"OHH..." halinghing ko nang bumaba ang halik ni Adrian sa puson ko. Napaigtad ako sa init ng patak-patak na halik niya. Ibinuka niya ang dalawang hita ko. Napatingala ako sa kisame at mariin kinagat ang labi ko nang tuluyan niyang isubsob ang mukha sa pagitan ng mga hita ko. Mainit ang hininga niya na dumampi sa balat ko sa aking hita, papunta sa sensitibong parte. Nagdulot ng kiliti at kuryente sa pagdampi ng dila niya. Nang hindi makuntento ay isinampay pa niya ang isang hita ko sa balikat niya. "Sh1t!" mahina kong bulong. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang kumawala ang mura. Umungol ako ng mas malakas at halos mawalan ng kontrol sa bawat galaw labi niya. Hinapit niya pa lalo ang balakang ko palapit sa kanya. Ramdam ko ang dila niyang kumikiwal sa aking pagkakabab*e. “A-Adrian…” mahina kong tawag sa pangalang niya. Halos pakiusap ko sa kanya, pero 'di maipaliwanag kung gusto ko bang itigil niya o ituloy pa ang ginagawa. Pero imbes na sumagot ay lalo lang niyang pina
"GISELLE, are you sleeping?" biglang tanong ni Adrian. Akala ko tulog na siya. Napakagat ako ng daliri ko. Sasagot ba ako o magtutulug-tulugan? Kunwari wala akong narinig. Marahas siyang napabuntong-hininga habang pigil na pigil ko ang akong paghinga. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mahigpit ang kapit sa kumot. "Maybe you are sleeping... good night, sweetheart," mahinang usal pa ni Adrian. Pigil na pigil talaga ako na hindi magsalita. "B-Bakit may sasabihin ka ba?" tanong ko na mas humigpit ang kapit sa kumot. Tumayo si Adrian at umupo sa kama, sa tabi ko. Humarap siya patagilid sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatunghay lang sa kanya. "I can't sleep. Hindi ko alam bakit. Maybe I just want to lie down beside you. Sorry, I'm trying to be a gentleman. Pero ang hirap pala kapag kasama kita." "H-Ha? A-Anong---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako. Hawak niya ang pisngi ko habang magkahinang ang aming mga
MARAMI na ata nainom si Adrian. Isang baso lang ang nainom ko at hindi ko na sinundan pa iyong kanina. "Halika na, matulog na tayo," aya ko kay Adrian. Tinitigan niya ako, saka napangiti ng matamis. "Yeah, let's sleep. Diyan ka sa kama rito ako sa sahig." Napaamang ako at naihilig ang ulo. Unang beses ito na mas gusto niyang matulog sa sahig kaysa ang makatabi ako. Mukhang nagpapaka-gentleman ata ang amo ko. "Maluwag naman ang bed. Puwede naman tayong magshare. Ikaw dito sa kaliwa, ako sa kanan. Lagyan lang natin ng unan para may harang." Napangisi si Adrian. Anong mali sa sinabi ko? Mas safe kung may unan sa gitna. Di ba? Napailing siya at bahagyang natawa. “Do you even hear yourself, Giselle? Kung ibang tao pa iyan, baka kung ano na ang isipin.” Napalunok ako. Bigla kong narealize ang pagkakasabi ko. “I-I mean… maluwag naman talaga. Para hindi ka mahirapan sa sahig.” Tumigil siya sandali, tapos tumagilid ang ulo, nakatitig sa akin na parang sinusukat ang bawat salita ko. “Ar
"TATANGGAPIN mo ba ang flowers? Nangangalo na ang mga kamay ko, Giselle," biglang nasambit ni Adrian. Nahiya naman ako kaya dalii-dali kong kinuha ang bulaklak mula kay Adrian. "Sorry. Natuwa lang ako sa pa-props mo. Hindi mo naman na kailangan na gawin ito. Pati itong flowers," sabi ko na inamoy pa ang mga bulaklak. Nilapitan ako ni Adrian at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko. Saka, inipit sa aking tenga. "Anything for you, Giselle. May promise ako sa'yo. Di ba? And this is the start." Napahiyaw ako bigla nang binuhat niya ako ng pa-bridal. "Ano ba, Adrian! Ibaba mo nga ako!" reklamo ko habang kumakapit nang mahigpit sa leeg niya. Pero imbes na makinig, mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin at diretsong pumasok sa villa. "Adrian, seryoso… nakakahiya. Ang bigat ko pa," pabulong kong sabi. "Shut up, Giselle," natatawa niyang sagot. "Kayang-kaya kita buhatin. Hindi ka mabigat. Ang payat mo, para ka nang papel." Tingnan mo 'tong taong ito. Pinintasan pa ako. Payat daw
INILAHAD ni Adrian ang isang kamay niya sa akin. "Come, Giselle. Let's take a walk..." aya niya na matamis na nakangiti sa akin. Napatingin ako sa kamay niya saka umangat ang tingin ko sa mukha niya. Napakagat ako sa labi. Ilang segundo rin akong natigilan bago ko dahan-dahang inabot ang kamay niya. Mainit iyon at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumayo ako at sabay kami na naglakad patungo sa dalampasigan. Tahimik lang kami habang naglalakad at tanging hampas ng alon at ihip ng malamig na hangin ang naririnig. Ramdam ko ang buhangin sa ilalim ng aking mga paa, malamig at malambot. Saglit kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang sandaling iyon. Nang magmulat ako ng mata ay nilingon ko si Adrian sa tabi ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Kalmado ang mukha na nakatingin sa dagat. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay bumaling ito sa akin. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang pagngiti niya. “Pea
NANATILING tahimik si Adrian matapos ang mga salitang binitiwan ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat sandali at para bang kahit ang hampas ng alon ay nakikiramay sa bigat ng dibdib ko. Maya-maya, marahan niyang inilapag ang tinidor at hinawakan ang baso ng alak sa harap niya. Hindi siya agad nagsalita. Pinagmamasdan lang niya ako at sa titig na iyon, hindi ko alam kung galit ba, nasaktan, o tinamaan siya ng katotohanan ng sinabi ko. “Giselle…” mahina pero buo ang boses niya. “Kung parausan lang ang hanap ko, hindi kita pipiliin. Hindi kita dadalhin dito. Hindi ako mag-aaksaya ng oras ko para lamang makasama ka.” Napakagat ako sa labi, pinipilit ko pa ring pigilan ang mga luhang gustong kumawala. “Pero Adrian, iyon ang nararamdaman ko. Lagi na lang akong natatalo sa’yo. Hindi ko na kilala ang sarili kapag ikaw na ang kaharap ko. Pakiramdam ko… unti-unti akong nauubos.” Bahagya siyang napalapit, inabot ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Mainit ang palad niya at kumabog ang puso ko na