LOGINTULIRO na ang utak ko. Hindi ko alam paano at saan ako pupunta para hanapin si Elisa. Babalik ako kina Adrian at Giselle. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko na iniisip kung saan ako dadaan. Basta ang alam ko, kailangan kong makabalik agad. Pagdating ko sa mansyon, halos patakbo akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay ang guard na pagbuksan ako. Dire-diretso akong pumasok. "Adrian!" sigaw ko agad. Lumabas siya mula sa sala, kasunod si Giselle na halatang nagulat sa itsura ko. "Pare, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Adrian, nag-aalala. "Hindi siya pwedeng mawala na lang ng ganon!" halos pasigaw kong sagot. "May sinabi ba si Elisa, Giselle? Kahit ano kahit maliit na detalye lang!" Nagkatinginan sina Adrian at Giselle. "Calvin..." mahina ngunit seryosong sambit ni Giselle. "Wala siyang nabanggit sa akin. Nagpaalam siya na gusto muna niyang magpakalayo-layo sayo, Calvi
"AASA ka pa rin na babalikan ka ni Elisa?" tanong ni Gladys na hindi ko nagustuhan. "Pinapayagan na kayo na tumira dito sa mansyon kahit na wala naman kayong ambag sa buhay ni Elisa, pagkatapos ganito pa ang sasabihin ninyo!" Natigilan si Gladys sa sinabi ko. Halatang nagulat siya, pero mabilis din siyang ngumisi na parang hindi pa rin siya apektado. “Wow… masama ba ang sinabi ko? Eh totoo naman, ‘di ba?” malamig niyang sagot. Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Ramdam ko ang init sa dibdib ko, pero pinipilit kong huwag sumabog. “Hindi ninyo alam kung ano ang pinagdaanan ko,” mariin kong sabi. “Hindi ninyo alam kung bakit siya umalis.” Saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. “Kung mahal mo talaga siya, hindi mo siya hahayaang lumayo ng ganito," dugtong pa ni Gladys Mas lalong sumakit ang sinabi niya. "Hindi ko siya hinayaang makalayo sa akin. Nasaktan ko siya kaya niya ako iniwan..." tugon ko. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Napayuko ako matapos kong aminin
MALUNGKOT na nakatingin sa akin si Adrian. Tinatanaw ko na lang ang likod ni Elisa na palabas ng mansyon ng kaibigan ko. "I'm sorry, pare. Hindi ko napigilan si Elisa na umalis," sabi ni Adrian. Napabuntong-hininga ako. Pinipigilan ko ang sarili kong emosyon. Babagsak na ang luha ko pero tinatapangan ko pa rin ang loob ko. "Deserve ko ang maiwan. Kasalanan ko ang lahat. Nalulungkot ako para sa anak namin." Napalunok ako matapos masabi iyon. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko, hindi dahil iniwan ako ni Elisa. Kundi dahil alam kong ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo. "Pare…" mahinang tawag ni Adrian. Hindi ako tumingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa pintuan na kinalabasan ni Elisa, umaasang kahit sandali, babalik siya. Kahit isang sulyap lang o kahit galit, tatanggapin ko. Pero walang bumalik. "Calvin, hindi pa huli ang lahat," dagdag ni Adrian. "Pwede mo pa siyang habulin." Napailing ako. "Hindi ko siya dapat pilitin. Kung gusto niya talagang umalis… kail
NAGISING ako na nasa kuwarto ko na ako. Napabangon at biglang kumirot ang ulo ko.ay hang-over pa 'ko dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi. Hindi ko na malaman kung sino ang naghatid sa akin pauwi. Sa sobrang dami kong nainom, wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay kasama ko si Adrian. Baka nga ang kaibigan ko ang naghatid sa akin pauwi. Napalingon ako sa gawi ng pinto nang bumukas iyon. "Maigi naman at nagising ka na, Calvin. Anong oras na? Lasing na lasing ka kagabi. Halos hindi ka na makatayo ng tuwid," sabi ni Mommy. Napakurap ako at napahawak sa sentido ko. “Mom… sino po ang naghatid sa akin?” paos kong tanong, ramdam pa rin ang sakit ng ulo ko. Sandaling natigilan si Mommy bago siya sumagot. “Pinsan ni Elisa… si Gladys.” Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa akin. “G-Gladys?” ulit ko, hindi makapaniwala. Tumango siya. “Oo. Siya ang nagdala sa’yo rito. Halos buhat-buhat ka na nga niya kagabi. Buti na lang at nakilala ka niya sa bar. Kung hindi, baka k
