INABOT ko ang tuwalya na iniabot niya, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ko agad kinuha. Para bang may invisible force na humihila sa akin para manatiling nakatitig sa kanya.
“Bakit parang hesitant ka? Wala namang bayad ang tuwalya,” biro niya na may nakakalokong ngiti. Humakbang ako nang bahagya para kuhanin iyon, pero bigla na lang... Nahulog ang tapis niya. Oh, my God! Para akong naestatwa na hindi makakilos. Nanlaki ang mga mata ko at alam kong hindi ko dapat tinitingnan iyon. Pero parang may sariling isip ang mga mata ko. Naglakbay sila pababa bago ko napigilan ang sarili ko. Napaawang ng malaki ang bibig ko. S*cks! First time kong makakita sa personal ng live hotdog. Ganoon pala ang itsura nun. Bigla akong pinagpawisan kahit na ang lamig-lamig sa loob ng VIP room nitong bar. Iyong virgin eyes ko, hindi na virgin. “Oops... Did I just shock you?” casual niyang sabi na parang wala lang. “W-What the hell?!” Napatalikod ako bigla. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. “Can’t you be more careful?!” Asik ko pa. Narinig ko ang mahinang tawa niya sa likuran ko. “Relax. It’s just a skin, Miss. Or… do you want me to put it back on?” “Of course! D*mn it, magbihis ka nga muna!” halos pasigaw kong sabi. Habang tinatakpan ng kamay ang buong mukha ko. “Okay, done. Puwede ka nang humarap..." Dahan-dahan akong lumingon. Pero nakangiti pa rin siya nang pilyo, parang tuwang-tuwa pa siya sa reaksyon ko. “You look cute when you’re flustered.” Napairap ako. Hindi ako napa-flattered sa sinabi niya. Bagkus, mas lalo lang akong nainis. "Ang usapan natin, isang gabi lang. Ito lang! Pagkatapos nito aalis na ako at bayad na ako sa utang ko ininom kong tequila." Napatulala ako nang ngumisi siya. Saka, tumango. "Yeah. It's just one night. Sinong magbabayad ng lahat ng ininom mo sa bar? Ako lang naman. Shoulder lahat sa akin! Iinom-inom ka, wala ka palang pambayad! Iyong pinakamahal pa na tequila ang napili mong inumin." Asik niya sa akin. "Then, let's start. Para matapos na 'to at makauwi na ako." Tumaas ang sulok ng labi niya. Titig na titig sa akin ang mga mata niya na para akong hinuhubaran. "You don't want to bathe first? Amoy alak ka pa, gusto ko iyong mabango." Namilog ang mata ko. Ang demanding at ang dami niyang sinasabi. Bartender lang naman siya sa bar. Kung hindi lang dahil nasayang ang pera ko sa lintik na kasal namin ni Walter. May pambayad sana ako at hindi sana mamimiligro ang virginity ko. Hay0p na Walter na 'yan! Magsama sila ng kabit niya kung saang lupalop man silang dalawa! Napabuntong-hininga ako at napilitang nagmartsa papunta sa banyo. Wala akong choice kundi sundin ang bawat naisin niya. Ang lalaking bartender na 'yon ang masusunod at wala akong karapatang magreklamo. Pagkasara ko ng pinto ng banyo, mabilis kong hinubad ang lahat ng mga damit ko. Binuksan ko ang shower at agad tumapat sa ilalim ng dutsa. Agad akong kinilabutan nang dumikit sa balat ko ang malamig na tubig. Pakiramdam ko, kahit gaano ko linisin ang sarili ko, hindi nito mabubura ang kaba, hiya, at... excitement na ayaw kong aminin. Napapikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig mula ulo ko pababa. Isang gabi lang ito. Para matapos na. Wala nang balikan pagkatapos nito. Pagkalipas ng ilang minuto, kinuha ko ang tuwalya at mabilis na tinuyo ang katawan. Binalot ko ang sarili ko at tumingin sa salamin. Huminga muna ako ng malalim na malalim. "Okay, kaya mo 'to," mahina kong bulong sa sarili ko saka nagpasyang lumabas ng banyo. Pagkalabas ko, bumungad sa akin ang tanawing hindi ko inaasahan. