Mag-log inNATAHIMIK ako. Kinakapa ko ang sarili ko. Handa na nga ba ako sa mga maririnig kong rebelasyon galing kay Samantha? Malaki ang tiwala ko kay Calvin. Mahal ko siya. Pero binabagabag ako ng mga nangyari sa kanila ni Samantha. Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi niya sa akin at alin ang panibagong kasinungalingan. Huminga ako nang malalim, pero parang hindi pa rin sapat para pakalmahin ang dibdib kong tila pinipiga. "Dumito ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpapaliwanag kay Adrian ng mga nangyayari. Si Calvin, alam natin na hahanapin ka niya." Hindi na ako sumagot. Gulong-gulo ang isip ko. "Ang maigi pa siguro, Elisa, kumain na muna tayo. Pagkatapos ay magpahinga ka sa dating kuwarto mo. May naiwan ka pang mga damit doon. Tingnan mo kung kasya pa para makapagpalit ka muna." Napangiti ako kay Giselle. Ang swerte ko sa kaibigan. Pasalamat pa rin na may isang Giselle sa buhay ko. "Si Tita Gigi pala?" hanap ko sa Mama ng kaibigan ko. "Nagbakasyon. Pumunta
"HINTAYIN natin si Adrian para may makakasama tayo..." suhestiyon ni Giselle. "Pero baka kasi malaman ni Calvin." Tugon ko. "Hindi puwede na mag-isa ka lang haharapin si Samantha. Isipin mo ns buntis ka. Paano kung may mangyari sa baby mo? Kahit anong gawin natin malalaman pa rin ni Adrian..." Napaisip ako. "Hindi ko rin naman gustong ilagay ang sarili ko sa panganib…" mahinang sagot ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Huminga nang malalim si Giselle. “Kaya nga si Adrian ang kailangan natin, Elisa. Hindi lang ito tungkol sa’yo. Kung talagang haharap ka na kay Samantha, kailangan mong may kasama ka.” Napakagat ako sa labi ko. Alam kong may punto siya, pero ang takot ko kay Calvin ay parang nakasabit pa rin sa dibdib ko. Hindi ako basta-basta makakagalaw kapag alam kong magagalit siya. “Alam mo naman si Calvin…” mahina kong sabi. “Alam ko,” agad niyang putol. “Pero hindi ka niya mapoprotektahan kung ikaw mismo ang nasa peligro na.” Doon ako nata
PAGKARATING ko sa mansyon. Hawak ni Giselle ang kamay ko habang umiiyak. Dahan-dahan niya akong iniupo sa kama. “Shh… tahan na, Elisa,” mahinahon niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko. “Hindi makakabuti sa’yo ‘to… lalo na kay baby.” Napayakap ako sa kanya, parang batang nawalan ng lakas. “Hindi ko na alam, Giselle…” umiiyak kong sabi. “Parang gumuho lahat… ang bilis…” Hinaplos niya ang likod ko. “Normal lang ‘yan. Ang dami mong nalaman sa isang iglap.” Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko. “May anak daw si Samantha…” nanginginig kong ulit. “At hindi pa sigurado si Calvin kung kanya…” Napapikit si Giselle, parang pinipigilan ang sariling reaksyon. “Grabe…” bulong niya. “Ang bigat nga niyan, Elisa.” “Paano kung totoo?” napatingin ako sa kanya. “Paano kung may ibang pamilya na siyang dapat panagutan?” “Eh paano ka?” diretso niyang sagot. “At ‘yang dinadala mo?” Napahawak ako sa tiyan ko. “Hindi ko kayang makipag-agawan, Giselle…” mahina kong sabi. “Ay
NAPAHAWAK ako sa aking tiyan. Parang hindi ko na kaya ang mga sumusunod na sasabihin niya sa akin. "Calvin, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Kung ikaw o si Samantha..." Napatitig si Calvin sa akin, saka bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa tiyan ko. “Elisa…” mahina niyang tawag, parang biglang nagbago ang tono niya. “Ang hirap paniwalaan ang lahat ng sasabihin. Pakiramdam ko nagsisinungaling ka na sa akin," ulit ko, halos mabasag ang boses. Lumapit siya, pero umatras ako ng isang hakbang. “Please… huwag muna,” bulong ko. Natigilan siya. “Sabihin mo na lang ang totoo. Kahit masakit. Kahit… masira pa lahat,” dugtong ko. Napapikit siya sandali, saka dahan-dahang huminga. “May anak si Samantha…” sabi niya. Parang tumigil ang mundo ko. “A-Anak?” halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Tumango siya, pero hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso. “Pero hindi ko sigurado kung akin,” mabilis niyang dagdag. Parang may sumabog sa dibdib ko. “Ano?
