PASENSYA NA PO AT NATAGALAN SA PAG-UD. MAY TINAPOS LANG PO AKONG IMPORTANT, BABAWI PO AKO. THANK YOU SO MUCH! ENJOY! BAWAL TUMAAS ANG KILAY NG MGA BESHY KO, HAHAHAHA. CHAROT.
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
Maaga akong gumising sa araw na ito dahil kailangan ko pang maghanap ng iba pang trabaho bukod sa spa na aking pinapasukan. At sa iba ko pang raket. Kailangan kong makapagpadala ng pera kina Nanay ngayon dahil sa kinakailangan niyan bumili ng kanyang gamot para sa kanyang highblood. Nagtataka rin naman ako kung bakit sa daming sakit ay highblood pa talaga? Juskooo! Hindi nga kami halos malaparan ng mantika ang aming mga labi dahil madalang kami kung makatikim ng karne. Kung hindi pa magkaroon ng handaan sa kapitbahay namin ay hindi makakatikim ng karne. Kaya gusto ko pang magtaka sa naging tingin ng doctor kay Nanay. Hays, kung natuloy lang sana ako sa Singapore ay hindi ganito kahirap ang buhay namin. Sana ay maayos na kahit paano ang buhay namin ngayon. Kaya ngayon ay todo kayod muna ang ferson! Bawal sumuko kahit gusto ko nang magpahinga.Dahil bukod sa ibang gastusin nila ay kailan kong isipin na nanganganib din ang kapirasong lupa at bahay namin na hatakin ng pinagsanglaan ko nito
"Ate, malayo pa ba tayo? Pagod na po ako kasi. Tapos ang bigat-bigat pa nito, oh! Feeling ko tuloy ay pasan niya ang mundo, tsssk!" reklamo ni Divine sa akin habang naglalakad kami papunta ng bayan. Sayang kasi kung mamamasahe pa kami at maibabawas pa sa magiging benta. Kailangan ko pa naman magtipid kasi wala naman kaming wawaldasin talaga. Hay buhay! Kung magaling lang sana akong gumiling ay baka umekstra na ako sa beer house sa bayan. Pero minalas tayo dahil wala man lang akong talent kundi ganda lang ang meron ako. "Malapit na tayo, Divine Saka hindi mabigat ang bitbit mo, reklamador ka lang," singhal ko pa sa kanya.Madalas kasi na si Jeremy ang kasa-kasama ko kaya hindi sanay si Diane na maglakad papunta ng bayan. Dito kasi namin dadalhin ang mga saging at kamote na nakuha namin. Kapag wala kasi akong raket ay naiisipan ko na umakyat ng bundok upang manguha ng mga maaari naming ibenta. Halos ganito kasi ang gawain dito sa Mindoro. Swerte nga kami ngayon at dalawang buwig ng sag
Maaga pa lang ay gising na kaming lahat dito sa bahay. Ganito talaga sa probinsya, hindi uso ang tanghaling gising at tiyak na bunganga ang gigising sayo sa ingay. Kaya mamili ka, maaga kang gigising o maaga kang sesermonan? Nasa sayo ang kapalaran ng umaga mo kaya sumunod ka na lang ng matiwasay at reklamo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng munting silid ko. Hindi ko na nga magawang mag-inat dahil maaga rin magsisimula ang araw ko ngayon. Dahil unang araw ko sa karinderya sa may bayan. Umaga hanggang tanghali lang ang pasok ko roon at pagkatapos ay tutuloy ako sa parlor na pinapasukan ko rin bilang isang manicurist, taga kulot, tag -straight, taga-alis ng kuto o taga- awat ng mag-jowang nag-aaway-away sa loob ng parlor. At marami pang iba. At sa gabi naman ay sa spa ang trabaho ko. Hindi regular ang pasok ko sa spa at parlor. Kung may mag-day-off lang ang isang tauhan ay saka lang ako papasok. Kaya sobrang dami kong raket sa buhay. Nagtitinda rin ako ng balot sa gabi
Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer. Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa
"Anak mag-ingat ka sa Singapore. Wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo rito. Ikaw, ang sarili mo muna ang isipin mo pagdating mo roon. Masyadong malayo ang Singapore. Ayaw man kitang payagan noong una pa lang. Kung nakakalakad lang sana ako ay—" hindi ko na pinatapos pa ang ibang sasabihin ni Nanay at mabilis ko siyang niyakap. Ayaw ko siyang makita na malungkot sa pag-alis ko. At kahit pa mahirap na mawalay ako sa kanila, pero kung ito lang ang tanging paraan upang matapos na ang utang namin, go na!Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa kahit pa wala akong kilala o kamag-anak roon. Bahala na kung anong naghihintay sa akin pagdating ko sa Singapore. At saka hindi na ako pwedeng umatras pa. Naisangla ko na ang titulo ng lupa namin na siyang ginamit ko para mag-apply sa Singapore. Isang customer namin noon sa parlor ang nag-alok sa akin ng trabaho sa Singapore. At kahit pa nga hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ay sinunggaban ko na agad ito. Hindi ko kikitain dito sa Pinas