Share

Kabanata 134

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-10-09 22:24:05

BAGO pa ako makasagot, narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Lumingon ako, si Giselle. Naka-simpleng puting blouse at jeans, pero sapat para muli kong maramdaman ‘yung parehong paghanga ko noong una ko siyang makita sa bar ko.

Nagtagpo ang mga mata namin. Walang salita. Wala ring ngiti. Saka, siya bumaling kay Tita Gigi.

“Mama, ako na po ang bahala rito,” malamig na sabi nito.

Tumango si Tita Gigi at tinitigan ako sandali bago tumalikod. “Sige, maiiwan ko na muna kayo rito. Sa kusina lang ako, maghahanda ng almusal natin." Sabi niya saka, tumalikod na at pumunta sa kusina.

Pag-alis ni Tita Gigi, tahimik lang kaming dalawa ni Giselle. Hindi ko rin alam kung unang salita ang sasabihin ko.

“So… ano na naman ‘to?” tanong ni Giselle, nakatayo pa rin. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo ang sagot ko kahapon?”

Tumingala ako sa kanya. “Alam ko. Pero hindi pa ako sumusuko.”

Napailing siya, saka marahang huminga. "Sumuko ka na, Adrian. Hindi na ako babalik pa sa VG."

Ngumiti ako nang paya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
sana pumayag c geselle ..talaga ayw n nya bumalik.. kht Dady mpa un mgkumbici.. .
goodnovel comment avatar
adorapariño guinto
ang tagal nman ng update tapos 1 chapter lng
goodnovel comment avatar
Ma Cecilia Salazar
ang tagal mg hintay...tapos 1 chapter lng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 235

    PAGKATAPOS ng kasal namin ni Adrian ay andito kami ngayon sa isla. Sa Italya pa rin, at babalik kami sa Pilipinas pagkalipas ng tatlong buwan, pagkatapos ng honeymoon namin. “Are you happy, hon?” tanong ni Adrian habang yakap ako mula sa likuran. Ramdam ko ang init ng katawan niya, pati ang dahan-dahang tibok ng puso niya sa likod ko. Napangiti ako habang nakatanaw sa dagat. Tahimik ang paligid, ang alon, ang malamig na hangin at ang amoy ng alat na parang nag-aanyaya ng panibagong simula. “Very,” mahina kong sagot. “Masaya ako at payapa.” Humalik siya sa sentido ko. “That’s all I ever wanted, for you to feel safe and loved.” Humarap ako sa kanya, at hindi ko napigilang hawakan ang pisngi niya. “Salamat sa lahat, Adrian. Sa pananatili at sa pagpili sa amin. Araw-araw.” Ngumiti siya, iyong ngiting alam kong totoo. “I promised you at the altar, remember? Ikaw. Tayong dalawa, habambuhay.” Napapikit ako, ramdam ang bigat ng emosyon sa dibdib ko, hindi sakit, kundi pasasalamat.

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 234

    KANINA pa ako iyak nang iyak habang sinasabi ni Adrian ang kanyang wedding vows. “I will love you forever. Gago ako sa totoo lang. Pero noong dumating ka sa buhay ko, niyanig mo ang buong mundo ko. I was lost, angry, and broken. Pero ikaw... ikaw ang naging tahanan ko. Hindi ako perpekto, at alam mong marami akong pagkukulang. Pero ipinapangako ko na pipiliin kita araw-araw. Kahit magalit ka sa akin, mamahalin pa rin kita. Ikaw ang babae na minahal ko noon, minamahal ko ngayon, at mamahalin ko habang buhay. Ang pakiusap ko 'wag mo na ako ulit iiwanan." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit niyang hawak ang akin, para bang sinisigurado niyang hindi ako bibitaw. Nang ako na ang magsalita, huminga muna ako nang malalim. Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan siya, ang lalaking minsan kong kinatakutan at minsan kong kinamuhian. Pero ngayo’y minahal ko nang buo. “Adrian…” basag ang boses ko. “Hindi ko akalaing darating tayo sa puntong ito

