Se connecterNasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila.
Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit.
“Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya.
Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.”
Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon.
“Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito.
“Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver.
“I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”
Walang ibang nagawa ang kaniyang driver kundi sumunod na lamang sa bilin ng amo. Binusinahan nito ang mga sasakyan at mga motor sa unahan, at humarurot na parang may kung anong emergency.
Muling lumingon si Rachel at nakitang mas lalo pang nakahabol ang sasakyang minamaneho ng kaniyang fiancé. Kung kanina ay nasa apat na sasakyan pa ang agwat nila, ngayon ay halos dalawang metro na lang ang pagitan.
Bumusina ang itim na Ferrari ni Harvey mula sa likuran. Kasabay nito ay ang pagtunog ng telepono ni Rachel na kaniya ring tinatawagan.
Pinagtanong takot, kaba, at adrenaline ang nangibabaw kay Rachel. Imbis na umupo na lamang ito at hayaan ang kaniyang driver na gawin ang kaniyang trabaho, inagaw niya ang manibela at sinubukang palitan ito.
Nagpumiglas ang driver.
“Ma'am, ako na po! Mapapahamak tayo!” natatarantang bulalas nito.
Hindi nakinig si Rachel. Sa katunayan, mas lalo pang nakipag-agawan ito.
Hanggang sa hindi nila namalayan pareho, may isang sasakyan ang humarurot sa kanilang kanan.
Sumalpok ito sa kanila. Tumilapon any sasakyan sa gilid ng kalsada at tumirik ito nang pabaligtad. Kumawala ang makakapal na usok sa bumper, habang natigil sa pag-ikot ang mga gulong.
Tumunog ang alarm, at sinundan ito ng tunog ng wangwang ng ambulasya. Nagsitipon ang mga tao sa paligid ng aksidente.
Ilang segundo ang nakalipas, gumapang palabas ng basag-basag na bintana ang driver. Sugatan ang kaniyang mga kamay, habang duguan naman ang kaniyang ulo.
Dahan-dahan itong gumapang papunta sa backseat ng sasakyan para tingnan ang estado ni Rachel. Wala siyang malay.
******
Matapos ang halos apat na oras ay nagising na lamang si Rachel na namamanhid ang kaniyang katawan. Nakakaramdam rin siya ng matinding pagkakahilo.
Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang mga mata pero, at sa kabila ng nanlalabong paningin, kinabisado niya ang laman ng kwartong pinaglalagyan niya.
Puro puti ang pintura ng kisame at ng mga dingding. Tahimik lamang ang paligid at walang gaanong ingay na narinig bukod sa huni ng monitor na pinanggagalingan ng maliliit na tubong nakakonekta sa kaniyang katawan.
Sa kaniyang kaliwa ay may bintanang tinatabunan ng kulay asul na kurtina. Sa unahan lang nito ay may isang sofa na may magandang babaeng nakatulog na nakaupo.
“Mom?” bulong ni Rachel pero hindi siya narinig. “Hey, Mom. Where am I?” muling sambit niya, pero sa parehong pagkakataon ay hindi ito pinansin.
Hanggang sa bumukas ang pinto ilang segundo lang ang lumipas. Pumasok ang isang babaeng doctor habang nakasunod sa kaniya ang isang lalaking nurse na may dalang mga papeles.
Tinanggal ng doctor ang kaniyang face mask at saka nilapitan si Rachel. Nagising naman ang nanay nito nang marinig ang pagkalabog ng mga paa sa sahig.
“Rachel, darling, you’re awake!” mabilis itong yumakap sa anak. “I was so worried about you.”
Lumingon siya sa kaniyang likuran at saka lang napansin na mayroon palang doctor at nurse na naghihintay sa kanilang dalawa.
“Sorry, doc. Pero ano po ‘yun?”
Lumapit ng kaunti ang doctor sa kamang hinihigaan ni Rachel. “Mayroon lang po akong good news at bad news na nais ipaalam sa inyo.”
Nagtitigan ang mag-ina matapos marinig ang sinabi ng doctor.
“Ano pong good news?” Agad na sambit ni Rachel na sinubukan pa sanang bumangon pero biglang kumirot ang ulo nito kaya napabalik na lamang siya sa pagkakahiga.
“The good news is, all the injuries you acquired during the accident are minor injuries. Maaari na po kayong madischarge kaagad kapag naprocess na po ang inyong mga papeles. Kung may mga nararamdaman man po kayo ngayon, they’re most likely because your bruises are still fresh. But they are nothing serious. You’ll be better in no time.”
Napatingin ang ina ni Rachel sa kaniya sabay ngiti. Hinaplos pa nito ang mga buhok ni Rachel at hinimas himas ang kaniyang balikat.
Samantala, may pangangambang nakapinta sa mukha ni Rachel. “How about the bad news? Anong bad news?” tanong nito.
Lumapit ang nurse sa kaniya para iabot ang isang papel na tila resulta ng isang x-ray scan ng kaniyang tiyan. Matapos makita at maintindihan kung ano ang mga nakasulat dito, walang ibang nagawa si Rachel kundi umiyak na lamang. Bigla siyang humagulgol sabay yakap sa kaniyang ina.
“I am so sorry, Ma’am. You might have made it out of the accident alive, but your baby didn’t.” Iniwas ng doctor ang kaniyang tingin sa mag-ina. “You just had a miscarriage.”
Matapos maipaalam ang balita, napalabas na lamang ng kwarto ang doctor at ang kasama niyang nurse.
“This is his fault. This is all his fault! I am going to make him pay!” Nanginginig na bigkas ni Rachel habang nakabaon ang mukha sa dibdib ng kaniyang ina. Kasabay ng patuloy niyang pagtangis, naisipan ng kaniyang ina na gawin ang bagay na kahahantungan pa rin ng relasyon ni Rachel at Harvey nangyari man o hindi ang aksidente.
“Toughen up, darling! Toughen up and file a divorce!”
Nang marinig ang mga salitang ‘yon galing sa sarili niya mismong ina, nabuhayan ng loob si Rachel. Agad niyang hinablot ang kaniyang telepono sa mesa katabi ng kaniyang kama at saka tinawagan si Louis Litt, ang kaniyang best friend na legal counsel rin ng Specter Ross.
“Louis, ready the papers. It’s about time to teach that dickhead a lesson.”
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya. Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.” Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon. “Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito. “Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver. “I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” “Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlanga
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita. “Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan. Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?” “Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin. “Alam mo, may sasabihin ako sa iy







