Share

CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE
CINDERELLA'S CRIPPLED PRINCE
Author: Daylan

Chapter 1

Nasa loob ng grocery store nang isang mall si Cindy at naglalakad habang nakatingin at nagbabasa ng chat ng kanyang pinsan na si Lucy. Kagagaling pa lamang niya sa National Bookstore at bumili ng mga gamit na kailangan niya para sa kanyang project. Nagbabayad na siya sa cashier nang makatanggap siya ng chat ni Lucy na nagpapabili ito ng dalawang pack na napkin with wings. Kaya pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya ay agad na siyang nagtungo sa grocery store para bilhin ang ipinapabili sa kanya ni Lucy. Kapag kinalimutan niyang bilhin ang pinapabili nito ay tiyak na katakot-takot na sermon ang maririnig niya hindi lamang mula kay Lucy kundi maging sa ina nito at nakababatang kapatid na si Luna.

Ang buhay ni Cindy ay maihahalintulad niya sa buhay ng sikat na kuwentong pambata na Cinderella. Katulad kasi ni Cinderella na may stepsisters at stepmother na nang-aapi rito ay may dalawa naman siyang pinsan at tiyahin na madalas ding mang-api sa kanya.

Sampung taong gulang si Cindy nang maulila siya sa mga magulang. At dahil ang kanyang Tito Lando na lamang ang nag-iisang kilala niyang kamag-anak niya sa mundo pagkat isa lamang ito na kapatid ng kanyang ina kaya sa poder siya nito napunta nang maulila siya. Ang kanyang ama naman ay solong anak daw sabi sa kanya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Kahit kailan ay hindi naman niya nakilala ang mga kamag-anakan niya sa side ng kanyang ama. Ayon pa rin sa kuwento ng kanyang ina ay hindi raw tanggap ng mga magulang ng kanyang ama ang ina niya kaya nagtanan na lang daw ang dalawa. Magmula noon ay hindi na raw kinontak ng kanyang ama ang mga magulang nito.

Nang mapunta si Cindy sa bahay ng kanyang Tito Lando ay inisip niya na nagkaroon siya ng panibagong pamilya. Ngunit nagkamali siya dahil hindi siya lubusang tanggap ng asawa nito at dalawang anak. Ngunit dahil walang iba na kukupkop sa kanya kaya walang nagawa ang asawa ni Tito Lando na si Tita Aura at ang dalawa niyang pinsan na sina Lucy at Luna kundi ang hayaan siyang tumira sa bahay nila.

Hindi naging pabigat si Cindy sa bahay ng kanyang tito dahil tumutulong siya s amga gawaing bahay kahit na may mga katulong naman sila. Kahit na hindi siya sanay sa mga gawaing-bahay dahil maliban sa may mga katulong din sila noon ay alagang-alaga siya ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Ngunit para walang masabi ang pamilya ng kanyang tito ay pinilit niyang matutunan ang iba't ibang mga gawaing-bahay sa kabila ng kanyang murang edad.

Kahit katulad ni Cinderella ang buhay ni Cindy na inaapi ng madrast at stepsisters ay hindi naman siya katulad nito na mabait at palaging nagpapaapi lamang. Dahil marunong siyang lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili kahit sa huli ay siya a rin ang talo. Siyempre, kakampihan ng kanyang tito at tita ang kanilang mga anak kaysa sa kanya.

Ngunit pasalamat pa rin si Cindy dahil pinapag-aral siya ng kanyang tito sa kabila ng pagtutol ng asawa nito. At sa ngayon nga ay nasa first year college na siya sa kursong Business Management. Iyon kasi ang kurso na gusto ng kanyang tito na kuhanin niya para raw makatulong siya sa pagpapatakbo ng kumpanya nito pagka-graduate niya. Ngunit kung siya ang papipiliin ay mas gusto niyang maging fashion designer.

Bata pa lamang si Cindy ay mahilig na siyang mag-drawing at ang pinakagusto niyang iguhit ay disenyo ng mga alahas. Ngunit dahil pinapag-aral lamang siya ng kanyang tito kaya hindi na lamang siya tumutol nang sabihin nito na Business Management ang kuhanin niyang kurso. Mas mabuti na ang may tinapos siya kaysa wala.

Last week na ng ng first semester kaya kailangan na niyang maipasa ang kanyang project. Pag-uwi niya ngayon ay agad niyang aasikasuhin ito.

