Mag-log inAng CEO ng Motolite Company ay tahimik na nakaupo at nag-iisa sa ikaapat na VIP table sa harap malapit sa establado. Pinaglalaruan niya ang hugis sasakyan na susi ng kaniyang Lamborghini. Kilala siya bilang isang masungit, arogante, at walang pakialam sa mundo na uri ng lalaki. Pero pagdating sa negosyo, siya ang kinakatakutan ng marami. Hindi pa man din siya nakaka-isang taon sa pamumuno sa kompanya, pero hinahangaan na siya sa industriya. Kinakatakutan na rin siya ng kaniyang mga ka-kompetensiya, pero karamihan sa kanila ay nag-uunahan na makuha siya bilang business-partner. Isa na doon si Rachel, na ang kompanya ngayo'y nanganganib na magsara. Umupo si Rachel nang wala paalam sa upuan na nasa kabilang bahagi ng pabilog na mesa. Bigla napatango ang lalaki sa kanya. "I don't think I have ever seen you in a convention like this before," sabi ni Rachel. Manipis ang kaniyang boses, kalmado, hindi katulad ng kung paano siya magsalita sa kaniyang mga kakilala. "Let me guess, a rising
Habang nakaupo sa unang baitang malapit sa entablado ng conference hall ng hotel si Rachel, walang malay na nanginginig ang kaniyang mga kamay. Agad itong napansin ni Louis na nakaupo sa kaniyang tabi. "May mali ba?" tanong niya, sabay biglaang pagdakip ng kaliwang kamay nito sa nakabuhol na mga kamay si Rachel sa kaniyang kanang tuhod. "No, no." Napailing si Rachel. "Nothing is wrong. I was just wondering kung tama ba ang ginawa ko na nagsungit ako sa harap ng dati kong name partner." Napangisi na lang si Louis. "You know what, I think that is the problem with you, Rachel. Masyado kang mabait. Masyado mong iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan mo." Napabuntong-hininga na lamang si Louis. "At isa pa, what happened to you? One hour ago, halos gustong mong patayin si Harvey dahil sa ginawa niya sa iyo, tapos ngayon, parang awang-awa ka na sa kaniya?" Tiningnan na lamang ni Rachel si Louis nang mataray. "He was still my fiancé. He is still the father of this child." H
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya. Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.” Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon. “Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito. “Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver. “I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” “Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlanga
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyan