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 233

    NAGING mabilis ang preparasyon ng aming kasal ni Adrian. Hindi ko alam na may nakahanda na palang simbahan at venue ng aming kasal. May wedding gown na kinuha sila para sa akin. Hindi nila sinasabi sa akin. Pati ang baby namin mayroon din gown na kaparehas sa akin. Tuwang-tuwa si Elisa nang magpasukat siya para sa kanyang gown. Natupad ang pangarap niya na makapaglakad sa loob ng simbahan bilang maid of honor. "Ang ganda-ganda naman ng gown ko. Parang ako ang ikakasal," sabi ni Elisa na masayang sinusuyod ng tingin ang gown na suot. Mas mukha pa siyang excited sa kasal ko kaysa akin. "Oo na. Maganda sayo ang susuotin mo. Bakit hindi na lang ikaw kaya ang magpakasal?" Natawa si Elisa at marahang hinampas ang braso ko. “Uy! Huwag kang ganyan. Ikaw ang bride ngayon,” biro niya sabay ikot sa harap ng salamin. Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang, nalilito pa ako sa mga nangyayari, tapos ngayon, ikakasal na ako. May simbahan, may venue,

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 232

    PARANG namatanda si Elisa sa kanyang pagkakatulala. Nabigla rin siya. Napanganga pa ng malaki ang bibig niya. "Itikom mo nga muna ang bibig mo, Elisa," sabi ko na natatawa. Nahimasmasan si Elisa at napatikom ng bibig. "Bakit kasi nakakagulat 'yan? Ang bilis-bilis naman..." "Iyon ang desisyon ng mga nakakatanda at sang-ayon ako roon. Mas maganda na bago umuwi sa Pilipinas ay kasal na sina Giselle at Adrian," sabi pa ni Mama. "Pero, tita, wala pong preparation. Sa simbahan po ba? May wedding gowns at abay... ngayon lang sana ako magiging maid of honor. Mapupurnada pa po," himutok ng kaibigan ko. Natawa na lamang ako sa sinabi ni Elisa. Kahit kailan talaga ang kaibigan ko. "Elisa, ikakasal pa rin sila na kagaya ng gusto mo. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong plano nila na kasal nina Giselle. Hayaan natin ang daddy at Lolo ni Adrian, ang magdesisyon," giit ni Mama. Tumikhim si Elisa at napabuntong-hininga. “So ibig sabihin… push talaga?” sabay tingin sa akin na para bang humihin

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 231

    "LET'S talk about the wedding..." sabi ni Tito Aron. Napabaling ang tingin niya sa amin ni Adrian. "Maupo na kayong dalawa." Hinila ni Adrian ang kamay ko at inalalayan akong makaupo. Katapat ko si Lolo Arman at nasa tabi ko si Adrian. Habang si Mama ay nasa mahabang sopa. "Thanks, Dad. I hope po wala ba pong magiging aberya ang kasal namin ni Giselle. Wala nang ibang babae ang hahadlang sa aming dalawa..." litanya ni Adrian. "Wala nang makakahadlang sa magiging kasal ninyong dalawa. Dahil sisiguraduhin kong walang makakasira. Dito sa Italya gaganapin ang magiging kasal ninyo. At tayo-tayo lang. Pagkauwi nating lahat ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa sa simbahan," ang sabi ni Tito Aron. Planado na pala ang lahat. Napabaling ang tingin ko kay Mama. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa kamay ko, mahigpit at parang ayaw bitawan. May gusto lang akong malinaw,” dugtong ni Tito Aron, bahagyang humarap kay Adrian. “Siguraduhin mong handa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 230

    NAPATITIG sa akin si Tito Aron at Lolo Arman, habang si Adrian ay nakahawak sa braso ko. Napayuko ako at lumuha. Paano iyon? Kayang-kaya ni Adrian, iwanan lahat para sa akin. Hindi ako selfish para isakripisyo niya ang buhay na nakasanayan niya. Narinig agad ni Adrian ang paghinga ko na parang naputol. Pero bago pa ako makasagot, may kumalabog na mahinang tawa sa kabilang side ng mesa. Si Lolo Arman, tumagilid pa siya. At as in, tumawa. Hindi malakas, pero sapat para mapatingin kaming lahat. “Aray ko,” reklamo niya habang hinihimas ang dibdib. “Hija, grabe ka pala ka pala kabahan. Ang bilis mo palang maniwala." Napakunot ang noo ko. “Po?” Kasunod noon ay sinabayan siya ni Tito Aron, umiling habang pinipigilan ang ngisi. “Giselle… ano ka ba, halika nga rito.” Sabay lingon kay Adrian. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi pa naman namin siya ini-initiate sa Velasco hazing?” Napatingin ako kay Adrian. Nanlaki ang mga mata niya. “Lolo… Dad… hindi ‘to nakakatawa.” Pero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status