Share

Kabanata 022

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-11 17:25:56

LUMIPAS ang isang linggo at unang araw ng pagbabalik ko sa trabaho. Nagtatrabaho ako sa isang sikat na kompanya sa bansa. Dati, nasa mababang posisyon lang ako hanggang sa naging sekretarya ako ng bilyonaryong CEO na si Aron Velasco.

"Giselle, kumain ka muna bago ka pumasok sa trabaho," aya ni Mama nang madatnan ko siya sa kusina.

Bihis na bihis na ako at handa na sa pagpasok. Unang araw ko ito pagkatapos ng isang buwang bakasyon. Dapat ay dalawang buwan ang bakasyon, dahil sa hindi na natuloy ang kasal. Pinaiksi ko na lang. Ginawa kong isang buwan. Nakakahiya naman sa amo ko kung itutuloy ko pa rin ang nakalagay sa vacation leave ko. Mas maigi na rin iyon, magiging abala ang isip ko sa trabaho.

"Ma, hindi na po. Sa office na lang po. Saka, naglagay po ako sa bag ko ng biscuits para may makakain ako habang nasa trabaho," tanggi kong dahilan kay Mama.

Tumayo si Mama at naglakad palapit sa akin. Nginitian niya ako habang sinusuyod ng tingin. "Sige. Ikaw ang bahala, anak. Basta 'wag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 022

    LUMIPAS ang isang linggo at unang araw ng pagbabalik ko sa trabaho. Nagtatrabaho ako sa isang sikat na kompanya sa bansa. Dati, nasa mababang posisyon lang ako hanggang sa naging sekretarya ako ng bilyonaryong CEO na si Aron Velasco. "Giselle, kumain ka muna bago ka pumasok sa trabaho," aya ni Mama nang madatnan ko siya sa kusina. Bihis na bihis na ako at handa na sa pagpasok. Unang araw ko ito pagkatapos ng isang buwang bakasyon. Dapat ay dalawang buwan ang bakasyon, dahil sa hindi na natuloy ang kasal. Pinaiksi ko na lang. Ginawa kong isang buwan. Nakakahiya naman sa amo ko kung itutuloy ko pa rin ang nakalagay sa vacation leave ko. Mas maigi na rin iyon, magiging abala ang isip ko sa trabaho. "Ma, hindi na po. Sa office na lang po. Saka, naglagay po ako sa bag ko ng biscuits para may makakain ako habang nasa trabaho," tanggi kong dahilan kay Mama. Tumayo si Mama at naglakad palapit sa akin. Nginitian niya ako habang sinusuyod ng tingin. "Sige. Ikaw ang bahala, anak. Basta 'wag

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 021

    HABANG nakatitig ako sa mga bituin sa langit. Parang nakakaramdam ako ng katahimikan. Feeling ko nawawala ang sakit at nakakagaan ng loob ko ang liwanag na nagmumula sa bituin. Dumagdag pa ang magandang buwan ngayong gabi na nagkukubli sa mga ulap. “Ang daming bituin…” bulong ni Elisa sa akin. “Hmm…” ngumiti ako habang nakatingala. “Parang mas maliwanag sila kapag nandito sa tabing-dagat. Sa city kasi, puro ilaw ng kalsada lang.” Tumingin siya sa akin at sa liwanag ng buwan, nakita ko ang pilya niyang ngiti. “Alam mo, kapag tumitingala ka sa bituin, parang bata ka.” Napatawa ako. “At ano naman ang ibig sabihin nun?” “Wala. Ang saya mo lang tignan. Para bang… for once, wala kang iniisip na problema.” Napahinto ako, pero hindi na ako tumingin sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid sa mga bituin. “Siguro kasi… sa ilalim ng langit na ganito, parang lahat ng mabibigat, nababawasan.” Tahimik ulit kami sandali, hanggang sa bigla siyang bumangon at umupo. “Tara, mag-wish tayo.”

