Share

CHASED BY MY HOT BOSS
CHASED BY MY HOT BOSS
Author: RIDA Writes

Kabanata 001

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-01 07:47:06

Warning Mature Content‼️ Rated: 18 ‼️

Giselle's POV

“TUMAYO ka na d’yan, Giselle! ‘Wag kang umiyak nang umiyak d’yan. Wala na! Hindi na matutuloy ang kasal mo!” malakas na bulyaw ni Mama habang panay ang hagulhol ko.

Parang hindi ko siya naririnig. Nakasalampak pa rin ako sa malamig na semento at humahagulhol na parang nawawala na ako sa sarili.

Mababaliw talaga ako kapag iniwan ako ni Wellar. Sobrang kahihiyan ang ginawa niya. Kanina pa ako naghihintay sa simbahan at magpahanggang ngayon ay wala pa siya.

Nag-alisan na ang mga tao at bisita namin. Pati si Father na dapat ay magkakasal sa amin ni Walter ay umalis na rin. Kami na lang ni Mama ang natira rito sa loob. At eto ako, nakaluhod at halos mamatay sa sobrang kahihiyan. Nasayang pa pati lahat ng ginagastos ko sa pesteng kasal na 'to. Inubos ko ang lahat ng savings ko, nakautang na rin ako para sa kulang. Pero hindi rin pala matutuloy dahil hindi na sisipot si Walter. Sumama siya sa sekretarya niya.

Sobrang durog na durog ang puso ko. Paano nagawa ni Walter ‘to sa akin? Akala ko mahal niya ako. Magpapakasal pa kaming dalawa, at napakatagal na namin itong pinagplanuhan.

Dalawang oras na akong naghihintay. Dalawang oras, pero hindi pa rin siya dumarating. Iniwan niya ako. Kasal namin ngayon, pero hindi siya nagpakita. Kagabi lang masaya pa kaming nagpaalam sa isa’t isa. Ngayon, bigla-bigla na lang niya akong hindi sisiputin?

Ang g*go niya para paasahin ako nang ganito. Napakasama niya para lokohin ako, kami ni Mama. Akala ko totoo ang lahat ng ipinapakita niya. Pero lahat ng iyon pala ay puro pakitang-tao lang.

Hilam ng luha ang mga mata ko nang tumingin ako kay Mama. Kalat-kalat na ang make up ko sa mukha.

“Ma, baka na-traffic lang po si Walter. Konting oras pa po. Sabihan mo si Father, pupunta po ‘yon si Walter. Tuloy ang kasal namin. Hindi niya ako puwedeng iwanan nang ganun lang. Mahal ako ni Walter,” pakiusap ko kay Mama. Pero alam ko, pinapaniwala ko lang ang sarili ko na matutuloy pa rin ang kasal. Kahit wala nang pag-asa.

Limang taon na kaming may relasyon. Since senior high. Siya ang first love ko at first boyfriend. At ngayon, siya rin ang unang pinakamasakit na heartbreak ko. Sobrang sakit na halos para akong mamatay.

Kami ang bumuo ng lahat ng plano para sa araw na ‘to. Pero nasaan siya?

Umiling si Mama, bakas ang awa sa mga mata. “Dalawang oras na tayo rito. Kung pupunta siya, kanina pa sana. Anak, tanggapin mo na… niloko ka ni Walter. Hindi na siya sisipot. Tumayo ka na, umuwi na tayo. Please.”

Ayaw ko pang tanggapin sa sarili ko. Kahit anong sabihin ni Mama, hindi ako aalis. Maghihintay ako. Baka dumating si Walter tapos nakauwi na ako. Magkasalisihan pa kaming dalawa.

Napasabunot ako sa aking buhok. Lalo kong binibigyan ng false hope ang sarili ko sa mga naiisip ko.

“No! Dadating siya, Ma. Nangako siya sa ‘kin. Ang sabi niya, ikakasal kami at magkakaroon ng maraming anak. Ang dami naming pangarap na dalawa,” iyak ko habang dumadaloy ang luha na parang di na mauubos.

Napaharap ako sa altar. Diyos ko, ibalik Mo siya sa akin. Kahit lumuhod at magmakaawa ako, huwag Mo lang akong pabayaan na ganito ka-durog, nausal kong panalangin. Baka sakali na bumalik si Walter sa akin. Itutuloy namin ang mga pangarap namin.

