MasukNatalia Camille Sarmiento
Kahit sira ang aircon ng lumang van na sinasakyan ko at umuugong ang makina sa kahabaan ng biyahe, hindi ko ramdam ang lamig o pagod. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.
Hawak-hawak ko ang urn ng tatay ko sa aking kandungan. Sa tabi nito, tahimik na nakapatong ang kamay ko sa aking tiyan.
Ilang oras na ang nakalipas mula nang tumakas kami sa ospital. Sa mga sandaling ito, naiisip ko kung narating na ba ni Sebastian ang condominium namin. Nahanap na kaya niya ang p***o? Naalala kaya niyang kuhanin ang susi sa ilalim ng paso kung saan namin ito palaging itinatago?
At ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang wala na ako roon?
__________
Sebastian Rafael Araneta POV
Mabigat ang mga hakbang ko habang binabagtas ang hallway ng Araneta Tower. Hinihilot ko ang akin mismong batok sa sobrang pagod. Tatlong araw. Tatlong mahabang araw na tuloy-tuloy na negotiation at emergency board meetings nang walang maayos na tulog.
Mula nang magsimula ang confidential meeting kasama ang mga international investors noong gabi ng anniversary gala, napilitan akong i-silent at itago sa briefcase ang personal phone ko. Bawal ang anumang distraction. Ang deal na 'to ang tanging alas ko para tuluyang makuha ang buong kontrol sa kumpanya—para wala nang masabi ang Mama sa akin, para hindi na niya muling maipahiya si Natalia.
Nang sa wakas ay matapos ang signing kaninang madaling araw, agad kong inabot ang cellphone ko.
Lumingon ako sa screen habang papunta sa parking lot. Kumunot ang noo ko.
Over twenty missed calls. Dozens of unread text messages and Viber alerts.
Lahat galing kay Natalia.
“Seb, emergency. Si Tatay na-stroke. Kailangan ng 500k para sa operasyon ngayon din. Please tumawag ka agad.”
Nabitawan ko halos ang folder na hawak ko. Parang pinalo ng bakal ang ulo ko. Agad kong pinindot ang number ni Natalia para tawagan siya pabalik.
The subscriber is cannot be reached. Please try again later.
"Dammit! Lia, answer your phone!" nanginginig kong mura habang mabilis na sumasakay sa aking sasakyan.
Tinawagan ko ang penthouse condo namin. Walang sumasagot. Tinawagan ko rin ang probinsya, pero patay ang linya. Bago ko pa man maapakan ang gas para umuwi, biglang bumukas ang p***o ng kotse ko.
Pumasok ang Mama ko, kasama si Atty. Delo. Malamig at seryoso ang mukha niya.
"Sebastian," maawtoridad niyang saad. "Mabuti at natapos din ang meeting mo. Kailangan natin mag-usap tungkol sa babaeng 'yan."
"Ma, hindi ngayon!" sigaw ko, ubos na ang pasensya ko. "Na-stroke ang tatay ni Natalia! Kailangan niya ako! Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?!"
"Dahil wala na siyang pakialam sa 'yo, Sebastian!" sigaw pabalik ni Donya Hortencia.
Inihagis ni Atty. Delo ang isang manila envelope sa kandungan ko.
"Ano 'to?" galit kong tanong.
"Ang Deed of Voluntary Separation na pinirmahan ng asawa mo dalawang araw ang nakakalipas," malamig na sagot ng Mama. "Habang abala ka sa pakikipaglaban para sa kumpanya, pinalitan ka ng asawa mo kapalit ng isang milyong piso. Kinuha niya ang tseke para sa ama niya at para sa sarili niya, pagkatapos ay pumirma siya na lalayo na siya sa 'yo nang tuluyan. Pinagpalit ka niya sa pera, Sebastian. Pera lang ang habol niya sa 'yo mula pa noong una."
Tinitigan ko ang pirma sa ibaba ng papel. Sulat-kamay nga iyon ni Natalia. Nanginginig ang mga linya, may bahid pa ng natuyong tubig na pumatak sa papel.
Hindi. Hindi gagawin 'to ni Natalia. Kilala ko ang asawa ko. Kami ang magkasama noong wala pa akong kahit ano. Hindi siya pera-pera lang.
"Nagsisinungaling kayo," pabulong kong sabi, pilit na pinipigil ang galit. "Kilala ko si Natalia."
"Ang katotohanan ay nasa harap mo na, Mr. Araneta," dagdag ni Atty. Delo. "Umalis na siya ng lungsod matapos niyang makuha ang pera."