Hinanap ni Cindy ang brand ng napkin na ginagamit ni Lucy. Kapag hindi kasi iyon ang nabili niya ay tiyak na malalagot siya rito. Nang makita ang brand na hinahsnap ay kumuha siya ng  dalawang pack iyong may wings. Wala namang ibang pinapabili sa kanya si Lucy kaya naglakad na siya papunta sa cashier para bayaran ang nabili niyang items. Nakailang hakbang pa lamang siya nang biglang nag-vibrate ang kanyang cell phone na nasa loob ng kanyang shoulder bag na regalo sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Remi. Agad niyang kinuha ang kanyang cell phone at binasa ang text habang naglalakad siya ng mabagal.

Naglalakad si Cindy nang hindi nakatingin sa kanyang nilalakaran kaya laking-gulat niya nang bigla na lamang siyang bumangga sa isang matigas na bagay. Bigla siyang na-off balance at nabitawan ang dalang pack ng mga napkin. Akala niya ay nangudngod siya sa sahig ngunit pagmulat niya ng kanyang mga mata ay dibdib ng isang lalaki ang bumulaga sa kanya.

Hindi napigilan ni Cindy ang mapatitig sa dibdib na kanyang nakikita. Nakabukas kasi ang dalawang butones ng damit na suot ng lalaki kaya medyo na-exposed ang medyo   mabalbon na dibdib nito. Hindi iyong mabalbon na gaya ng dibdib mga Mexicano at Brazilian na parang paa ng kabayo sa sobrang kapal at itim ng buhok sa dibdib. Iyong nakikita niya ay manipis na buhok sa dibdib at hindi niya malaman kung puti ba o may pagka-silver ang kulay niyon.

"What do you think you're doing, young lady?" mariing tanong kay Cindy ng may-ari ng dibdib na pinagpipiyestahan ng kanyang mga mata.

Pag-angat ng tingin ni Cindy ay nakasalubong niya ang kulay almond na mga mata ng lalaking sa tingin niya ay pinaka-guwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Matangos ang ilong nito ngunit iyong pang-Asian na ilong. Mapula at medyo makapal ang mga labi nitong nakasimangot. Maputi at sobrang kinis ng kanyang balat na para bang naglagay ito ng mamahaling concealer sa mukha. Wala man lang ito kahit na isang pores. Gusto tuloy mahiya at magtago ng mga pores niya sa mukha.

"Huh?" parang wala sa sarili na sagot ni Cindy sa lalaki. Nabatubalani yata siya sa angkin nitong kakisigan.

"Sa tingin mo ay saan nakadiin ang mga kamay mo?" matalim ang tingin na tanong pa ng lalaki kay Cindy.

Wala sa loob na bumaba ang tingin ni Cindy para tingnan kung saan nga nakadiin ang kanyang mga kamay. Nakita niyang hawak ng isang kamay niya ang kanyang cell phone at sa isang kamay naman ay ang napkin at parehong swak na nakadiin sa hinaharap nito. Biglang nanlaki ang mga mata ni Cindy kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi. Napasinghap siya ng malakas at napalayo sa lalaki. Saka niya na-realized na nakaupo pala ito sa wheelchair. Kaya naman pala hindi siya natumba at nangudngod sa sahig dahil dito siya bumagsak.

"S-Sorry. H-Hindi ko s-sinasadya. H-Hindi naman s-siguro napisa ang—" Napahinto sa pagsasalita si Cindy at muling napasinghap nang ma-realized kung ano ang tinutukoy niya.

Hindi napigilang matawa ng lalaking nakatayo malapit sa lalaking nakaupo sa wheel chair at ngayon lang napansin ni Cindy. Ngunit biglang napahinto ito sa pagtawa nang tapunan ng masamang tingin ng lalaking nakaupo sa wheelchair.

"Pasensiya ka na sa Boss ko, Miss. Mainitin lang talaga ang ulo niya," paumanhin sa kanya ng lalaking malamang ay tagatulak sa wheelchair.

"Let's go, Crispin," mariin ang boses na kausap ng lalaking guwapo ngunit masungit naman. Kusa na nitong pinagulong ang wheelchair. Kaya naman pala nitong pagulungin ang wheelchair dahil may parang kambyo iyon na nakalagay sa kanan sa may bandang arm rest.

Naiwan si Cindy na nananatiling nakatayo at hindi gumagalaw. Mayamaya ay bigla niyang naalala ang napkin niyang hawak kanina. Naiwan pala niya iyon sa hita ng lalaki dahil cell phone lang niya ang kanyang nadala.

