Se connecterTatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.
Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.
Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema.
"Ma'am?"
Napatingin siya sa driver.
"Malapit na po tayo sa opisina."
Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.
Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya ang katotohanan. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ni Harvey. Galit siya rito. Nasusuklam. Ayaw niya itong makita. Pero hindi niya maaaring ipagkaila ang kakayahan nito. Si Harvey ang isa sa pinakamagaling na corporate lawyers sa bansa.
At ngayong wala na ito sa Specter Ross, parang may nawawalang haligi sa pundasyon ng kompanya.
Ipinikit ni Rachel ang kaniyang mga mata, at walang kibo niyang hinawakan ang kaniyang tiyan. Bahagya na itong nakaumbok. Hindi pa Ito gaanong halat, ngunit sapat na para mapansin ng mga mapagmasid.
"Konti na lang," bulong niya sa sarili. Hindi niya alam kung ang kausap niya ba ay ang sarili niya o ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ngunit alam niyang kailangan niyang lumaban.
Para sa kompanya.
Para sa kaniyang ama.
At para sa kaniyang anak.
Makalipas ang ilang oras ay nakatayo na si Rachel sa loob ng Grand Monarch Hotel, isa sa pinakamalaking convention venues sa bansa. Ngayong gabi ay gaganapin dito ang taunang pagtitipon ng pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas. Dadayo ang mga negosyante, mga investors, mga CEO, at mga abogado. Mga taong may sapat na kapangyarihang magtayo o magwasak ng imperyo.
"Rachel."
Napalingon siya at nakita niya si Louis na nakasuot ng itim na suit habang nakangiti. Halatang may pag-aalala sa mga mata nito. "You sure about this?"
Tumango si Rachel. "I don't have a choice."
Lumapit si Louis. "Hindi mo kailangang patunayan ang kahit ano sa kahit kanino."
"Alam ko."
"Then why are you here?" Huminga nang malalim si Rachel. "Dahil hindi mamamatay ang kompanyang iniwan ng tatay ko."
Tahimik na tumango si Louis. Alam niyang hindi niya maaaring gatungan pa ng apoy ang naglalagablab nang apoy. Alam niyang kapag ganoon na magsalita si Rachel, wala nang makakapigil dito.
Maya-maya ay bumukas ang malalaking pinto ng ballroom at isa-isang nagsimulang pumasok ang mga bisita.
Naghalo ang tunog ng tawanan, usapan, musika, at mga kalansing ng mga wine glass.
Tahimik lamang na naglalakad si Rachel sa gitna ng karamihan. At habang marami ang bumabati, nakikipagkamayan, nagtatanong kung kumusta na siya, limitado pa rin ang kaniyang mga ngiti.
Hindi siya narito para makipagsosyalan. Narito siya para iligtas ang Specter Ross. At pagkatapos noon…Mawawala siyang muli.
Sa kalagitnaan ng pakikipagsapalaran, may kung anong pamilyar na boses siyang narinig.
Sa loob lamang ng isang segundo ay biglang nanigas ang kaniyang buong katawan. Dahan-dahan siyang napalingon. At doon niya nakita ang lalaking pilit niyang tinatakasan sa nakalipas na mga linggo.
Si Harvey.
Nakatayo ito sa kabilang bahagi ng ballroom. Nakasuot ng mamahaling navy blue suit. Perpekto pa rin ang postura. Punong-puno ito ng kumpiyansa. Perpekto pa rin ang nakakairitang mukha nito.
Nakahawak sa kaniyang braso ang isang pamilyar na imahen ng babae. Si Donna. At sa kaliwang kamay nito...May singsing.
Nagkasalubong ang dalawa sa gitna ng red carpet na nakalatag sa hallway. Nanlaki ang mga mata ni Rachel.Samantalang tila natigilan din si Harvey.
Nagtagpo ang kanilang mga tingin. At sa loob ng ilang segundo... tila naglaho ang buong ballroom. Walang musikang maririnig, walang taong nag-iingay, at higit sa lahat, tila bang sila lamang dalawa ang nasa paligid.
Hanggang sa ngumiti si Donna. At doon tuluyang nabasag ang sandali.
"Rachel." narinig niya ang boses ni Harvey mula sa kaniyang likuran.
Agad niya itong nilingon at napansing papalapit ito sa kanya kasama si Donna.
"Long time no see," bati ng kaniyang ex-fiance.
"Not long enough." Napakagat si Donna sa kaniyang labi.
Samantalang bahagyang natawa si Harvey. Mukhang hindi nito inaasahan ang sagot. "You look well," balik pa nito.
Napangisi lamang si Rachel. "You don't."