Pinaandar ko ang kotse nang walang paalam. Pinagpawisan ako nang malamig habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan patungo sa condo namin. Nagmamadali akong umakyat sa elevator, nanginginig ang mga daliri habang inilalagay ang passcode sa p***o.
Beep. Beep. Beep. Click.
Bumukas ang p***o.
"Lia?" tawag ko.
Malamig. Tahimik. Ang hanging sumalubong sa akin ay walang amoy ng paborito niyang niluluto. Nakatupi nang maayos ang kumot sa kama. Malinis ang kusina.
Bukas ang p***o ng aparador. Paglabag ko roon, halos wala nang laman. Wala na ang mga damit niya. Wala na ang simpleng mga gamit na dinala niya mula sa probinsya.
"Lia! Nasaan ka?!" humahagulgol kong sigaw sa bakanteng kwarto.
Gusto kong sumabog sa galit at pighati. Napahawak ako sa p***o ng walk-in closet, napasandal at dahan-dahang napaupo sa sahig. Paanong nangyari 'to? Paano kami humantong sa ganito nang dahil lang sa tatlong araw na wala ako?
Habang desperadong naghahanap ang kamay ko sa ilalim ng cabinet para sa kahit anong bakas na naiwan niya, may nasagi ang daliri ko. Isang maliit na pambabaeng paper bag mula sa isang kilalang pharmacy.
Mabilis ko itong hinila.
Sa loob nito, may tatlong bagay na nagpapatigil sa tibok ng puso ko:
Isang positive pregnancy test strip na may dalawang malinaw na pulang linya.
Isang bote ng prenatal vitamins.
At isang ultrasound appointment slip mula sa OB-GYN clinic sa tabi ng ospital.
Sa gilid ng appointment slip, may maliit at pamilyar na sulat-kamay gamit ang kulay rosas na panulat:
"Hi Daddy, surprise!"
Nanlamig ang buo kong katawan. Ang mga mata ko ay napatitig sa mga salitang iyon habang paulit-ulit itong nagpa-flash sa utak ko.
Buntis siya. Buntis ang asawa ko.
Naisip niya bang pabalik na ako para ibabalita niya 'to sa akin? Naisip niya bang sorpresa 'to para sa akin bago nangyari ang lahat ng 'to? At sa mga oras na kailangan niya ako—nang nag-iisa siya, nang nagdadalamhati siya, at nang nanganganib ang buhay ng ama niya—wala ako sa tabi niya.
Napahawak ako sa aking ulo. Bumuhos ang matinding pagsisisi na parang lason na lumalatay sa buo kong katawan. Napaluhod ako sa malamig na semento ng kwarto at napasigaw sa gitna ng aking pag-iisa.
"No... No, Lia! God, please no!"
Tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng condo. Hindi ko na ginamit ang elevator, binalewala ko ang mga taong nakatingin sa akin habang mabilis akong bumababa sa hagdanan.
Nakarating ako sa labas ng building. Hindi ko pinansin ang malakas na buhos ng ulan na agad na pumalit sa init ng katawan ko. Nabasa ang tuxedo ko, lumabo ang paningin ko sa halo-halong tubig-ulan at luha.
Tumingin ako sa madilim at walang katapusang kalye, napaluhod sa basang kalsada at sumigaw nang buong lakas:
"NATALIA!"
Pero walang sumagot kundi ang dagundong ng kulog at ang buhos ng ulan. Wala na ang babaeng ipinaglaban ko. Wala na ang taong nagbigay sa akin ng tahanan.
Napayuko ako sa basang kalsada habang nanginginig ang buo kong katawan sa gitna ng dilim.
"Where are you... and our baby?"
