Accueil / Romance / CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE / KABANATA 2: ITIGIL ANG KASAL

Partager

KABANATA 2: ITIGIL ANG KASAL

last update Date de publication: 2026-06-17 07:55:53

“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” 

Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. 

Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. 

“Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” 

Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” 

Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” 

Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” 

Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” 

“Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlangang tugon ni Rachel. 

“Naku, Rachel, anak…” Hindi mahanap ni Jessica ang tamang mga salita na dapat ay sasabihin sa kaniyang anak. Napatigil na lang ito nang bahagya, pinagmamasdan ang anak habang unti-unti ulit itong nagpakawala ng mga luha. 

Hindi pa man din natatapos ng ina ang nais niyang sabihin ay sumabat na agad si Rachel. “Alam ko, Ma. Pero huwag kang mag-alala,” matapang na tugon nito. 

Tumango na lang ang ina. “Anong binabalak mong gawin sa ngayon?” 

“Kung ano ang nararapat,” mapait na sagot nito. 

Tumayo si Rachel ilang segundo matapos ang pagsusumbong sa ina. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. Tiningnan niya si Jessica saglit, bago tumalikod at tuluyang naglakad patungo sa kwarto nilang magkasintahan. 

Si Jessica ay ina ni Harvey at founder ng Pearson Building na ngayo’y mas kilala sa tawag na Specter Ross building. Binili ito ng yumaong ama ni Rachel na si William Specter, at ipinamana sa kaniya dalawang buwan bago ito pumanaw. Dahil sa naging magkatuluyan sila ni Harvey, nagpasya itong gawin siyang Name Partner, o sa madaling salita ay co-CEO ng kompanyang noo’y pagmamay-ari ng ina nito. Dahil sa pagsasanib pwersa ni Rachel at ni Harvey na parehong kilala bilang pinaka-magagaling na mga abogada sa kani-kanilang siyudad, tinitingala ngayon ang kompanyang Specter Ross dahil sa angking reputasyon nito. 

Sa kwarto, buong pwersang binuksan ni Rachel ang pinto ng walk-in closet nilang mag asawa. Sa pinakataas na bahagi ng drawer sa kanan, inabot niya ang kaniyang pulang maleta na walang laman at saka ito nilatag nang nakatiwangwang sa sahig. 

Habang nanunumbalik muli ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata, isa-isa niyang hinugot ang kaniyang mga damit sa mga aparador at saka ito isiniksik sa loob ng maleta. 

Nang marinig ni Jessica ang ingay at pagdadabog sa loob ng kwarto, paika-ika siyang pumasok dito. Bumungad sa kanya si Rachel na nakaupo sa sahig at nagtutupi ng mga damit. 

“Rachel, anong ginagawa mo? Are you planning to leave?!” Sigaw ng ina ni Harvey; isang uri ng sigaw na mas tunog nag-aalala kaysa nagagalit. 

“Yes, Jessica. I’m leaving. I don’t think I will be able to share a room with my cheating fiance,” paunang sabi nito. Pero napahinto siya saglit, na para bang may biglang sumagi sa kaniyang isip, at saka lumingon muli. “Wait, no. My cheating ex-fiance,” pagwawasto niya habang diniinan ang huling salita. 

“Makikipaghiwalay ka sa kanya?” muling nagulantang na sabi ni Jessica. 

“Sorry, Jessica. Sa tingin ko’y ito talaga ang pinaka-nararapat kong gawin.” Binalik niya ang kaniyang atensiyon sa mga tinutuping damit. 

Napasuko na lamang sa kama si Jessica habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin na nakabalandra sa kalawakan ng dingding. “Pero…” Yumuko ito sabay mahinhin na sabi, “paano ang kasal?” 

Biglang napatigil sa pagbabalot ng gamit si Rachel. Sa maikling sandali ay tila nangdilim ang kaniyang paningin. Kasal? Anong kasal ang pinagsasabi ni Jessica? Wala siyang kaalam alam sa kasal. Hindi pa nila ito napag-uusapan ni Harvey. 

Bumangon mula sa sahig si Rachel at sumilip sa labas ng walk-in closet. “Kasal?” Nagulat na tanong niya. 

Napaiwas na lang ng tingin si Jessica. “So he didn’t tell you.” 

“Jessica, what are you talking about?” tanong ni Rachel. Nakakunot ang kaniyang noo, nagsasalubong ang kaniyang mga kilay na tila pinagtaguan siya ng sekreto ng mundo. Malakas ang pagkakapintig ng kaniyang dibdib na parang alam niyang may dapat siyang marinig pero hindi siya handang malaman. 

Tumayo mula sa kama si Jessica at saka lumapit ito kay Rachel. Hinawakan niya ang kaniyang mga kamay. Hinimas-himas niya ito. Tiningnan niya si Rachel sa mata at hindi niya hinayaang makaiwas ang mga ito. Nang makuha na niya ang buong atensiyon ng fiance ng anak, agad siyang nagtapat. “Harvey was planning to marry you. He proposed to you in Paris last year, yes, but this time, he said he wanted to make it official. Palihim niyang pinaplano ang lahat, Rachel.” 

Limang segundong hinimas-himas ni Rachel ang magaspang na mga palad ni Jessica bago ito pakawalan. “But was cheating with Donna part of that plan?” Tanong nito, halos pabulong, na parang sa kalagitnaan ng kaniyang pangungusap ay biglaan siyang nawalan ng boses. 

Nagsimulang lumuha si Jessica. Napatango na lamang siya. “No. It was not part of the plan,” tanging tugon niya. 

Habang may pilit na ngiti sa kaniyang labi, biglang sumagot si Rachel. “Then, tell him, Jessica. Walang kasalang magaganap. I’m done.” 

Tumalikod si Rachel at saka bumalik sa loob ng walk-in closet. Tinapos niya ang pag-iimpake habang naiwang nakatulala at tila nangingisay sa kinatatayuan si Jessica. Hindi siya agad nakaalis sa kaniyang pwesto.

Dalawang minuto ang nakalilipas ay muling lumabas si Rachel sa walk-in closet. Hatak-hatak niya ang kaniyang pulang maleta na hindi pa maayos ang pagkakasara. 

Hinalikan niya si Jessica nang madaanan ito, at saka iniwang nakatulala pa rin sa loob ng kwarto. Sa kaniyang paglabas ay sinara niya ang pinto. 

Sinundo siya ng kaniyang driver sa sala ng mansion at sabay silang tumungo ng sasakyan. Habang palabas, biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tiningnan niya ito at nakitang si Harvey ang tumatawag. 

Habang umiiyak, tinitigan niya ang mga numero sa screen ng kaniyang telepono. May kirot sa kaniyang dibdib. At habang iniinda ito, sabay niyang pinindot ang berdeng buton sa screen ng telepono. 

Inilapit niya ito sa kaniyang labi sabay bigkas. “Sorry, Harvey. But we’re done.” 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE    KABANATA 5: MULA SA MGA ABO

    Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya

  • CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE    KABANATA 4: SURVIVOR

    Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin

  • CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE    KABANATA 3: DIVORCE

    Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya. Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.” Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon. “Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito. “Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver. “I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”

  • CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE    KABANATA 2: ITIGIL ANG KASAL

    “Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” “Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlanga

  • CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE    KABANATA 1: GOOD NEWS, BAD NEWS

    Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita. “Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan. Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?” “Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin. “Alam mo, may sasabihin ako sa iy

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status