"Sandali! May naiwan ako sa—" Hindi na natapos ni Cindy ang kanyang sasabihin dahil nakita niyang lumipad papunta sa kanya ang napkin na basta na lamang initsa ng patalikod ng masungit na lalaking nakaupo sa wheelchair. Hindi niya naiwasan ang napkin kaya tumama ito sa mukha niya bago nahulog sa sahig. "Napaka-ungentleman mo naman," kausap niya sa lalaki matapos pulutin ang dalawang packng napkin na nasa sahig. Pagtingin niya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki ay wala na pala sila. Siguro ay lumiko ito sa may kanto.

Naiiling na ipinagpatuloy na lamang ni Cindy ang paglalakad papunta sa cashier. Ngunit hindi niya napigilan ang maisip ang guwapong lalaki kanina. Bigla siyang nanghinayang na isa itong baldado. Pero bigla din siyang napasimangot nang maisip na masungit ito at hindi gentleman. Baldado n nga ang taong iyon tapos masungit pa. Tiyak na walang babaeng magnanais na maging asawa siya kahit gaano man siya kaguwapo.

Pagkatapos mabayaran ni Cindy ang napkin na kinuha niya ay agad na siyang umuwi sa bahay ng kanyang tito. Nasa labas pa lamang siya ng pintuan ay dinig na dinig na niya ang malakas na boses ni Lucy habang kausap ang mga magulang nito.

"I won't marry that crippled man, Mom. Dad. Kahit gaano pa siya kayaman ay wala pa rin itong silbi kung nakaupo lang siya sa wheelchair," malakas ang boses na sabi ni Lucy.

"But we don't have a choice, Lucy. Si Adam lamang ng makakapagsalba sa kumpanya natin," narinig ni Cindy na sagot naman ng kanyang Tito Lando.

"Tama ang Daddy mo, Lucy. Ayaw ka rin naman naming ipakasal sa inutil na iyon ngunit siya lamang ang natitira nating pag-asa para hindi tuluyang ma-bankrupt ang kumpanya ng ama mo," pangungumbinsi naman ng ina ni Lucy sa anak nito.

Nang pumasok sa loob ng bahay si Cindy ay saglit na nahinto sa pag-uusap ang tatlo.

"Nakabalik na po ako, Tito, Tita," kausap ni Cindy sa mga magulang ni Lucy. Tinapunan siya ng masamang tingin ng huli ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin.

"Dumiretso ka na sa silid mo at gawin mo kung ano ang mga gagawin ko at huwag ka nang makitsismis pa rito," nandidilat ang mga matang utos kay Cindy ni Aura.

"Opo," maikling tugon ni Cindy bago tumalikod at naglakad paakyat sa hagdanan.

"Anak, next week ay pupunta sa ibang bansa si Adam para magpa-opera sa kanyang mga paa. Ano ang malay natin kung pagbalik niya ay nakakalakad na pala siya?"

Nasa kalagitnaan pa lamang ng hagdan si Cindy kaya dinig pa niya ang sinabing iyon ng kanyang Tito Lando kay Lucy.

"Dad. Dalawang taon nang nakaupo sa wheelchair si Adam. Kung talagang may pag-asa pa na muli siyang makalakad ay dapat noon pa siya nakalakad. Paano kung hindi siya gumaling at muling makalakad pagkatapos ng kanyang operasyon? Eh, di mag-aalalaga ako ng isang asawang inutil? No way!" narinig pa ni Cindy na sagot ni Lucy sa ama nito. "At alam naman ninyo ang balita na madaling magalit at mainitin ang ulo ng Adam na iyan. Paano kung bigla na lamang niya akong saktan?"

Hindi na narinig ni Cindy kung ano ang isinagot ng ama ni Lucy dahil tuluyan na siyang nakaakyat sa hagdan. Hindi niya mapigilan ang maisip ang kalagayan ni Lucy. Naiintindihan niya ang pinsan niya kung bakit ganoon na lamang ang pagtutol nito na maikasal sa lalaking Adam ang pangalan na isa palang baldado. Talagang hindi ito papayag na  makapangasawa ng ganoong klaseng lalaki lalo pa at may nobyo ito. Biglang pumasok sa kanyang isip ang hitsura ng lalakibg nakaupo sa wheelchair na nakausap nkya kanina pagkatapos ay napailing. Tama ang kanyang naisip kanina na wala ngang babae na nanaising magpakasal sa isang lalaking nakatali sa wheelchair ang ang paa. Kahit man siya ay never na papayag na magpakasal sa lalaking ganoon lalo na kung ang taong iyon ay ang katulad ng masungit at mukhang antipatikong lalaki kanina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status