Compartir

Kabanata 157

Autor: RIDA Writes
last update Fecha de publicación: 2025-10-22 22:35:28

NILAPITAN ko si Giselle at niyakap. Pero ilang na ilang siya at iwas na iwas. Marahil ay kasama ko sina Daddy at Lolo. Nakamasid sa aming dalawa.

"Baby, we're here para mamanhikan..." sabi ko nang humiwalay ako kay Giselle.

"Ano?! Umagang-umaga mamanhikan kayo. Mamaya makita ka ni Mama, lalong magagalit 'yon," wika ni Giselle na kita ang takot sa mata na napalinga sa paligid.

Hinawakan ko ang kamay niya, pero agad niya iyong binawi. Kita ko ang kaba sa bawat galaw niya at ang paninikip ng
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
nkakainis storya
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 345

    SA paglabas ko ng silid namin ni Calvin, napansin ko agad ang amoy ng pagkain na nagmumula sa ibaba. Humakbang ako pababa ng hagdan, mabagal, ingat na ingat sa bawat hakbang. Nang makarating ako sa kusina, natigilan ako. Naroon si Calvin. Nakatayo siya sa harap ng stove, abala sa niluluto. Nakasuot lang siya ng simpleng shirt, bahagyang magulo ang buhok na tila bagong gising o hindi pa talaga nag-ayos. Saglit akong hindi gumalaw. Napangiti akom Parang hindi bagay sa kanya ang eksenang iyon. Pero ang natural niyang dating ay parang gusto kong pagmasdan. Napansin niya ang presensya ko. Lumingon siya at nagtagpo ang mga mata namin. "Good morning," sabi niya, kalmado ang boses. Hindi ko napigilang bahagyang ngumiti. "Good morning." Ibinalik niya ang atensyon sa niluluto, saka nagsalita ulit. "You’re awake earlier than I expected." Dahan-dahan akong lumapit sa may mesa at naupo. "Ikaw pala ‘yong wala sa tabi ko kanina," mahina kong sabi, halos parang obserbasyon lang. Sandaling t

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 344

    PAGPASOK pa lang namin sa loob ng silid, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang tahimik na kapayapaan. Dahil kay Tiya Esperanza, hanggang ngayon ay nabubuhay ako. Hindi man maganda ang naging trato nila sa akin ay itinuturing ko pa rin silang pamilya. Dahan-dahan akong pumasok, hawak pa rin ang tiyan ko. Huminto ako sa gitna ng silid at iginala ang paningin. "Do you want something?" tanong ni Calvin sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya. "Wala…" mahinang sagot ko. Tumango siya, tila sapat na sa kanya ang sagot ko. Lumapit siya sa may gilid ng kama at bahagyang hinila ang kumot para ayusin. "You can rest. Magpahinga ka muna." Umiling ako. "Okay lang ako." Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Elisa." Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong hindi iyon basta pangalan ko lang. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "You don’t have to act strong all the time," mahinahon niyang sabi. Hindi ako nakasagot agad. Parang tinamaan ako. Dahan-dahan akong n

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 343

    UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko. Hindi na ako umiwas. Ngayon, hindi na. "Sapat na, Ate." Mahina ang boses ko pero malinaw. Hindi na nanginginig tulad kanina. "Pwede mo akong maliitin. Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano…" saglit akong huminga, pilit inaayos ang sarili. "Pero huwag mong idamay ang Mama ko." Napairap siya. "Bakit? Totoo naman ah—" "Hindi mo siya kilala," putol ko. Ngayon, direkta ko na siyang tinitigan. "At lalong hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Saglit siyang natigilan, marahil hindi inaasahan na sasagot ako. "Ano ngayon?" taas-noo niyang sagot. "Kahit anong sabihin mo, buntis ka pa rin na hindi kasal. Kahihiyan ka pa rin ng pamilyang ‘to." Masakit. Pero hindi na ako uurong. "Hindi po ako kahihiyan," mahinahon kong sabi. "Nagkamali man ako sa paningin ninyo… pero pinaninindigan ko ‘to." Napatingin ako kay Tiya Esperanza. "Tiya, hindi ko po hinihingi na tanggapin n’yo ako. Pero sana… kahit respeto man lang." Tahimik lang siya. Walang s