Umupo si Mama sa tabi ko at niyakap ako. “I’m sorry, Giselle. Si Walter at si Lorraine ay magkasama silang umalis. Hindi alam ng kahit sino kung nasaan sila. Pero, may nakapagsabi na lumabas sila ng bansa. Kanina ko pa gustong sabihin ito. Pero alam kong guguho ka kapag nalaman mo kung bakit hindi ka sinipot.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko.

“Sigurado ka ba, Ma?” Hindi ko matanggap. Hindi magagawa ni Walter sa akin 'to… lalo na si Lorraine. Kilala ko siya, e. Close na kami at madalas mag-usap kapag nasa opisina ako ni Walter."

Tumango si Mama at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa. Yun pala, sa likod ko… pinagtataksilan nila ako. Iyong mga ngiti ni Lorraine sa akin ay peke pala at ang mga ipinapakita ni Walter ay puro pagpapanggap lamang. Pinasakay lang talaga ako. Wala naman silang makukuha sa akin.

Umupo si Mama at pinantayan ako. Marahan niyang hinagod ang likod ko. “Anak, bumangon ka d'yan. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng sakit na ‘to. Naiintindihan ko na hindi ito madaling paniwalaan. Pero kailangan mong magpakatatag. Huwag mong ibaba ang sarili mo dahil nawalan ka. Mahal kita at ayoko na nakikita kitang sirang-sira. Nandito lang ako para sa'yo. Kayanin mo at alam kong kaya mo."

Mas lalong dumaloy ang malakas na agos ng luha ko sa narinig ko kay Mama. Siya na lang ang magiging karamay at kakampi ko.

“Mama…” mahina kong bulong, sabay yakap sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherene Sescar
maganda po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 205

    Giselle’s POV NAKATALIKOD si Adrian sa akin habang walang t-shirt na nakaharap sa kalan. Nagprisinta siya na magluto. Busog na nga ako. Hindi ko alam kung para saan pa ‘tong ginagawa niya. Pero ang tahimik ng kusina, at ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko, saka umupo sa maliit na upuan sa tabi ng mesa. “Adrian, okay lang ako. Kumain na nga ako, ’di ba? Nakapagluto na si Mama ng omelet," mahina kong sabi. Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Dessert lang ’to. Gusto kitang ipagluto… kahit itlog lang.” Napairap ako kahit nakangiti. “Dessert tapos itlog? Anong logic? Omelet na nga ang iniluto ni Mama, itlog pa rin ang ipapakain mo sa akin.” Huminto siya sa paghahalo ng niluluto at lumingon sandali, nakangiti nang parang hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag. "Masustansya naman ang itlog, baby. Maraming protina, good for the baby." Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging sagot niya. Ayaw ko nga pang siya mapahiya, kaya pinigilan ko na lang. "Bakit

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 204

    SI Giselle ang unang ngumiti at ramdam kong pilit pero mahinahon. “Ma, sorry po. Kumain lang po kami ni Adrian at naglakad-lakad sa park," sagot niya na napalingon sa akin. Tumingin sa akin si Tita. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Kumain ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" “Opo. Hindi po ako nahilo o nagsuka," sagot ni Giselle. Tumango si Tita. Pero kita ko sa gilid ng mata niyang nakasilip pa rin sa akin. “I insist po. Pasensiya na po, Tita Gigi, na hindi ko na ipinaalam sa inyo na ipapasyal ko si Giselle,” sabi ko agad na halos napalunok. “Pero sinisigurado ko pong comfortable siya.” "Hindi naman kita babawalan na ipasyal si Giselle. Pero next time tignan mo ang oras. Bawal sa buntis ang inaabot ng gabi sa labas." Medyo napahigit ko Ng aking paghinga. Sa tono ng boses ni Tita Gigi ay parang hindi nito nagustuhan ang aya kong mamasyal kay Giselle. Hindi ko siya masisisi dahil pino-protektahan lang niya ang kalusugan ng aking mag-ina. “Ma, okay lang naman po. Nakapag-excercise