Tumaas ang isang kilay ni Harvey. Mukhang napansin na rin nito ang matalim na tono ng kaniyang boses. Samantala ay yumakap si Donna sa braso ng lalaki.
Napansin ito ni Rachel. "Congratulations," saad niya sabay titig sa singsing sa kaniyang kanang kamay.
Ngumiti si Donna. "Thank you."
"I knew you were into cheap items but I wasn’t certain you were going to go this low," banat pa ulit nito.
Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ng babae. Napatingin ito kay Harvey. Napatingin naman si Harvey kay Rachel. At sa unang pagkakataon ngayong gabi...May bakas ng galit sa kaniyang mga mata.
"That's enough!"
"Why?" tugon ni Rachel. "Totoo naman."
Humigpit ang panga ni Donna. "At least he chose me."
Napangiti ulit si Rachel. "Again, congratulations." Tumango siya. "Nanalo ka ng cheater."
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Donna, samantalang ang lalaki sa kaniyang tabi ay tahimik lamang na nakatitig kay Rachel.
Akmang may sasabihin sana si Harvel pero hindi ito natuloy dahil may iba itong napansin. Unti-unting bumaba ang tingin nito sa tiyan ni Rachel. At matapos mapansin ang umbok, biglang nagbago ang ekspresyon nito. "Ano..." Hindi natuloy ang sasabihin niya.
Muling napatingin si Harvey sa tiyan. Pagkatapos ay sa mukha ni Rachel. At muli sa tiyan. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Rachel..."
Agad na sumikip ang dibdib ni Rachel. Alam niya ang tinging iyon. Alam niya kung ano ang iniisip nito. At alam niyang wala siyang balak sagutin iyon.
“Don't even dare to say anything.”
“You're pregnant.”
Naramdaman ni Rachel ang paglapit ni Harvey. Sa bawat hakbang nito ay may kung anong tali na sumisikip sa kaniyang sikmura.
Pero bago pa man din tuluyang makadikit si Harvey kay Rachel ay biglang pumagitna sa kanilang dalawa si Louis. "Back off." Malamig ang boses nito.
Napatingin si Harvey. "Move."
"No."
"Louis."
"Back off."
Tahimik na nagtitigan ang dalawang lalaki. Parang dalawang mababangis na hayop na naghihintay kung sino ang unang aatake. Napansin ng ilang bisita ang tensyon. Unti-unti silang napapalingon. Unti-unting tumatahimik ang paligid.
"Louis," muling sabi ni Harvey.
"Kailangan kong makausap si Rachel."
"Too bad."
Humakbang si Louis palapit. At sa unang pagkakataon… Hindi siya mukhang sekretarya. Hindi siya mukhang abogado. Mukha siyang bagong Name Partner. Mukha siyang taong handang ipaglaban ang kompanya. At ang kaibigan niya. "You're not talking to her."
Nagkiskisan ang mga panga ni Harvey. "Who the hell are you to stop me?"
Napangiti si Louis. "I'm the new Name Partner."
Nanigas si Harvey. "Excuse me?"
"You heard me. "I replaced you."
Parang may bombang sumabog sa pagitan nila.
Napatingin si Donna. Napatingin ang mga bisita. Napatingin si Harvey kay Rachel. "Is that true?"
Hindi agad sumagot si Rachel. Ilang segundo siyang nakatitig sa lalaking minsan niyang minahal.
Sa lalaking muntik na niyang pakasalan.
Sa lalaking sumira sa kanilang pamilya.
At sa lalaking hindi kailanman makakakilala sa anak na dala-dala niya ngayon.
Pagkatapos ay tumango siya.
"Yes." Walang emosyon ang kaniyang mukha. "Wala ka na sa Specter Ross."
Parang may kung anong namatay sa mga mata ni Harvey. Ngunit hindi pa tapos si Rachel. "And you’re no longer part of my life as well. Dahan-dahang hinawakan ni Rachel ang tiyan niya at umatras kasama si Louis.
Habang nakatayo lamang sina Harvey at Donna sa gitna ng ballroom. Naiwang tahimik.
Bago tuluyang tumalikod si Rachel ay muli siyang nagsalita sa kaniyang ex-fiance. "Enjoy your engagement, Harvey." Huminto siya at saka tumawa. "Because that's the closest thing you'll ever get to a family,” aniya sabay talikod muli at iniwan ang lalaking hindi alam na ang anak na pinapangarap niyang mabuo noon...
Ay buhay pa pala.
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya. Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.” Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon. “Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito. “Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver. “I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” “Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlanga
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita. “Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan. Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?” “Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin. “Alam mo, may sasabihin ako sa iy







