Share

Chapter thirty-four

Anong ginagawa ni busangot dito? Anong pinagsasabi niya?! Juskoooo, marimar! Bakit kay Vienna pa? Anong mukhang ihaharap ko sa babaeng ito? Napikit ako ng mariin at natampal ko pa ang aking noo. Siguradong katakot-takot na kantiyaw ang matatanggap ko mula kay Vienna dahil sa sinabi ni busangot.

Napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang braso niya. Ito na nga ba ang sinasabi sa hula! Pahamak naman kasi ang lalaking ito! Paano ko siya haharapin?

Muli ko munang binaling ang aking paningin kay busangot at pinandilatan ko pa siya. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Kaya mas lalong nakakainis.

"G-Gelay, anong ibig sabihin niya? W-wife? Asawa di ba? Alam ko ang tagalog. Paano? Anong una mong hinubad? Sabihin mo!" Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at bahagya pa akong niyugyog.

"V-Vienna—"

"Ano? Ang bra mo? Panty? Short? Damit? O ang puri at dangal mo?! Sabihin mo. Sabihin mo!!" Natulala na lang ako sa linyahan ng kaibigan kong pinanganak na oa! Sobrang inten
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jae Y
Tawa ng tawa ako sa mga linya nila author hahahah .Salamat sa update napangiti mo ako...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status