Natalia Camille SarmientoKahit sira ang aircon ng lumang van na sinasakyan ko at umuugong ang makina sa kahabaan ng biyahe, hindi ko ramdam ang lamig o pagod. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.Hawak-hawak ko ang urn ng tatay ko sa aking kandungan. Sa tabi nito, tahimik na nakapatong ang kamay ko sa aking tiyan.Ilang oras na ang nakalipas mula nang tumakas kami sa ospital. Sa mga sandaling ito, naiisip ko kung narating na ba ni Sebastian ang condominium namin. Nahanap na kaya niya ang pinto? Naalala kaya niyang kuhanin ang susi sa ilalim ng paso kung saan namin ito palaging itinatago?At ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang wala na ako roon?__________Sebastian Rafael Araneta POVMabigat ang mga hakbang ko habang binabagtas ang hallway ng Araneta Tower. Hinihilot ko ang akin mismong batok sa sobrang pagod. Tatlong araw. Tatlong mahabang araw na tuloy-tuloy na negotiation at emergency board meetings nang walang maayos na
Natalia Camille SarmientoPara akong lumalakad sa ilalim ng tubig. Mabigat ang bawat hakbang, puyat ang mga mata, at tuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak.Nakatayo ako sa may administration window ng punerarya para ayusin ang death certificate at mga billing statement ni Tatay. Hawak-hawak ko ang panulat, pero kahit anong pilit ko, hindi ko maigalaw ang kamay ko para isulat ang pangalan niya sa release form."Kaya niyo po ba, Ma'am?" tanong ng staff sa counter, may halong awa ang tingin sa akin. "Gusto niyo po bang maupo muna?"Umiling ako nang mahina. "O-Opo... kaya ko."Pero biglang uminog ang buong paligid. Ang puting ilaw ng fluorescent sa kisame ay naging malabong bilog. Nagdilim ang gilid ng paningin ko, dumoble ang tunog ng boses ng tao, at bago ko pa man maitaas ang kamay ko para humawak sa counter—tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga binti ko.Bumagsak ako sa malamig na semento.Paggising ko, amoy ng alcohol at dextrose ang sumalubong sa akin. Naalala ko agad kung nasaan ako
Natalia Camille SarmientoNapakatahimik ng ICU Recovery Room, liban sa paulit-ulit na tunog ng cardiac monitor na nagpapatunay na humihinga pa ang tatay ko.Beep. Beep. Beep.Naupo ako sa tabi ng kama, hawak-hawak ang malamig at magaspang niyang kamay. Dikit-dikit ang mga dextrose at tubo sa katawan niya, pero matapos ang limang mahabang oras ng emergency brain surgery, sinabi ng doktor na matagumpay ang operasyon.Huminga ako nang malalim habang pumapatak ang luha ko sa kumot niya.Naitawid ko ang buhay ng tatay ko. Ligtas siya.Dahan-dahan kong iniyuko ang ulo ko sa gilid ng kama niya. Sa kabila ng matinding pagod at pag-aalala, may pait pa ring nakasaksak sa dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Mula kagabi, wala pa ring ni isang tawag o text mula kay Sebastian.Ipinagpalit ko ang dignidad ko, ang kasal ko, at ang buong hinaharap ko kay Donya Hortencia kapalit ng buhay ng tatay ko. At ang lalaking pinagkakatiwalaan ko nang buong puso? Ni hindi man lang nalaman na nasa pan
Natalia Camille SarmientoNakatayo ako sa maingay at malamig na hallway ng ospital sa probinsya, habang amoy ng disinfectant at takot ang gumigising sa diwa ko. Tumatagaktak ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga nars na mabilis na nagtutulak ng stretcher ng tatay ko papasok sa emergency room.₱500,000.Iyon ang numerong paulit-ulit na pumapasok sa utak ko. Kalahating milyon para lang mabuksan ang ulo ni Tatay at mailigtas ang buhay niya. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera sa gitna ng hatinggabi?Rineregister ng nanginginig kong mga daliri ang numero ni Sebastian. Pinalabas ko agad ang call screen.Dialing: Seb..."Please, Seb... sagutin mo. Jebal, sumagot ka," pabulong kong panalangin habang nakadikit ang phone sa tainga ko.Isang ring. Dalawang ring. Tatlong ring.The subscriber is cannot be reached. Please try again later.Mabilis kong pinalitan ang application at nag-message ako sa kanya sa Viber, sa Messenger, at kahit sa text.Seb, emergency. Si Tatay na-stroke. Kailanga
Natalia Camille SarmientoNakatayo ako sa gilid ng napakalaking ballroom ng Grand Hyatt, hawak ang isang baso ng apple juice na kanina ko pa pinalalamig sa mga kamay ko. Sa paligid ko, malalakas ang tunog ng mga basong nag-uumpugan, ang halakhak ng mga taong nakadamit ng mamahaling sutla, at ang malamig na simoy ng aircon na tila sumusuot hanggang sa mga buto ko.Ito ang 30th Anniversary Gala ng Araneta Holdings. At ako? Ako ang lihim na asawa ng tagapagmana nila.Pinagmasdan ko si Sebastian mula sa malayo. Nakasuot siya ng tailored black tuxedo na lalong nagpalitaw sa tindig at kasipagan niyang magtrabaho. Nakikipag-usap siya sa ilang international investors, may ngiti sa mga labi na sanay na sanay sa mundong ito.Biglang bumalik sa isip ko ang limang taon nang nakararaan.Noong mga iskolar pa lang kami sa UP, walang Araneta Corp na nakatayo sa pagitan naming dalawa. Sa isang maliit at maalikabok na apartment sa Krus na Ligas, naghahati kami sa iisang mangkok ng instant noodles tuwin







