Share

Kabanata 144

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-10-16 20:33:00

HUMAHANGOS na lumalapit si Daddy sa akin habang tulak-tulak ng wheelchair ni Lolo.

"Adrian, kumusta si Giselle?" Bungad na tanong ni Daddy. Napadako ang tingin nila kay Eliza na tahimik na nakaupo sa bangko.

"She's out of danger, and our baby..." sagot ko.

"Oh, bakit ka nasa labas? Sinong kasama niya sa loob?" tanong pa ni Daddy.

"Nasa loob po si Tita Gigi, ang Mama ni Giselle."

"It's all your fault, Adrian. Pati ang apo ko sa tuhod ay namimiligro." Galit na turan ni Lolo at paninisi aa akin.

Sa sulok ng mata ko, nakita ko si Eliza na tumayo at umalis. Para siguro bigyan kami nina Daddy ng oras na makapag-usap.

Tumango-tango ako at saka malalim na bumuntong-hininga.

"Aakuin ko po na kasalanan ko. Pero hindi ko alam na buntis si Giselle," sagot ko.

Nagtagis ang bagang ni Daddy na humarap sa akin. "Because you are just thinking about yourself. Wala kang pakialam sa paligid mo. Mayroon ka mang makita, duda ang nangingibabaw sa'yo."

Napaamang ako. "So, it mean lang na alam ninyo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
alam mo author ang ganda ng story mo sipagan mo lng at habaan ang update mo marami naman ata nagbabasa ng story mo
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
Moreee update plzzzz
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
Salamat naman ayaw ko namamatay ang baby sa story ang lungkot aana happy ending naman na
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 207

    DUMATING na si Mama galing trabaho. Nagmano ako sa kanya. Nakaalis na pala si Adrian. Inabot na nga nga gabi iyon sa apartment. Kung hindi ko pa sinabi na umuwi na siya ay hindi talaga uuwi 'yon."Nakauwi na ba si Adrian?" usisa ni Mama."Opo, Ma. Kauuwi lang po. Hindi na kayo nagpang-abot," sagot ko."Ano na ang estado ng relasyon ninyong dalawa, Giselle?" tanong niya pa habang umuupo sa sopa.Kumibit ako ng balikat ko. "Hindi ko po alam. Pero masaya po ako, Ma."Humingi siya ng malalim. "E, anong plano mo? Napatawad mo na ba si Adrian?"“Hindi ko pa po alam,” sagot ko nang mahina, halos bulong habang tinitingnan ko ang sahig. “Pero… Ma, he’s trying. Sobra. At ramdam ko po.”Tumango si Mama, mabagal, parang iniintindi ang bawat salita ko. “Anak, hindi kita pipilitin. Pero gusto ko lang na sigurado ka. Hindi ‘yung masaya ka lang ngayon tapos masasaktan ka na naman bukas.”Umupo siya nang mas maayos, nakaharap sa akin. “Giselle… kung mahal mo pa siya, aminin mo sa sarili mo ang totoo.

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 206

    TINOTOTOO nga ni Adrian ang sinabi niya kanina na maggo-grocery siya para sa amin ni Mama. Kanina noong nakatulog ako ay umalis siya at pagkagising ko ay napansin ko siyang maraming bitbit na mga plastic, patungo sa kusina. "Pati iyan ginawa mo talaga?" tanong ko habang inilalagay ni Adrian ang mga pinamili sa loob ng fridge. Isinarado niya ang pinto ng fridge at humarap sa akin. "Hayaan mo na lang ako. Maliit na bagay lang 'to, Giselle. Ayaw ko naman na magutom ang anak ko. Mas makakampante ako kung marami kayong stock ng pagkain sa apartment." Napangiti ako nang bahagya, medyo nahihiya rin sa effort niya. “Salamat, Adrian… pero ang dami mo pong binili. Hindi ko alam kung paano ko ito babayaran.” Humakbang siya papalapit, at mahinang tinapik ang balikat ko. “Wala ‘yon, Giselle. Saka, kailangan pa ako nanghingi ng kapalit sa'yo? Ang gusto ko lang ay maayos kayo ni baby at hindi ka nagugutom.” Tumingin ako sa kanya at ramdam ko ang sincerity sa mga mata niya. “Alam mo, nakakatuwa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 205