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasandal ang likod sa headboard ng kama. Wala pa rin siyang saplot at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa pang-ibaba. Kita ang bahagi ng dibdib niya at ang toned abs niya. He looked dangerous. Too dangerous for someone like me. “I’m starting to think you’re stalling,” nakakalokong sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Can we just get this over with?” malamig kong tugon. Tumayo siya, nakatitig habang naglalakad palapit sa akin. Para bang bawat hakbang niya ay sinusukat. Biglang lumundo sa kaba ang dibdib ko. Mahigpit kong hinawakan ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko. “Just so we’re clear… I’m not doing this out of pity," sabi niya na bahagyang iniangat ang baba ko gamit ang isang daliri niya. Hindi ako nakasagot. Nag-aalimpuyong damdamin ang sumisiksik sa dibdib ko. Sari-saring emosyon ang naghahalo sa akin. Then he leaned closer, his voice dropping to a whisper. “I’m doing this because I want to.”"SH1T! Andito rin siya!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ni Mama at Elisa. "Sino?" tanong ni Mama, seryoso itong napatingin sa akin. Habang si Elisa ay nangingiti. "H-Ho? Wala po, Ma.." nauutal kong sagot, sabay iwas ng tingin. Natigilan si Mama at pinakatitigan ako. Alam ko na mayroong tumatakbo sa isip nito. Kilalang-kilala niya ako kapag may itinatago. Napahinga siya ng malalim. "Sabihin mo n'yo nga sa akin, bakit tayo lumipat ng ibang resorts?" Nagpapalit-palit ng tingin si Mama sa amin ni Elisa. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa tanong ni Mama. Ramdam ko ang pagtama ng tingin niya, matalim pero puno ng paghihintay ng sagot. “Ma…” napatingin ako kay Elisa, umaasang siya na lang ang sasalo sa sitwasyon. Pero imbes na magsalita, mas lalo pa itong ngumiti na parang may alam. “E kasi po, Tita…” nagsimula si Elisa, pero bigla siyang tumigil at humigop ng inumin. “Mas maganda lang po dito. Mas private, mas peaceful. Right, Giselle?” Lihim niya akong siniko sa tagiliran.
NATAHIMIK si Elisa. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. Hinagod ang braso ko para damayan ako. "I'm sorry. Napaka-insensitive ko. Nakalimutan ko na nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Sorry na..." malungkot na hingi niya ng paumanhin. Napailing ako at pilit na ngumiti, kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. "It’s fine, Elisa. Wala ka namang kasalanan," mahina kong sagot, pero alam kong hindi iyon lubos na totoo—hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil ayokong pag-usapan pa. Huminga siya nang malalim at tumango, pero hindi inalis ang kamay niya sa braso ko, parang gusto niyang siguraduhin na hindi ako bibigay sa bigat ng nararamdaman ko. "Promise, hindi na ako magbabanggit tungkol sa kanya o kay Walter. Ang gusto ko lang ay mawala lahat ng sakit na naramdaman mo d'yan sa puso mo," dagdag niya, bago kami sabay na nagsimulang maglakad palayo sa lugar na kanina lang ay parang sumakal sa akin. Ngunit kahit pa sinusubukan kong magpokus sa bawat yapak, nananatili sa isip ko an
