Share

CHAPTER 4

Hindi mapalagay si Martin habang nasa terrace at parang warden sa loob ng kanilang bakuran habang hinihintay ang tawag o pagdating ng kotse ni Scarlet.

“Mart, halika na. Matulog na tayo,” aya ni Badeth sa kanya.

“Mahal…” Hinila niya ang kamay ng asawa at niyakap sa likuran ang asawa. Pareho silang humarap sa bakuran at pinagmasdan ito sa taas. Nakatatlong anak sila na lalaki sa kahahabol ng babae ngunit sa pang-apat na pagbubuntis ni Badeth at kung kailan babae na ay nakunan pa siya. “Ganito pala ang pakiramdam nang may anak na babae. Hindi natin tunay na anak si Scarlet ha!”

“OO, at kung mag-alala ka ay daig mo pa ang tunay na ama.”

“Hindi ko nga alam kung ano bang pinagkakaabalahan niya these days. Palagi siyang busy sa trabaho at palaging nag-o-overtime. Minsan ay uuwi ng bahay na nakainom. Suwerte mo na lang kung walang tatawag sa atin para sunduin siya sa club o sa presinto dahil nagkaroon ng trouble.”

“She is worse than our boys.” Napahagikhik ang mag-asawa.

Napalaking maayos ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak. Kasalukuyang nasa pulisya ang kanilang panganay na si Jelo. Si Migs at DM ay nasa malapit na ring magtapos.

Malayo pa lang ay rinig na nila ang sunud-sunod na busina ng kotse kaya nagtahulan ang mga aso sa kanilang kalye. Nagkatinginan ang mag-asawa at napatakbo ang tatlong magkakapatid sa kuwarto ng kanilang magulang. Alam nila kung saan sila kasalukuyang nakapuwesto. Nagkatinginan na lang silang lahat.

“Sa langit let’s have some beer! Sa impiyerno maraming cheers! Wohoo!” Napapikit si Badeth sa sobrang hiya sa mga kapitbahay. Nagbukas na ng ilaw ang iba at tiyak na may kasunod pang sigaw iyon.

“Uy, magpatulog kayo kung ayaw ninyong matulog!” Susuray-suray si Scarlet.

“OMG, lasing na lasing ka Iha!”

“Hello there, NInang Badetski! Pashenshiya na poh!” Ngingisi-ngisi pa ang dalaga.

Mabilis kumilos ang mga anak niyang lalaki at ang bunso ay nagpainit na ng tubig sa electric kettle. Kumuha na ng maliit na plangganita at bimpo ang pangalawa. Ready na ang black coffee for Scarlet. Nakahalukipkip si Badeth habang inayos pa ni martin ang upuan para sa inaanak.

Inalalayan pa niya ang dalaga papasok ng sala dahil sa sobrang kalasingan ay bumibirit pa siya ng kanta.

“Wow, lasing na lasing na naman si Scarlet O’hara. Hay naku, mabuti naman at nakauwi ka pa ng buo at buhay.”

“I drive my wheels fast just to come on time, Ninang. Scarlet is not Cinderella. I don’t go home by midnight.”

“OO, hindi ka nga si Cinderella pero mapagkakamalan kang prostitute riyan sa kalye natin sa ayos mo.” Tinalikuran ni Badet ang babae.

“Huwag na po kayong mag-alala, Ninang. Kapag nag-asawa po ako, hindi na ninyo ako makikita.”

“WHAT?” Lahat ay nagulantang sa sinabi niya. Maging si Jelo ay nawala sa sarili ay umapaw ang mug ng mainit na tubig at napaso tuloy siya.

“Aray!” Naipagpag niya ang kanyang daliri.

“Ganda mo, Scarlet. Mabuti ay may pumatol pa sa pagiging lasengera mo. Hay naku, Martin! Ikaw na ang kumausap diyan sa inaanak mo. Kayo riyan, anong balak ninyo?” Hawak ni DM ang bimpo. Hinahalo na ni Jelo ang kape. Iniwan nilang lahat ang kanilang ginagawa at isa-isang pumasok sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa halip na pumasok sa loob ng kuwarto ng mag-asawa ay binalikan ni Badet si Martin at inasikaso niya ang dalaga.

“Iakyat na lang natin sa loob ng kanyang kuwarto.” Walang malisyang pinangko ni Martin ang inaanak kasunod si Badet.

Inihiga nila ang dalaga sa kanyang sariling kama at wala sa loob ni Badet na hilahin ang drawer upang isara sana ng maayos ngunit may nakaharang na folder kaya hindi ito naisara ng maayos.

“OMG, Martin. Look!” Napailing ang mag-asawa.

Makapal na clear folder iyon ng mga news clippings and internet research na nakalap ni Scarlet. Kahit may hang-over pa ay hinintay talagang gumising si Scarlet at hindi pinapasok ng maaga si Jelo sa opisina.

“Scarlet, baba ka na raw! Sabay-sabay na tayong lahat na kakain.”

“Una na kayo!”

“You have to come down. Papa asks you to come and join us for breakfast.” Kakamut-kamot ang dalaga sa kanyang ulo. Nagtungo siya ng banyo upang maghilamos saglit ngunit hindi nagtaka kung paano napalitan ang kanyang damit ng pantulog.

“Good morning, everyone!” Binati niya ang kanyang ninong at ninang ng halik. Kinuskos ang buhok ng dalawang nakababatang lalaki at sabay-apir kay Jelo.

“Ganda ng gising mo ha!” puna ni Jelo.

“Actually not so good, Bro!”

“Ehem, would you mind to let us know what’s going on Scarlet?” seryosong tanong ni Martin.

“What is that not so good all about?” sunod na tanong ni Badet. “Is this about your marriage?”

Biglang nasamid si Scarlet. “Ano po?”

“Kasasabi mo lang kagabi na sa susunod ay hindi ka na naming dito makikita dahil ikakasal ka na. Sino ba ang masuwerteng lalaki? Kilala ba namin? Wala ka yatang naipapakilala sa amin ng ninong mo and all of a sudden ay ikakasal ka na. Buntis ka na ba?”

Napaso naman ng kape ang dalaga. Hindi niya kinaya ang kanyang narinig.

“Dalian mo na lang kumain, Iha dahil mag-uusap-usap tayo.”

“Opo. Jelo, wala ka bang pasok. Bakit nandito ka pa?”

“Sabi ko mag-uusap-usap tayo. Tayo which mean lahat tayo dito. Naiintindihan mo ba iyon, Scarlet?”

“Yes, Ninong.” Biglang tumunog ang cellphone.

“Huwag na kayong mag-text sa isa’t isa ni Jelo,” sabi ni Martin.

“Hindi ba’t kabilin-bilinan ko sa inyo, walang hahawak ng cellphone habang kumakain!”

“OPO!” Lahat ay yumuko sa takot kay Badeth.

Walang nasabi si Scarlet sa mga sinabi nina Martin at Badeth lalo na ng tanungin ang tungkol sa folder ng news clippings about the Yellow Tiger Group. Nakatkatan ng sermon si Jelo dahil nakakakuha siya ng balita sa mismong kapulisang kilala niya sa presinto. POsible siyang mapahamak sa kanyang ginagawa at mapagkamalang may underground job siyang ginagawa laban sa Mafia.

Minabuti ni Scarlet na umalis sa bahay na iyon upang walang madamay. Hindi niya hahayaang maulit muli ang nakaraan. Hindi na niya iyon mapapahintulutan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status