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 203

    NASA isang sikat na fast food kami. Dahil iyon ang request ni Giselle, at ng baby na rin namin. Simple lang ang gusto niya at hindi masyadong mamahalin. Tahimik lang siyang kumakain ng fries, habang paminsan-minsang sinusubo ko sa kanya ang nuggets na ayaw niyang amuyin kanina pero ngayon, parang gusto na niya. Napapangiti na lang ako. Ang dali niyang mabusog sa maliliit na bagay. Masaya ako na kahit ganito lang ay napapagsilbihan ko si Giselle. “Masarap?” tanong ko. Napahinto si Giselle at tumango, medyo umiwas pa ng tingin. “Hmm. At least… hindi ako nahihilo dito.” “Good,” sagot ko, hindi maitago ang ginhawa sa boses ko. “Basta anytime na busog ka na, uuwi tayo.” Umirap siya nang magaan. “Hindi ako fragile, ha.” Napatawa ako. “Hindi naman. Pero buntis ka. Automatic VIP ka sa akin.” Napatingin siya sa akin, matagal, sapat para makita ko ang pagkalambot ng mga mata niya. “You don’t have to spoil me. Para lang ito kay baby, di ba?” mahina niyang sagot. “I know,” balik ko sa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 202

    SANDALI kaming nagkatitigan ni Giselle. Siya ang unang nagbawi ng tingin at napatikhim naman ako. Palihim akong napangiti. Ngumiti siya nang mas bukas ngayon, at sa simpleng ngiti na iyon, ramdam ko na may pag-asa pa akong hihintayin. “Okay lang,” malambing niyang wika na pumayag na samahan siya sa kanyang check up. Napangiti ako at tumango kay Giselle. Ramdam kong may ilang pa rin siya sa akin. Gusto ko lang na araw-araw, unti-unti kaming bumalik sa ayos. Mabuo ulit ’yong tiwala at pagmamahalan namin, para sa amin at para sa anak namin. Kahit may konting duda si Giselle tungkol sa mga sinasabi ko. Alam kong nagsisimula na ulit na maglapit kami. "Giselle Navarro," napahinto kami ni Giselle nang marinig naming tinawag ang pangalan niya. Napatingin si Giselle sa nurse at nagtaas ng kamay. "Come inside..." utos ng nurse. Inalalayan ko pa siya sa pagtayo at pumasok kami sa loob ng clinic. Tahimik pero ramdam ko ang bawat kisap ng damdamin ni Giselle. Nagulat pa ang OB

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 201

    NAGING routine ko na araw-araw ang pumunta sa apartment nina Giselle. Palagi nang buhay ang puso ko makita at makausap ko lang siya. Hindi rin galit si Tita Gigi sa akin. Pero hindi niya ako kinakausap. Isang linggo na akong araw-araw na dumadalaw at nagbibigay ng bulaklak kay Giselle. Gusto kong makuha ulit ang tiwala niya, na hindi ko na siya sasaktan. Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto, hawak ang maliit na bouquet. Ilang minuto pa akong naghintay bago marahang bumukas ang pinto. Si Tita Gigi ang lumabas, tahimik lang. Nagkatitigan kami sandali. Wala siyang sinabi, pero hindi rin niya ako sinamaan ng tingin. Parang normal lang. “Good morning po, Tita,” mahina kong bati. Tumango siya nang kaunti, saka tumingin sa hawak kong bulaklak. “Iiwan mo lang ba ’yan?” “Opo,” sagot ko. “Para kay Giselle.” Kinuha niya iyon nang walang komentong ibinigay. “Sige. Sasabihin ko na lang na dumaan ka.” Tumango ako at bahagyang umatras. “Salamat po," sabi ko na tila nahihiya pa. "E, tita, baka

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 200

    PARANG may kumalampag sa dibdib ko. “What do you mean you don’t know?” Siyempre, umaasa ako na sasabihin niya na mahal pa rin niya ako. “I mean…” Itinaas niya ang tingin na diretso sa akin, pero puno ng takot at pagod. “Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba ’yon, o trauma na lang. Hindi ko alam kung nararamdaman ko pa ba ’yong dati… o natatakot lang akong maulit ’yong nangyari noon. Ilang Charry at Viviane pa ba ang dadating para guluhin tayo, Adrian?" Napatigil ako. Hindi ko in-expect ang sagot na ’yon. Hindi dahil masakit, kundi dahil totoo. “Giselle…” Dahan-dahan akong lumapit ulit, pero hindi ko hinawakan ang braso niya. Hindi ko binasag ’yong espasyo. “Maraming beses na kitang nasaktan. Pero alam mo, ikaw pa rin hanggang ngayon. Sa puso ko, ikaw lang. Kahit ilan pang Charry o Viviane ang dumating, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Napayuko siya, hawak-hawak ang laylayan ng shirt niya. “I’m confused, Adrian. Hindi ko kayang magsalita nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status