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 020

    "SH1T! Andito rin siya!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ni Mama at Elisa. "Sino?" tanong ni Mama, seryoso itong napatingin sa akin. Habang si Elisa ay nangingiti. "H-Ho? Wala po, Ma.." nauutal kong sagot, sabay iwas ng tingin. Natigilan si Mama at pinakatitigan ako. Alam ko na mayroong tumatakbo sa isip nito. Kilalang-kilala niya ako kapag may itinatago. Napahinga siya ng malalim. "Sabihin mo n'yo nga sa akin, bakit tayo lumipat ng ibang resorts?" Nagpapalit-palit ng tingin si Mama sa amin ni Elisa. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa tanong ni Mama. Ramdam ko ang pagtama ng tingin niya, matalim pero puno ng paghihintay ng sagot. “Ma…” napatingin ako kay Elisa, umaasang siya na lang ang sasalo sa sitwasyon. Pero imbes na magsalita, mas lalo pa itong ngumiti na parang may alam. “E kasi po, Tita…” nagsimula si Elisa, pero bigla siyang tumigil at humigop ng inumin. “Mas maganda lang po dito. Mas private, mas peaceful. Right, Giselle?” Lihim niya akong siniko sa tagiliran.

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 019

    NATAHIMIK si Elisa. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. Hinagod ang braso ko para damayan ako. "I'm sorry. Napaka-insensitive ko. Nakalimutan ko na nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Sorry na..." malungkot na hingi niya ng paumanhin. Napailing ako at pilit na ngumiti, kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. "It’s fine, Elisa. Wala ka namang kasalanan," mahina kong sagot, pero alam kong hindi iyon lubos na totoo—hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil ayokong pag-usapan pa. Huminga siya nang malalim at tumango, pero hindi inalis ang kamay niya sa braso ko, parang gusto niyang siguraduhin na hindi ako bibigay sa bigat ng nararamdaman ko. "Promise, hindi na ako magbabanggit tungkol sa kanya o kay Walter. Ang gusto ko lang ay mawala lahat ng sakit na naramdaman mo d'yan sa puso mo," dagdag niya, bago kami sabay na nagsimulang maglakad palayo sa lugar na kanina lang ay parang sumakal sa akin. Ngunit kahit pa sinusubukan kong magpokus sa bawat yapak, nananatili sa isip ko an

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 018

    “OH, hi. We meet again, Miss," mahina pero malinaw niyang binigkas, kasabay ng isang tingin na alam kong hindi ko kakalimutan. At bago pa ako makasagot, isang aninong tumapat sa kanya mula sa likuran at biglang may tumawag sa pangalan niya. "Babes, let's go," tawag ng babae sa kanya na nakapakaganda. Kumumyapit pa ito sa braso niya. Naka-bikini ito na itim at ang seksi. Walang-wala ako sa kalingkingan ng babaeng 'yon. Nilingon niya ang babae. "Mauna ka na, Carla. I have something to do..." Natahimik ang babae. "Ano namang gagawin mo? Kasama mo na ako... come on, let's have some fun." Pangungulit ng malanding babae sa kanya. Nakataas ang kilay nito na napatingin sa akin. Binalingan ko ng tingin si Elisa. Napangisi ito at taas-baba ang kilay nito, na parang nanunukso. Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatutok sa akin. "Go ahead, Carla," seryoso niyang ulit, pero mas mababa na ang tono. Kita ko ang pagkairita sa mata niya kah

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 017

    "GUSTO ko lang makita ang itsura niya. Guwapo ba siya? Matangkad ba siya? Kasi parang may pakiramdam ako na mas guwapo siya kay Walter," satsat ni Elisa. Mariin ko lang ipinikit ang mga mata ko. Humiga ako sa deck at pilit na itinutuon ang tingin sa dagat. Ayoko nang guluhin pa ng isipin ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Pilit ko na ngang inaalis sa sistema ko. Pero, bakit para talaga akong minumulto niyon? "Pinagkukumpara mo sila? Iba si Walter, at iba rin ang lalaking 'yon. S-Saka, gabi 'yon. Hindi ko nakita ang buong mukha n'ya." Maang-maangan ko pa. Paniwalaan sana ni Elisa ang mga palusot ko. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Alam ko na uungkatin pa rin niya ang bartender na 'yon. "Hindi ko sila pinagkukumpara. Ang sa akin lang ay gusto ko siyang makilala. Malay mo, kayo pala ang itinadhana. Biruin mo, nagtagpo kayo noong brokenhearted ka. So, siya na ang sagot sa puso mong sugatan." Napailing-iling ako. Hindi kailanman magiging sagot ang isang pagkakamali ng isa pang pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status