“OH, hi. We meet again, Miss," mahina pero malinaw niyang binigkas, kasabay ng isang tingin na alam kong hindi ko kakalimutan. At bago pa ako makasagot, isang aninong tumapat sa kanya mula sa likuran at biglang may tumawag sa pangalan niya. "Babes, let's go," tawag ng babae sa kanya na nakapakaganda. Kumumyapit pa ito sa braso niya. Naka-bikini ito na itim at ang seksi. Walang-wala ako sa kalingkingan ng babaeng 'yon. Nilingon niya ang babae. "Mauna ka na, Carla. I have something to do..." Natahimik ang babae. "Ano namang gagawin mo? Kasama mo na ako... come on, let's have some fun." Pangungulit ng malanding babae sa kanya. Nakataas ang kilay nito na napatingin sa akin. Binalingan ko ng tingin si Elisa. Napangisi ito at taas-baba ang kilay nito, na parang nanunukso. Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatutok sa akin. "Go ahead, Carla," seryoso niyang ulit, pero mas mababa na ang tono. Kita ko ang pagkairita sa mata niya kah
"GUSTO ko lang makita ang itsura niya. Guwapo ba siya? Matangkad ba siya? Kasi parang may pakiramdam ako na mas guwapo siya kay Walter," satsat ni Elisa. Mariin ko lang ipinikit ang mga mata ko. Humiga ako sa deck at pilit na itinutuon ang tingin sa dagat. Ayoko nang guluhin pa ng isipin ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Pilit ko na ngang inaalis sa sistema ko. Pero, bakit para talaga akong minumulto niyon? "Pinagkukumpara mo sila? Iba si Walter, at iba rin ang lalaking 'yon. S-Saka, gabi 'yon. Hindi ko nakita ang buong mukha n'ya." Maang-maangan ko pa. Paniwalaan sana ni Elisa ang mga palusot ko. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Alam ko na uungkatin pa rin niya ang bartender na 'yon. "Hindi ko sila pinagkukumpara. Ang sa akin lang ay gusto ko siyang makilala. Malay mo, kayo pala ang itinadhana. Biruin mo, nagtagpo kayo noong brokenhearted ka. So, siya na ang sagot sa puso mong sugatan." Napailing-iling ako. Hindi kailanman magiging sagot ang isang pagkakamali ng isa pang pa
NASA tabi kami ng dagat nina Elisa, nagpaiwan si Mama sa loob ng kuwarto dahil sa magpapahinga muna raw siya. Mukhang napagod sa aming biniyahe. Tatlong oras lang naman ang ginugol ng biyahe namin papunta sa resort. "Gusto mo bang magsnack?" Aya ko kay Elisa. Nakaupo kami pareho sa wooden deck chair. "Ikaw na lang. Parang mas gusto kong mahiga dito tapos magpogi hunting," kinikilig na sagot ng kaibigan. Natawa ako sa huling tinuran ni Elisa. "Sige. Ikukuha na lang kita ng juice. Baka mauhaw ka katitingin sa mga pogi." Nilingon ako saglit ni Elisa at saka ngumiti. "Salamat." Lumakad na ako papunta sa coffee shop na nasa gilid lang ng beach. Iniwan ko muna si Elisa na abala sa paghahanap ng pogi. Tahimik sa paligid—tanging hampas ng alon at tunog ng wind chimes sa pinto ang maririnig. Pagsara ng pinto sa likod ko, sinalubong ako ng aroma ng bagong giling na kape at malamig na simoy mula sa aircon. Kaunti lang ang tao sa loob, kaya dumiretso ako sa counter para umorder ng juice pa
INAAYOS ko ang mga pagkain na dadalhin namin nina Mama sa pagpunta sa beach. Hindi mawawala si Mama, siyempre kasama ko pa rin siya. One week left sa vacation leave ko. Dapat ay honeymoon trip namin ni Walter. Nagplano kami na sa Japan ang aming honeymoon. Gusto ko sanang makakita ng snow. First time kong pupunta ng Japan at makakasama ko pa si Walter, na first boyfriend ko pa., ex-fiance na pala. Pero ipinagpalit niya ako sa sekretarya n'ya. "Bilisan mo na d'yan at baka naghihintay na si Elisa sa atin..." narinig kong sabi ni Mama na nagbalik sa diwa ko. "Ma, ayos na po ang lahat. Kagabi ko pa inayos ang mga gamit ko." "Oh, kung ayos na lahat. Halika na..." aya na ni Mama sa akin. Bitbit ko ang bag na may lamang mga damit namin ni Mama at isang bag rin na may lamang baon namin. Habang si Mama, dala-dala ang mga utensils at kung ano-ano pa. Sa paglabas namin ng bahay naghihintay na si Elisa sa loob ng kanyang sasakyan. Lumang sedan ang kotse ni Elisa. At least siya may kot