NILAPITAN ako ni Mommy. Hinawakan ako sa balikat. "Son, let's go home..." aya niyang sabi. Hindi ako agad kumilos. Nakatayo lang ako sa harap ng altar, suot ang barong, habang nakatitig sa pintuan ng simbahan. Umaasang anumang oras, bubukas iyon at papasok si Elisa… suot ang puting bestida, dala ang pangakong ako pa rin ang pinili niya. "Mom… sandali lang," mahina kong sabi. Tiningnan niya ang relo sa kanyang pulso, halatang kinakabahan na rin. "Calvin, it’s been an hour." Isang oras. Isang oras na pala akong nakatayo rito, paulit-ulit na niloloko ang sarili ko na darating pa siya. Unti-unti nang nag-uusap-usap ang mga bisita. May ilan nang tumatayo, may mga bulungan, may mga matang nakatingin sa akin, punong-puno ng awa. Mas masakit pa ’yon kaysa galit. "She’s not coming…" marahan ngunit siguradong sabi ni Mommy. Parang may bumagsak sa dibdib ko. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng labi ko. "Darating siya, Ma," matigas kong sabi, kahit ako mism
NAPATITIG ako kay Elisa. Pigil na pigil ko ang aking paghinga. Gusto kong marinig ang magiging sagot niya kung papayag pa rin siyang magpakasal sa akin. "C-Calvin..." sambit niya sa pangalan ko. "Will you still marry me? Elisa, alam kong nagkamali ako sa'yo. I will not demand you to forgive me that fast. But I want you to marry me. Tatanggapin ko ang lahat ng cold treatment mo sa akin," mahabang litanya ko, hindi ko alam na tumutulo na ang mga luha ko sa mata. "Please..." Napatitig si Elisa sa akin. Tahimik. Walang galaw. Para bang tinitimbang niya ang bawat salitang binitiwan ko. Humugot siya ng malalim na hininga bago marahang umiling. “Calvin…” mahina niyang ulit, pero mas buo na ang boses niya ngayon. “Hindi ganon kadali.” Parang may kumuyom sa dibdib ko. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagalit. Pero mas masakit ‘yon. Yung kalmadong pagtanggi niya. “Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo?” tanong niya, diretsong nakatingin sa mga mata ko. “Araw-araw kong iniisip kung
"GOODNIGHT, Elisa..." sabi ni Calvin. Inihatid niya ako sa apartment ko. Hawak ko ang bouquet ng bulaklak na bigay niya. Tinanguan ko siya. Napasinghap ako nang dumapo ang labi niya sa labi ko. "Aalis na ako. I'll see you on the office..." paalam niya nang makalayo ang mukha sa akin. Napatulala
IYONG kanina na sabi niyang lunch kami ay hindi natuloy. Magkasama sina Andrea at Calvin. Hindi niya sinabi sa akin kung saan sila pupunta. Dahil sa gutom at inis ko ay bumaba na lang ako sa cafeteria. Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong na ako ng amoy ng ulam at ingay ng mga empleyado. Parang
"IS your boss inside his office?" Napaangat ang tingin ko babaeng nasa aking harapan at napabaling ng tingin sa kasama nito. Maganda ang babae pero nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. Sexy din ang suot nito na medyo may pagkarevealling. Para tuloy akong nag-alangan sa kaniya.
GUSTO sana ni Calvin na sa apartment ko siya matulog pero hindi ko na muna siya pinayagan. Sumasagi sa isip ko kung paano parang nalaglag ang kanyang balikat. Tinitignan ko lang ang kanyang likod na naglalakad palayo sa akin. Nang maisarado ko ang pinto ay muli na namang akong napaluha. Kung kaila







