LOGIN"UMUWI ka na sa mansyon. Doon natin ayusin ang lahat." Ang pakiusap ni Calvin. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papalapit sa kama. "Hindi mo naiintindihan. Hindi ako matatahimik. May gusto akong malaman. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan." Natigilan siya sa sinabi ko. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan na sumunod. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatitig siya sa likod ko. Parang sinusubukang basahin kung seryoso ba ako sa mga salitang binitiwan ko. “Hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?” mahina niyang ulit, parang hindi makapaniwala. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. “Calvin…” huminga ako nang malalim bago humarap sa kanya. “Hindi mo ba nakikita? Parang bawat araw may bago akong nalalaman. Tapos bigla na lang lilitaw si Samantha na parang… may alam siya sa mga bagay na ako mismo walang alam mo.” Nag-iwas siya ng tingin saglit. Isang segundo lang, pero sapat para lalo akong kabahan. “Wala siyang alam na to
NATAHIMIK ako. Kinakapa ko ang sarili ko. Handa na nga ba ako sa mga maririnig kong rebelasyon galing kay Samantha? Malaki ang tiwala ko kay Calvin. Mahal ko siya. Pero binabagabag ako ng mga nangyari sa kanila ni Samantha. Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi niya sa akin at alin ang panibagong kasinungalingan. Huminga ako nang malalim, pero parang hindi pa rin sapat para pakalmahin ang dibdib kong tila pinipiga. "Dumito ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpapaliwanag kay Adrian ng mga nangyayari. Si Calvin, alam natin na hahanapin ka niya." Hindi na ako sumagot. Gulong-gulo ang isip ko. "Ang maigi pa siguro, Elisa, kumain na muna tayo. Pagkatapos ay magpahinga ka sa dating kuwarto mo. May naiwan ka pang mga damit doon. Tingnan mo kung kasya pa para makapagpalit ka muna." Napangiti ako kay Giselle. Ang swerte ko sa kaibigan. Pasalamat pa rin na may isang Giselle sa buhay ko. "Si Tita Gigi pala?" hanap ko sa Mama ng kaibigan ko. "Nagbakasyon. Pumunta
"HINTAYIN natin si Adrian para may makakasama tayo..." suhestiyon ni Giselle. "Pero baka kasi malaman ni Calvin." Tugon ko. "Hindi puwede na mag-isa ka lang haharapin si Samantha. Isipin mo ns buntis ka. Paano kung may mangyari sa baby mo? Kahit anong gawin natin malalaman pa rin ni Adrian..." Napaisip ako. "Hindi ko rin naman gustong ilagay ang sarili ko sa panganib…" mahinang sagot ko, sabay hawak sa tiyan ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas. Huminga nang malalim si Giselle. “Kaya nga si Adrian ang kailangan natin, Elisa. Hindi lang ito tungkol sa’yo. Kung talagang haharap ka na kay Samantha, kailangan mong may kasama ka.” Napakagat ako sa labi ko. Alam kong may punto siya, pero ang takot ko kay Calvin ay parang nakasabit pa rin sa dibdib ko. Hindi ako basta-basta makakagalaw kapag alam kong magagalit siya. “Alam mo naman si Calvin…” mahina kong sabi. “Alam ko,” agad niyang putol. “Pero hindi ka niya mapoprotektahan kung ikaw mismo ang nasa peligro na.” Doon ako nata
PAGKARATING ko sa mansyon. Hawak ni Giselle ang kamay ko habang umiiyak. Dahan-dahan niya akong iniupo sa kama. “Shh… tahan na, Elisa,” mahinahon niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko. “Hindi makakabuti sa’yo ‘to… lalo na kay baby.” Napayakap ako sa kanya, parang batang nawalan ng lakas. “Hindi ko na alam, Giselle…” umiiyak kong sabi. “Parang gumuho lahat… ang bilis…” Hinaplos niya ang likod ko. “Normal lang ‘yan. Ang dami mong nalaman sa isang iglap.” Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko. “May anak daw si Samantha…” nanginginig kong ulit. “At hindi pa sigurado si Calvin kung kanya…” Napapikit si Giselle, parang pinipigilan ang sariling reaksyon. “Grabe…” bulong niya. “Ang bigat nga niyan, Elisa.” “Paano kung totoo?” napatingin ako sa kanya. “Paano kung may ibang pamilya na siyang dapat panagutan?” “Eh paano ka?” diretso niyang sagot. “At ‘yang dinadala mo?” Napahawak ako sa tiyan ko. “Hindi ko kayang makipag-agawan, Giselle…” mahina kong sabi. “Ay
