Share

Kabanata 133

Author: RIDA Writes
last update Huling Na-update: 2025-10-08 22:23:47

HINDI nagsalita si Giselle. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Please, Giselle. Pumayag ka na. Bumalik ka sa VG. Kahit para sa VG lang. Nakasalalay sa'yo ang posisyon ko..." pagsusumamo ko.

Umiling si Giselle. “Sa totoo lang, hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi n’yo.”

Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. “Anong hindi mo mapaniwalaan?” tanong ko. Pinagdududahan niya ang sinabi ko.

“Na ako pa rin ang iniisip mo. Na kaya mo lang gusto akong bumalik ay dahil sa posisyon mo,” sagot ni Giselle, diretso ang tingin. “You’re just trying to save yourself, Sir Adrian. Hindi ako ang gusto mong balikan, kundi ’yung kaginhawaan na mawawala sa’yo 'pag hindi ako bumalik sa VG.”

Napakunot ang noo ko, halatang nasaktan sa sinabi niya. “You think ganun lang kababaw ‘yung nararamdaman ko para sa’yo?”

“Hindi ko alam,” mahina niyang sagot, sabay iwas ng tingin. “Pero natutunan ko na rin kasing huwag basta maniwala. Dahil minsan, ‘yung mga taong akala mon
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rebecca Valencia De Guzman
more updates episode pleaseeeees
goodnovel comment avatar
Nancy Villaraza
next episode po
goodnovel comment avatar
Ambhet Cabanes
Thanks Ms.A More update sana .........
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 231

    "LET'S talk about the wedding..." sabi ni Tito Aron. Napabaling ang tingin niya sa amin ni Adrian. "Maupo na kayong dalawa." Hinila ni Adrian ang kamay ko at inalalayan akong makaupo. Katapat ko si Lolo Arman at nasa tabi ko si Adrian. Habang si Mama ay nasa mahabang sopa. "Thanks, Dad. I hope po wala ba pong magiging aberya ang kasal namin ni Giselle. Wala nang ibang babae ang hahadlang sa aming dalawa..." litanya ni Adrian. "Wala nang makakahadlang sa magiging kasal ninyong dalawa. Dahil sisiguraduhin kong walang makakasira. Dito sa Italya gaganapin ang magiging kasal ninyo. At tayo-tayo lang. Pagkauwi nating lahat ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa sa simbahan," ang sabi ni Tito Aron. Planado na pala ang lahat. Napabaling ang tingin ko kay Mama. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa kamay ko, mahigpit at parang ayaw bitawan. May gusto lang akong malinaw,” dugtong ni Tito Aron, bahagyang humarap kay Adrian. “Siguraduhin mong handa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 230

    NAPATITIG sa akin si Tito Aron at Lolo Arman, habang si Adrian ay nakahawak sa braso ko. Napayuko ako at lumuha. Paano iyon? Kayang-kaya ni Adrian, iwanan lahat para sa akin. Hindi ako selfish para isakripisyo niya ang buhay na nakasanayan niya. Narinig agad ni Adrian ang paghinga ko na parang naputol. Pero bago pa ako makasagot, may kumalabog na mahinang tawa sa kabilang side ng mesa. Si Lolo Arman, tumagilid pa siya. At as in, tumawa. Hindi malakas, pero sapat para mapatingin kaming lahat. “Aray ko,” reklamo niya habang hinihimas ang dibdib. “Hija, grabe ka pala ka pala kabahan. Ang bilis mo palang maniwala." Napakunot ang noo ko. “Po?” Kasunod noon ay sinabayan siya ni Tito Aron, umiling habang pinipigilan ang ngisi. “Giselle… ano ka ba, halika nga rito.” Sabay lingon kay Adrian. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi pa naman namin siya ini-initiate sa Velasco hazing?” Napatingin ako kay Adrian. Nanlaki ang mga mata niya. “Lolo… Dad… hindi ‘to nakakatawa.” Pero