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 342

    "MA, andito pala ang bastarda mong pamangkin..." narinig kong sabi ng pinsan kong si Ate Gladys. Magkaedad lang kami ni Ate Gladys. Pero matandang kapatid ni Mama si Tiya Esperanza. Kaya ako ang palaging nagpapakumbaba kay Ate Gladys. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Sanay na ako sa ganitong salita mula sa kanya, pero sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kumikirot pa rin sa dibdib ko. "Gladys..." mahinang saway ni Tiya Esperanza, pero halata sa boses nito na wala iyong bigat. Bahagya akong napayuko at pilit na ngumiti. "Magandang gabi po, Tiya… Ate," bati ko, kahit ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Napataas ang kilay ni Ate Gladys habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow ha, mukhang may lakad. Saan ka pupunta? O baka naman… may lalaki ka na namang uutakan?" Napakurap ako sa sinabi niya. "Wala po, Ate. May… importante lang po akong sasabihin." "Talaga?" Umupo siya sa sofa at in-cross ang mga braso. "E di sabihin mo. Nakikinig kami." Napatingin ak

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 341

    NAPAHAWAK ako sa may kalakihan kong tiyan. Nakaupo ako sa kahoy na upuan habang naglalakad si Tiya Esperanza. "Magpapakasal ka?" tanong niya at agad akong tumango. "Alam na ba ito ng Mama mo?" Isa pang tanong niya. Napayuko ako. Saglit akong napahigpit ang hawak sa aking tiyan bago sumagot. "Wala na po si Mama…" mahina kong tugon. Natigilan si Tiya Esperanza sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Ano’ng ibig mong sabihin?" maingat niyang tanong. "Matagal na po… hindi ko na rin alam kung saan siya," dagdag ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko. Napabuntong-hininga siya at tuluyang umupo sa harap ko. Ilang segundo siyang natahimik, saka ako tinitigan nang masinsinan. "Kaya ikaw na lang mag-isa ang magpapasya para sa sarili mo?" tanong niya, hindi galit, kundi puno ng pag-aalala. Tumango ako. "Opo, Tiya… at gusto ko pong panindigan ang desisyon ko." Napatingin siya sa tiyan ko. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang d

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 340

    "ELISA, when you tell your parents that you are getting married to Calvin? Aba, lumalakad ang araw. Baka gusto ninyo nang ganapin ang kasal sa lalong madaling panahon..." tanong ni Tita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil nakagisnan ko naman na walang mga magulang. "Tita, susubukan ko pong puntahan ang Tiya ko para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pgbubuntis ko..." sagot ko na tila nag-aalangan. Nagkatinginan ang mag-asawa. Parang may hindi sila sinasabi, pero ramdam ko na may iniisip sila. “Wala ka bang contact sa kanila, hija?” mahinang tanong ni Tita, mas naging malumanay ang boses. Bahagya akong napayuko. “Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita…” amin ko. “At hindi rin po maganda ang huling pag-uusap namin.” Tahimik na nakinig si Tito, habang si Tita naman ay tila naaawa ang tingin sa akin. “Pero kailangan pa rin nilang malaman,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang sarili. “Kahit paano… pamilya ko pa rin sila.” “Gusto mo bang samahan ka ni Calvin?” tanong ni T

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 143

    "ADRIAN! Nasaan ang anak ko? Anong nangyari kay Giselle?" Mga tanong ni Tita Gigi sa akin, kasama niya ang best friend ni Giselle na dumating. Umiiyak si Tita Gigi na pilit pinapakalma ni Eliza. Tinawagan ko si Tita Gigi para ipaalam na nasa ospital si Giselle. At andito na nga agad sila sa ospit

    last updateÚltima actualización : 2026-03-24
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 137

    PAGDATING ko sa elevator, marahan kong pinisil ang strap ng bag ko. Halos maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Andito na naman ako at parang muling bumalik ang tinik sa dibdib ko. Pagbukas ng elevator, agad kong nakita ang pamilyar na hallway. Ang tahimik na daan papunta sa opisina ni

    last updateÚltima actualización : 2026-03-24
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 131

    I’M with my secretary, Thea, for a business meeting with Vino Flores. “Thea, paki-note lahat ng pag-uusapan namin sa meeting,” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa office ni Vino. Pagpasok ko sa loob, agad kong nakita si Vino, at sa tabi niya ay andoon si Giselle. Napatigil ako sandali. Of a

    last updateÚltima actualización : 2026-03-24
  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 139

    UMAGA na naman, araw ng trabaho. Nag-inat-inat ako ng kamay at napaupo sa kama ko. Huminga ng malalim at marahang hinaplos ang tiyan ko. Saka, ngumiti ng matamis. "Papasok na naman tayo, baby. Makikita natin ulit si Papa mo," usal kong may ngiti pa rin sa labi. Parang ang sarap sa pakiramdam ng g

    last updateÚltima actualización : 2026-03-24
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status