NAPAHAWAK ako sa aking tiyan. Parang hindi ko na kaya ang mga sumusunod na sasabihin niya sa akin. "Calvin, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Kung ikaw o si Samantha..." Napatitig si Calvin sa akin, saka bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa tiyan ko. “Elisa…” mahina niyang tawag, parang biglang nagbago ang tono niya. “Ang hirap paniwalaan ang lahat ng sasabihin. Pakiramdam ko nagsisinungaling ka na sa akin," ulit ko, halos mabasag ang boses. Lumapit siya, pero umatras ako ng isang hakbang. “Please… huwag muna,” bulong ko. Natigilan siya. “Sabihin mo na lang ang totoo. Kahit masakit. Kahit… masira pa lahat,” dugtong ko. Napapikit siya sandali, saka dahan-dahang huminga. “May anak si Samantha…” sabi niya. Parang tumigil ang mundo ko. “A-Anak?” halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Tumango siya, pero hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso. “Pero hindi ko sigurado kung akin,” mabilis niyang dagdag. Parang may sumabog sa dibdib ko. “Ano?
"ELISA, okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Giselle. "O-Oo naman..." sagot ko na parang alanganin. Umalis na muna ako sa mansyon. Dinalaw si Giselle at ang mga inaanak ko. "Sure ka ba? Kasi pakiramdam ko hindi ka okay... kilala kita. Kaibigan kita, noon pa magkasama tayong dalawa. Napayuko ako at napahawak sa baso ng juice na nasa harapan ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Giselle. "Okay lang talaga ako..." pilit kong ulit, pero mahina na ang boses ko. Hindi siya nagsalita agad. Ramdam ko ang titig niya sa akin, parang binabasa ang bawat galaw ko. "Elisa…" marahan niyang tawag, mas lumambot ang boses. “Hindi ka marunong magsinungaling sa akin.” Napapikit ako sandali. Parang doon na rin bumigay ang pinipigilan ko. "Di ba, buntis ako, Giselle…" bulong ko. Nanlaki ang mga mata niya. “What? Elisa—” “Kay Calvin,” mabilis kong dugtong, halos pabulong pa rin. Bigla siyang napatayo sa gulat. “Oh my God… Elisa, seryoso ka ba?” Tumango ako, saka napakagat sa labi
NAGHINTAY ako sa pagbabalik ni Adrian sa apartment. Pero wala. Hindi siya dumating. Pumasok na si Mama sa hotel. Naiwan kami ni Eliza sa apartment. Maigi nga at andito ang kaibigan ko, may nakakasama ako. Nakatanaw ako sa labas at nakaupo sa harapan ng bintana. "Giselle, labas tayo..." aya sa aki
UMUWI kami sa mansyon na bigong makausap si Giselle. Nabigla lang siguro siya kaya hindi niya ako hinarap. "Hayaan mo na muna siya, son. Baka sa susunod na magkaharap kayo ay magkakausap na kayo ni Giselle," sabi ni Daddy. Marahas akong napabuga ng hangin. “Sana nga, Dad,” mahina kong sagot, pili
PARANG may kumalampag sa dibdib ko. “What do you mean you don’t know?” Siyempre, umaasa ako na sasabihin niya na mahal pa rin niya ako. “I mean…” Itinaas niya ang tingin na diretso sa akin, pero puno ng takot at pagod. “Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba ’yon, o trauma na lang. Hindi ko alam kun
SANDALI kaming nagkatitigan ni Giselle. Siya ang unang nagbawi ng tingin at napatikhim naman ako. Palihim akong napangiti. Ngumiti siya nang mas bukas ngayon, at sa simpleng ngiti na iyon, ramdam ko na may pag-asa pa akong hihintayin. “Okay lang,” malambing niyang wika na pumayag na samahan siy