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 229

    NARINIG namin ang mahinang katok bago bumukas ang pinto. Sumilip si Adrian, suot pa ang dark blue polo niya, mukhang galing sa trabaho pero dumiretso agad sa akin ang tingin. “Baby… ready ka na?” Mahina pero may diin ang boses niya. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinalikan sa ulo, saka sinilip si Baby AJ. “Tulog pa. Si Eliza na daw muna ang bahala, sabi niya.” “Ako na, umalis na kayo bago pa kayo hintayin ng mga Haring Velasco,” biro ni Eliza na may halong sabunot sa hangin. Ngumiti si Adrian pero ako, para akong nalalaglag ang kaluluwa ko. Hawak-kamay kaming lumabas. Ramdam ko ang lamig ng palad ko at ang init ng kay Adrian. Pagdating namin sa hallway papunta sa library, huminto siya at hinarap ako. “Giselle, huwag kang kabahan, okay? Nandito ako. At kung may ayaw man sila… problema nila ‘yon, hindi sa’yo.” Pero bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng library. Lumabas ang Daddy ni Adrian, seryoso ang mukha, hawak ang salamin niya. “Come in. Both of you. We

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 228

    IPINAPATAWAG daw kami ng Daddy ni Adrian at Lolo nito sa library, kasama si Mama. Si Tita Isolde ay umuwi na sa Pilipinas. "Kinakabahan ka, Giselle... hindi ka mapakali d'yan sa inuupuan mo," giit ni Eliza. Dumalaw siya sa amin sa mansyon. "Sinong hindi kakabahan? Parang akong isisilya elektra. Seryoso ata ang pag-uusapan namin. Bakit kasi close door ang pag-uusap namin? Mas lalo akong kinakabahan." Sagot ko kay Eliza. Napatingin ako sa gawi ng anak ko na masarap na ang tulog. Pagkatapos na mag-iiyak. "Sos... ngayon ka pa ba kakabahan? May ring ka na, may anak na rin kayo. Ibang level na ang status mo sa mga Velasco. Ikaw kaya ang nagbigay ng tagapag-mana nila..." Napaharap ako kay Eliza. "Doon nga ako mas kinakabahan. Alam mong hindi basta-basta ang mga Velasco. Hindi pa ako gusto ng tiyahin ni Adrian." “Hay naku, girl… si Tita Isolde lang ‘yon. Masungit lang talaga siya by default,” sagot ni Eliza habang pumipitik-pitik pa ng hangin, parang may attitude. “Ang importante, gusto

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 227

    KABADO ako sa sinabi ni Adrian na kailangan naming mag-usap-usap. Pinagmamasdan ko siya habang nagpapalit ng damit. "Baby, matulog ka na... dapat nagpapahinga ka na habang tulog pa si Baby AJ," sabi ni Adrian nang humarap ito sa akin na isinusuot ang kanyang puting sando. Katatapos lang niyang maligo. Nabigla ako nang biglang maghubad si Adrian sa harapan ko. As in nakaharap pa siya sa akin. Nanlalaki ang mata ko at napangisi naman siya sa reaksyon ko. "Can you shut your mouth, baby? Alam ko na alluring and seductive ako sa tignan mo pero hindi puwede. Magtitiis ako kung kailan puwede na," sabi niya na naiflex pa ang ganda ng katawan. Nang matauhan ako ay napairap ako at nag-iwas ng tingin. Baka sabihin nate-tempt nga ako sa kanya. "Ang lakas ng hangin naman dito..." mahinang usal ko. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Adrian. Ramdam ko ang titig niya sa akin, kahit na hindi ko siya nakikita. Kumabog lalo ang dibdib ko nang maramdaman kong papalapit siya. Kahit wala pa siyang

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 226

    "DALHIN mo na muna amg mag-ina mo sa kuwarto mo, Adrian. Para makapagpahinga na sila." Napadako ang tingin ni Adrian sa akin. "Samahan ko na ang anak ko..." singit na sabad ni Mama. Napatango si Adrian at iginiya ako papunta sa hagdan. "Adrian, puwedeng pumunta ka sa library. Mag-uusap-usap lang tayo..." sabi ng Daddy ni Adrian bago pa kami makalayo. Binalingan ako ni Adrian at ngumiti ako ng alanganin. Medyo kabado pero hindi ko pinahalata. “Sandali lang, baby,” bulong ni Adrian sa akin bago niya hinalikan si Baby Aj sa noo. At sinundan na ang Daddy niya sa library. Hinaplos niya ang braso ko, parang pinapa-assure ako na okay lang lahat, tapos binitawan niya ang kamay ko nang dahan-dahan. Sumunod siya sa Daddy niya papunta sa library, habang ako naman ay inalalayan ni Mama paakyat. Pagdating namin sa itaas, binuksan ni Mama ang pinto ng malawak na kuwarto ni Adrian. Malinis, malamig at amoy bagong linis. May malaking kama sa gitna at agad kong inihiga si Baby Aj roon. “Anak,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status