet," mahina kong sabi. Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Dessert lang ’to. Gusto kitang ipagluto… kahit itlog lang.” Napairap ako kahit nakangiti. “Dessert tapos itlog? Anong logic? Omelet na nga ang iniluto ni Mama, itlog pa rin ang ipapakain mo sa akin.” Huminto siya sa paghahalo ng niluluto at lumingon sandali, nakangiti nang parang hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag. "Masustansya naman ang itlog, baby. Maraming protina, good for the baby." Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging sagot niya. Ayaw ko nga pang siya mapahiya, kaya pinigilan ko na lang. "Bakit
SI Giselle ang unang ngumiti at ramdam kong pilit pero mahinahon. “Ma, sorry po. Kumain lang po kami ni Adrian at naglakad-lakad sa park," sagot niya na napalingon sa akin. Tumingin sa akin si Tita. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Kumain ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" “Opo. Hindi po ako nahilo o nagsuka," sagot ni Giselle. Tumango si Tita. Pero kita ko sa gilid ng mata niyang nakasilip pa rin sa akin. “I insist po. Pasensiya na po, Tita Gigi, na hindi ko na ipinaalam sa inyo na ipapasyal ko si Giselle,” sabi ko agad na halos napalunok. “Pero sinisigurado ko pong comfortable siya.” "Hindi naman kita babawalan na ipasyal si Giselle. Pero next time tignan mo ang oras. Bawal sa buntis ang inaabot ng gabi sa labas." Medyo napahigit ko Ng aking paghinga. Sa tono ng boses ni Tita Gigi ay parang hindi nito nagustuhan ang aya kong mamasyal kay Giselle. Hindi ko siya masisisi dahil pino-protektahan lang niya ang kalusugan ng aking mag-ina. “Ma, okay lang naman po. Nakapag-excercise
NASA isang sikat na fast food kami. Dahil iyon ang request ni Giselle, at ng baby na rin namin. Simple lang ang gusto niya at hindi masyadong mamahalin. Tahimik lang siyang kumakain ng fries, habang paminsan-minsang sinusubo ko sa kanya ang nuggets na ayaw niyang amuyin kanina pero ngayon, parang gusto na niya. Napapangiti na lang ako. Ang dali niyang mabusog sa maliliit na bagay. Masaya ako na kahit ganito lang ay napapagsilbihan ko si Giselle. “Masarap?” tanong ko. Napahinto si Giselle at tumango, medyo umiwas pa ng tingin. “Hmm. At least… hindi ako nahihilo dito.” “Good,” sagot ko, hindi maitago ang ginhawa sa boses ko. “Basta anytime na busog ka na, uuwi tayo.” Umirap siya nang magaan. “Hindi ako fragile, ha.” Napatawa ako. “Hindi naman. Pero buntis ka. Automatic VIP ka sa akin.” Napatingin siya sa akin, matagal, sapat para makita ko ang pagkalambot ng mga mata niya. “You don’t have to spoil me. Para lang ito kay baby, di ba?” mahina niyang sagot. “I know,” balik ko sa
SANDALI kaming nagkatitigan ni Giselle. Siya ang unang nagbawi ng tingin at napatikhim naman ako. Palihim akong napangiti. Ngumiti siya nang mas bukas ngayon, at sa simpleng ngiti na iyon, ramdam ko na may pag-asa pa akong hihintayin. “Okay lang,” malambing niyang wika na pumayag na samahan siya sa kanyang check up. Napangiti ako at tumango kay Giselle. Ramdam kong may ilang pa rin siya sa akin. Gusto ko lang na araw-araw, unti-unti kaming bumalik sa ayos. Mabuo ulit ’yong tiwala at pagmamahalan namin, para sa amin at para sa anak namin. Kahit may konting duda si Giselle tungkol sa mga sinasabi ko. Alam kong nagsisimula na ulit na maglapit kami. "Giselle Navarro," napahinto kami ni Giselle nang marinig naming tinawag ang pangalan niya. Napatingin si Giselle sa nurse at nagtaas ng kamay. "Come inside..." utos ng nurse. Inalalayan ko pa siya sa pagtayo at pumasok kami sa loob ng clinic. Tahimik pero ramdam ko ang bawat kisap ng damdamin ni Giselle. Nagulat pa ang OB
NAGING routine ko na araw-araw ang pumunta sa apartment nina Giselle. Palagi nang buhay ang puso ko makita at makausap ko lang siya. Hindi rin galit si Tita Gigi sa akin. Pero hindi niya ako kinakausap. Isang linggo na akong araw-araw na dumadalaw at nagbibigay ng bulaklak kay Giselle. Gusto kong makuha ulit ang tiwala niya, na hindi ko na siya sasaktan. Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto, hawak ang maliit na bouquet. Ilang minuto pa akong naghintay bago marahang bumukas ang pinto. Si Tita Gigi ang lumabas, tahimik lang. Nagkatitigan kami sandali. Wala siyang sinabi, pero hindi rin niya ako sinamaan ng tingin. Parang normal lang. “Good morning po, Tita,” mahina kong bati. Tumango siya nang kaunti, saka tumingin sa hawak kong bulaklak. “Iiwan mo lang ba ’yan?” “Opo,” sagot ko. “Para kay Giselle.” Kinuha niya iyon nang walang komentong ibinigay. “Sige. Sasabihin ko na lang na dumaan ka.” Tumango ako at bahagyang umatras. “Salamat po," sabi ko na tila nahihiya pa. "E, tita, baka
PARANG may kumalampag sa dibdib ko. “What do you mean you don’t know?” Siyempre, umaasa ako na sasabihin niya na mahal pa rin niya ako. “I mean…” Itinaas niya ang tingin na diretso sa akin, pero puno ng takot at pagod. “Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba ’yon, o trauma na lang. Hindi ko alam kung nararamdaman ko pa ba ’yong dati… o natatakot lang akong maulit ’yong nangyari noon. Ilang Charry at Viviane pa ba ang dadating para guluhin tayo, Adrian?" Napatigil ako. Hindi ko in-expect ang sagot na ’yon. Hindi dahil masakit, kundi dahil totoo. “Giselle…” Dahan-dahan akong lumapit ulit, pero hindi ko hinawakan ang braso niya. Hindi ko binasag ’yong espasyo. “Maraming beses na kitang nasaktan. Pero alam mo, ikaw pa rin hanggang ngayon. Sa puso ko, ikaw lang. Kahit ilan pang Charry o Viviane ang dumating, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Napayuko siya, hawak-hawak ang laylayan ng shirt niya. “I’m confused, Adrian. Hindi ko kayang magsalita nang







