"SIR, the dinner is ready," imporma ng staff ng resort nang pumasok ito sa aming villa. Tumango lang si Adrian at umalis na ang staff. Napalingon ako kay Adrian. Naguluhan at nagtataka ang mga tingin ko sa kanya. Habang siya ay kalmadong nakapamulsa lang at nakangiti sa akin. "Nagpareserved ka ba ng dinner sa restaurant dito sa resorts? Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko. Parang nalipasan na ako ng gutom," tanong ko na nalilito pa rin. Pero pilit na umaktong normal. Naghihintay ng sagot mula kay Adrian. Nilapitan niya ako. Tinanggal ang mga kamay sa kanyang bulsa at hinawakan ang isa kong kamay. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi niya alam kung gaano ako 'di mapakali kapag ganito siya kalapit sa akin. Tapos, ang grayish niyang mata, na kung makatitig ay para akong hinuhubaran, e. Napakurap-kurap ako ng aking mga mata. Saka, tumikhim. “Nope. I asked them to prepare a private dinner for us by the beach,” sagot niya, hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. "H-Ha? Anon
HUMINTO ang sinasakyan namin sa harapan ng isang resorts. Naunang bumaba si Adrian at nang bumukas ang pinto sa gilid ko ay nakita ko siyang nakatayo roon. Lumabas na ako ng sasakyan. At biglang namangha sa gandang nakikita sa resort. Puno ng mga ilaw at sobrang maliwanag ang buong resort. Kumikislap ang dagat sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Wow! Ang ganda naman dito. Dito ba talaga tayo titigil ng tatlong araw, Adrian?" tanong ko pa naninigurado. Buong paghangang nagpalinga-linga sa paligid. "Yes. For three days we will stay here." Nahigit ko ang aking paghinga. Tatlong araw sa mala-paraisong lugar na ito. Tiyak talaga na mag-eenjoy ako. Sana pala nakasama ko si Eliza rito. Tiyak na magugustuhan niya rin dito sa sa Siargao. Habang nakatayo ako, hindi ko maiwasang mapako ang tingin sa paligid. Halata sa lahat ng detalye na mamahalin ang resort na tutuluyan namin ni Adrian. “Come, Giselle,” aya ni Adrian sabay lakad papasok sa resort. Ako naman ay parang batang sumunod lang sa ka
NAG-ANNOUNCE ang kapitan na malapit nang lumapag ang eroplano sa isla ng Siargao. Napakapit ako nang mahigpit sa aking upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Para bang nahuhulog ang tiyan ko habang mabilis na dumadausdos pababa ang eroplano. Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba. Pakiramdam ko, anumang saglit ay babagsak kami sa mahaba na runway. "Are you okay, Giselle?" tanong ni Adrian na may pag-alala sa tono ng boses. Bumaling ako ng tingin sa kanya, marahang tumango. Pero mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. "Diyos ko!" Sambit ko sa isip. Pero agad din akong natigilan nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na palad ni Adrian sa kamay ko. "Just hold my hands, Giselle. Don’t be scared, I’m here," bulong ni Adrian, mahigpit ngunit banayad ang kapit niya. Parang biglang nabawasan ang kaba ko. Ramdam ko ang init mula sa kamay niya, na tila ba hinahatak ang takot palayo sa akin. Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Unti-unting bumagal ang eroplano hanggang sa narinig
PINAGBIGYAN ako ni Adrian. Ako ang lahst ng pumili ng damit ko. Ni hindi siya nagreklamo. Puro lamang siya okay sa lahat ng mga damit na napipili ko. Pati sa sapatos at stinelas ay ibinigay din niya ang pagpapasya sa akin. May itinatago rin palang kabaitan ang amo ko. May swimsuit, mga cover ups, light clothes, jacket at undies akong binili. I insist na ako ang magbabayad ng lahat ng pinamili ko. Tutal ako naman ang magsusuot niyon. Hindi si Adrain. Pero hindi pumayag ang amo na na hindi siya ang magbayad. Kaya hinayaan ko na lang siya. Pinagmamasdan ko si Adrian habang katabi ko sa upuan sa eroplano. Isang CEO at bilyonaryo, pero pinili niyang makasama ako rito sa economy class. Dapat nasa first class o business class siya, pero mas pinili niyang nasa tabi ko. Palihim akong napangiti. Nakakapanatag ng loob habang nasa tabi ko siya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Limang taon kami ni Walter, pero never kong naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam na safe ako. Napahinga
PAGDATING namin sa mall ay agad na hinila ako ni Adrian papasok sa isang boutique na puro may mga nakadisplay na eleganteng damit. “Adrian, masyado namang sosyal dito. Hindi ko naman kailangan ng mga ganitong klaseng damit,” bulong ko habang palinga-linga sa mga nakadisplay na gown at dress. “Precisely,” sagot niya na parang wala lang. “You deserve better than the usual. Hindi puwedeng ordinary lang kapag kasama mo ako.” Napasinghap ako at napaawang ang bibig. “Alam kong boss kita, pero gusto ko na ako pa rin ang magdedesisyon sa susuotin ko. Saka, nasa beach tayo at isla ang pupuntahan natin. Hindi bagay ang dress doon." Ngumiti lang siya at hindi nagpadaig. May tinuro agad siya sa saleslady. “Kahit na, Giselle," sagot niya saka napatingin sa gawi ng mga dress sa gilid namin. "We’ll take a look at those dresses. She’ll try them all.” Nanlaki ang mata ko. “Ano? Lahat? Adrian, nakakahiya!” “Shh.” Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Relax, sweetheart. Gusto ko lang makita
"TAKE a bath and get a dress. Bibili tayo ng mga damit mo para sa trip natin," utos ni Adrian habang biglang tumayo. Hinawakan pa niya ang braso ko para maitayo rin ako. "Sandali... bakit bibili pa kasi? Puwede naman akong kumuha ng mga damit ko sa bahay. Gagastos ka pa talaga." Mariing tanggi ko. Parang damit lang. Ang dami-dami kong damit sa bahay. Kabibili ko lang din at hindi ko kailangan na bumili pa ng bagong mga damit. Ano ba kasing klasing trip itong pupuntahan namin sa Siargao? Si Adrian lang naman ang may sabi na business trip iyon. Pero, duda ako. Pakiramdam ko hindi lang isang business trip ang alis namin mamayang gabi. "Uuwi ka pa sa inyo, Giselle? Baka hindi ka na bumalik kung aalis ka pa. Saka, hindi na kailangang umuwi ka. Bibili na lang tayo or if you want ako na lang ang bibili. Huwag ka nang sumama sa mall. Alam ko naman ang sizes mo, even your underwear," sabi ni Adrian na nanunudyo pa at may nakakalokong ngisi sa labi. Napailing na lang ako. Kung ano-ano tala