Se connecter"HINDI ko alam kung titigil na si Samantha sa panggugulo sa amin ni Calvin. Ayoko na pati ang anak namin ay madadamay." Nasabi ko. Hinawakan ni Giselle ang kamay ko. "Alam ko ang takot mo, Elisa. Alam ko na hindi ka sigurado sa mga anong puwedeng kayang gawin ni Samantha, laban sayo. Para makuha si Calvin..." Napatingin ako ss kaibigan ko. “Giselle…” mahina kong sabi, parang doon ko inilalabas lahat ng bigat sa dibdib ko. “Hindi ko alam kung hanggang saan siya kayang lumayo.” Huminga siya nang malalim, saka umayos ng upo para mas harapin ako. “Pero hindi ka dapat mabuhay sa takot,” mahinahon niyang sabi. “Lalo na ngayon na buntis ka.” Napayuko ako. “Paano kung hindi siya tumigil?” tanong ko, halos pabulong. “Paano kung pati ako, pati ‘yung baby ko… madamay?” Sandaling tumahimik si Giselle. “Kung gano’n, hindi ka mag-isa," seryoso niyang sagot. Tumingin ako sa kanya. “Hindi ko hahayaang basta-basta ka lang galawin o guluhin,” dagdag niya. “Kung kailangan natin ng lega
NAIISIP ko pa rin si Calvin, hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro at pakikipag-usap sa mga anak ni Giselle. Nang mapansin ko ang kasambahay nina Giselle na palabas ng mansyon. Napapaisip ako, anong mayroon? Parang nagmamadali ata siya. Nang muling pumasok ang kasambahay ay may bitbit na itong malaking kahon. "Ate, ano po 'yan?" Nagtatakang tanong ko. "Ma'am, para po sa inyo..." "Huh?" Napakunot ang noo ko. "Para sa’kin?" ulit ko, tila hindi makapaniwala. Tumango ang kasambahay. “Opo, Ma’am. Kakahatid lang po. May nagpadala.” Mas lalo akong naguluhan. “Sino daw ang nagpadala?” tanong ko agad. Umiling siya. “Hindi po sinabi. Iniwan lang po sa gate.” Sandali akong napatitig sa kahon. Malaki iyon. Maayos ang pagkakabalot. Halatang hindi basta-basta lang. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba na agad ang sumikip sa dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit. “Ate, buksan niyo po,” sabi ko,
"BUMALIK ka na sa akin. Ituloy natin ang kasal..." Pinakatitigan ko si Calvin. Kita ko ang malalalim na eyebags niya, ang pamumutla ng balat, at ang mga matang halatang ilang gabing hindi nakatulog. Hindi ito ang Calvin na sanay akong makita. Malakas, kontrolado, siguradong-sigurado sa sarili. Ngayon, para siyang takot mawalan. "Ganun na lang ‘yon?" mahina pero matalim kong tanong. "Babalik ako… tapos tuloy na agad ang kasal?" Hindi siya umimik. Tumitig lang siya sa akin, parang hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin. Tumayo ako, saka dahan-dahang lumapit sa kanya. "Calvin, hindi ito simpleng away lang," dagdag ko. "May mga kasinungalingan. May mga bagay na tinago. At higit sa lahat, nasaktan ako." Napalunok siya. "Alam ko," paos niyang sagot. "At hindi sapat ang sorry para burahin ‘yon. Pero… gusto kong itama lahat. Simulan ulit natin." Napailing ako. "Hindi gano’n kadali." Lumapit siya ng isang hakbang. "Hindi ko sinasabing madali," sagot niya. "Pero handa akon
NANLAKI ang mga mata ko habang nakatitig sa papel na ibinigay ni Calvin. "DNA test 'yan namin ng dinadala ni Samantha." Parang biglang umingay ang paligid ko kahit wala namang ibang tunog. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa hawak kong dokumento. Nanginginig ang mga daliri ko habang binabasa ang bawat detalye. At doon, nakasaad nang malinaw. Negative. Hindi tugma. Hindi si Calvin ang ama. "Hi—hindi…" napailing ako, napaatras ng isang hakbang habang nakatitig sa papel. "Hindi ikaw…?" "Oo," putol niya, pero puno ng bigat ang boses. "Hindi akin ang bata." Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa sobrang gulat. "Pero… bakit gano’n ang sinabi niya? Bakit niya ipinilit na ikaw ang ama?" halos pabulong kong tanong. Mariing napapikit si Calvin, saka hinagod ang mukha niya na tila ba pagod na pagod na. "Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niyang gawin, Elisa. Pero malinaw na sa akin ngayon ginagamit niya ‘yon para sirain tayo."