"ELISA, okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Giselle. "O-Oo naman..." sagot ko na parang alanganin. Umalis na muna ako sa mansyon. Dinalaw si Giselle at ang mga inaanak ko. "Sure ka ba? Kasi pakiramdam ko hindi ka okay... kilala kita. Kaibigan kita, noon pa magkasama tayong dalawa. Napayuko ako at napahawak sa baso ng juice na nasa harapan ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Giselle. "Okay lang talaga ako..." pilit kong ulit, pero mahina na ang boses ko. Hindi siya nagsalita agad. Ramdam ko ang titig niya sa akin, parang binabasa ang bawat galaw ko. "Elisa…" marahan niyang tawag, mas lumambot ang boses. “Hindi ka marunong magsinungaling sa akin.” Napapikit ako sandali. Parang doon na rin bumigay ang pinipigilan ko. "Di ba, buntis ako, Giselle…" bulong ko. Nanlaki ang mga mata niya. “What? Elisa—” “Kay Calvin,” mabilis kong dugtong, halos pabulong pa rin. Bigla siyang napatayo sa gulat. “Oh my God… Elisa, seryoso ka ba?” Tumango ako, saka napakagat sa labi
"GOOD morning, Elisa. Kumusta ang gising mo?" Tila may pang-asar na ngiti si Ate Gladys. Nadatnan ko na sila sa dining area. "Good morning din sayo, Ate at Tiya Esperanza..." bati ko rin at ngumiti ng payak. Umupo na ako at naglagay ng pagkain sa plato ko. "May narinig kaming chismis... totoo ba 'yon, Elisa?" Nabigla ako. Napatigil ang kamay ko sa pagkuha ng pagkain. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko kay Ate Gladys, habang si Tiya Esperanza naman ay tahimik lang na nakamasid sa akin, parang hinihintay ang reaksyon ko. “Chismis?” ulit ko, mahinang tanong, pilit kinakalma ang sarili. Ngumiti si Ate Gladys, pero hindi iyon abot sa mata niya. “Yung tungkol kay Calvin… at sa ex niya,” diretsahan niyang sabi. “May nababalitaan kasi kami na may buntis daw na lumalabas. Ex niya raw.” Parang may biglang humigpit sa dibdib ko. Hindi pa nga humuhupa ang gulo sa loob ko, may bago na naman. “Hindi totoo ‘yan,” mabilis kong sagot, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Nagkati
NILAPITAN ko si Giselle at niyakap. Pero ilang na ilang siya at iwas na iwas. Marahil ay kasama ko sina Daddy at Lolo. Nakamasid sa aming dalawa. "Baby, we're here para mamanhikan..." sabi ko nang humiwalay ako kay Giselle. "Ano?! Umagang-umaga mamanhikan kayo. Mamaya makita ka ni Mama, lalong
"ANONG ibig sabihin nito?! Bakit andito si Adrian, Giselle?!" Nagulantang na lang kami sa malakas na sigaw ni Tita Gigi. Napatingin ako sa gawi ng pinto at sabay kaming napatayo ni Giselle. "M-Ma, magpapaliwanag po ako..." takot na takot na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. P
NANG makalabas si Adrian ay pumasok na sina Mama at Eliza. "Anong pinag-usapan ninyo?" Usisa ni Eliza. "Wala lang... tungkol lang sa mga nangyari. Ang pagkakatulak ni Charry sa akin. Iyong lang," sagot ko na hindi tumitingin sa mata ng kaibigan ko. Napaismid si Eliza. "Alam mo, ikaw, Giselle. Ha
"A-ANONG ginagawa mo rito, Adrian?" Tila kinakabahang tanong ni Giselle. Parang namutla siya nang makita niya ako sa kanyang harapan. "Mommy, sino po siya?" tanong ng batang babae na karga niya. Nagtago naman ang batang lalaki sa likuran ni Giselle. "Huwag ninyo siyang pansinin. Wala lang siya...