    Giselle’s POV NAKATALIKOD si Adrian sa akin habang walang t-shirt na nakaharap sa kalan. Nagprisinta siya na magluto. Busog na nga ako. Hindi ko alam kung para saan pa ‘tong ginagawa niya. Pero ang tahimik ng kusina, at ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko, saka umupo sa maliit na upuan sa tabi ng mesa. “Adrian, okay lang ako. Kumain na nga ako, ’di ba? Nakapagluto na si Mama ng omelet," mahina kong sabi. Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Dessert lang ’to. Gusto kitang ipagluto… kahit itlog lang.” Napairap ako kahit nakangiti. “Dessert tapos itlog? Anong logic? Omelet na nga ang iniluto ni Mama, itlog pa rin ang ipapakain mo sa akin.” Huminto siya sa paghahalo ng niluluto at lumingon sandali, nakangiti nang parang hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag. "Masustansya naman ang itlog, baby. Maraming protina, good for the baby." Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging sagot niya. Ayaw ko nga pang siya mapahiya, kaya pinigilan ko na lang. "Bakit

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 204

    SI Giselle ang unang ngumiti at ramdam kong pilit pero mahinahon. “Ma, sorry po. Kumain lang po kami ni Adrian at naglakad-lakad sa park," sagot niya na napalingon sa akin. Tumingin sa akin si Tita. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Kumain ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?" “Opo. Hindi po ako nahilo o nagsuka," sagot ni Giselle. Tumango si Tita. Pero kita ko sa gilid ng mata niyang nakasilip pa rin sa akin. “I insist po. Pasensiya na po, Tita Gigi, na hindi ko na ipinaalam sa inyo na ipapasyal ko si Giselle,” sabi ko agad na halos napalunok. “Pero sinisigurado ko pong comfortable siya.” "Hindi naman kita babawalan na ipasyal si Giselle. Pero next time tignan mo ang oras. Bawal sa buntis ang inaabot ng gabi sa labas." Medyo napahigit ko Ng aking paghinga. Sa tono ng boses ni Tita Gigi ay parang hindi nito nagustuhan ang aya kong mamasyal kay Giselle. Hindi ko siya masisisi dahil pino-protektahan lang niya ang kalusugan ng aking mag-ina. “Ma, okay lang naman po. Nakapag-excercise

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 203

    NASA isang sikat na fast food kami. Dahil iyon ang request ni Giselle, at ng baby na rin namin. Simple lang ang gusto niya at hindi masyadong mamahalin. Tahimik lang siyang kumakain ng fries, habang paminsan-minsang sinusubo ko sa kanya ang nuggets na ayaw niyang amuyin kanina pero ngayon, parang gusto na niya. Napapangiti na lang ako. Ang dali niyang mabusog sa maliliit na bagay. Masaya ako na kahit ganito lang ay napapagsilbihan ko si Giselle. “Masarap?” tanong ko. Napahinto si Giselle at tumango, medyo umiwas pa ng tingin. “Hmm. At least… hindi ako nahihilo dito.” “Good,” sagot ko, hindi maitago ang ginhawa sa boses ko. “Basta anytime na busog ka na, uuwi tayo.” Umirap siya nang magaan. “Hindi ako fragile, ha.” Napatawa ako. “Hindi naman. Pero buntis ka. Automatic VIP ka sa akin.” Napatingin siya sa akin, matagal, sapat para makita ko ang pagkalambot ng mga mata niya. “You don’t have to spoil me. Para lang ito kay baby, di ba?” mahina niyang sagot. “I know,” balik ko sa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 202

    SANDALI kaming nagkatitigan ni Giselle. Siya ang unang nagbawi ng tingin at napatikhim naman ako. Palihim akong napangiti. Ngumiti siya nang mas bukas ngayon, at sa simpleng ngiti na iyon, ramdam ko na may pag-asa pa akong hihintayin. “Okay lang,” malambing niyang wika na pumayag na samahan siya sa kanyang check up. Napangiti ako at tumango kay Giselle. Ramdam kong may ilang pa rin siya sa akin. Gusto ko lang na araw-araw, unti-unti kaming bumalik sa ayos. Mabuo ulit ’yong tiwala at pagmamahalan namin, para sa amin at para sa anak namin. Kahit may konting duda si Giselle tungkol sa mga sinasabi ko. Alam kong nagsisimula na ulit na maglapit kami. "Giselle Navarro," napahinto kami ni Giselle nang marinig naming tinawag ang pangalan niya. Napatingin si Giselle sa nurse at nagtaas ng kamay. "Come inside..." utos ng nurse. Inalalayan ko pa siya sa pagtayo at pumasok kami sa loob ng clinic. Tahimik pero ramdam ko ang bawat kisap ng damdamin ni Giselle. Nagulat pa ang OB

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status