DALAWANG araw ang lumipas, hindi na nagpakita si Calvin sa akin. Hindi na siya muling pumunta kina Giselle. Wala rin akong balita sa kanya. Nami-miss ko rin siya. Napabuntong-hininga ako. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang galit ko sa kanya o ang pananabik ko na makita siya ulit. "Ano ba ‘yan, Elisa…" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatitig sa kawalan. Hinaplos ko ang tiyan ko, parang doon ko kinukuha ang lakas na unti-unti kong nawawala. "Kaya natin ‘to, baby… kahit wala siya," pilit kong pinatatag ang boses ko, kahit ako mismo hindi kumbinsido. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako at bumungad si Giselle, may hawak na isang tasa ng gatas. "Kanina ka pa tahimik ah," ani niya habang lumalapit at iniabot sa akin ang inumin. "Iniisip mo na naman siya, no?" Hindi agad ako sumagot. Tinanggap ko ang tasa at uminom muna bago marahang tumango. "Dalawang araw na, Giselle… kahit isang mensahe, wala. Hindi ko alam kung ano na bang
TATLONG araw ang lumipas, wala akong natatanggap na mga tawag o mensahe galing kina Samantha at Calvin. "Mukhang tumigil na ata si Samantha. Wala na akong naririnig na mga panggugulo niya," wika ni Giselle. Nasa garden kami at nagpapa-araw. Karga niya ang kanyang anak na bunso. "Kaya nga maganda ang tulog ko. Walang nanggugulo ng katahimikan ko." Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa malayo, pinapakinggan ang huni ng mga ibon sa garden. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, parang mas magaan ang hangin. “Ang tahimik…” mahina kong sabi, halos sa sarili ko lang. Tumango si Giselle habang hinihimas ang likod ng kanyang anak na nakadantay sa balikat niya. “Oo. Pero alam mo, Elisa… minsan ‘yang katahimikan, hindi laging ibig sabihin okay na ang lahat.” Natigilan ako sandali. Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Baka nag-aantay lang. Baka nagpapalamig lang ng sitwasyon. You know Samantha, hindi siya yung tipo na
MABILIS ang lakad ko na lumabas ng ospital. Hindi ako makakapayag na basta na lamang umalis si Giselle at iwanan na lang ako. Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Bakit sila umalis nang hindi nagpapaalam? Kinuha ko ang phone ko at nai-dial ko sa number ni Daddy. "Dad, na-discharged si Giselle kagab
NAPAPIKIT si Giselle at napahawak sa tiyan niya, para bang pilit niyang pinipigil ang emosyon. “Kung mahal mo talaga ako, sana noon pa. Sana hindi mo ako pinili bilang pangalawa sa lahat ng desisyon mo, Adrian.” Parang huminto ang paligid. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Alam kong may
Giselle’s POV NANG makalabas ng kuwarto ko si Adrian, doon ko lang ibinuhos ang malakas kong iyak. Humagulhol ako. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit ng kalooban ko. Pero biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang nurse na nagbabantay sa akin. "Ma'am, bawal po sa inyo ang umiyak at ma-st
UMUWI na kami at hindi ko na pinilit pa na makita si Giselle. Naiwan naman sa ospital sina Tita Gigi at Eliza. Kumuha rin si Daddy ng private nurse na magbabantay sa aking mag-ina. Binigyan ko si Giselle ng pagkakataon na makapagpahinga sa ngayon. Pero bukas babalik ako. Gusto ko siyang makausap,







