登入
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita.
“Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan.
Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?”
“Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin.
“Alam mo, may sasabihin ako sa iyo na ikagaganda ng modo mo.” Hinatak ni Rachel si Louis papunta sa pantry, ilang hakbang lang ang layo mula sa secretary’s desk.
Umupo si Rachel sa mesa at pinatong ang puting folder, habang panandaliang kumuha ng malamig na tubig si Louis para sa kanilang dalawa. Tinabihan nito ang boss pagkatapos.
“Look what I’ve got,” pinagmamalaking saad ni Rachel sabay pitik ng puting folder papunta sa sekretarya.
Binuklat ito ni Louis nang walang imik.
“I just secured our company another client! And it is not just a mere client! It’s Jan Dancy! One of the biggest and most successful perfume businesses in the country.” Nakangiting paliwanag ni Rachel.
“Rachel…” Habang nakatutok ang mga mata na tila binabasa ang bawat linya sa dokyumento, napanganga na lamang si Louis sa mga nakikitang numero. “Ang laki nito! Dalawang bilyong piso para sa isang taon?!”
“Exactly.” Hinablot ni Rachel ang puting folder at saka ito itiniklop. Hindi pa rin naaalis sa kaniyang mukha ang ngiti. “Kaya wala tayong dahilan para hindi matuwa sa magandang balitang ito. Today is the best day for me and for this company. And you know what?”
Napatingin na lang si Louis sa kaniyang boss. Nanumbalik ang pangamba sa kaniyang mukha, kabaliktaran ng hindi maalis-alis na saya sa mukha ni Rachel.
“Ano ‘yon?” tugon niya.
“This calls for a celebration.” Tumayo si Rachel sa kinauupuan. “Where’s Harvey?”
Hindi nakasagot si Louis. Napayuko na lamang ito at napaiwas ng tingin sa kaniyang amo.
Biglang nagkakutob si Rachel. Inulit niya ang kaniyang tanong, nagbabakasakaling hindi lang siya narinig. “Louis, where’s Harvey?!” Sa mga puntong ito, may diin na sa kaniyang tanong.
Gayunpaman, hindi pa rin nakasagot si Louis.
Umirap na lamang si Rachel, tumalikod, at nagsimulang maglakad nang padabog patungo sa opisina ng kaniyang fiancé.
“Rachel, saglit!” Sinubukan pang pigilan ni Louis ang amo sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito, pero agad namang nagpumiglas si Rachel at nakawala.
Ramdam ni Rachel na may tinatago si Louis. Unti-unting namumuo ang galit sa kaniyang ulo. Sumisikip ang dibdib, sumasabay sa pagpintig ng kaniyang sinapupunan.
Ilang Segundo nang naglalakad, natunton ni Rachel ang opisina ng kaniyang fiancé na si Harvey.
Hindi sagad ang pagkakasirado ng pinto nito, isang pahiwatig na maaaring wala ang kaniyang fiancé sa loob dahil kailanma’y hindi nito iniiwan ang pinto nang nakabukas. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang pintong hindi nakasira.
Hindi na kumatok si Rachel. Nagkusa siyang pumasok. Bagay na pinagsisisihan niya kung bakit niya pa ginawa.
Sa pagpihit niya ng pinto, tumambad sa kaniyang paningin ang fiance na si Harvey na nakatalikod at hubo’t hubad, habang ang kaniyang mga damit ay nakakalat sa sahig. Nakaharap siya sa kaniyang mesa na regalo pa ni Rachel noong naipromote si Harvey bilang name partner dalawang buwan ang nakalilipas. Nakapatong naman sa taas ng mesang ito ay ang isa pang nakahubot-hubad rin na babae.
Tinatakpan ang kaniyang bibig ng kaliwang palad ni Harvey habang binabayo ito nang dahan-dahan.Nagulantang na lang si Rachel sa nakita. Nangisay siya sa kinatatayuan. Tinitigan niya nang maigi ang babaeng kalampungan ng kaniyang fiancé. Blonde ang buhok. May suot na salamin. May malaking perlas na magtatatlong taon na niyang suot-suot magmula noong una siyang tinanggap ni Rachel sa kompanya.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Rachel nang mapagtanto kung sino ito.
Si Donna. Ang dati niyang sekretarya na binigay niya kay Harvey noong nagpasya siyang ipromote ito bilang name partner.
Nanggagalaiting binagsak ni Rachel ang hinahawakang puting folder sa sahig saka tumalikod at naglakad palayo. Malakas niyang isinara ang pinto sa kaniyang pag-alis.
Sa loob ng opisina, mabilis namang tinulak ni Harvey si Donna nang marinig ang pagkalabog ng pinto. Agaran niyang hinablot ang mga damit at saka sinuot ito. Hindi na niya binigyang pansin ang maling pagkakabuton ng kaniyang puting polo, at hindi na rin inayos ang pagkakasintas ng kaniyang sapatos.
Tumakbo siya palabas upang habulin ang kaniyang fiance na si Rachel, habang nakaiwan pa ring n*******d sa ibabaw ng mesa ang sekretarya nitong si Donna.
Sa elevator, muntikan pa silang magkaabutan, subalit agad na sinara ni Rachel ang pinto bago pa man din makapasok si Harvey.
“Hinding-hindi kita mapapatawad!” bulong nito sa sarili, sabay himas sa kaniyang tiyan na ngayo’y nakakaramdam na ng sakit.
Kinuha ni Rachel ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag. Pagkalabas niya ng elevator, tinawagan niya ang kaniyang personal driver para magpasundo sa tapat ng Specter Ross building.
Wala pang limang minuto ay nakarating agad ang puting sasakyan. “Saan po tayo ngayon, ma’am?”
“Sa bahay na, kuya.” Sinuot ni Rachel ang kaniyang itim na sunglasses pagkaupo niya sa backseat. “May tuturuan lang ako ng leksiyon.”
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na mahinahon lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. “Please don't tell me si Harvey itong nakasunod sa atin,” pagbabanta pa niya. Napasaglit nang tingin ang driver sa kaniyang side mirror. “,Pasensiya na po, ma'am. Pero mukhang sasakyan nga po ni boss Harvey ‘yan.” Napalunok nang malalim si Rachel. Sa mga puntong ito, ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay ang maabutan ng kaniyang fiancé na si Harvey. Hindi niya masikmura ang makita ng kaniyang mga mata ang manlolokong ‘yon. “Kuya, pakibilisan ang takbo. Hindi dapat Tayo maabutan ng lalaking ‘yan!” Utos nito. “Pero, ma'am. Saan tayo pupunta?” nagdadalawang-isip na tanong ng driver. “I don't know!” Napasigaw na lamang si Rachel. “Just drive faster!”
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Rachel na parang batang magsusumbong dahil inagawan ng laruan. “Si Harvey…” Nang makaupo si Rachel sa kaniyang tabi, hinaplos ni Jessica ang kaniyang braso. Dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak, pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang puting panyo na ginamit niya kanina habang kumakain ng kaniyang almusal na tinapay at mainit na tsokolate. “Anong meron kay Harvey at bakit iyak ka nang iyak?” Binigyan ni Rachel ang sarili ng ilang segundo para tumahan saka siya nagsalita. “Nahuli ko silang dalawa ni Donna na nakikipagtalik sa opisina.” Bumuntong hininga si Jessica. “Si Donna?”Sumandig siya sa backrest ng kaniyang upuan. “Ang dati mong sekretarya?” “Oo, siya mismo,” walang pag-aalinlanga
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita. “Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan. Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?” “Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin. “Alam mo, may sasabihin ako sa iy







